“WHAT THE HELL IS THIS, MATT? Hinayaan na nga kitang iuwi sa bahay moa ng babaeng iyon, binuntis mo pa?” Galit na tanong ni Irene nang punatahan nito si Matt sa opisina. “Ma. . .ano na naman ba ito?” Iritadong sabi niya sa ina, “I am old enough to decide on my own kaya please lang, tigilan nyo na ang pakikialam sa buhay ko.” “Anak kita kaya hindi mo maiaalis sakin na di mag-aalala.” Nag-angat ang isang kilay niya, “Don’t you think it’s too late to meddle in my affair, ma?” May halo ng sarcasm ang tono ng boses na tanong niya sa ina. “Matt. . .” “I don’t need your opinion now, Ma,” sabi niya sa ina saka muling hinarap ang ginagawa. Dumilim ang mukha nito, “Ganyan ka na ba kabastos ngayon? Bakit, dahil narating moa ng kinalalagyan mo ngayon sa sarili mong pagsisikap? Matteo, kahit gaano pa katayog ang narrating mo, huwag mo sanang kalilimutang anak lang kita!” “Iyon na nga ang masakit ‘ma kahit kelan
“MA’M ipapasundo raw kayo ni Sir mamayang tanghali para sa check up ninyo sa doctor,” sabi ni Vicky nang pumasok sa kanyang kuwarto. Tumango siya. Kaninang umaga nang bumaba siya para mag-almusal ay hindi na niya dinatnan pa si Matt. Maaga raw itong umalis dahil may ka-meeting kaya excited sana siyang makita ito ngayong tanghali. Ngunit palagay niya ay masyado itong busy. Imposible namang samahan pa siya nito sa pagpapa-check up? Ngunit may isang bahagi sa dibdib niya ang umaasa. Iyong parang katulad sa isang normal na pamilya kapag nagdadalantao ang asawa. Aalagaan siya ni Matt, sasamahan sa pagpapacheck up, tas sabay silang mag-e-exercise. But of course hanggang pangarap lang naman niya iyon. Napakalayo sa katotohanan. Eksaktong alas-dose ay sinundo siya ng driver ni Matt kasama ng mga body guards nito sa kanyang OB-Gyne para sa kanyang regular check up. At gaya ng kanyang inaasahan, hindi nito kasama si Matt. Pagkatapos magpa
INIS NA tinapos na ni Matt ang pagkain at tumayo, “Babayaran na ni Rigor ang lahat ng ‘yan, kung tapos ka na, magpahatid ka na sa driver,” malamig ang tonong sabi niya kay Natalia saka mabilis na itong iniwan sa restaurant. Nayayamot siya rito. Bakit kailangan pa nilang pag-usapan ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa? Hindi siya ipinanganak kahapon para hindi malaman kung ano ang tunay nitong motibo sa kanya. At papaniwalain pa siya nitong mahal siya nito? Inayos niya ang kanyang suot na necktie saka napapailing na bumalik na sa kanyang opisina. Malapit lamang iyon sa restaurant na pinagkitaan nila ni Natalia kaya nilakad lamang niya pabalik duon. Napapailing siya habang inaalala ang mga sinabi nito sa kanya. Napaismid siya. Mahal? Kalokohan! At kung sakali mang totoo iyon, hindi siya tanga para magmahal. Wala iyon sa kanyang bukabularyo. Kaya naiinis siya kapag ganito ang nagiging usapan nila ni Natalia. Hah, ano
TALAGANG hinintay ni Natalia na makarating sa bahay si Matt para makausap ng masinsinan. Pagkatapos nilang maghapunan ay pinuntahan niya ito sa kuwarto nito para makapag-usap sila nang walang ibang makakarinig sa kanila. Medyo naasiwa pa siya nang hubarin nito ang suot na polo shirt kaya umiwas siya ng tingin ditto. Napansin naman ni Matt ang pagka-awkward niya, bahagya itong napaismid, “Don’t act as if walang nangyayari sa atin,” patuyang sabi nito sa kanya. Napalunok siya saka matuwid na humarap ditto, ewan ba niya kung bakit kahit ang lakas ng aircon sa kuwarto nito ay pinagpapawisan siya. “Ayokong lumaki sa ganitong environment ang magiging anak ko. K-kung hindi mo ako kayang mahalin, pwede bang palayain mo na lang ako?” Nakikiusap na sabi niya rito, “Hayaan mo na lang akong bumalik sa bahay namin.” “At sa palagay mo, magandang environment ang kalalakhan ng bata sakaling bumalik ka sa inyo?” May sarcasm sa tonong sabi nito sa kany
