“BINALIKAN MO iyong lugar kung saan ka binaril? God, Matt alam mo ba kung anong kapahamakan ‘yang pinapasok mo?” Sita ni Natalia kay Matt nang makauwi na ito sa bahay. Hindi ito umimik. Parang pagod na dire-diretso ito sa kuwarto nito. Naiinis na sinundan niya ito. “Hindi k aba natatakot na hindi ka tigilan ng bumaril saiyo gang di ka niya napapatay?” Aniyang para ng maiiyak, “Sana man lang isipin mo iyong kaligtasan mo.” Tahimik lang ito. “What if matuluyan ka? What if. . .” Bigla itong tumayo at lumapit sa kanya, “What if mamatay ako at maputol na lahat itong lahat ng tinatamasa ninyo ng pamilya mo, iyon ba ang inaalala mo, ha Natalia?” Naniningkit ang mga matang tanong nito sa kanya. Nabigla siyang iyon ang naisip nito sa kanya. “Ganyan ba kababa ang tingin mo sakin, ha Matt?” May pait sa mga labing napangisi ito, “Hah, at gusto mong paniwalaan kong mahal mo nga ako? Damn Natalia! Tam
HINDI AKALAIN ni Natalia na pag-iisipan ng masama ni Matt ang pagmamalasakit na nararamdaman niya para ditto. Hindi siya makapaniwalang ganuon kadumi itong mag-isip. From now on, hindi na lamang niya ito iintindihin pa. Tutal ay wala rin naman itong pakialam sa nararamdaman niya. Bakit ng aba niya sasayangin ang energy niya sa taong di naman pinapahalagahan ang damdamin niya? Ang gusto na lamang niya ay makaalis sa mansion na ito. Hanggang kailan ba siya balak maging bihag ng lalaking iyon? “Ma’m, nakahanda na ang hapunan,” anang maid mula sa labas ng kuwarto. “Hindi ako nagugutom,” matamlay na sagot niya rito saka pinikit na ang mga mata. Ngunit bandang ala-una ng madaling araw ay kumalam ang sikmura niya kaya’t lumabas siya ng kuwarto upang kumuha ng makakain sa fridge. Nagulat siya nang pagbalik sa kuwarto ay makita si Matt sa labas. Pinamulahan siya ng mukha lalo pa at nakita niyang sinisipat siya nito. Pinagbibint
NAGWAWALA SI ELENA sa harapan ng ama. “Dad, paano nyo nagawa sakin ito? Alam nyo namang ang laki na ng hirap ko para maimpress sakin ang buong pamilya ni Matt, bakit sinira nyo ang pangalan natin sa isang iglap lang?” “Anak, ano bang ipinag-aalala mo? Malakas ako sa Presidente kaya hindi nila masisira ang pangalan natin,” kalmadong sagot ng matanda sa kanya. “No, Dad. Matibay ang mga ebdensyang nagtuturo sa inyo, paano nyo ito malulusutan?” Bulyaw ni Elena. “Relax. Hindi ako pababayaan ng mahal na pangulo. Besides, kasama sa payroll ko ang mga nasa DOJ kaya wala kang dapat na ipag-aalala.” Saka lamang siya kumalma. “Pero titiyakin kong masisira ko ang pangalan ng Matt na iyon,” sabi ng kanyang ama sa kanya. “Daddy, please, tantanan nyo na si Matt,” pakiusap ni Elena sa ama, “Ipaubaya nyo na sya sa akin, please Daddy?” Hindi ito umimik. “Kapag ginulo nyo pa si Matt, kalimuta
HINDI AKALAIN NI MATT na ang Presidente mismo ang tumawag sa kanya para ibalato na rito ang atraso ni Mr. Danilo Uy sa kanya. Gaano ba ito kalakas sa Presidente? Napilitan tuloy siyang iurong na lamang ang kaso laban sa matandang Uy. Kahit makapangyarihan sya at mayaman, kailangan niyang makisama kung hindi’y maapektuhan ang mga negosyo niya. Heto nga at ginipit na siya sa isang planta niya sa Cebu. Kung kaya’t nakipagkasundo siya sa Pangulo na tanggalin ang suspension ng operation ng factory niya kapalit ng pag-urong niya sa kasong isinampa niya kay Mr. Danilo Uy. Nakipagkasundo naman sa kanya ang Pangulo. Nangako rin ito sa kanya na di na siya guguluhin pa ni Danilo Uy.` Sana lamang ay panghawakan ng mga ito ang pangako kung hindi’y hindi na rin siya mananahimik lang. Alam niya ang baho ng mga ito at isisiwalat niya ang mga iyon sa oras na guluhin pa siya ng mga ito. Pagkatapos ng pakikipag-usap sa Pangulo ay umuwi na siya sa mansion. Dumiretso siya s
