Share

CHAPTER 93

KUNG hindi sila naawat ni Rigor, malamang ay sa ospital pareho ang bagsak nila ni Elena dahil lalabanan rin niya ito.

Ngunit mabilis silang naawat ni Rigor at ng mga katulong sa bahay kaya hanggang sabunutan lang ang nangyari sa kanilang dalawa.

“Pupunta ka sa bahay ko para magdala lang ng gulo?” Inis na sita ni Matt kay Elena, saka nilingon ang lahat ng mga tauhan, “Ayoko ng makita pa ang pagmumukha niya ditto. Sa oras na makapasok pa siya ditto, lahat kayo mananagot,” anitong tumagal ang tingin kay Aida, “Lalo ka na. Alam kong isa ka sa tinatawagan niya para sumagap ng balita.”

Umiiyak si Elena na tumingin sa kanya, “This is too much, Matt. May araw ka rin sakin. Kayo ng babaeng ‘yan!” Pagkasabi niyon ay nagmartsa na itong palabas ng bahay.

Pagkaalis nito ay siya naman ang hinarap ni Matt.

“Next time, tumakbo ka na kagad palayo kapag alam mong may panganib. Alam mo naman na siguro ang tama ng isang iyon?”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status