Share

CHAPTER 120

“HINDI KA NA BABALIK DUN kahit na anong mangyari. Kahit na kuhanin pa ni Matt ang bahay natin, wala na akong pakialam!”

Kunot-nuong napahinto sa pagsubo si Natalia, “Papang?”

“Kahit ipadala nya pa ang isang batalyon niyang mga tauhan dito, huwag na huwag kang sasama. Ako ng bahala sa kanya. Nakausap ko na ang isang kaibigan ko. Ibebenta ko na itong bahay at ibibigay sa kanya ang pera.”

Tumigas ang mukha ni Natalia, “Hindi nyo ibebenta ang bahay na ito, Papang. Marami na akong isinakripisyo para lang huwag mawala ang bahay na ito sa akin!” Mariing sabi niya sa ama.

“Pero Natalia, sumusobra na ang Matt na iyon. Hindi ko na kayang. . .”

“Papang, ngayon pa ba natin pagtatalunan ang tungkol sa bagay na iyan? Hayaan nyo na lang ako sa problema tungkol sa bagay na iyon, Papang. Hindi makukumpormiso ang bahay natin nang dahil dun. Hindi ko papayagan.” Giit niya rito.

“Anak, ikaw lang naman ang inaalala ko. Hind
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status