NAPAATRAS SI NATHAN nang makita si Matt, pumihit siya patalikod, akmang tatakbo palayo ngunit dalawang tauhan nito ang nakaharang sa daraanan niya. Para siyang maiihi sa takot. Pinagpapawisang pumihit siya paharap sa direksyon ni Matt. “Akala mo ba palalampasin ko iyong kagaguhang ginawa mo sa kapatid mo?” Galit na sabi nito nang makalapit na ito sa kanya, hinawakan nito ang ulo niya. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito, “Nagawa mong ipagkanulo ang kapatid mo para lang sa pera?” “P-pasensya na,” nangangatog ang tuhod na sabi niya, nalunok niya ang kanyang laway nang makita ang mahigit isang dosenang mga body guards nito. Wala siyang kawala kapag napagtulungan siya ng mga ito. “Nagipit lang ako. M-manganganak kasi ang asawa ko at wala akong ipon k-kaya nagawa ko iyon!” Itinaas nito ang ulo niya paharap sa mukha nito, “Eh di sana nagsabi ka na lang para natulungan kita!” “Nagtry ako p-pero ayaw ni Ate h
“MA’M pinagbabakasyon po muna kayo ni Sir kasama ng mga pamilya nyo. Naghihintay na po sa isang resort sa Batangas ang pamilya nyo.” Sabi ni Vicky nang pumasok ito sa kuwarto, “Gumayak na raw po kayo para maihatid kayo dun.” Nagulat si Natalia sa sinabing iyon ng katulong. “Naghihintay na po ang chopper na sasakyan ninyo.” Dagdag pa nito nang hindi siya gumagalaw. “Kasama si Matt?” Ngumiti ang babae, “Nasa Cebu po si Sir.” Umangat ang isang kilay niya, “Kasama si Regine?” “Hindi ko po alam, Sige na po Ma’m, gumayak na kayo para makasama nyo na ang pamilya nyo sa Batangas.” pagkasabi niyon ay lumabas na ng kuwarto ang babae.” Napatingin siya sa kanyang cellphone. Nagngingitngit siya sa inis habang iniisip na kasama ni Matt si Regine papunta sa Cebu. Natutukso na siyang kumpirmahin ang kanyang hinala. Ngunit ano namang ikakatwiran niya ditto kapag tinawagan niya ito? Naiiling na nagbihis
“ANO BANG MERON SI MATT at ayaw mo pa siyang lubayan?” Tanong ng ama ni Elena nang humingi siya dito ng tulong para kay Matt, “Ang dami namang ibang lalaki, bakit ipinagpipilitan moa ng sarili mo sa kanya? Bakit hindi mo na lang siya kalimutan?” “Kung kaya kong kalimutan si Matt, palagay nyo hindi ko gagawin? Nahihirapan na rin ako, Dad. Pero mahal ko talaga siya kaya lumalapit ako sa inyo. Minsan lang akong humiling saiyo, Dad. Eversince hindi kita nilapitan kahit gano pa kabigat ang problema ko. Pero hindi ko na alam kung anong gagawin ko,” umiiyak na sabi ni Elena sa ama. Hirap na hirap na ang kalooban niya. Palagay niya ay ginawa na niya ang lahat. Sinubukan na niya ang lahat ng pwedeng gawin para makuha si Matt and yet wala pa ring nangyayari. Napaisip ang matanda, saka napahinga ng malalim. Awang-awa ito habang nakatingin sa kanya. Nuon lang siya nito nakitang umiiyak. Kahit na kailan ay di siya nagpakita ng kahinaan sa kanyang pamilya but th
“KASAMA MO ko pero parang iba naman ang gusto mong kasama,” nakasimangot na sabi ni Regine habang kumakain sila ng hapunan ni Matt, “Pwede ka bang maging honest sakin?” Bahagya lang siya nitong tiningnan, “Tungkol saan?” “Tungkol kay Natalia,” aniya ditto. “Anong tungkol sa kanya?” Walang emosyon na tanong nito sa kanya. May pait sa mga labing napangiti siya, “Magaling ka ring magtago ng emotions mo eh, ano? Halata namang sinisikil mo lang yang nararamdaman mo sa kanya. Akala mo ba di ko napapansin na simula nang dalhin mo sa mansion ang babaeng iyon, palagi ka nang balisa kapag di mo siya kasama.” “I don’t owe you any explanations,” tipid na sagot nito sa kanya. “Talaga lang ha? Kasama mo ako ditto. . .” “Bayad ang bawat oras mo!” Maikling sabi nito sa kanya saka tumayo na. “Matt!!!” Tawag niya ditto ngunit ni hindi na siya nito nilingon pa. Tuloy tuloy lang ito sa paglalakad. Pikon na
