PAGDATING na pagdating pa lamang ni Natalia ay nakita na ito ni Matt. Kitang-kita rin niya nang magtago ito sa pinakasulok na pwesto dahil sa kanya. Inis na inis nga siya, ganun ba ito kalaki ang galit nito sa kanya para pagtaguan pa siya nito? At sinabi pa nito sa kanya nuon na mahal na siya nito huh? Ang bilis naman yata nitong nakapag-move on sa pagmamahal na ipinangangalandakan nito nuong una sa kanya? Wala naman talaga siyang balak dumalo sa event na ito kahit na isa siya sa mga share holder ng company kung hindi lamang dahil kay Natalia. Nuon pa niya binabalak na makipag-usap dito dangan nga lamang ay nag-aalanganin siya. Siguro ay dahil takot talaga siya sa salitang rejection. Lalo na ngayong nakita niya kung paano nito sinadyang magtago sa kanya. Pikon na pikon siya. Hindi na nga niya sana ito lalapitan pa ngunit ewan ba niya kung anong nagtulak sa kanya para kausapin pa rin ito. And damn, kung maganda na ito nuon ay mas lalo yata it
PAKIRAMDAM NI NATALIA ay isa siyang kandila na unti-unting nauupos sa maiinit na mga halik na iyon ni Matt. Kung sa umpisa ay nanlalaban pa siya, ngayon ay kusa na niyang tinutugon ang maiinit nitong mga halik na waring sumasagad hanggang sa kanyang kaluluwa. Bakit ba pagdating sa lalaking ito, humihina siya? Bakit baa ng dali-dali lang sa kanyang bumigay kapag ito na ang kaharap niya. God, kahit anong sabi ng utak niya ay di niya kayang paglabanan ang nararamdaman ng puso niya. Mahal talaga niya ito. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata. Parang gusto na namang pumatak ng kanyang mga luha. Ngunit bago pa sila tuluyang mawala sa katinuan ay biglang may narinig silang mga ingay na papunta sa kinaroroonan nila. Bigla ay para silang binuhusan ng malamig na tubig. Mabilis siyang binitiwan ni Matt. Hindi siya makatingin dito nang magkahiwalay ang kanilang mga katawan. “I. . .I’ll go ahead,” nakatungo ang
MALAYO ang lipad ng utak ni Matt nang sumakay sa kanyang Rolls Royce at magpahatid sa kanyang driver pauwi sa mansion. Nagtatalo ang kanyang damdamin at ang kanyang utak. Alam niyang nanduon pa rin ang attraction ni Natalia sa kanya. Naramdaman niya iyon nang tugunin nito ang mga halik niya. Ngunit tama bang guluhin na naman niya ang buhay nito gayong wala namang katiyakan ang kanyang damdamin para dito? His life is too complicated. Ayaw na niyang isangkot pa ito sa gulo ng buhay niya. Marami siyang dapat na ayusin sa sarili niya. Kailangan siguro muna niyang matutong magpatawad, saka pa lang siguro niya matutunan kung papaano ang magmahal. Masaki tang ulo niya nang makarating sa bahay. Pinagsisihan niyang ginulo pa niya kanina si Natalia. Ngayon heto at di naman siya makatulog sa kaiisip dito. Palagay niya ay kailangan na muna niyang magpakalayo. Aayusin na muna niya ang buhay niya. Bukas na bukas ay kakausapin niya
NAGULAT SI NATALIA sa balita sa tv. Inianunsyo duon ang maagang pagriretiro ni Matt at ang pagbibigay nito ng share nito ng kopanya sa ilang kamag-anak nito kabilang na duon si Dean. Hindi niya inaasahang bibigyan nito ng parte si Dean ngunit mas lalong di niya inaasahan ang maaga nitong pagreretiro. Anong pumasok isip ni Matt? Nababaliw na ba ito? Nasaan na iyong Matt na kilala niya na walang nasa isip kundi ang gumawa ng pera? At pinagbibili na nito ang lahat ng mga kompanyang itinayo nito? Pero ang mas ikinabigla niya ay nang ianunsyo nitong balak na nitong magpakalayo layo at mamuhay ng tahimik sa isang lugar na malayo sa kabihasnan. Pinagtatakhan niya ang biglang pagbabago ng takbo ng isipan ni Matt. Ganun ba talaga ang mga walang magawa sa pera, biglaan kung magdesisyon? Magpakalayo-layo? Ibig sabihin ay. . .bigla siyang napatayo mula sa kanyang kinauupuan. Tatlong oras pa bago maglabasan sa trabaho ngunit parang di na niya mahintay a
