AFTER THREE DAYS ay dumating si Rigor sa bahay nila at sinusundo siya. Masaya siyang malaman na nakauwi na sa mansion si Matt. “Pwede bang huwag mo ng ipaalam sa kanya iyong mga sinabi ng nanay niya sa akin? Ayokong mag-away na naman silang mag-ina.” Pakiusap niya ditto nang nasa loob na siya ng sasakyan. Tumango ito. “At please, huwag na huwag mo ring ipapaalam na minomonitor ko ang kondisyon nya.” “Okay po ma’m.” “Salamat.” Pagkarating niya sa mansion ay pinuntahan niya kaagad si Matt sa kuwarto nito. Galit ito nang makita siya. “Anong klase ka, ni hindi ka man lang nag-aalala sakin? Sa halip na bantayan mo ko sa ospital, sinamantala mo ang pagkakataong iyon para umuwi sa inyo?” Singhal nito sa kanya. Napatingin siya kay Rigor saka nakaismid na tiningnan si Matt, “Bakit naman ako mag-aalala saiyo eh mukha namang mas malakas ka pa sa kalabaw!” Pagsisinungaling niya. Kung alam lamang n
INIRAPAN lamang ni Elena si Natalia nang masalubong niya ito sa loob ng mansion ni Matt saka dirediretsong pinuntahan ang binata sa kuwarto nito. “Matt. . .” nag-aalalang sabi niya nang makita ito. Walang kangiti-ngiting tiningnan siya nito. “Kapag nalaman kong may kinalaman ka dito, alam mon a siguro kung anong gagawin ko!” Banta nito sa kanya. “Hey, pinagbibintangan mo ba ako? Sa palagay mo magagawa kong ipabaril ka? Matt, alam mong ‘yan ang pinakahuli kong gagawin!” Hindi ito kumibo. Nilapitan niya ang lalaki, “Sa dami ng kaaway mo sa negosyo. . .at sa dami ng mga naiinggit saiyo, ako pa talaga ang pinaghihinalaan mo?” “Hindi ako ipinanganak kahapon, Elena. Alam ko kung paano ka maglaro makuha mo lang kung ano ang gusto mo!” Nasaktan siya sa sinabing iyon ng lalaki. Oo may kinalaman ang ama niya kung bakit nasuspende ang operation ng planta nito sa Cebu ngunit kahit na kailan ay hindi siya haha
KUNG hindi sila naawat ni Rigor, malamang ay sa ospital pareho ang bagsak nila ni Elena dahil lalabanan rin niya ito. Ngunit mabilis silang naawat ni Rigor at ng mga katulong sa bahay kaya hanggang sabunutan lang ang nangyari sa kanilang dalawa. “Pupunta ka sa bahay ko para magdala lang ng gulo?” Inis na sita ni Matt kay Elena, saka nilingon ang lahat ng mga tauhan, “Ayoko ng makita pa ang pagmumukha niya ditto. Sa oras na makapasok pa siya ditto, lahat kayo mananagot,” anitong tumagal ang tingin kay Aida, “Lalo ka na. Alam kong isa ka sa tinatawagan niya para sumagap ng balita.” Umiiyak si Elena na tumingin sa kanya, “This is too much, Matt. May araw ka rin sakin. Kayo ng babaeng ‘yan!” Pagkasabi niyon ay nagmartsa na itong palabas ng bahay. Pagkaalis nito ay siya naman ang hinarap ni Matt. “Next time, tumakbo ka na kagad palayo kapag alam mong may panganib. Alam mo naman na siguro ang tama ng isang iyon?” “
INI-HANG na ni Danilo ang pakikipag-usap sa anak. Hindi na niya kailangang ipaliwanag pa ditto kung bakit niya ipinabaril si Matt sa tauhan niya. Napag-alaman niyang si Matt ang humarang sa investor niya para makapasok ang malaking halaga ng pera sa kanyang kompanya. Dahilan ng pagkalugi ng isa sa kanyang mga negosyo. Kaya hindi na lamang niya kinakalaban si Matt ngayon para takutin ito. Kinalaban na niya ito ngayon para makapaghiganti. Kaibigan pala nito ang isa sa mga investors niya sa Thailand at binalaan nito iyon sa hindi magandang takbo ng kanyang negosyo kaya napurnada ang pagpasok sana nito ng pera sa kanyang kompanya. Lingid sa kaalaman ng kanyang pamilya ay unti-unti ng nalulugi sa kanyang mga negosyo dahil sa mali-maling transactions na pinasok niya. Malaking tulong sana ang bagong investor na iyon ngunit napurnada dahil sa pakikialam ni Matt. Kaya binigyan niya ito ng leksyon. Sa oras na makialam na naman ito, talagang
