“DAD, WHAT THE HELL IS THIS ALL ABOUT?” Sita ni Elena sa ama nang makarating sa kanya ang balitang may kinalaman ito sa pamamaril kay Matt, “Totoo bang may kinalaman ka sa nangyari kay Matt?” “Fake news ‘yan!” “Dad, hindi sinasadyang narinig ko ang pakikipag-usap mo sa isa sa mga tauhan mo. Inutusan mo siyang takutin si Matt. Dad, what if hindi nakailag si Matt? Muntikan mo na siyang mapatay, Dad. At hindi ko kayo mapapatawad kapag may nangyaring masama sa kanya!” “Sana nga pala sinabi ko sa tao kong tuluyan na ang lalaking iyon para magising ka na sa katotohanan, Elena!” Anang Daddy niya, ibinalik na ang atensyon sa binabasang mga papelis. “Dad, kapag may nangyaring masama kay Matt, kalimutan nyo na lang na anak nyo ako!” Babala niya sa ama saka nagmamartsang lumabas ng opisina nito. Hindi niya talaga mapapatawad ang kanyang ama kapag pinatay nito si Matt. Hindi naman lingid sa kaalaman niyang marami-rami na ring naipapatay ang Dadd
AKMANG papasok muli si Natalia sa kuwarto ni Matt para icheck ang lagay nito ngunit pinagbawalan siya ni Rigor. Kunot-nuong napatingin siya sa lalaki. “Ayaw po ni Sir maabala ngayon,” paliwanag nito sa kanya. Tumango siya saka bumalik na sa kanyang kuwarto. Oo nga naman. Sino ba naman siya para asikasuhin ito? Masama ang loob niya nang mahiga. Hindi pa rin mawala sa isip niya kung sino ang nagtangkang bumaril ditto. Kalaban sa negosyo? Kung hindi ito nagtagumpay, maaring ulitin nito ang pamamaril. Kinilabutan siya. Hindi talaga siya mapalagay simula nang mabaril ito. May mga oras na nagigising pa siya at napapaisip. Hindi yata niya kakayanin kapag may nangyaring masama ditto. Sinisikap niyang burahin na ito sa puso niya. Ngunit ewan ba niya kung bakit habang pinipilit niyang huwag mahulog ang loob niya rito ay parang mas lalo pang tumitindi itong nararamdaman niya para ditto.“SIR, AYAW NYO bang may babaeng nag-aala
NAPABALIKWAS SI NATALIA nang bumukas ang pinto. Nakita niya si Matt, nagamamadali itong lumapit sa kanya at hinaklit ang bewang niya saka siniil siya ng halik sa kanyang mga labi. Kung gaano kainit ang mga halik nito ay ganuon rin siya. As if napakatagal nilang hindi nagkita kaya sabik na sabik siya habang tinutugon ang bawat halik nito. Hindi talaga niya maipagsisinungaling ang nararamdaman niya para sa lalaking ito. Mahal niya ito. Kung bakit ay hindi niya alam. Basta ang tanging alam lang niya, umiibig siya sa lalaking ito. Muntikan na siyang makalimot kaya napahigpit ang yakap niya rito. Saka lang niya naalalang may sugat nga pala ito sa kaliwanang balikat nang makita niya itong napangiwi, “I’m sorry,” sabi niya ditto. “It’s okay. Medyo kumirot lang.” “I think we should not do this, may sakit ka pa,” paalala niya sa lalaki. Napangisi ito, “Ano ba sa palagay moa ng gusto kong gawin natin ngayon?” Pilyong tanong nit
MAAGANG UMALIS SI MATT sa mansion kinabukasan. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya nalalaman kung sino ang nagtangkang bumaril sa kanya. “Sir. . .” nag-aalala si Rigor nang sabihin niya ditong babalikan niya ang lugar kung saan siya nabaril. Sinikap niyang huwag itong ipaalam sa media kaya maging ang imbestigasyon tungkol dito ay hindi pwedeng disclose ng ng mga pulis sa kahit na kanino. “Hindi gumagana ang mga cctv ditto,” aniyang napaisip. Pakiramdam niya ay may isa sa mga tauhan niya ang tumatraydor sa kanya. Hindi malalaman ng nagtangkang pumatay sa kanya ang ruta niya maliban na lamang kung may isang insider ang nag tip ditto. Nilingon niya si Rigor, “Sino sa palagay moa ng mahigpit kong kalaban sa negosyo?” Tanong niya habang matiim na nakatingin ditto. Bawat galaw ng kanyang mga body guards at mga tauhan ay palihim niyang inoobserbahan. Wala siyang pwedeng pagkatiwalaan kahit na sino hangga’t hindi natutukoy kung sino ang
