“WELCOME back sir,” nakangiting sabi ng katulong na si Vicky nang makauwi si Matt sa mansion ngunit napalis ang ngiti nito nang pumasok si Elena at iutos ditto na dalhin sa kwarto ng binate ang mga gamit nito, “D-Dito kayo titira?” “Yes kayo ano pang hinihintay mo? Dalhin mo na sa kwarto ni Matt ang mga gamit ko.” Utos ni Elena sa katulong. Kunot-nuong napatingin si Vicky kay Matt, “Sir, kahit si Ma’m Natalia, hindi nyo pinayagang ilagay sa kwarto nyo ang mga gamit nya?” Nagtatakang sabi nito. Dumilim ang mukha ni Elena, “Bakit ba ikokompara mo ako sa babaeng iyon? For your information, magpapakasal na kami ni Matt kaya simula sa araw na ito, ditto na ako titira!” Bulyaw nito. Nagproprotesta ang anyong napatingin si Vicky kay Matt. “Sundin mo na lang siya,” sabi ni Matt sa katulong. Wala siya sa mood para mag-isip ng kung anu-ano. Sa ngayon ang gusto lamang niya ay mabalik lahat ng kanyang memorya dahil nahihirapan na siya.
SA KALAGITNAAN ng gabi ay bigla na lamang nagising si Natalia, nabigkas pa niya ang pangalan ni Matt. Hindi niya alam kung nanaginip siya. Bumangon siya at lumabas sa kanyang kuwarto at nagtungo sa kusina para uminom ng tsaa. Hindi niya alam kung bakit ang bilis ng pintig ng puso niya. Na para bang may mangyayaring masama na di niya maintindihan. Kumusta na kaya si Matt? Ano na kaya ang lagay nito? Ang balita sa kanya ni Aileen ay inilabas na ng ospital kaninang umaga si Matt kaya naman ilang beses niyang tinawagan si Vicky para sana makibalita ngunit hindi naman nito sinasagot ang mga tawag niya. Hindi talaga siya mapalagay lalo pa at hindi pa rin bumabalik ang memorya ni Matt. Gustuhin man niya itong punatahan sa mansion, alam niyang mahihirapan siyang gawin iyon. Kung mahigpit ang security nito sa ospital, tiyak niyang mas lalo na sa bahay nito. Alam naman niya kung gaano kagalit sa kanya ang pamilya ni Matt. Hindi gugustuhin
KUMUNOT ang nuo ni Rigor nang abutan siya ni Elena ng cheque na nagtataglay ng malaking halaga ng pera, “Para saan ho ito Ma’m Elena?” “Hindi na kailangan ni Matt ang serbisyo mo. Makakaalis ka na. Sapat na ang malaking pera na ‘yan para makapag-umpisa ka ng maayos na buhay.” Anang babae habang nakataas ang nuo, “Kung kulang pa ‘yan, magsabi ka lang, dadagdagan ko!” “Ako lang ang pinagkakatiwalaan ni Sir at tiyak na magagalit iyon saiyo oras na bumalik na ang lahat niyang mga alaala,” protesta ni Rigor sa kanya saka pinunit sa harapan nito ang cheque na ibinigay niya, “Si Sir Matt ang naghire sa akin ditto kaya siya lang ang may karapatang magpaalis sa akin!” Matigas ang tonong sabi nito saka mabilis na siyang tinalikuran. “Hindi mo ako nirerespeto? Sige, tawagin mo si Matt para magkaalama kung sino sa ating dalawa ang pakikinggan niya!” Sigaw niya rito ngunit parang wala itong naririnig na nagpatuloy sa paglalakad. Nagpanting ang tenga niya, ma
“SINO KA? Paano kang nakapasok sa loob ng bahay?” Kunot-nuong tanong ni Matt sa kanya, “Bago ka bang katulong ditto?” anitong muli siyang tinitigan, “Ikaw iyong babaeng nakita ko sa ospital? Tama!” sabi nitong nilapitan siya at tinitigang mabuti ang mukha niya, “Pamilyar ang mukha mo kaya hinanap kitang muli sa ospital.” May nakapa siyang pag-asa sa dibdib niya, “Ako si Natalia,” naluluhang sabi niya rito, “Ako si Natalia, Matt. . .” “Natalia?” sabi nitong napakurap saka dumilim ang mukha, “Naalala ko na. May malaking pagkakautang ang ama mo sa akin!” Singhal nito, “Anong ginagawa mo sa pamamahay ko? Magnanakaw ka, hindi ba? Pagnanakawan mo ako kagaya ng ginawang pangungulimbat ng ama mo kay Auntie Nena!” Humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya saka mabilis na tumawag ng security guard. “Matt, hindi ako masamang tao. Nagparito ako para. . .” “Iilabas ninyo siya at ayoko ng makita pa ang pagmumukha niya rito sa loob ng pamamahay ko!”
