WALANG MAGAWA SI NATALIA. Nababagot na siya sa bahay at pakiramdam niya ay mababaliw na sya kung kaya’t naisipan na lamang niyang tumulong sa mga katulong sa paglilinis ng bahay. “Ma’m, naku naman malalagot kami nito kay Sir. . .” sabi ni Vicky nang magpumilit siyang makialam sa mga trabaho nito. “Hindi naman niya malalaman, bakit ba natatakot ka? Saka ako naman ang may gusto nito.” Aniya. “Magswimming na lang kasi kayo. Ang lawak ng swimming pool. Gamitin nyo,” anang isang katulong sa kanya. “Oo nga ma’m. Magswimming na lang kayo. Naku, kung kasing seksi ninyo ako, araw-araw akong nakabathing suit,” sabi ni Vicky. Napasimangot ang isang maid, “Ini-imagine ko pa lang na nakasuim suit ka, masusuka na ako!” nakairap na sabi ditto ng isang katulong. “Uy ha, feeling mo naman!” Irap ni Vicky ditto. Habang nag-aasaran ang dalawang katulong ay lumayo siya sa mga ito at naupo. Pakiramdam niya ay umiikot a
HINDI ALAM NI MATT ang eksaktong nararamdaman niya habang papunta sa kanyang opisina. Dapat ba siyang magcelebrate dahil buntis si Natalia? Hindi niya tiyak. Naguguluhan siya sa bagong damdamin na lumulukob sa kanya ng mga sandaling iyon. Hindi siya handang maging ama. Hindi rin niya alam kung papaano maging ama. Napakurap-kurap siya. Maya-maya ay tinawagan niya ang kanyang sekretarya para ipare-schedule na lamang ang kanyang meeting. Inutusan niya ang driver na umuwi na lamang sila sa bahay. Si Natalia kaagad ang pinuntahan niya nang makauwi na sa bahay. Dinatnan niya itong parang malayo ang iniisip habang nakaupo sa gilid ng kama. Hindi niya alam kung masaya ba itong malaman na nagdadalantao ito. Pakiramdam niya, hindi nito gusto ang magbuntis. “Iniisip mo bang ipalaglag ang bata?” Tanong niya ditto. Kumunot ang nuo nito. Nagkibit siya ng balikat, “Kung iniisip mong ipalaglag ang bata. . .”
“MAS MABUTING duon na muna si Natalia sa kanila habang medyo busy ako. Mabuti na rin iyong makasama niya ang pamilya niya sa unang buwan ng pagbubuntis niya. Pero gusto kong matiyak ang safety niya kaya padalhan mo sya ng tatlong katulong at limang body guards,” sabi ni Matt kay Rigor, “At pakitawagan mo na rin si Regine, papuntahin mo siya sa bahay.” “Yes Sir,” sagot ni Rigor sa kanya. Nagtungo siya sa banyo at naligo. Bago umalis ay pinuntahan niya si Natalia, nakagayak na ito nang datnan niya sa kuwarto nito. “Sasamahan ka ng tatlong katulong at limang body guards sa inyo,” sabi niya rito. “Hindi ko kailangan ng body guards at ng maid. Kaya ko naman ang sarili ko. Saka walang matutulugan ang mga iyon sa. . .” “Ipinauna ko na iyong dalawang katulong dun para ayusin iyong dalawang bakanteng kuwarto dun para sa kanila.” Aniya ditto. Nag-angat ito ng isang kilay, “So pati sa bahay namin ikaw na rin ang nagde
“WOW ATE, ang sarap naman pala ng ganito, may mamahaling service na tayo, may body guards pa tayo. Mabuti na lang si Kuya Matt ang napangasawa mo,” nakangising sabi ni Junjun sa kanya. Mula sa rear view mirror ay nakita niyang napatingin sa kanya ang driver ng Mercedez Benz na sinasakyan nila. Hindi na lamang siya umimik pa. Kung alam lamang ni Junjun ang lahat ng mga hirap ng kalooban na pinagdadaanan niya at kung paano siya ituring ni Matt, baka masabi nitong napakamalas naman ng kapalaran niya. Ngunit syempre pa ay hindi na niya kailangang ipaalam pa iyon sa mga kapatid. Ayaw naman niyang mag-aalala pa ang mga ito. “Ate Nat, pwede ba tayong mag-take out ng halo-halo mamaya?” Si Marco, “Miss ko na iyong halo-halo sa Mang Inasal.” “Oo bah,” aniya ditto. “Ate, ang saya-saya ko talagang magtatagal ka sa bahay.” Sabi ni Marco na niyapos pa ang isang braso niya, “Sana wag ka na lang umalis.” “Hindi pwede iyon. Me
