“ATE, kung hindi dahil kay Matt, hindi magbabago ang buhay ko kaya nalulungkot akong malaman na naghiwalay na pala kayo,” malungkot na sabi ni Girlie kay Natalia nang malaman nito ang nangyari sa kanila. Nasa veranda silang dalawa ng kanilang bahay at masinsinang nag-uusap habang natutulog na ang kanilang Papang at mga kapatid. May pait sa mga labing napangiti siya, “Kahit paano ay masaya akong may magandang kinahinatnan ang pagkakakilala namin ni Matt.” Halos paanas lang na sabi niya kay Girlie. “Oo nga pero nasasaktan akong malamang hindi rin nagtagal ang pagsasama ninyo dahil sigurado ako ate, minahal ka ni Matt.” Napailing siya, “Ginamit lang niya ako para pasakitan si Papang.” “Ate, tinulungan nya akong magbago. Kami ni Nathan. Palagay mo, kung ang intension nya kaya ka nya pinakasalan ay para pasakitan si Papang, bakit nya kami tinulungan?” Hindi siya nakasagot. May point rin naman si Girlie. Bakit nito tinulungan a
“HINDI NINYO NAKAUSAP SI NATALIA, SIR?” Takang tanong ni Rigor sa kanyang boss. Pinagtatakhan niyang hiniling nitong makipag-usap sa kanyang amo and yet hindi naman pala iyon tumuloy sa opisina nito. Nangunot ang nuo nito, “What do you mean? Huwag mo nga akong pinagloloko, Rigor. Bakit naman pupunta dito si Natalia? Mukhang masayang-masaya na iyon sa buhay nito!” Hindi nakaligtas sa kanya ang bahagyang pagsimangot ni Matt, kahit ayaw nitong pahalata ay ramdam niya ang selos sa tono ng pananalita nito. Lihim siyang napangiti. Alam niyang pinagseselosan ng kanyang amo nang minsang palihim itong dumaan sa pinagtratrabahuhan ni Natalia. Labasan na ng mga empleyado kung kaya’t nakita nila si Natalia kausap ng co-worker nito habang naghihintay sa may sakayan pauwi. Pinaimbestigahan nga ito kaagad sa kanya ng kanyang amo at napag-alaman niyang manliligaw ni Natalia ang lalaki. Sabagay, simula naman nang makipaghiwalay ito kay Natalia ay hindi naman
“GIRLIE?” Napasinghap si Girlie nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Damn, paano nitong nalaman ang contact number niya. “Alam kong naririnig mo ko, please, huwag mo naman akong pagtaguan. Mag-usap tayo. At iyong mga nagawa ko nuon lalo na sa Ate Natalia mo, sorry. Asar lang ako sa mundo nun kaya ako nagkakaganun,” nakikiusap na sabi ni Dean sa kanya. “Paano mo nakuha ang contact number ko?” “Kay Trixie.” Dumilim ang mukha niya. Hindi talaga niya maasahan ang babaeng iyon kahit na kailan. “Ano bang kailangan mo?” Matabang na tanong niya sa lalaki. Actually, naiintriga rin siyang kitain itong muli. Lamang ay natatakot siyang baka magalit sa kanya si Matt. Pinagsabihan na siya nito na baka mapahamak lang siya kung makikipaglapit siya rito. Ayaw na niyang balikan iyong dating buhay niya. Hindi na niya gugustuhin pang mapariwarang muli. “N-Namimiss lang kita,” tila hirap na pakawalan ni Dean ang mga s
“ANONG ginagawa ng lalaking ‘yan dito?” Malakas ang boses na sabi ni Natalia nang makita nito si Dean sa harap ng bahay nila. “Ate, ako ng bahala dito, okay?” May pakiusap na sabi ni Girlie saka tumingin kay Dean, “Pagbibigyan kita pero utang na loob, ayoko ng gulo.” Tumango ang lalaki. Pairap na tiningnan ito ni Natalia, “Kung ako lang ang masusunod, ayaw n asana kitang makita pa. But since gusto kang bigyan ng pagkakataon ni Girlie, wala na akong magagawa. Pero oras na manggulo ka pa ulit dito, di ako mangingiming ipakulong ka!” Babala nito saka nagmamadali nang pumasok sa loob ng bahay. Napabuntong hininga ng malalim si Girlie saka binuksan ang gate para papasukin ang lalaki, “Sorry, hanggang sa veranda ka lang muna pwede. Hindi mo masisisi si Ate, last time na nandito ka, ginulo mo sila.” “Lasing lang ako ng mga panahong iyon,” sabi nito sa mahinang boses, parang ibang tao si Dean ng mga oras na iyon. And God, bakit ba mas lalo
