HINDI KUMIBO SI MATT matapos ireport sa kanya ni Rigor ang lahat ng nangyayari kay Natalia sa bawat araw na pamamalagi nito sa bahay nito. Naiinis siya sa sarili dahil ang totoo ay gusto na niya itong pabalikin sa mansion ngunit iniisip niyang baka mas masaya ito kapag kasama nito ang buong pamilya kung kaya’t pinigilan niya ang sarili. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang kanyang loob sa nangyari sa kanilang anak. Alam niyang hindi nito gustong magkaanak sa kanya. Mahal siya nito? Huh, baka sinasabi lamang iyon ni Natalia dahil sa pakinabang na nakukuha ng buong pamilya nito sa kanya. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa babaeng iyon? Kanino pa ba ito magmamana kundi sa ama nito na manggagamit! Itinaas niya ang isang kamay bilang senyales kay Rigor na makakaalis na ito. Kaagad namang lumabas ng kanyang opisina ang lalaki. Nagbuga siya ng isang malalim na hininga saka hinarap ang kanyang mga binabasang papelis. Ngunit maya-maya ay parang nabubu
“HINDI KA NA BABALIK DUN kahit na anong mangyari. Kahit na kuhanin pa ni Matt ang bahay natin, wala na akong pakialam!” Kunot-nuong napahinto sa pagsubo si Natalia, “Papang?” “Kahit ipadala nya pa ang isang batalyon niyang mga tauhan dito, huwag na huwag kang sasama. Ako ng bahala sa kanya. Nakausap ko na ang isang kaibigan ko. Ibebenta ko na itong bahay at ibibigay sa kanya ang pera.” Tumigas ang mukha ni Natalia, “Hindi nyo ibebenta ang bahay na ito, Papang. Marami na akong isinakripisyo para lang huwag mawala ang bahay na ito sa akin!” Mariing sabi niya sa ama. “Pero Natalia, sumusobra na ang Matt na iyon. Hindi ko na kayang. . .” “Papang, ngayon pa ba natin pagtatalunan ang tungkol sa bagay na iyan? Hayaan nyo na lang ako sa problema tungkol sa bagay na iyon, Papang. Hindi makukumpormiso ang bahay natin nang dahil dun. Hindi ko papayagan.” Giit niya rito. “Anak, ikaw lang naman ang inaalala ko. Hind
SA SOBRANG depression ay nagkasakit si Natalia at dinala ito sa ospital. Hindi na ito natikis pa ni Matt kung kaya’t nagpasya siyang dalawin ito duon. Parang naantig ang puso niya nang makita ang kalagayan nito. Ang sabi ng doctor, masyado raw itong naapektuhan sa pagkawala ng bata. Para tuloy gusto niyang ma-guilty. Tama ang Papang nito. Kung hindi naman niya ito mabibigyan ng kaligayahan ay mas makabubuti pa ngang palayain na lamang niya ito. Napahinga siya ng malalim. Iniisip pa lamang niyang palalayain na niya ito ay parang dinudurog ang puso niya. Ngunit hindi rin makatwirang ito ang parusahan niya sa kasalanang hindi naman nito ginawa. Inutusan niya si Rigor na tawagan ang Papang nito para makausap niya nang masinsinan. Pumayag naman ang matanda. Nakipagkita ito sa kanya sa canteen ng ospital. “Huwag nyo na lang ipaalam kay Natalia ang pag-uusap nating ito. Gusto ko ring huwag na niyang malaman ang pagparito ko.” Panimula
NANG MAGMULAT ng mga mata si Natalia ay si Matt kaagad ang hinanap ng mga mata niya. Para kasing naamoy niya ang scent nito kanina, at ramdam niyang hinalikan siya nito sa nuo. Ngunit wala ito sa kuwarto, sa halip ay ang Papang niya at si Timothy ang dinatnan niya sa loob ng ospital. “Kumusta ka na, Nat?” Tanong ni Timothy sa kanya, nakita niya ang piping pananabik sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Tumayo at Papang niya at namaalam na magpapahangin lang sa labas, siguro’y upang makapag-usap sila ng sarilinan ng lalaki. Hindi niya sinagot ang tanong nito. Obvious namang hindi maganda ang pakiramdam niya, lalo na at si Matt ang ini-expect niyang makikita niya sa pagmulat ng kanyang mga mata ngunit bakit ang lalaking ito ang nasa harapan niya? Hindi man lamang ba nag-aalala si Matt sa kalagayan niya? Panigurado naman siyang nakarating dito ang pagkakasakit niya. Bakit talagang wala itong pakialam sa kanya? Ang sakit. Expected na niya