“DAD, WHAT THE HELL IS THIS ALL ABOUT?” Sita ni Elena sa ama nang makarating sa kanya ang balitang may kinalaman ito sa pamamaril kay Matt, “Totoo bang may kinalaman ka sa nangyari kay Matt?” “Fake news ‘yan!” “Dad, hindi sinasadyang narinig ko ang pakikipag-usap mo sa isa sa mga tauhan mo. Inutusan mo siyang takutin si Matt. Dad, what if hindi nakailag si Matt? Muntikan mo na siyang mapatay, Dad. At hindi ko kayo mapapatawad kapag may nangyaring masama sa kanya!” “Sana nga pala sinabi ko sa tao kong tuluyan na ang lalaking iyon para magising ka na sa katotohanan, Elena!” Anang Daddy niya, ibinalik na ang atensyon sa binabasang mga papelis. “Dad, kapag may nangyaring masama kay Matt, kalimutan nyo na lang na anak nyo ako!” Babala niya sa ama saka nagmamartsang lumabas ng opisina nito. Hindi niya talaga mapapatawad ang kanyang ama kapag pinatay nito si Matt. Hindi naman lingid sa kaalaman niyang marami-rami na ring naipapatay ang Dadd
AKMANG papasok muli si Natalia sa kuwarto ni Matt para icheck ang lagay nito ngunit pinagbawalan siya ni Rigor. Kunot-nuong napatingin siya sa lalaki. “Ayaw po ni Sir maabala ngayon,” paliwanag nito sa kanya. Tumango siya saka bumalik na sa kanyang kuwarto. Oo nga naman. Sino ba naman siya para asikasuhin ito? Masama ang loob niya nang mahiga. Hindi pa rin mawala sa isip niya kung sino ang nagtangkang bumaril ditto. Kalaban sa negosyo? Kung hindi ito nagtagumpay, maaring ulitin nito ang pamamaril. Kinilabutan siya. Hindi talaga siya mapalagay simula nang mabaril ito. May mga oras na nagigising pa siya at napapaisip. Hindi yata niya kakayanin kapag may nangyaring masama ditto. Sinisikap niyang burahin na ito sa puso niya. Ngunit ewan ba niya kung bakit habang pinipilit niyang huwag mahulog ang loob niya rito ay parang mas lalo pang tumitindi itong nararamdaman niya para ditto.“SIR, AYAW NYO bang may babaeng nag-aala
NAPABALIKWAS SI NATALIA nang bumukas ang pinto. Nakita niya si Matt, nagamamadali itong lumapit sa kanya at hinaklit ang bewang niya saka siniil siya ng halik sa kanyang mga labi. Kung gaano kainit ang mga halik nito ay ganuon rin siya. As if napakatagal nilang hindi nagkita kaya sabik na sabik siya habang tinutugon ang bawat halik nito. Hindi talaga niya maipagsisinungaling ang nararamdaman niya para sa lalaking ito. Mahal niya ito. Kung bakit ay hindi niya alam. Basta ang tanging alam lang niya, umiibig siya sa lalaking ito. Muntikan na siyang makalimot kaya napahigpit ang yakap niya rito. Saka lang niya naalalang may sugat nga pala ito sa kaliwanang balikat nang makita niya itong napangiwi, “I’m sorry,” sabi niya ditto. “It’s okay. Medyo kumirot lang.” “I think we should not do this, may sakit ka pa,” paalala niya sa lalaki. Napangisi ito, “Ano ba sa palagay moa ng gusto kong gawin natin ngayon?” Pilyong tanong nit