HINDI MAPAKALI SI AIDA ng araw na iyon. Bagama’t natatakot ay wala siyang choice kundi sundin ang ipinag-uutos ni Elena. Kilala niya kung paano ito magalit at alam niyang sa oras na hindi siya sumunod sa utos nito ay ito ang makakalaban niya. Mahirap itong kalaban. Tiyak na hindi siya nito titigilan. Kaya kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano magagawa ang pakay nang walang makakahalata sa kanya. Hindi talaga mapalagay ang kalooban niya. Nakokonsensya siya. Hindi naman ganuon kalakas ang loob niya. Ngunit baka pamilya niya ang mapagbalingan ni Elena kapag hindi siya sumunod ditto. Ngayon niya pinagsisihan kung bakit nakipagsabwatan siya ditto nuon. Ngayon ay wala na talagang atrasan ito. Kung sa umpisa pa lamang ay hindi siya nakipagtulungan sa mga maiitim nitong balak, hindi siguro siya uutusan ni Elena na gumawa ng ganito. Kinakabahan siya. Paano kung mabisto siya? Tiyak na sa kalaboso ang bagsa
PAGKAGISING ay diretso kaagad ng banyo si Natalia. Bahagya pa siyang nakapikit nang maupo sa toilet bowl. Nang tumayo ay iinat-inat pa siyang naglakad patungo sa sink para maghilamos at magtooth brush. Ngunit bago pa niya magawa iyon ay nadulas na siya. Napagat labi siya dahil masama ang posisyon ng pagkakabagsak niya. Maya-maya ay napatili siya nang makitang nagdurugo ang kanyang mga binti. Naisip niya ang mga sinabi niya kay Matt kagabi. Hindi siya seryoso nang sabihin niya rito na gusto niyang ipa-abort ang bata. Parusa ba ito sa kanya ng langit? Nanlalamig siya sa sobrang takot. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyari sa bata. “Vicky!!! Saklolo!” sigaw niya, maya-maya ay nakaramdam siya ng pagdidilim ng kanyang paningin. Hinawakan niya ang kanyang ulo. Pagtingin niya sa kanyang kamay ay may dugo na iyon. Hindi niya napansing tumama pala sa toilet bowl ang ulo niya. Hindi niya alam kung dala ng takot o
NAGKATINGINAN sina Rigor at si Vicky nang marinig ang pagwawala sa loob ng kuwarto ng kanilang amo. Alam ni Rigor na talagang nasaktan ang kanyang boss. Hindi man nito aminin sa kanya ay halata niya ang excitement sa mukha nito nang malamang nagdadalantao si Natalia kaya naman ang sakit-sakit ditong malaman na pinaasa lamang naman pala ito saw ala. Alam niyang may takot ito and yet mas matimbang ang excitement nito sa ideyang magkakaanak na ito kaya hindi niya ito masisisi kung makaramdam ng galit ng dahil sa nangyari.“Bakit naman kasi hindi nag-iingat si Ma’m Natalia, alam naman niyang buntis siya,” mahinang sabi ni Vicky.“Aksidente nga, di ba?” sagot ni Rigor.“Nagtataka lang ako, bakit may nagkalat na shampoo sa sahig ng banyo niya?” Takang tanong ni Vicky ditto saka nilingon si Manang Aida. “Manang, hindi baa ng linis-linis ng banyo ‘nung gabing linisin ko? Kayo ang testigo na malinis ang banyo dahil tsinek ninyo?”“Syempre naliligo si Ma’m Natalia sa gabi kaya m
