NANG magmulat ng mga mata si Matt ay wala siyang maalala kung paano siyang napunta sa ospital. Napahawak siya sa kanyang ulo dahil pakiramdam niya ay may mahalaga siyang dapat gawin bago siya mapunta ditto sa ospital ngunit wala talaga siyang matandaan. Sumasakit lamang ang ulo niya kapag pinipilit niya ang sariling bumalik ang kanyang memorya. “Matt. . .” anang isang babae sa kanya. Kumunot ang nuo niya, “Sino ka?” Tanong niya rito saka napatingin sa kanyang ina, “Ma, nasaan si Auntie Nena?” Nagkatinginan ang babae at ang kanyang ina saka lumapit ito sa kanya, “Anak, matagal ng patay ang Auntie Nena mo? Elementary ka pa lang nang. . .”hindi na nito itinuloy ang sasabihin, napahawak ito sa bibig, “God, wala ka ba talagang natatandaan?” Umiling siya. Maya-maya ay napasigaw sa sobrang sakit ng ulo niya. Nagmamadaling lumabas ang babae para tumawag ng doctor habang ang Mama naman niya ay nakakapit sa braso niya, natataranta
“SALAMAT AILEEN,” punong-puno ng pag-asang sabi ni Natalia habang inaayos ang suot niyang nurse uniform sa harap ng malaking salamin sa banyo. Bakas naman sa mukha ni Aileen ang matinding pag-aalala habang pinagmamasdan siya. “Siguraduhin mong hindi ka mahuhuli or else, ilalagay mo ko sa kapahamakan. Posible pa kong matanggalan ng lisensya.” Paalala nitong muli sa kanya. “Alam ko kaya mag-iingat ako.” Pagbibigay assurance niya sa dalaga. Tiniyak niyang maayos ang pagkakapusod ng kanyang buhok saka huminga ng malalim. Tinapik pa siya sa balikat ni Aileen bago ito lumabas ng banyo. Siya naman ay muling umusal ng panalangin bago tuluyang lumabas. Alam na niya ang unit kung saan naroroon si Matt. Tiniyak rin muna niyang wala kahit isa sa pamilya nito or si Elena bago siya pumasok sa loob ng kuwarto nito. Napakagat labi siya nang makita ito. Gustong-gusto na niya itong yakapin at halikan ngunit hindi niya iyon maaring gawin dahil may sa mga banta
HINDI NIYA MAARING BISITAHIN SI MATT NGUNIT hindi naman bawal na dalawin niya si Rigor kung kaya’t ito ang naisipang puntahan ni Natalia. Lahat ng paraan ay gagawin niya para lamang makabalita siya ng tungkol kay Matt. “Ma’m,” sabi ng lalaki na nagulat nang makita siya. Napaiyak siya, “Mabuti at ligtas kayong pareho,” aniya rito. Tumango ito, “Pero namatay si Mang Doy,” malungkot na balita nito sa kanya, “Graduation pa naman ng anak nya kinabukasan pero di na siya nakadalo para sabitan ito ng medalya,” pumatak ang mga luha ng lalaki. “Proud na proud pa naman siya sa anak niyang iyon dahil pangarap raw ni Mang Doy maging engineer pero dahil kapos sa pera di na sya nakapag-aral. . .iyong panganay nya sana ang tutupad sa pangarap nyang iyon pero di na nya inabutan.” Napakagat labi siya. Kahit paano ay nagging malapit rin naman siya kay Mang Doy kaya maging siya ay naghihinagpis sa pagkamatay ng matanda. “B-Bakit ba kayo humah
“WELCOME back sir,” nakangiting sabi ng katulong na si Vicky nang makauwi si Matt sa mansion ngunit napalis ang ngiti nito nang pumasok si Elena at iutos ditto na dalhin sa kwarto ng binate ang mga gamit nito, “D-Dito kayo titira?” “Yes kayo ano pang hinihintay mo? Dalhin mo na sa kwarto ni Matt ang mga gamit ko.” Utos ni Elena sa katulong. Kunot-nuong napatingin si Vicky kay Matt, “Sir, kahit si Ma’m Natalia, hindi nyo pinayagang ilagay sa kwarto nyo ang mga gamit nya?” Nagtatakang sabi nito. Dumilim ang mukha ni Elena, “Bakit ba ikokompara mo ako sa babaeng iyon? For your information, magpapakasal na kami ni Matt kaya simula sa araw na ito, ditto na ako titira!” Bulyaw nito. Nagproprotesta ang anyong napatingin si Vicky kay Matt. “Sundin mo na lang siya,” sabi ni Matt sa katulong. Wala siya sa mood para mag-isip ng kung anu-ano. Sa ngayon ang gusto lamang niya ay mabalik lahat ng kanyang memorya dahil nahihirapan na siya.