MAAGANG UMALIS SI MATT sa mansion kinabukasan. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya nalalaman kung sino ang nagtangkang bumaril sa kanya. “Sir. . .” nag-aalala si Rigor nang sabihin niya ditong babalikan niya ang lugar kung saan siya nabaril. Sinikap niyang huwag itong ipaalam sa media kaya maging ang imbestigasyon tungkol dito ay hindi pwedeng disclose ng ng mga pulis sa kahit na kanino. “Hindi gumagana ang mga cctv ditto,” aniyang napaisip. Pakiramdam niya ay may isa sa mga tauhan niya ang tumatraydor sa kanya. Hindi malalaman ng nagtangkang pumatay sa kanya ang ruta niya maliban na lamang kung may isang insider ang nag tip ditto. Nilingon niya si Rigor, “Sino sa palagay moa ng mahigpit kong kalaban sa negosyo?” Tanong niya habang matiim na nakatingin ditto. Bawat galaw ng kanyang mga body guards at mga tauhan ay palihim niyang inoobserbahan. Wala siyang pwedeng pagkatiwalaan kahit na sino hangga’t hindi natutukoy kung sino ang
HABANG HINUHUBAD ni Matt ang suot niyang wedding gown ay titig na titig siya rito. Hindi pa rin niya mapaniwalaan na asawa na niya ito ngayong gabing ito. Asawang tunay hindi kagaya nang nauna nilang kasal na parehong hindi pa nila tiyak ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa. This time ay siguradong-sigurado na sila. Napapikit siya nang bumagsak ang suot niyang wedding gown sa sahig at titigan nito ng buong pagnanasa ang magandang hubog ng kanyang katawan. Saka nagmamadali nitong kinalas ang suot niyang bra at parang batang sinupsup ang kaliwang dibdib niya, habang ang isang kamay nito ay abala sa paghuhubad ng suot niyang panty. “Matt. . .” tawag niya ng buong pagmamahal sa pangalan nito, ang kanyang kamay ay malayang ginagalugad ang likuran nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya saka hinubad ang lahat nitong suot. Mas lalong nag-init ang kanyang buong katawan nang malantad ang waring hinulma na katawan ng asawa. Nangigil na napakagat labi siya ha
HABANG NAGLALAKAD patungo sa altar si Natalia ay hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang naiisip ang mga pinagdaanan niya para lamang makamit ang pag-ibig na pinakahahangad niya. Alam niyang hindi siya ganuon kadaling matatanggap ng buong pamilya ni Matt ngunit nangako sa kanya ang lalaki na kahit na anong mangyari ay ipaglalaban nito ang pag-ibig nito para sa kanya. Besides, wala naman na itong pakialam kahit itakwil pa ito ng pamilya, ang mahalaga ay magkasama silang dalawa. Kaya nga kahit si Dean lamang ang pamilya ni Matt na dumalo sa kasal nito ay itinuloy pa rin nila ang pag-iisang dibdib. This time ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan nila, harangan man sila ng sibat. Nakapagpaalam na rin si Matt sa lahat nitong mga empleyado. Ang lahat ng negosyo nito ay ibinenta na nito. Ang pamamahala sa negosyo ng pamilya ay tinanggihan na rin nito. Nakapagpasya na silang pagkatapos ng kanilang kasal ay sa isang isla sa Palawan