“IHA, may dinaramdam ka ba?” Tanong ni Mang Oliver sa anak nang mapansin niya ang pananamlay nito habang nakaupo sa may veranda. Mag-dadalawang Linggo na ito sa bahay at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ito ipinasusundo ni Matt. Nagsawa na ba ang lalaking iyon sa kanyang anak? Iling lamang ang isinagot ni Natalia sa kanya. Hindi naman niya ito masisisi kung hindi ito sanay mag-open up ng mga problema sa kanya. Ano ba ang nagawa niyang maganda para dito? Kung tutuusin, siya ang puno’t dulo ng lahat ng mga paghihirap na pinagdadaanan ng kanyang anak. “Kasalanan kong lahat ito. Hindi ako nagging mabuting ama sa inyong lahat kaya nagkakaganito ang buhay natin.” “Papang, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na kalimutan na nating lahat iyong mga nangyari nuon. Ang mahalaga, natuto tayong lahat sa ating mga pagkakamali,” sabi ni Natalia sa kanya. Ngunit hindi pa rin niya maiwasang hindi makaramdam ng guilt. Hindi na siguro niya
HABANG HINUHUBAD ni Matt ang suot niyang wedding gown ay titig na titig siya rito. Hindi pa rin niya mapaniwalaan na asawa na niya ito ngayong gabing ito. Asawang tunay hindi kagaya nang nauna nilang kasal na parehong hindi pa nila tiyak ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa. This time ay siguradong-sigurado na sila. Napapikit siya nang bumagsak ang suot niyang wedding gown sa sahig at titigan nito ng buong pagnanasa ang magandang hubog ng kanyang katawan. Saka nagmamadali nitong kinalas ang suot niyang bra at parang batang sinupsup ang kaliwang dibdib niya, habang ang isang kamay nito ay abala sa paghuhubad ng suot niyang panty. “Matt. . .” tawag niya ng buong pagmamahal sa pangalan nito, ang kanyang kamay ay malayang ginagalugad ang likuran nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya saka hinubad ang lahat nitong suot. Mas lalong nag-init ang kanyang buong katawan nang malantad ang waring hinulma na katawan ng asawa. Nangigil na napakagat labi siya ha
HABANG NAGLALAKAD patungo sa altar si Natalia ay hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang naiisip ang mga pinagdaanan niya para lamang makamit ang pag-ibig na pinakahahangad niya. Alam niyang hindi siya ganuon kadaling matatanggap ng buong pamilya ni Matt ngunit nangako sa kanya ang lalaki na kahit na anong mangyari ay ipaglalaban nito ang pag-ibig nito para sa kanya. Besides, wala naman na itong pakialam kahit itakwil pa ito ng pamilya, ang mahalaga ay magkasama silang dalawa. Kaya nga kahit si Dean lamang ang pamilya ni Matt na dumalo sa kasal nito ay itinuloy pa rin nila ang pag-iisang dibdib. This time ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan nila, harangan man sila ng sibat. Nakapagpaalam na rin si Matt sa lahat nitong mga empleyado. Ang lahat ng negosyo nito ay ibinenta na nito. Ang pamamahala sa negosyo ng pamilya ay tinanggihan na rin nito. Nakapagpasya na silang pagkatapos ng kanilang kasal ay sa isang isla sa Palawan