MATAPOS IBABA ANG TELEPONO ay galit na galit na lumabas ng kanyang opisina si Tony. Mas lalong tumindi ang inis na nararamdaman niya kay Matt. Sa dinami-dami ng galit ditto, bakit naman siya pa ang napaghinalaan nitong gustong bumaril ditto? Tinawagan niya si Dean at kinatagpo ito. “Susunugin mo rin lang ang factory ng pinsan mo, mag-iiwan ka pa ng ebedensya!” Galit na sabi niya sa anak. Gulat na napatingin ito sa kanya, yamot na inilapag niya ang mga larawang nagtuturo ditto, “Ibinigay ‘yan sa akin ni Matt kanina. Hindi na raw siya magsasampa ng kaso laban sa iyo. Pero kapag inulit mo pa raw, sa kulungan ang bagsak mo!” Galit na sabi niya ditto. Nagdilim ang mukha ni Dean. Naiinis siya sa anak dahil palagi na lamang itong talunan. Malayong-malayo sa personality ng pamangkin niyang si Matt. Isa rin iyong sa ikinagagalit niya. Pakiramdam kasi niya ay kahit marami na siyang pera, talunan pa rin siya pagdating sa pinsan niyang si P
“BINALIKAN MO iyong lugar kung saan ka binaril? God, Matt alam mo ba kung anong kapahamakan ‘yang pinapasok mo?” Sita ni Natalia kay Matt nang makauwi na ito sa bahay. Hindi ito umimik. Parang pagod na dire-diretso ito sa kuwarto nito. Naiinis na sinundan niya ito. “Hindi k aba natatakot na hindi ka tigilan ng bumaril saiyo gang di ka niya napapatay?” Aniyang para ng maiiyak, “Sana man lang isipin mo iyong kaligtasan mo.” Tahimik lang ito. “What if matuluyan ka? What if. . .” Bigla itong tumayo at lumapit sa kanya, “What if mamatay ako at maputol na lahat itong lahat ng tinatamasa ninyo ng pamilya mo, iyon ba ang inaalala mo, ha Natalia?” Naniningkit ang mga matang tanong nito sa kanya. Nabigla siyang iyon ang naisip nito sa kanya. “Ganyan ba kababa ang tingin mo sakin, ha Matt?” May pait sa mga labing napangisi ito, “Hah, at gusto mong paniwalaan kong mahal mo nga ako? Damn Natalia! Tam
HINDI AKALAIN ni Natalia na pag-iisipan ng masama ni Matt ang pagmamalasakit na nararamdaman niya para ditto. Hindi siya makapaniwalang ganuon kadumi itong mag-isip. From now on, hindi na lamang niya ito iintindihin pa. Tutal ay wala rin naman itong pakialam sa nararamdaman niya. Bakit ng aba niya sasayangin ang energy niya sa taong di naman pinapahalagahan ang damdamin niya? Ang gusto na lamang niya ay makaalis sa mansion na ito. Hanggang kailan ba siya balak maging bihag ng lalaking iyon? “Ma’m, nakahanda na ang hapunan,” anang maid mula sa labas ng kuwarto. “Hindi ako nagugutom,” matamlay na sagot niya rito saka pinikit na ang mga mata. Ngunit bandang ala-una ng madaling araw ay kumalam ang sikmura niya kaya’t lumabas siya ng kuwarto upang kumuha ng makakain sa fridge. Nagulat siya nang pagbalik sa kuwarto ay makita si Matt sa labas. Pinamulahan siya ng mukha lalo pa at nakita niyang sinisipat siya nito. Pinagbibint
NAGWAWALA SI ELENA sa harapan ng ama. “Dad, paano nyo nagawa sakin ito? Alam nyo namang ang laki na ng hirap ko para maimpress sakin ang buong pamilya ni Matt, bakit sinira nyo ang pangalan natin sa isang iglap lang?” “Anak, ano bang ipinag-aalala mo? Malakas ako sa Presidente kaya hindi nila masisira ang pangalan natin,” kalmadong sagot ng matanda sa kanya. “No, Dad. Matibay ang mga ebdensyang nagtuturo sa inyo, paano nyo ito malulusutan?” Bulyaw ni Elena. “Relax. Hindi ako pababayaan ng mahal na pangulo. Besides, kasama sa payroll ko ang mga nasa DOJ kaya wala kang dapat na ipag-aalala.” Saka lamang siya kumalma. “Pero titiyakin kong masisira ko ang pangalan ng Matt na iyon,” sabi ng kanyang ama sa kanya. “Daddy, please, tantanan nyo na si Matt,” pakiusap ni Elena sa ama, “Ipaubaya nyo na sya sa akin, please Daddy?” Hindi ito umimik. “Kapag ginulo nyo pa si Matt, kalimuta