“FUCK NO!!!!” NAPABALIKWAS SI ELENA nang magising kinabukasan katabi ni Bamboo na hubot hubad, “Fuck no!” Pinangingilabutang sigaw niya habang unti-unting naalala ang namagitan sa kanila ng kanyang alalay nang nagdaang gabi. Parang siyang masusuka na di niya mawari. Paano nangyaring ibinigay niya ang kanyang sarili sa lalaking ito. “Ma’m?” Bumangon ito at tangkang lalapitan siya ngunit nandidiring tumakbo siya sa loob ng banyo at kinandado iyon, “Go away,” sigaw niya rito, “Lumayas ka na at ayokong makita pa ang pagmumukha mo.” “Ma’m mahal kita!” Dinig niyang sigaw ni Bamboo sa kanya. Tuluyan na siyang napasuka sa narinig. Iniisip pa lamang niyang makikipagrelasyon siya sa isang mababang uring gaya ni Bamboo ay pinangingilabutan na siya. Ano na lamang ang sasabihin ng mga kaibigan niya sa kanya? Tiyak na pagtatawanan siya ng mga ito kapag pumatol siya sa isang gaya ng lalaking ito? “Ma’m okay lang ho ba kayo?” Nag-aalalang tanong nit
“IKAW BA TALAGA ANG PINSAN KO NA SI MATT?” Natatawang tanong ni Dean sa lalaki habang pinapanuod itong waring gutom na gutom na nilalantakan ang dala nitong mga pagkain. Napapangiti lang si Natalia habang pinood ito. Nuon lamang niya nakitang kumain ng ganito karami si Matt. Napagod marahil ng husto sa paglilinis kaya napaparami ang kain. “And what about you? Ikaw ba talaga yan?” sagot ni Matt kay Dean, “Look at you, never ka pang nagging ganito sa ibang babae.” Napangisi si Dean, saka nagkibit ng balikat. Maya-maya ay sabay na nagkatawanan ang mga ito na waring nagkaunawaan na ang kanilang mga mata sa kung ano ang nagawa ng pag-ibig sa kanila. Kung nuon ay pareho sila ng paniniwalang isang kalokohan ang pag-ibig, ngayon ay pareho rin silang nagkakaganito ngayon nang dahil sa pag-ibig. “Pero tanggapin natin ang katotohanang ngayon lang tayo nagging ganito kasaya, hindi ba?” Sabi ni Dean. “I know,” masayang sagot naman ni
HINDI makapaniwala si Natalia habang tinititigan niya si Matt, kusang pumapatak ang kanyang mga luha sa mga naririnig mula sa lalaki. “Mahal mo rin ako? K-kailan mo pa naramdaman ‘yan?”Tanong niya rito. “I don’t know. Baka matagal na. . .hindi ko alam, pero kailangan pa bang malaman kung kelan? Ang mahalaga, mahal kita.”” Napakurap-kurap siya walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapaniwalaan na isang araw ay darating ang sandaling ito na napakatagal rin niyang hinintay. “I love you, Natalia.” “I love you too, Matt.” Punong-puno ng kaligayahang sabi niya rito. Wala na siguro siyang mahihiling pa ng mga sandaling yon. Wala talagang imposible sa taimtaim na nanalangin at nanampalataya. Ibinigay ng Diyos ang kanyang panalangin. Kailangan lang niyang maghintay ngunit worth it naman ang paghihintay niyang ito. Nang muling angkinin ni Matt ang kanyang mga labi ay buong pagmamahal niya iyong
RAMDAM NI MATT ANG matinding galit ni Natalia at hindi niya ito masisisi. Kahit naman sinong matinong babae ay magagalit sa mga ginawa niya rito and yet ramdam niya at nakikita niya sa mga mata nito na mahal pa rin siya nito kaya kahit ipinagtatabuyan siya nitong palayo ay nagpilit siyang yakapin ito. “Please get off me, ayaw na kitang makita pa!” sigaw nito sa kanya ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang yakap rito saka siniil ito ng halik sa mga labi. Sa umpisa ay nanlalaban pa ito ngunit unti-unti ay bumigay na rin ito at nagpaubaya na sa kanyang mga labi na buong pagmamahal na inaangkin ang mga labi nito. Ramdam niyang tinugon na rin nito ng mainit at buong puso ang kanyang mga halik. Damn, si Natalia lamang ang babaeng kailangan niya at ito lamang ang makakapagpapuno sa emptiness na nararamdaman niya. Dinukot niya ang engagement ring at inilabas iyon, saka humiwalay rito para lumuhod sa harapan nito, “Will you marry me, Natalia?”