“FUCK NO!!!!” NAPABALIKWAS SI ELENA nang magising kinabukasan katabi ni Bamboo na hubot hubad, “Fuck no!” Pinangingilabutang sigaw niya habang unti-unting naalala ang namagitan sa kanila ng kanyang alalay nang nagdaang gabi. Parang siyang masusuka na di niya mawari. Paano nangyaring ibinigay niya ang kanyang sarili sa lalaking ito. “Ma’m?” Bumangon ito at tangkang lalapitan siya ngunit nandidiring tumakbo siya sa loob ng banyo at kinandado iyon, “Go away,” sigaw niya rito, “Lumayas ka na at ayokong makita pa ang pagmumukha mo.” “Ma’m mahal kita!” Dinig niyang sigaw ni Bamboo sa kanya. Tuluyan na siyang napasuka sa narinig. Iniisip pa lamang niyang makikipagrelasyon siya sa isang mababang uring gaya ni Bamboo ay pinangingilabutan na siya. Ano na lamang ang sasabihin ng mga kaibigan niya sa kanya? Tiyak na pagtatawanan siya ng mga ito kapag pumatol siya sa isang gaya ng lalaking ito? “Ma’m okay lang ho ba kayo?” Nag-aalalang tanong nit
“IKAW BA TALAGA ANG PINSAN KO NA SI MATT?” Natatawang tanong ni Dean sa lalaki habang pinapanuod itong waring gutom na gutom na nilalantakan ang dala nitong mga pagkain. Napapangiti lang si Natalia habang pinood ito. Nuon lamang niya nakitang kumain ng ganito karami si Matt. Napagod marahil ng husto sa paglilinis kaya napaparami ang kain. “And what about you? Ikaw ba talaga yan?” sagot ni Matt kay Dean, “Look at you, never ka pang nagging ganito sa ibang babae.” Napangisi si Dean, saka nagkibit ng balikat. Maya-maya ay sabay na nagkatawanan ang mga ito na waring nagkaunawaan na ang kanilang mga mata sa kung ano ang nagawa ng pag-ibig sa kanila. Kung nuon ay pareho sila ng paniniwalang isang kalokohan ang pag-ibig, ngayon ay pareho rin silang nagkakaganito ngayon nang dahil sa pag-ibig. “Pero tanggapin natin ang katotohanang ngayon lang tayo nagging ganito kasaya, hindi ba?” Sabi ni Dean. “I know,” masayang sagot naman ni
HINDI makapaniwala si Natalia habang tinititigan niya si Matt, kusang pumapatak ang kanyang mga luha sa mga naririnig mula sa lalaki. “Mahal mo rin ako? K-kailan mo pa naramdaman ‘yan?”Tanong niya rito. “I don’t know. Baka matagal na. . .hindi ko alam, pero kailangan pa bang malaman kung kelan? Ang mahalaga, mahal kita.”” Napakurap-kurap siya walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapaniwalaan na isang araw ay darating ang sandaling ito na napakatagal rin niyang hinintay. “I love you, Natalia.” “I love you too, Matt.” Punong-puno ng kaligayahang sabi niya rito. Wala na siguro siyang mahihiling pa ng mga sandaling yon. Wala talagang imposible sa taimtaim na nanalangin at nanampalataya. Ibinigay ng Diyos ang kanyang panalangin. Kailangan lang niyang maghintay ngunit worth it naman ang paghihintay niyang ito. Nang muling angkinin ni Matt ang kanyang mga labi ay buong pagmamahal niya iyong
RAMDAM NI MATT ANG matinding galit ni Natalia at hindi niya ito masisisi. Kahit naman sinong matinong babae ay magagalit sa mga ginawa niya rito and yet ramdam niya at nakikita niya sa mga mata nito na mahal pa rin siya nito kaya kahit ipinagtatabuyan siya nitong palayo ay nagpilit siyang yakapin ito. “Please get off me, ayaw na kitang makita pa!” sigaw nito sa kanya ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang yakap rito saka siniil ito ng halik sa mga labi. Sa umpisa ay nanlalaban pa ito ngunit unti-unti ay bumigay na rin ito at nagpaubaya na sa kanyang mga labi na buong pagmamahal na inaangkin ang mga labi nito. Ramdam niyang tinugon na rin nito ng mainit at buong puso ang kanyang mga halik. Damn, si Natalia lamang ang babaeng kailangan niya at ito lamang ang makakapagpapuno sa emptiness na nararamdaman niya. Dinukot niya ang engagement ring at inilabas iyon, saka humiwalay rito para lumuhod sa harapan nito, “Will you marry me, Natalia?”
