BAGO PA MAITULOY NI MATT ang sasabihin ay pumasok ang assistant nitong si Rigor at may ibunulong dito. Nagmamadali na itong umalis, ni hindi man lamang nagawang magpaalam sa kanya. Napakurap-kurap siya. Pinaglalaruan talaga siya ng lalaking iyon. May pait sa mga labing napangiti siya. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa isang lalaking gaya ni Matt? Kanina, ang buong akala niya ay may ipagtatapat na ito sa kanya na matagal na niyang pinakaasam-asam. Umasa lang naman pala siya. Napapailing na bumalik na siya ng kuwarto. Maghapon siyang nagkulong duon pagkatapos niyon kaya kahit na anong tawag ng Papang niya ay di siya sumasagot at nagkunwang natutulog. From now on, buburahin na niya sa utak niya ang lalaking iyon. Hindi worth it na pinag-aaksayahan ng panahon at iniiyakan ang isang lalaking kahit na kalian ay di naman siya pinahalagahan. “Anak. . .” dinig na naman niyang tawag ng Papang niya mula sa labas ng kuwarto, “Hindi ka ba mag
NANG magmulat ng mga mata si Matt ay wala siyang maalala kung paano siyang napunta sa ospital. Napahawak siya sa kanyang ulo dahil pakiramdam niya ay may mahalaga siyang dapat gawin bago siya mapunta ditto sa ospital ngunit wala talaga siyang matandaan. Sumasakit lamang ang ulo niya kapag pinipilit niya ang sariling bumalik ang kanyang memorya. “Matt. . .” anang isang babae sa kanya. Kumunot ang nuo niya, “Sino ka?” Tanong niya rito saka napatingin sa kanyang ina, “Ma, nasaan si Auntie Nena?” Nagkatinginan ang babae at ang kanyang ina saka lumapit ito sa kanya, “Anak, matagal ng patay ang Auntie Nena mo? Elementary ka pa lang nang. . .”hindi na nito itinuloy ang sasabihin, napahawak ito sa bibig, “God, wala ka ba talagang natatandaan?” Umiling siya. Maya-maya ay napasigaw sa sobrang sakit ng ulo niya. Nagmamadaling lumabas ang babae para tumawag ng doctor habang ang Mama naman niya ay nakakapit sa braso niya, natataranta
“SALAMAT AILEEN,” punong-puno ng pag-asang sabi ni Natalia habang inaayos ang suot niyang nurse uniform sa harap ng malaking salamin sa banyo. Bakas naman sa mukha ni Aileen ang matinding pag-aalala habang pinagmamasdan siya. “Siguraduhin mong hindi ka mahuhuli or else, ilalagay mo ko sa kapahamakan. Posible pa kong matanggalan ng lisensya.” Paalala nitong muli sa kanya. “Alam ko kaya mag-iingat ako.” Pagbibigay assurance niya sa dalaga. Tiniyak niyang maayos ang pagkakapusod ng kanyang buhok saka huminga ng malalim. Tinapik pa siya sa balikat ni Aileen bago ito lumabas ng banyo. Siya naman ay muling umusal ng panalangin bago tuluyang lumabas. Alam na niya ang unit kung saan naroroon si Matt. Tiniyak rin muna niyang wala kahit isa sa pamilya nito or si Elena bago siya pumasok sa loob ng kuwarto nito. Napakagat labi siya nang makita ito. Gustong-gusto na niya itong yakapin at halikan ngunit hindi niya iyon maaring gawin dahil may sa mga banta
HINDI NIYA MAARING BISITAHIN SI MATT NGUNIT hindi naman bawal na dalawin niya si Rigor kung kaya’t ito ang naisipang puntahan ni Natalia. Lahat ng paraan ay gagawin niya para lamang makabalita siya ng tungkol kay Matt. “Ma’m,” sabi ng lalaki na nagulat nang makita siya. Napaiyak siya, “Mabuti at ligtas kayong pareho,” aniya rito. Tumango ito, “Pero namatay si Mang Doy,” malungkot na balita nito sa kanya, “Graduation pa naman ng anak nya kinabukasan pero di na siya nakadalo para sabitan ito ng medalya,” pumatak ang mga luha ng lalaki. “Proud na proud pa naman siya sa anak niyang iyon dahil pangarap raw ni Mang Doy maging engineer pero dahil kapos sa pera di na sya nakapag-aral. . .iyong panganay nya sana ang tutupad sa pangarap nyang iyon pero di na nya inabutan.” Napakagat labi siya. Kahit paano ay nagging malapit rin naman siya kay Mang Doy kaya maging siya ay naghihinagpis sa pagkamatay ng matanda. “B-Bakit ba kayo humah