WALANG MAGAWA SI NATALIA. Nababagot na siya sa bahay at pakiramdam niya ay mababaliw na sya kung kaya’t naisipan na lamang niyang tumulong sa mga katulong sa paglilinis ng bahay. “Ma’m, naku naman malalagot kami nito kay Sir. . .” sabi ni Vicky nang magpumilit siyang makialam sa mga trabaho nito. “Hindi naman niya malalaman, bakit ba natatakot ka? Saka ako naman ang may gusto nito.” Aniya. “Magswimming na lang kasi kayo. Ang lawak ng swimming pool. Gamitin nyo,” anang isang katulong sa kanya. “Oo nga ma’m. Magswimming na lang kayo. Naku, kung kasing seksi ninyo ako, araw-araw akong nakabathing suit,” sabi ni Vicky. Napasimangot ang isang maid, “Ini-imagine ko pa lang na nakasuim suit ka, masusuka na ako!” nakairap na sabi ditto ng isang katulong. “Uy ha, feeling mo naman!” Irap ni Vicky ditto. Habang nag-aasaran ang dalawang katulong ay lumayo siya sa mga ito at naupo. Pakiramdam niya ay umiikot a
HINDI ALAM NI MATT ang eksaktong nararamdaman niya habang papunta sa kanyang opisina. Dapat ba siyang magcelebrate dahil buntis si Natalia? Hindi niya tiyak. Naguguluhan siya sa bagong damdamin na lumulukob sa kanya ng mga sandaling iyon. Hindi siya handang maging ama. Hindi rin niya alam kung papaano maging ama. Napakurap-kurap siya. Maya-maya ay tinawagan niya ang kanyang sekretarya para ipare-schedule na lamang ang kanyang meeting. Inutusan niya ang driver na umuwi na lamang sila sa bahay. Si Natalia kaagad ang pinuntahan niya nang makauwi na sa bahay. Dinatnan niya itong parang malayo ang iniisip habang nakaupo sa gilid ng kama. Hindi niya alam kung masaya ba itong malaman na nagdadalantao ito. Pakiramdam niya, hindi nito gusto ang magbuntis. “Iniisip mo bang ipalaglag ang bata?” Tanong niya ditto. Kumunot ang nuo nito. Nagkibit siya ng balikat, “Kung iniisip mong ipalaglag ang bata. . .”
“MAS MABUTING duon na muna si Natalia sa kanila habang medyo busy ako. Mabuti na rin iyong makasama niya ang pamilya niya sa unang buwan ng pagbubuntis niya. Pero gusto kong matiyak ang safety niya kaya padalhan mo sya ng tatlong katulong at limang body guards,” sabi ni Matt kay Rigor, “At pakitawagan mo na rin si Regine, papuntahin mo siya sa bahay.” “Yes Sir,” sagot ni Rigor sa kanya. Nagtungo siya sa banyo at naligo. Bago umalis ay pinuntahan niya si Natalia, nakagayak na ito nang datnan niya sa kuwarto nito. “Sasamahan ka ng tatlong katulong at limang body guards sa inyo,” sabi niya rito. “Hindi ko kailangan ng body guards at ng maid. Kaya ko naman ang sarili ko. Saka walang matutulugan ang mga iyon sa. . .” “Ipinauna ko na iyong dalawang katulong dun para ayusin iyong dalawang bakanteng kuwarto dun para sa kanila.” Aniya ditto. Nag-angat ito ng isang kilay, “So pati sa bahay namin ikaw na rin ang nagde
“WOW ATE, ang sarap naman pala ng ganito, may mamahaling service na tayo, may body guards pa tayo. Mabuti na lang si Kuya Matt ang napangasawa mo,” nakangising sabi ni Junjun sa kanya. Mula sa rear view mirror ay nakita niyang napatingin sa kanya ang driver ng Mercedez Benz na sinasakyan nila. Hindi na lamang siya umimik pa. Kung alam lamang ni Junjun ang lahat ng mga hirap ng kalooban na pinagdadaanan niya at kung paano siya ituring ni Matt, baka masabi nitong napakamalas naman ng kapalaran niya. Ngunit syempre pa ay hindi na niya kailangang ipaalam pa iyon sa mga kapatid. Ayaw naman niyang mag-aalala pa ang mga ito. “Ate Nat, pwede ba tayong mag-take out ng halo-halo mamaya?” Si Marco, “Miss ko na iyong halo-halo sa Mang Inasal.” “Oo bah,” aniya ditto. “Ate, ang saya-saya ko talagang magtatagal ka sa bahay.” Sabi ni Marco na niyapos pa ang isang braso niya, “Sana wag ka na lang umalis.” “Hindi pwede iyon. Me