NANG MAGMULAT ng mga mata si Matt ay nasa loob siya ng ospital. Si Natalia kaagad ang kanyang hinanap. Nang di niya ito makita ay nagmamadali siyang tumayo. “Matt, saan ka pupunta?” Nag-aalalang tanong ni Elena sa kanya ngunit parang walang naririnig na tinawagan niya si Rigor para ipaalam ditto na pupuntahan nila si Natalia. “Natalia? Hindi mo na ba talaga makakalimutan ang babaeng iyon?” Yamot na sigaw ni Elena sa kanya ngunit di na lamang niya ito pinansin. Natatandaan na niya ang lahat. Mahal niya si Natalia. Hindi lamang katawan nito ang kailangan niya kundi ang kabuuan nito at ang lahat-lahat ditto. Naalala na niyang bago maganap ang aksidente ay nakapagdesisyon na siyang ibenta ang lahat ng kanyang mga negosyo. Nasabi na rin niya sa ama na hindi niya tatanggapin ang alok nitong pamahalaan ang kanilang negosyo at ipagkatiwala na lamang nito iyon sa iba. He was about to propose at nakapagplano na siyang pakasalang muli si Nata
“WHAT IS WITH HER, RIGOR?” Halos paanas lamang na tanong niya sa lalaki nang tanggapin niya mula rito ang iniabot nitong whisky sa kanya, “Bakit hindi sya mawala sa isipan ko?” “Sir, nang gabing mangyari ang aksidente, nanggaling ka sa bahay nila. Actually masayang-masaya ka ng araw na iyon. Nakapagpasya ka ng ibenta ang lahat ninyong mga negosyo at magretire sa isa sa mga isla na nabili ninyo. Hula ko, kung hindi nagkaroon ng emergency, nakatakda ka ng magpropose k-kay Natalia. May binili na kayong engagement ring para sa kanya, Sir.” Natigilan siya. “Sabi nyo pa nga, gusto ninyo siyang pakasalang muli sa simbahan.” Napakunot nuo siya. Wala siyang matandaan ni isa sa mga sinasabi nito. Siya, magreretire? Wala sa bukabularyo niya ang magretire lalo na ng ganito kaaga. Napangisi siya, “I guess masyado kang nagpapanood ng mga pelikula kaya kung anu-anong naiisip mo,” natatawang sabi niya kay Rigor. “May ambush interview
“MINSAN MAHIRAP basahin kung anong tumatakbo sa utak ng pinsan kong iyon kaya nga napakagaling nya pagdating sa pagnenegosyo,” sagot ni Dean kay Girlie, “Kaya di natin alam kung nagpapanggap na lang syang wala syang naalala ngayon.” “Kung anuman nasa utak nya, bahala sya basta sana tupdin ni Ate iyong pangako nya sa kanyang sarili na talagang kakalimutan na nya ang lalaking iyon,” sabi ni Girlie. “Madaling sabihin, mahirap gawin. Ilang beses kong sinubukang kalimutan ka pero di ko nagawa.” Napairap si Girlie kay Dean, “Iba naman iyong satin dahil pareho nating love ang isa’t-isa. But in Ate’s case, sya lang ang nagmamahal.” “I don’t think so. Palagay ko, nuong nagdesisyon si Matt na iwanan na ang lahat, gusto nan yang lumagay sa tahimik. And then the accident happened. At may palagay akong mahal nya si Natalia kaya gusto na nya ng tahimik ma buhay.” Natawa si Girlie, “Iyong lalaking iyon, magmamahal? Ewan ko lang pero kah