NAGKAROON NG EVENT sa pinagtratrabahuhan ni Natalia. Ayaw nga sana niyang pumunta ngunit pinagsabihan siya ng boss niya na kailangang nanduon siya dahil mahalagang event ito. Launching ng isa sa pinakabago nilang produkto and since isa siya sa mga napipisil na mapromote ay kailangang kilalanin niya ang lahat sa iba’t-ibang departamento dahil kakailanganin niyang mag-build ng rapport sa mga ito. Dapat raw ay ipakita niyang siya ay isang team player at hindi palaging nag-iisa. Isang simpleng old rose satin dress ang isinuot niya, may kaunting slit sa tagiliran at hapit sa kanyang katawan kung kaya’t kitang-kita ang magandang hubog ng kanyang pangangatawan. Tinernuhan niya iyon ng red shoes na nasa 3 inches ang takong Masaya siyang nagkasya pa ang lahat ng iyon sa kanya. Iyon kasing magagandang ipinamili sa kanya ni Matt ay ipinabalik niyang lahat sa bahay nito. Ni isa ay wala siyang kinuha. Nanghiram na lang siya kay Girlie ng alahas at bag na maari niyang
PAGDATING na pagdating pa lamang ni Natalia ay nakita na ito ni Matt. Kitang-kita rin niya nang magtago ito sa pinakasulok na pwesto dahil sa kanya. Inis na inis nga siya, ganun ba ito kalaki ang galit nito sa kanya para pagtaguan pa siya nito? At sinabi pa nito sa kanya nuon na mahal na siya nito huh? Ang bilis naman yata nitong nakapag-move on sa pagmamahal na ipinangangalandakan nito nuong una sa kanya? Wala naman talaga siyang balak dumalo sa event na ito kahit na isa siya sa mga share holder ng company kung hindi lamang dahil kay Natalia. Nuon pa niya binabalak na makipag-usap dito dangan nga lamang ay nag-aalanganin siya. Siguro ay dahil takot talaga siya sa salitang rejection. Lalo na ngayong nakita niya kung paano nito sinadyang magtago sa kanya. Pikon na pikon siya. Hindi na nga niya sana ito lalapitan pa ngunit ewan ba niya kung anong nagtulak sa kanya para kausapin pa rin ito. And damn, kung maganda na ito nuon ay mas lalo yata it
PAKIRAMDAM NI NATALIA ay isa siyang kandila na unti-unting nauupos sa maiinit na mga halik na iyon ni Matt. Kung sa umpisa ay nanlalaban pa siya, ngayon ay kusa na niyang tinutugon ang maiinit nitong mga halik na waring sumasagad hanggang sa kanyang kaluluwa. Bakit ba pagdating sa lalaking ito, humihina siya? Bakit baa ng dali-dali lang sa kanyang bumigay kapag ito na ang kaharap niya. God, kahit anong sabi ng utak niya ay di niya kayang paglabanan ang nararamdaman ng puso niya. Mahal talaga niya ito. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata. Parang gusto na namang pumatak ng kanyang mga luha. Ngunit bago pa sila tuluyang mawala sa katinuan ay biglang may narinig silang mga ingay na papunta sa kinaroroonan nila. Bigla ay para silang binuhusan ng malamig na tubig. Mabilis siyang binitiwan ni Matt. Hindi siya makatingin dito nang magkahiwalay ang kanilang mga katawan. “I. . .I’ll go ahead,” nakatungo ang
MALAYO ang lipad ng utak ni Matt nang sumakay sa kanyang Rolls Royce at magpahatid sa kanyang driver pauwi sa mansion. Nagtatalo ang kanyang damdamin at ang kanyang utak. Alam niyang nanduon pa rin ang attraction ni Natalia sa kanya. Naramdaman niya iyon nang tugunin nito ang mga halik niya. Ngunit tama bang guluhin na naman niya ang buhay nito gayong wala namang katiyakan ang kanyang damdamin para dito? His life is too complicated. Ayaw na niyang isangkot pa ito sa gulo ng buhay niya. Marami siyang dapat na ayusin sa sarili niya. Kailangan siguro muna niyang matutong magpatawad, saka pa lang siguro niya matutunan kung papaano ang magmahal. Masaki tang ulo niya nang makarating sa bahay. Pinagsisihan niyang ginulo pa niya kanina si Natalia. Ngayon heto at di naman siya makatulog sa kaiisip dito. Palagay niya ay kailangan na muna niyang magpakalayo. Aayusin na muna niya ang buhay niya. Bukas na bukas ay kakausapin niya