Share

CHAPTER 121

SA SOBRANG depression ay nagkasakit si Natalia at dinala ito sa ospital. Hindi na ito natikis pa ni Matt kung kaya’t nagpasya siyang dalawin ito duon. Parang naantig ang puso niya nang makita ang kalagayan nito. Ang sabi ng doctor, masyado raw itong naapektuhan sa pagkawala ng bata. Para tuloy gusto niyang ma-guilty.

Tama ang Papang nito. Kung hindi naman niya ito mabibigyan ng kaligayahan ay mas makabubuti pa ngang palayain na lamang niya ito. Napahinga siya ng malalim. Iniisip pa lamang niyang palalayain na niya ito ay parang dinudurog ang puso niya.

Ngunit hindi rin makatwirang ito ang parusahan niya sa kasalanang hindi naman nito ginawa.

Inutusan niya si Rigor na tawagan ang Papang nito para makausap niya nang masinsinan. Pumayag naman ang matanda. Nakipagkita ito sa kanya sa canteen ng ospital.

“Huwag nyo na lang ipaalam kay Natalia ang pag-uusap nating ito. Gusto ko ring huwag na niyang malaman ang pagparito ko.” Panimula
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status