“PA, HUWAG NA HUWAG mo ng pakikialaman pa si Matt! Kapag ginulo nyo pa siyang muli, hindi na ko mangingiming ilantad ang mga ginagawa nyo. I’m warning you, ngayon lang ako nagmahal ng ganito!” Sabi ni Elena sa kanyang ama saka nagmamadali nang lumabas ng opisina nito. At totohanin niya ang banta dito kasehodang makalaban pa niya ito. Pagdating sa pag-ibig ay nakahanda siyang gawin ang lahat. Nagmamadali niyang pinuntahan si Matt nang mabalitaan mula sa kaibigan niyang abogado na inaasikaso na nito ang pagpa-file ng annulment nito. Masayang-masaya siya. Sinasabi na nga ba niya at lilipas rin ang fascination nito sa babaeng iyon. She knows him too well. Excited siyang nagpahatid sa kanyang driver sa opisina ng lalaki. Dinatnan niya itong abalang-abala sa mga papelis. Ni hindi man lamang nag-angat ng mukha nang pumasok siya sa private office nito. “Parang gusto ko ng mapikon,” sabi niya nang ilang minuto na ay di pa rin siya nito pinapansin. “
ANIM buwan na simula nang ihatid dito ni Rigor ang lahat ng mga gamit niya at nang tanungin niya ito kung kailan siya nito susunduin at bakit ipinahatid na nito ang mga gamit niya, ang tanging naisagot lang nito sa kanya ay: Malaya nyo na raw pong magagawa ang gusto ninyo, sabi ni Sir. Ipapaayos na rin niya ang annulment ninyo. Parang gusto niyang magprotesta ng mga sandaling iyon. Ni hindi man lamang siya kinonsulta ni Matt tungkol sa bagay na iyon ngunit ano pa ng aba ang magagawa niya? Ito ang nagdesisyon sa kasal nila at ito rin ang nagdesisyon sa pagtatapos niyon. At hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya. Hindi siya nasaktan ng ganito nuong magtapos ang relasyon nila ni Timothy. Pero bakit kay Matt, hirap na hirap siyang maka-move on? Nakabalik na rin siya sa dating pinapasukan niya. Nagpapasalamat siyang ang bilis siyang tinanggap pabalik ng boss niya kahit na nga hindi man lamang siya nagpaalam nang umalis siya duon. At g
ISANG TAON ang lumipas ngunit pakiramdam ni Natalia ay napakahabang panahon na iyon. Hindi nga niya akalaing kakayanin niya iyon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman niya. Kahit anong pilit ang gawin niya ay di siya makamove on sa paghihiwalay nila ni Matt kahit na ang totoo, siya lang naman ang nagmahal dito. “Ate, excited na ako sa mga pasalubong ni Ate Girlie,” masayang sabi ni Junjun habang inaayos ang suot na polo shirt, “Guwapo na ba ako, ate?” “Guwapong-guwapo!” Nakangiting sabi niya rito, papunta sila sa airport ngayon para sunduin si Girlie. Uuwi kasi ito ng Pilipinas para magbakasyon ng tatlong buwan and then babalik ulit ito sa Australia dahil hindi pa tapos ang pag-aaral nito. Masayang-masaya siya sa nangyayaring maganda sa kanyang kapatid. At gaya nina Junjun ay excited rin siya sa pagdating nito. “San na ba si Papang at si Marco? Baka maipit tayo sa traffic?” Tanong niya kay Junjun.
“ATE, kung hindi dahil kay Matt, hindi magbabago ang buhay ko kaya nalulungkot akong malaman na naghiwalay na pala kayo,” malungkot na sabi ni Girlie kay Natalia nang malaman nito ang nangyari sa kanila. Nasa veranda silang dalawa ng kanilang bahay at masinsinang nag-uusap habang natutulog na ang kanilang Papang at mga kapatid. May pait sa mga labing napangiti siya, “Kahit paano ay masaya akong may magandang kinahinatnan ang pagkakakilala namin ni Matt.” Halos paanas lang na sabi niya kay Girlie. “Oo nga pero nasasaktan akong malamang hindi rin nagtagal ang pagsasama ninyo dahil sigurado ako ate, minahal ka ni Matt.” Napailing siya, “Ginamit lang niya ako para pasakitan si Papang.” “Ate, tinulungan nya akong magbago. Kami ni Nathan. Palagay mo, kung ang intension nya kaya ka nya pinakasalan ay para pasakitan si Papang, bakit nya kami tinulungan?” Hindi siya nakasagot. May point rin naman si Girlie. Bakit nito tinulungan a