“KUMUSTA? Huwag mong sabihing pati ako nawala na rin sa alaala mo?” Nakangising tanong ni Dean. Kumunot ang nuo ni Matt, “Paano kitang makakalimutan, ikaw ang tinik sa buhay ko!” Yamot na sabi ni Matt sa lalaki, “Anong ginagawa mo ditto? Tuwang-tuwa ka sigurong makita akong nagkakaganito? Disappointed ka bang di ako namatay? Alam ko namang atat na atat kayong mawala na ako sa pamilyang ito dahil di nyo ako matalo-talo!” Singhal pa niya rito. Napailing si Dean habang tinitingnan siya, “Nakakaawa ka,” bumuntong hininga ito ng malalim, “Palagay mo ba pera lang ang makakapagpaligaya sa tao?” “Oo!” mapangmataas na sabi niya, “Dahil pera ang nagpapaikot sa mundong ito. Kaya nga pinangingilagan at tinitingala ako dahil sa kayamanan ko!” Sabi niya rito saka akmang tatalikod na nang may maalalang sabihin, “Siyanga pala, ito na ang huling pakikipag-usap ko saiyo! Hindi ko kinikilalang pinsan ang isang bastardo na kagaya mo!” Pagkasabi niyon ay mabilis
MAGING ANG SEKRETARYA NI MATT ay nagulat nang makabalik na ito sa opisina. Daig pa kasi ni Matt ang tigre. Matagal ng hindi nakikita ng kanyang mga empleyado ang ganito niyang katauhan kung kaya’t nagugulat ang mga ito na bumalik na naman siya sa dati niyang pag-uugali. Istrikto at bugnutin. “Next time, ayoko ng makitang may mali ang lahat ng mga reports ninyo or else lahat kayo tatanggalin ko sa trabaho!” bulyaw niya sa lahat saka nagmamadali nang lumabas ng conference room. Sa lahat ng ayaw niya ay ang mga taong hindi pinaghuhusayan ang trabaho. Sayang lamang ang ipinaswesweldo niya kung hindi naman ng mga ito gagampanan ng maayos ang responsibilidad na ibinibigay niya sa mga ito. Bawat sentimo pa naman ay napakahalaga sa kanya. Tumunog ang kanyang phone at nakita niyang tumatawag si Elena sa kanya. Lately ay nagiging demanding na rin itong masyado sa oras niya at hindi niya iyon gusto. Inis na sinagot niya ang tawag ng babae. “What?” Matab
PUNO NG EXCITEMENT SI NATALIA nang makita ang pagdating ni Matt sa bahay nila. “Matt,” masayang-masayang sabi niya. Mag-iisang buwan na rin simula nang huli niya itong nakita nang puntahan niya ito sa mansion kung kaya’t miss na miss na niya itong talaga. Hindi na niya napigilan ang sarili. Masayang niyakap niya ito ng mahigpit, halos mangiyak-ngiyak siya sa galak, “Miss na miss kita. . .” Matabang ang mukhang itinulak siya nito palayo, “I’m sorry pero wala akong oras sa mga babaeng kagaya mo!” Patuyang sabi nito sa kanya saka tiningnan siya mula ulo hanggang paa, “Hindi ko alam kung ano ang nagging kaugnayan ko saiyo. I can’t remember a thing pero natatandaan ko ang mukhang ‘yan. But don’t get me wrong. Malamang, kagaya ka rin ng ibang babae na nakasama ko kaya huwag kang mag-assume ng kahit na ano sa pagitan natin. Hindi ako pumunta rito para saiyo.” Sabi nitong inayos ang kwelyo ng suot na polo shirt saka nagpalinga-linga sa paligid, “Matagal na kayong
“WALA KAYONG DAPAT na ipag-aalala Ma’m Elena,” sabi ni Bamboo nang magreport ito sa kanya, “Galit na galit si Sir Matt sa buong pamilya ‘nung Natalia na iyon. Itinulak pa nga niya ito nang magtangkang yumakap kay Sir.” Napangisi siya. “Bantayan mong mabuti ang Sir Matt mo. Gusto ko, bawat detalye ng ginagawa niya, ireport mo sakin lalo na kapag may kinalaman sa babaeng iyon. By the way, nasan na ba siya?” “Nasa meeting pa ho, Maa’m. Kasama nya ang ilang investors sa loob. Mukhang walang nasa isip si Sir kundi puros trabaho.” “Mas mabuti na iyon kesa nag-aaksaya sya ng oras sa walang kwentang babae na iyon!” aniya sa lalaki saka pinatayan na niya ito ng telepono at hinarap ang kanyang laptop. Kahit na naiinis siya sa malamig na pakikitungo sa kanya ni Matt ay mas gusto na niya itong nangyayari ngayon kaysa nuon na wala itong ginawa kundi itaboy siya at magpakahibang ng husto sa Natalia na iyon. At least ngayon kahit na paano ay pin