“WELCOME back sir,” nakangiting sabi ng katulong na si Vicky nang makauwi si Matt sa mansion ngunit napalis ang ngiti nito nang pumasok si Elena at iutos ditto na dalhin sa kwarto ng binate ang mga gamit nito, “D-Dito kayo titira?” “Yes kayo ano pang hinihintay mo? Dalhin mo na sa kwarto ni Matt ang mga gamit ko.” Utos ni Elena sa katulong. Kunot-nuong napatingin si Vicky kay Matt, “Sir, kahit si Ma’m Natalia, hindi nyo pinayagang ilagay sa kwarto nyo ang mga gamit nya?” Nagtatakang sabi nito. Dumilim ang mukha ni Elena, “Bakit ba ikokompara mo ako sa babaeng iyon? For your information, magpapakasal na kami ni Matt kaya simula sa araw na ito, ditto na ako titira!” Bulyaw nito. Nagproprotesta ang anyong napatingin si Vicky kay Matt. “Sundin mo na lang siya,” sabi ni Matt sa katulong. Wala siya sa mood para mag-isip ng kung anu-ano. Sa ngayon ang gusto lamang niya ay mabalik lahat ng kanyang memorya dahil nahihirapan na siya.
SA KALAGITNAAN ng gabi ay bigla na lamang nagising si Natalia, nabigkas pa niya ang pangalan ni Matt. Hindi niya alam kung nanaginip siya. Bumangon siya at lumabas sa kanyang kuwarto at nagtungo sa kusina para uminom ng tsaa. Hindi niya alam kung bakit ang bilis ng pintig ng puso niya. Na para bang may mangyayaring masama na di niya maintindihan. Kumusta na kaya si Matt? Ano na kaya ang lagay nito? Ang balita sa kanya ni Aileen ay inilabas na ng ospital kaninang umaga si Matt kaya naman ilang beses niyang tinawagan si Vicky para sana makibalita ngunit hindi naman nito sinasagot ang mga tawag niya. Hindi talaga siya mapalagay lalo pa at hindi pa rin bumabalik ang memorya ni Matt. Gustuhin man niya itong punatahan sa mansion, alam niyang mahihirapan siyang gawin iyon. Kung mahigpit ang security nito sa ospital, tiyak niyang mas lalo na sa bahay nito. Alam naman niya kung gaano kagalit sa kanya ang pamilya ni Matt. Hindi gugustuhin
KUMUNOT ang nuo ni Rigor nang abutan siya ni Elena ng cheque na nagtataglay ng malaking halaga ng pera, “Para saan ho ito Ma’m Elena?” “Hindi na kailangan ni Matt ang serbisyo mo. Makakaalis ka na. Sapat na ang malaking pera na ‘yan para makapag-umpisa ka ng maayos na buhay.” Anang babae habang nakataas ang nuo, “Kung kulang pa ‘yan, magsabi ka lang, dadagdagan ko!” “Ako lang ang pinagkakatiwalaan ni Sir at tiyak na magagalit iyon saiyo oras na bumalik na ang lahat niyang mga alaala,” protesta ni Rigor sa kanya saka pinunit sa harapan nito ang cheque na ibinigay niya, “Si Sir Matt ang naghire sa akin ditto kaya siya lang ang may karapatang magpaalis sa akin!” Matigas ang tonong sabi nito saka mabilis na siyang tinalikuran. “Hindi mo ako nirerespeto? Sige, tawagin mo si Matt para magkaalama kung sino sa ating dalawa ang pakikinggan niya!” Sigaw niya rito ngunit parang wala itong naririnig na nagpatuloy sa paglalakad. Nagpanting ang tenga niya, ma