NANG MAGMULAT ng mga mata si Matt ay nasa loob siya ng ospital. Si Natalia kaagad ang kanyang hinanap. Nang di niya ito makita ay nagmamadali siyang tumayo. “Matt, saan ka pupunta?” Nag-aalalang tanong ni Elena sa kanya ngunit parang walang naririnig na tinawagan niya si Rigor para ipaalam ditto na pupuntahan nila si Natalia. “Natalia? Hindi mo na ba talaga makakalimutan ang babaeng iyon?” Yamot na sigaw ni Elena sa kanya ngunit di na lamang niya ito pinansin. Natatandaan na niya ang lahat. Mahal niya si Natalia. Hindi lamang katawan nito ang kailangan niya kundi ang kabuuan nito at ang lahat-lahat ditto. Naalala na niyang bago maganap ang aksidente ay nakapagdesisyon na siyang ibenta ang lahat ng kanyang mga negosyo. Nasabi na rin niya sa ama na hindi niya tatanggapin ang alok nitong pamahalaan ang kanilang negosyo at ipagkatiwala na lamang nito iyon sa iba. He was about to propose at nakapagplano na siyang pakasalang muli si Nata
“WHAT IS WITH HER, RIGOR?” Halos paanas lamang na tanong niya sa lalaki nang tanggapin niya mula rito ang iniabot nitong whisky sa kanya, “Bakit hindi sya mawala sa isipan ko?” “Sir, nang gabing mangyari ang aksidente, nanggaling ka sa bahay nila. Actually masayang-masaya ka ng araw na iyon. Nakapagpasya ka ng ibenta ang lahat ninyong mga negosyo at magretire sa isa sa mga isla na nabili ninyo. Hula ko, kung hindi nagkaroon ng emergency, nakatakda ka ng magpropose k-kay Natalia. May binili na kayong engagement ring para sa kanya, Sir.” Natigilan siya. “Sabi nyo pa nga, gusto ninyo siyang pakasalang muli sa simbahan.” Napakunot nuo siya. Wala siyang matandaan ni isa sa mga sinasabi nito. Siya, magreretire? Wala sa bukabularyo niya ang magretire lalo na ng ganito kaaga. Napangisi siya, “I guess masyado kang nagpapanood ng mga pelikula kaya kung anu-anong naiisip mo,” natatawang sabi niya kay Rigor. “May ambush interview
“MINSAN MAHIRAP basahin kung anong tumatakbo sa utak ng pinsan kong iyon kaya nga napakagaling nya pagdating sa pagnenegosyo,” sagot ni Dean kay Girlie, “Kaya di natin alam kung nagpapanggap na lang syang wala syang naalala ngayon.” “Kung anuman nasa utak nya, bahala sya basta sana tupdin ni Ate iyong pangako nya sa kanyang sarili na talagang kakalimutan na nya ang lalaking iyon,” sabi ni Girlie. “Madaling sabihin, mahirap gawin. Ilang beses kong sinubukang kalimutan ka pero di ko nagawa.” Napairap si Girlie kay Dean, “Iba naman iyong satin dahil pareho nating love ang isa’t-isa. But in Ate’s case, sya lang ang nagmamahal.” “I don’t think so. Palagay ko, nuong nagdesisyon si Matt na iwanan na ang lahat, gusto nan yang lumagay sa tahimik. And then the accident happened. At may palagay akong mahal nya si Natalia kaya gusto na nya ng tahimik ma buhay.” Natawa si Girlie, “Iyong lalaking iyon, magmamahal? Ewan ko lang pero kah