“STOP IT ELENA.” Sabi ni Matt na bumitaw na sa pagkakayakap sa dalaga nang maramdamang nagsisimula na naman ito, “Ayan ka na naman. Ilang beses ko bang sasabihin saiyo na kaibigan lang ang turing ko saiyo at kahit anong pilit gawin ko, wala akong nararamdaman para saiyo. Please, huwag na nating sirain ang friendship natin. Masaya akong nabubuo muli ang pagkakaibigan natin, hayaan na lang natin sa ganito,” pakiusap na sabi niya rito. “I’m sorry. Hindi ko naman na ipipilit ang sarili ko saiyo, Tanggap ko ng hanggang magkaibigan lang talaga tayo. Iniisip ko lang na baka sakaling mabago ko pa ang isip mo,” sabi nito sa kanya, “But don’t get me wrong Matt. Hindi na kita pipilitin. Masaya na ako na at least ay muli mong binuksan ang puso mo para sa friendship natin. Okay na ako dun.” Tumango siya. At least kahit na paano ay naayos na ang gusot nila ni Elena. Kahit naman away bati sila ng dalaga ay mahalaga pa rin naman para sa kanya ang friendship
NAPAKUNOT ANG NUO NI MATT NANG IABOT sa kanya ni Rigor ang phone nito upang ipakita ang nagviral na video. Nagtatanong ang kanyang mga mata nang tingnan niya ang kanyang assistant, “Galing ditto si Natalia?” Tumango ito, “At may kumuha ng video nya habang inaaway niya ang security guard kahapon.” “Pakisabi sa boss mo, fuck you!” paulit-ulit niyang pini-play ang mukha ni Natalia habang minumura siya. Sa halip na magalit ay na-cute-an siya rito. “Pakihanda ng sasakyan, gusto ko siyang puntahan.” Aniya kay Rigor. Kung hindi siya nagkakamali ay nakita nito si Elena sa opisina niya at namis-understood na naman nito iyon kagaya ng maling hinala nito nang masalubong nito si Regine sa opisina niya. Kung hindi pa sinabi sa kanya ng kanyang sekretarya ay di niya malalamang nagtungo si Natalia sa opisina niya nuong nakaraang buwan. Nang ma-check niya sa cctv ay na-confirm nga niyang pumunta ito duon subalit di na tumuloy nang masalubong sa may
BAGO PA MAITULOY NI MATT ang sasabihin ay pumasok ang assistant nitong si Rigor at may ibunulong dito. Nagmamadali na itong umalis, ni hindi man lamang nagawang magpaalam sa kanya. Napakurap-kurap siya. Pinaglalaruan talaga siya ng lalaking iyon. May pait sa mga labing napangiti siya. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa isang lalaking gaya ni Matt? Kanina, ang buong akala niya ay may ipagtatapat na ito sa kanya na matagal na niyang pinakaasam-asam. Umasa lang naman pala siya. Napapailing na bumalik na siya ng kuwarto. Maghapon siyang nagkulong duon pagkatapos niyon kaya kahit na anong tawag ng Papang niya ay di siya sumasagot at nagkunwang natutulog. From now on, buburahin na niya sa utak niya ang lalaking iyon. Hindi worth it na pinag-aaksayahan ng panahon at iniiyakan ang isang lalaking kahit na kalian ay di naman siya pinahalagahan. “Anak. . .” dinig na naman niyang tawag ng Papang niya mula sa labas ng kuwarto, “Hindi ka ba mag
NANG magmulat ng mga mata si Matt ay wala siyang maalala kung paano siyang napunta sa ospital. Napahawak siya sa kanyang ulo dahil pakiramdam niya ay may mahalaga siyang dapat gawin bago siya mapunta ditto sa ospital ngunit wala talaga siyang matandaan. Sumasakit lamang ang ulo niya kapag pinipilit niya ang sariling bumalik ang kanyang memorya. “Matt. . .” anang isang babae sa kanya. Kumunot ang nuo niya, “Sino ka?” Tanong niya rito saka napatingin sa kanyang ina, “Ma, nasaan si Auntie Nena?” Nagkatinginan ang babae at ang kanyang ina saka lumapit ito sa kanya, “Anak, matagal ng patay ang Auntie Nena mo? Elementary ka pa lang nang. . .”hindi na nito itinuloy ang sasabihin, napahawak ito sa bibig, “God, wala ka ba talagang natatandaan?” Umiling siya. Maya-maya ay napasigaw sa sobrang sakit ng ulo niya. Nagmamadaling lumabas ang babae para tumawag ng doctor habang ang Mama naman niya ay nakakapit sa braso niya, natataranta