“SINO KA? Paano kang nakapasok sa loob ng bahay?” Kunot-nuong tanong ni Matt sa kanya, “Bago ka bang katulong ditto?” anitong muli siyang tinitigan, “Ikaw iyong babaeng nakita ko sa ospital? Tama!” sabi nitong nilapitan siya at tinitigang mabuti ang mukha niya, “Pamilyar ang mukha mo kaya hinanap kitang muli sa ospital.” May nakapa siyang pag-asa sa dibdib niya, “Ako si Natalia,” naluluhang sabi niya rito, “Ako si Natalia, Matt. . .” “Natalia?” sabi nitong napakurap saka dumilim ang mukha, “Naalala ko na. May malaking pagkakautang ang ama mo sa akin!” Singhal nito, “Anong ginagawa mo sa pamamahay ko? Magnanakaw ka, hindi ba? Pagnanakawan mo ako kagaya ng ginawang pangungulimbat ng ama mo kay Auntie Nena!” Humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya saka mabilis na tumawag ng security guard. “Matt, hindi ako masamang tao. Nagparito ako para. . .” “Iilabas ninyo siya at ayoko ng makita pa ang pagmumukha niya rito sa loob ng pamamahay ko!”
HABANG HINUHUBAD ni Matt ang suot niyang wedding gown ay titig na titig siya rito. Hindi pa rin niya mapaniwalaan na asawa na niya ito ngayong gabing ito. Asawang tunay hindi kagaya nang nauna nilang kasal na parehong hindi pa nila tiyak ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa. This time ay siguradong-sigurado na sila. Napapikit siya nang bumagsak ang suot niyang wedding gown sa sahig at titigan nito ng buong pagnanasa ang magandang hubog ng kanyang katawan. Saka nagmamadali nitong kinalas ang suot niyang bra at parang batang sinupsup ang kaliwang dibdib niya, habang ang isang kamay nito ay abala sa paghuhubad ng suot niyang panty. “Matt. . .” tawag niya ng buong pagmamahal sa pangalan nito, ang kanyang kamay ay malayang ginagalugad ang likuran nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya saka hinubad ang lahat nitong suot. Mas lalong nag-init ang kanyang buong katawan nang malantad ang waring hinulma na katawan ng asawa. Nangigil na napakagat labi siya ha
HABANG NAGLALAKAD patungo sa altar si Natalia ay hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang naiisip ang mga pinagdaanan niya para lamang makamit ang pag-ibig na pinakahahangad niya. Alam niyang hindi siya ganuon kadaling matatanggap ng buong pamilya ni Matt ngunit nangako sa kanya ang lalaki na kahit na anong mangyari ay ipaglalaban nito ang pag-ibig nito para sa kanya. Besides, wala naman na itong pakialam kahit itakwil pa ito ng pamilya, ang mahalaga ay magkasama silang dalawa. Kaya nga kahit si Dean lamang ang pamilya ni Matt na dumalo sa kasal nito ay itinuloy pa rin nila ang pag-iisang dibdib. This time ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan nila, harangan man sila ng sibat. Nakapagpaalam na rin si Matt sa lahat nitong mga empleyado. Ang lahat ng negosyo nito ay ibinenta na nito. Ang pamamahala sa negosyo ng pamilya ay tinanggihan na rin nito. Nakapagpasya na silang pagkatapos ng kanilang kasal ay sa isang isla sa Palawan
