Share

CHAPTER 112

“MA’M ipapasundo raw kayo ni Sir mamayang tanghali para sa check up ninyo sa doctor,” sabi ni Vicky nang pumasok sa kanyang kuwarto.

Tumango siya. Kaninang umaga nang bumaba siya para mag-almusal ay hindi na niya dinatnan pa si Matt. Maaga raw itong umalis dahil may ka-meeting kaya excited sana siyang makita ito ngayong tanghali. Ngunit palagay niya ay masyado itong busy. Imposible namang samahan pa siya nito sa pagpapa-check up?

Ngunit may isang bahagi sa dibdib niya ang umaasa. Iyong parang katulad sa isang normal na pamilya kapag nagdadalantao ang asawa. Aalagaan siya ni Matt, sasamahan sa pagpapacheck up, tas sabay silang mag-e-exercise. But of course hanggang pangarap lang naman niya iyon. Napakalayo sa katotohanan.

Eksaktong alas-dose ay sinundo siya ng driver ni Matt kasama ng mga body guards nito sa kanyang OB-Gyne para sa kanyang regular check up. At gaya ng kanyang inaasahan, hindi nito kasama si Matt.

Pagkatapos magpa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status