“WHAT IS GOING ON?” Gulat na tanong ni Matt sa mga tauhan nang mabalitaang ipinapahinto ang operation ng kanyang factory sa Cebu. Umangat ang isang kilay niya nang mabasa ang sulat mula sa munisipyo tungkol sa naging paglabag raw ng kanilang factory kaya pansamantala ang suspension ng operation duon. “Pakitingnan ang tungkol sa bagay na ito, Mrs. Domingo,” aniya sa head ng operations, “Parang sunod-sunod na ito ah.” Tumango ang matandang babae. “Gusto kong alamin moa ng bawat detalye ng naging violations natin dahil pakiramdam ko may sumasabotahe na naman sa atin.” Dagdag niya saka nagmamadali nang umalis. Kung anu-ano ang tumatakbo sa utak niya habang binabagtas ang daan patungo sa hotel. Maya-maya ay tumunog ang kanyang cellphone. Si Elena ang tumatawag sa kanya. “Bakit na naman?” Matabang na tanong niya ditto. “Palagay ko, kailangan mo ng tulong ko.” Bigla siyang napaisip saka napahinga ng malali
“NASAAN SI MATT, gusto ko siyang makita?” Umiiyak at punong-puno ng pag-aalalang tanong ni Natalia kay Rigor. “Ma’m.” Maya-maya ay narinig niya ang boses ng ina ni Matt, “Anong ginagawa ng babaeng ‘yan ditto?” Dinig pa niyang tanong nito saka nilapitan siya, “Pwede bang bumalik ka na sa pinanggalingan mo? Ikaw ang nagdadala ng kamalasan sa buhay ng anak ko,” May ere ng aristokratang sabi ng babae sa kanya, “Hindi ka na nakakatuwa. Umalis ka na at huwag ka ng magpapakita pa sa buhay ng anak ko kahit na kailan.” Umiiyak na tiningnan niya ito, “Gusto ko lang pong ipaalala saiyo na kahit na kailan ay di ko ipinagpilitan ang sarili ko sa anak ninyo. Maaring hindi ninyo ako kauri pero kahit na kailan ay hindi ako kagaya ng ibang babaeng naiisip ninyo.” “Huwag mo nga akong pinagloloko. Umalis ka na at huwag ka ng magpapakita pa!” “Hindi ako aalis hangga’t hindi ko mismo naririnig kay Matt na pinaalis na niya ako,” matapang na sag
AFTER THREE DAYS ay dumating si Rigor sa bahay nila at sinusundo siya. Masaya siyang malaman na nakauwi na sa mansion si Matt. “Pwede bang huwag mo ng ipaalam sa kanya iyong mga sinabi ng nanay niya sa akin? Ayokong mag-away na naman silang mag-ina.” Pakiusap niya ditto nang nasa loob na siya ng sasakyan. Tumango ito. “At please, huwag na huwag mo ring ipapaalam na minomonitor ko ang kondisyon nya.” “Okay po ma’m.” “Salamat.” Pagkarating niya sa mansion ay pinuntahan niya kaagad si Matt sa kuwarto nito. Galit ito nang makita siya. “Anong klase ka, ni hindi ka man lang nag-aalala sakin? Sa halip na bantayan mo ko sa ospital, sinamantala mo ang pagkakataong iyon para umuwi sa inyo?” Singhal nito sa kanya. Napatingin siya kay Rigor saka nakaismid na tiningnan si Matt, “Bakit naman ako mag-aalala saiyo eh mukha namang mas malakas ka pa sa kalabaw!” Pagsisinungaling niya. Kung alam lamang n
INIRAPAN lamang ni Elena si Natalia nang masalubong niya ito sa loob ng mansion ni Matt saka dirediretsong pinuntahan ang binata sa kuwarto nito. “Matt. . .” nag-aalalang sabi niya nang makita ito. Walang kangiti-ngiting tiningnan siya nito. “Kapag nalaman kong may kinalaman ka dito, alam mon a siguro kung anong gagawin ko!” Banta nito sa kanya. “Hey, pinagbibintangan mo ba ako? Sa palagay mo magagawa kong ipabaril ka? Matt, alam mong ‘yan ang pinakahuli kong gagawin!” Hindi ito kumibo. Nilapitan niya ang lalaki, “Sa dami ng kaaway mo sa negosyo. . .at sa dami ng mga naiinggit saiyo, ako pa talaga ang pinaghihinalaan mo?” “Hindi ako ipinanganak kahapon, Elena. Alam ko kung paano ka maglaro makuha mo lang kung ano ang gusto mo!” Nasaktan siya sa sinabing iyon ng lalaki. Oo may kinalaman ang ama niya kung bakit nasuspende ang operation ng planta nito sa Cebu ngunit kahit na kailan ay hindi siya haha