SA KALAGITNAAN ng gabi ay bigla na lamang nagising si Natalia, nabigkas pa niya ang pangalan ni Matt. Hindi niya alam kung nanaginip siya. Bumangon siya at lumabas sa kanyang kuwarto at nagtungo sa kusina para uminom ng tsaa. Hindi niya alam kung bakit ang bilis ng pintig ng puso niya. Na para bang may mangyayaring masama na di niya maintindihan. Kumusta na kaya si Matt? Ano na kaya ang lagay nito? Ang balita sa kanya ni Aileen ay inilabas na ng ospital kaninang umaga si Matt kaya naman ilang beses niyang tinawagan si Vicky para sana makibalita ngunit hindi naman nito sinasagot ang mga tawag niya. Hindi talaga siya mapalagay lalo pa at hindi pa rin bumabalik ang memorya ni Matt. Gustuhin man niya itong punatahan sa mansion, alam niyang mahihirapan siyang gawin iyon. Kung mahigpit ang security nito sa ospital, tiyak niyang mas lalo na sa bahay nito. Alam naman niya kung gaano kagalit sa kanya ang pamilya ni Matt. Hindi gugustuhin
KUMUNOT ang nuo ni Rigor nang abutan siya ni Elena ng cheque na nagtataglay ng malaking halaga ng pera, “Para saan ho ito Ma’m Elena?” “Hindi na kailangan ni Matt ang serbisyo mo. Makakaalis ka na. Sapat na ang malaking pera na ‘yan para makapag-umpisa ka ng maayos na buhay.” Anang babae habang nakataas ang nuo, “Kung kulang pa ‘yan, magsabi ka lang, dadagdagan ko!” “Ako lang ang pinagkakatiwalaan ni Sir at tiyak na magagalit iyon saiyo oras na bumalik na ang lahat niyang mga alaala,” protesta ni Rigor sa kanya saka pinunit sa harapan nito ang cheque na ibinigay niya, “Si Sir Matt ang naghire sa akin ditto kaya siya lang ang may karapatang magpaalis sa akin!” Matigas ang tonong sabi nito saka mabilis na siyang tinalikuran. “Hindi mo ako nirerespeto? Sige, tawagin mo si Matt para magkaalama kung sino sa ating dalawa ang pakikinggan niya!” Sigaw niya rito ngunit parang wala itong naririnig na nagpatuloy sa paglalakad. Nagpanting ang tenga niya, ma
“SINO KA? Paano kang nakapasok sa loob ng bahay?” Kunot-nuong tanong ni Matt sa kanya, “Bago ka bang katulong ditto?” anitong muli siyang tinitigan, “Ikaw iyong babaeng nakita ko sa ospital? Tama!” sabi nitong nilapitan siya at tinitigang mabuti ang mukha niya, “Pamilyar ang mukha mo kaya hinanap kitang muli sa ospital.” May nakapa siyang pag-asa sa dibdib niya, “Ako si Natalia,” naluluhang sabi niya rito, “Ako si Natalia, Matt. . .” “Natalia?” sabi nitong napakurap saka dumilim ang mukha, “Naalala ko na. May malaking pagkakautang ang ama mo sa akin!” Singhal nito, “Anong ginagawa mo sa pamamahay ko? Magnanakaw ka, hindi ba? Pagnanakawan mo ako kagaya ng ginawang pangungulimbat ng ama mo kay Auntie Nena!” Humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya saka mabilis na tumawag ng security guard. “Matt, hindi ako masamang tao. Nagparito ako para. . .” “Iilabas ninyo siya at ayoko ng makita pa ang pagmumukha niya rito sa loob ng pamamahay ko!”
“KUMUSTA? Huwag mong sabihing pati ako nawala na rin sa alaala mo?” Nakangising tanong ni Dean. Kumunot ang nuo ni Matt, “Paano kitang makakalimutan, ikaw ang tinik sa buhay ko!” Yamot na sabi ni Matt sa lalaki, “Anong ginagawa mo ditto? Tuwang-tuwa ka sigurong makita akong nagkakaganito? Disappointed ka bang di ako namatay? Alam ko namang atat na atat kayong mawala na ako sa pamilyang ito dahil di nyo ako matalo-talo!” Singhal pa niya rito. Napailing si Dean habang tinitingnan siya, “Nakakaawa ka,” bumuntong hininga ito ng malalim, “Palagay mo ba pera lang ang makakapagpaligaya sa tao?” “Oo!” mapangmataas na sabi niya, “Dahil pera ang nagpapaikot sa mundong ito. Kaya nga pinangingilagan at tinitingala ako dahil sa kayamanan ko!” Sabi niya rito saka akmang tatalikod na nang may maalalang sabihin, “Siyanga pala, ito na ang huling pakikipag-usap ko saiyo! Hindi ko kinikilalang pinsan ang isang bastardo na kagaya mo!” Pagkasabi niyon ay mabilis