“BASTA ang narinig ko, buntis siya,” sumbong ni Aida kay Elena nang tawagan niya ito para alamin ang nangyayari kina Matt at Natalia. “What, buntis ang babaeng iyon? Sigurado ka ba?” “Opo Ma’m Elena. Pero wag nyo na sanang ipaalam kay Sir Matt na sa akin nanggaling ang balita ha? Baka malagot na naman ako kay Sir. Mapag-iinitan na naman ako nun. Baka maghinala na siya na ako talaga ang nagsusumbong sa inyo.” “Don’t worry, Aida. Hanggang nasa akin ang loyalty mo, wala kang magiging problema. Basta bawat kilos nila, at lahat ng nangyayari sa boss mo, ipaalam mo sakin, maliwanag ba?” “Yes Ma’m. Alam nyo naman ako. Nasa inyo talaga ang loyalty ko, Ma’m.” Pagkatapos makipag-usap sa maid ni Matt ay tinawagan niya ang ina nito. Ngunit ayaw nitong sagutin ang tawag niya. Naiinis siya sa kanyang Daddy. Nang dahil ditto ay nasira siya sa mga magulang ni Matt. Kailangan niyang mabalik ang tiwala ng mga magulang n
“BUNTIS KA?” Gulat na tanong ng Papang niya sa kanya nang mapansin nitong palagi siyang naduduwal. Napatungo siya. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang ama. Nguni tang hindi niya pagsasalita ay katumbas na rin ng pag-amin niya sa kalagayan niya. “B-Bakit ka nagpabuntis?” Tanong nito sa kanya. Hindi niya masagot ang tanong ng ama. Nakita niyang pumatak ang mga luha nito, “Kasalanan ko ang lahat ng ito,” mahinang sabi nito, “Hindi ka malalagay sa alanganin kung hindi dahil sa akin.” “Pang ginusto ko rin ang nangyari kaya ‘wag ninyong sisihin ang sarili ninyo,” pagbibigay assurance niya ditto. Naguguluhang napatingin ito sa kanya. Napahikbi siya, “M-mahal ko po si Matt. Hindi ko plinanong mangyari ang lahat ng ito pero nangyari.. .at sa maniwala kayo at sa hindi, natutunan ko na pong mahalin si Matt.” “Mahal ka rin ba niya?” May pait sa mga labing napangiti siya, “M-Marunong bang umibig iyong mga
“INIIWASAN nyo ba ako, Tita Irene?” Tanong ni Elena sa matandang babae nang hindi sinasadyang magkita sila sa isang restaurant. Akmang lalabas na ito para iwasan siya ngunit mabilis niya itong sinundan. Dumilim ang anyo ng matanda, “Hindi naman siguro kaila saiyo kung bakit?” “Tita, nakausap ko na si Daddy. Nangako siya sa aking hindi na niya uulitin ang nangyari kay Matt. Besides, kasalanan din naman ni Matt dahil pinakialaman niya ang investor ni Daddy,” Paliwanag niya rito, “Pero hindi tungkol dun ang dahilan kung bakut gusto kitang makausap.” Kumunot ang nuo nito. “Pwede bang maupo tayo saglit para makapag-usap tayo ng maayos?” Request niya sa matanda. “Sige, pero sandali lang tayo.” Anitong nilingon ang dalawang alalay sa likuran, “Hinatayin nyo muna ako sa labas, mag-uusap lang kami saglit,” sabi nito saka pumili ng pwesto na malapit sa may pinto at naupo. Naupo rin siya sa may tabi nito. “Bili
“WHAT THE HELL IS THIS, MATT? Hinayaan na nga kitang iuwi sa bahay moa ng babaeng iyon, binuntis mo pa?” Galit na tanong ni Irene nang punatahan nito si Matt sa opisina. “Ma. . .ano na naman ba ito?” Iritadong sabi niya sa ina, “I am old enough to decide on my own kaya please lang, tigilan nyo na ang pakikialam sa buhay ko.” “Anak kita kaya hindi mo maiaalis sakin na di mag-aalala.” Nag-angat ang isang kilay niya, “Don’t you think it’s too late to meddle in my affair, ma?” May halo ng sarcasm ang tono ng boses na tanong niya sa ina. “Matt. . .” “I don’t need your opinion now, Ma,” sabi niya sa ina saka muling hinarap ang ginagawa. Dumilim ang mukha nito, “Ganyan ka na ba kabastos ngayon? Bakit, dahil narating moa ng kinalalagyan mo ngayon sa sarili mong pagsisikap? Matteo, kahit gaano pa katayog ang narrating mo, huwag mo sanang kalilimutang anak lang kita!” “Iyon na nga ang masakit ‘ma kahit kelan