“FUCK NO!!!!” NAPABALIKWAS SI ELENA nang magising kinabukasan katabi ni Bamboo na hubot hubad, “Fuck no!” Pinangingilabutang sigaw niya habang unti-unting naalala ang namagitan sa kanila ng kanyang alalay nang nagdaang gabi. Parang siyang masusuka na di niya mawari. Paano nangyaring ibinigay niya ang kanyang sarili sa lalaking ito. “Ma’m?” Bumangon ito at tangkang lalapitan siya ngunit nandidiring tumakbo siya sa loob ng banyo at kinandado iyon, “Go away,” sigaw niya rito, “Lumayas ka na at ayokong makita pa ang pagmumukha mo.” “Ma’m mahal kita!” Dinig niyang sigaw ni Bamboo sa kanya. Tuluyan na siyang napasuka sa narinig. Iniisip pa lamang niyang makikipagrelasyon siya sa isang mababang uring gaya ni Bamboo ay pinangingilabutan na siya. Ano na lamang ang sasabihin ng mga kaibigan niya sa kanya? Tiyak na pagtatawanan siya ng mga ito kapag pumatol siya sa isang gaya ng lalaking ito? “Ma’m okay lang ho ba kayo?” Nag-aalalang tanong nit
“IKAW BA TALAGA ANG PINSAN KO NA SI MATT?” Natatawang tanong ni Dean sa lalaki habang pinapanuod itong waring gutom na gutom na nilalantakan ang dala nitong mga pagkain. Napapangiti lang si Natalia habang pinood ito. Nuon lamang niya nakitang kumain ng ganito karami si Matt. Napagod marahil ng husto sa paglilinis kaya napaparami ang kain. “And what about you? Ikaw ba talaga yan?” sagot ni Matt kay Dean, “Look at you, never ka pang nagging ganito sa ibang babae.” Napangisi si Dean, saka nagkibit ng balikat. Maya-maya ay sabay na nagkatawanan ang mga ito na waring nagkaunawaan na ang kanilang mga mata sa kung ano ang nagawa ng pag-ibig sa kanila. Kung nuon ay pareho sila ng paniniwalang isang kalokohan ang pag-ibig, ngayon ay pareho rin silang nagkakaganito ngayon nang dahil sa pag-ibig. “Pero tanggapin natin ang katotohanang ngayon lang tayo nagging ganito kasaya, hindi ba?” Sabi ni Dean. “I know,” masayang sagot naman ni
HINDI makapaniwala si Natalia habang tinititigan niya si Matt, kusang pumapatak ang kanyang mga luha sa mga naririnig mula sa lalaki. “Mahal mo rin ako? K-kailan mo pa naramdaman ‘yan?”Tanong niya rito. “I don’t know. Baka matagal na. . .hindi ko alam, pero kailangan pa bang malaman kung kelan? Ang mahalaga, mahal kita.”” Napakurap-kurap siya walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapaniwalaan na isang araw ay darating ang sandaling ito na napakatagal rin niyang hinintay. “I love you, Natalia.” “I love you too, Matt.” Punong-puno ng kaligayahang sabi niya rito. Wala na siguro siyang mahihiling pa ng mga sandaling yon. Wala talagang imposible sa taimtaim na nanalangin at nanampalataya. Ibinigay ng Diyos ang kanyang panalangin. Kailangan lang niyang maghintay ngunit worth it naman ang paghihintay niyang ito. Nang muling angkinin ni Matt ang kanyang mga labi ay buong pagmamahal niya iyong
RAMDAM NI MATT ANG matinding galit ni Natalia at hindi niya ito masisisi. Kahit naman sinong matinong babae ay magagalit sa mga ginawa niya rito and yet ramdam niya at nakikita niya sa mga mata nito na mahal pa rin siya nito kaya kahit ipinagtatabuyan siya nitong palayo ay nagpilit siyang yakapin ito. “Please get off me, ayaw na kitang makita pa!” sigaw nito sa kanya ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang yakap rito saka siniil ito ng halik sa mga labi. Sa umpisa ay nanlalaban pa ito ngunit unti-unti ay bumigay na rin ito at nagpaubaya na sa kanyang mga labi na buong pagmamahal na inaangkin ang mga labi nito. Ramdam niyang tinugon na rin nito ng mainit at buong puso ang kanyang mga halik. Damn, si Natalia lamang ang babaeng kailangan niya at ito lamang ang makakapagpapuno sa emptiness na nararamdaman niya. Dinukot niya ang engagement ring at inilabas iyon, saka humiwalay rito para lumuhod sa harapan nito, “Will you marry me, Natalia?”
