Share

CHAPTER 119

HINDI KUMIBO SI MATT matapos ireport sa kanya ni Rigor ang lahat ng nangyayari kay Natalia sa bawat araw na pamamalagi nito sa bahay nito. Naiinis siya sa sarili dahil ang totoo ay gusto na niya itong pabalikin sa mansion ngunit iniisip niyang baka mas masaya ito kapag kasama nito ang buong pamilya kung kaya’t pinigilan niya ang sarili. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang kanyang loob sa nangyari sa kanilang anak.

Alam niyang hindi nito gustong magkaanak sa kanya. Mahal siya nito? Huh, baka sinasabi lamang iyon ni Natalia dahil sa pakinabang na nakukuha ng buong pamilya nito sa kanya. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa babaeng iyon? Kanino pa ba ito magmamana kundi sa ama nito na manggagamit!

Itinaas niya ang isang kamay bilang senyales kay Rigor na makakaalis na ito. Kaagad namang lumabas ng kanyang opisina ang lalaki. Nagbuga siya ng isang malalim na hininga saka hinarap ang kanyang mga binabasang papelis.

Ngunit maya-maya ay parang nabubu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status