PAGKAGISING ay diretso kaagad ng banyo si Natalia. Bahagya pa siyang nakapikit nang maupo sa toilet bowl. Nang tumayo ay iinat-inat pa siyang naglakad patungo sa sink para maghilamos at magtooth brush. Ngunit bago pa niya magawa iyon ay nadulas na siya. Napagat labi siya dahil masama ang posisyon ng pagkakabagsak niya. Maya-maya ay napatili siya nang makitang nagdurugo ang kanyang mga binti. Naisip niya ang mga sinabi niya kay Matt kagabi. Hindi siya seryoso nang sabihin niya rito na gusto niyang ipa-abort ang bata. Parusa ba ito sa kanya ng langit? Nanlalamig siya sa sobrang takot. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyari sa bata. “Vicky!!! Saklolo!” sigaw niya, maya-maya ay nakaramdam siya ng pagdidilim ng kanyang paningin. Hinawakan niya ang kanyang ulo. Pagtingin niya sa kanyang kamay ay may dugo na iyon. Hindi niya napansing tumama pala sa toilet bowl ang ulo niya. Hindi niya alam kung dala ng takot o
NAGKATINGINAN sina Rigor at si Vicky nang marinig ang pagwawala sa loob ng kuwarto ng kanilang amo. Alam ni Rigor na talagang nasaktan ang kanyang boss. Hindi man nito aminin sa kanya ay halata niya ang excitement sa mukha nito nang malamang nagdadalantao si Natalia kaya naman ang sakit-sakit ditong malaman na pinaasa lamang naman pala ito saw ala. Alam niyang may takot ito and yet mas matimbang ang excitement nito sa ideyang magkakaanak na ito kaya hindi niya ito masisisi kung makaramdam ng galit ng dahil sa nangyari.“Bakit naman kasi hindi nag-iingat si Ma’m Natalia, alam naman niyang buntis siya,” mahinang sabi ni Vicky.“Aksidente nga, di ba?” sagot ni Rigor.“Nagtataka lang ako, bakit may nagkalat na shampoo sa sahig ng banyo niya?” Takang tanong ni Vicky ditto saka nilingon si Manang Aida. “Manang, hindi baa ng linis-linis ng banyo ‘nung gabing linisin ko? Kayo ang testigo na malinis ang banyo dahil tsinek ninyo?”“Syempre naliligo si Ma’m Natalia sa gabi kaya m
“IHA, may dinaramdam ka ba?” Tanong ni Mang Oliver sa anak nang mapansin niya ang pananamlay nito habang nakaupo sa may veranda. Mag-dadalawang Linggo na ito sa bahay at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ito ipinasusundo ni Matt. Nagsawa na ba ang lalaking iyon sa kanyang anak? Iling lamang ang isinagot ni Natalia sa kanya. Hindi naman niya ito masisisi kung hindi ito sanay mag-open up ng mga problema sa kanya. Ano ba ang nagawa niyang maganda para dito? Kung tutuusin, siya ang puno’t dulo ng lahat ng mga paghihirap na pinagdadaanan ng kanyang anak. “Kasalanan kong lahat ito. Hindi ako nagging mabuting ama sa inyong lahat kaya nagkakaganito ang buhay natin.” “Papang, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na kalimutan na nating lahat iyong mga nangyari nuon. Ang mahalaga, natuto tayong lahat sa ating mga pagkakamali,” sabi ni Natalia sa kanya. Ngunit hindi pa rin niya maiwasang hindi makaramdam ng guilt. Hindi na siguro niya
HINDI KUMIBO SI MATT matapos ireport sa kanya ni Rigor ang lahat ng nangyayari kay Natalia sa bawat araw na pamamalagi nito sa bahay nito. Naiinis siya sa sarili dahil ang totoo ay gusto na niya itong pabalikin sa mansion ngunit iniisip niyang baka mas masaya ito kapag kasama nito ang buong pamilya kung kaya’t pinigilan niya ang sarili. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang kanyang loob sa nangyari sa kanilang anak. Alam niyang hindi nito gustong magkaanak sa kanya. Mahal siya nito? Huh, baka sinasabi lamang iyon ni Natalia dahil sa pakinabang na nakukuha ng buong pamilya nito sa kanya. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa babaeng iyon? Kanino pa ba ito magmamana kundi sa ama nito na manggagamit! Itinaas niya ang isang kamay bilang senyales kay Rigor na makakaalis na ito. Kaagad namang lumabas ng kanyang opisina ang lalaki. Nagbuga siya ng isang malalim na hininga saka hinarap ang kanyang mga binabasang papelis. Ngunit maya-maya ay parang nabubu
“HINDI KA NA BABALIK DUN kahit na anong mangyari. Kahit na kuhanin pa ni Matt ang bahay natin, wala na akong pakialam!” Kunot-nuong napahinto sa pagsubo si Natalia, “Papang?” “Kahit ipadala nya pa ang isang batalyon niyang mga tauhan dito, huwag na huwag kang sasama. Ako ng bahala sa kanya. Nakausap ko na ang isang kaibigan ko. Ibebenta ko na itong bahay at ibibigay sa kanya ang pera.” Tumigas ang mukha ni Natalia, “Hindi nyo ibebenta ang bahay na ito, Papang. Marami na akong isinakripisyo para lang huwag mawala ang bahay na ito sa akin!” Mariing sabi niya sa ama. “Pero Natalia, sumusobra na ang Matt na iyon. Hindi ko na kayang. . .” “Papang, ngayon pa ba natin pagtatalunan ang tungkol sa bagay na iyan? Hayaan nyo na lang ako sa problema tungkol sa bagay na iyon, Papang. Hindi makukumpormiso ang bahay natin nang dahil dun. Hindi ko papayagan.” Giit niya rito. “Anak, ikaw lang naman ang inaalala ko. Hind