NANG MAGMULAT ng mga mata si Matt ay nasa loob siya ng ospital. Si Natalia kaagad ang kanyang hinanap. Nang di niya ito makita ay nagmamadali siyang tumayo. “Matt, saan ka pupunta?” Nag-aalalang tanong ni Elena sa kanya ngunit parang walang naririnig na tinawagan niya si Rigor para ipaalam ditto na pupuntahan nila si Natalia. “Natalia? Hindi mo na ba talaga makakalimutan ang babaeng iyon?” Yamot na sigaw ni Elena sa kanya ngunit di na lamang niya ito pinansin. Natatandaan na niya ang lahat. Mahal niya si Natalia. Hindi lamang katawan nito ang kailangan niya kundi ang kabuuan nito at ang lahat-lahat ditto. Naalala na niyang bago maganap ang aksidente ay nakapagdesisyon na siyang ibenta ang lahat ng kanyang mga negosyo. Nasabi na rin niya sa ama na hindi niya tatanggapin ang alok nitong pamahalaan ang kanilang negosyo at ipagkatiwala na lamang nito iyon sa iba. He was about to propose at nakapagplano na siyang pakasalang muli si Nata
“WHAT IS WITH HER, RIGOR?” Halos paanas lamang na tanong niya sa lalaki nang tanggapin niya mula rito ang iniabot nitong whisky sa kanya, “Bakit hindi sya mawala sa isipan ko?” “Sir, nang gabing mangyari ang aksidente, nanggaling ka sa bahay nila. Actually masayang-masaya ka ng araw na iyon. Nakapagpasya ka ng ibenta ang lahat ninyong mga negosyo at magretire sa isa sa mga isla na nabili ninyo. Hula ko, kung hindi nagkaroon ng emergency, nakatakda ka ng magpropose k-kay Natalia. May binili na kayong engagement ring para sa kanya, Sir.” Natigilan siya. “Sabi nyo pa nga, gusto ninyo siyang pakasalang muli sa simbahan.” Napakunot nuo siya. Wala siyang matandaan ni isa sa mga sinasabi nito. Siya, magreretire? Wala sa bukabularyo niya ang magretire lalo na ng ganito kaaga. Napangisi siya, “I guess masyado kang nagpapanood ng mga pelikula kaya kung anu-anong naiisip mo,” natatawang sabi niya kay Rigor. “May ambush interview
“MINSAN MAHIRAP basahin kung anong tumatakbo sa utak ng pinsan kong iyon kaya nga napakagaling nya pagdating sa pagnenegosyo,” sagot ni Dean kay Girlie, “Kaya di natin alam kung nagpapanggap na lang syang wala syang naalala ngayon.” “Kung anuman nasa utak nya, bahala sya basta sana tupdin ni Ate iyong pangako nya sa kanyang sarili na talagang kakalimutan na nya ang lalaking iyon,” sabi ni Girlie. “Madaling sabihin, mahirap gawin. Ilang beses kong sinubukang kalimutan ka pero di ko nagawa.” Napairap si Girlie kay Dean, “Iba naman iyong satin dahil pareho nating love ang isa’t-isa. But in Ate’s case, sya lang ang nagmamahal.” “I don’t think so. Palagay ko, nuong nagdesisyon si Matt na iwanan na ang lahat, gusto nan yang lumagay sa tahimik. And then the accident happened. At may palagay akong mahal nya si Natalia kaya gusto na nya ng tahimik ma buhay.” Natawa si Girlie, “Iyong lalaking iyon, magmamahal? Ewan ko lang pero kah