SA SOBRANG depression ay nagkasakit si Natalia at dinala ito sa ospital. Hindi na ito natikis pa ni Matt kung kaya’t nagpasya siyang dalawin ito duon. Parang naantig ang puso niya nang makita ang kalagayan nito. Ang sabi ng doctor, masyado raw itong naapektuhan sa pagkawala ng bata. Para tuloy gusto niyang ma-guilty. Tama ang Papang nito. Kung hindi naman niya ito mabibigyan ng kaligayahan ay mas makabubuti pa ngang palayain na lamang niya ito. Napahinga siya ng malalim. Iniisip pa lamang niyang palalayain na niya ito ay parang dinudurog ang puso niya. Ngunit hindi rin makatwirang ito ang parusahan niya sa kasalanang hindi naman nito ginawa. Inutusan niya si Rigor na tawagan ang Papang nito para makausap niya nang masinsinan. Pumayag naman ang matanda. Nakipagkita ito sa kanya sa canteen ng ospital. “Huwag nyo na lang ipaalam kay Natalia ang pag-uusap nating ito. Gusto ko ring huwag na niyang malaman ang pagparito ko.” Panimula
NANG MAGMULAT ng mga mata si Natalia ay si Matt kaagad ang hinanap ng mga mata niya. Para kasing naamoy niya ang scent nito kanina, at ramdam niyang hinalikan siya nito sa nuo. Ngunit wala ito sa kuwarto, sa halip ay ang Papang niya at si Timothy ang dinatnan niya sa loob ng ospital. “Kumusta ka na, Nat?” Tanong ni Timothy sa kanya, nakita niya ang piping pananabik sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Tumayo at Papang niya at namaalam na magpapahangin lang sa labas, siguro’y upang makapag-usap sila ng sarilinan ng lalaki. Hindi niya sinagot ang tanong nito. Obvious namang hindi maganda ang pakiramdam niya, lalo na at si Matt ang ini-expect niyang makikita niya sa pagmulat ng kanyang mga mata ngunit bakit ang lalaking ito ang nasa harapan niya? Hindi man lamang ba nag-aalala si Matt sa kalagayan niya? Panigurado naman siyang nakarating dito ang pagkakasakit niya. Bakit talagang wala itong pakialam sa kanya? Ang sakit. Expected na niya
“PA, HUWAG NA HUWAG mo ng pakikialaman pa si Matt! Kapag ginulo nyo pa siyang muli, hindi na ko mangingiming ilantad ang mga ginagawa nyo. I’m warning you, ngayon lang ako nagmahal ng ganito!” Sabi ni Elena sa kanyang ama saka nagmamadali nang lumabas ng opisina nito. At totohanin niya ang banta dito kasehodang makalaban pa niya ito. Pagdating sa pag-ibig ay nakahanda siyang gawin ang lahat. Nagmamadali niyang pinuntahan si Matt nang mabalitaan mula sa kaibigan niyang abogado na inaasikaso na nito ang pagpa-file ng annulment nito. Masayang-masaya siya. Sinasabi na nga ba niya at lilipas rin ang fascination nito sa babaeng iyon. She knows him too well. Excited siyang nagpahatid sa kanyang driver sa opisina ng lalaki. Dinatnan niya itong abalang-abala sa mga papelis. Ni hindi man lamang nag-angat ng mukha nang pumasok siya sa private office nito. “Parang gusto ko ng mapikon,” sabi niya nang ilang minuto na ay di pa rin siya nito pinapansin. “
HABANG HINUHUBAD ni Matt ang suot niyang wedding gown ay titig na titig siya rito. Hindi pa rin niya mapaniwalaan na asawa na niya ito ngayong gabing ito. Asawang tunay hindi kagaya nang nauna nilang kasal na parehong hindi pa nila tiyak ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa. This time ay siguradong-sigurado na sila. Napapikit siya nang bumagsak ang suot niyang wedding gown sa sahig at titigan nito ng buong pagnanasa ang magandang hubog ng kanyang katawan. Saka nagmamadali nitong kinalas ang suot niyang bra at parang batang sinupsup ang kaliwang dibdib niya, habang ang isang kamay nito ay abala sa paghuhubad ng suot niyang panty. “Matt. . .” tawag niya ng buong pagmamahal sa pangalan nito, ang kanyang kamay ay malayang ginagalugad ang likuran nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya saka hinubad ang lahat nitong suot. Mas lalong nag-init ang kanyang buong katawan nang malantad ang waring hinulma na katawan ng asawa. Nangigil na napakagat labi siya ha
HABANG NAGLALAKAD patungo sa altar si Natalia ay hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang naiisip ang mga pinagdaanan niya para lamang makamit ang pag-ibig na pinakahahangad niya. Alam niyang hindi siya ganuon kadaling matatanggap ng buong pamilya ni Matt ngunit nangako sa kanya ang lalaki na kahit na anong mangyari ay ipaglalaban nito ang pag-ibig nito para sa kanya. Besides, wala naman na itong pakialam kahit itakwil pa ito ng pamilya, ang mahalaga ay magkasama silang dalawa. Kaya nga kahit si Dean lamang ang pamilya ni Matt na dumalo sa kasal nito ay itinuloy pa rin nila ang pag-iisang dibdib. This time ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan nila, harangan man sila ng sibat. Nakapagpaalam na rin si Matt sa lahat nitong mga empleyado. Ang lahat ng negosyo nito ay ibinenta na nito. Ang pamamahala sa negosyo ng pamilya ay tinanggihan na rin nito. Nakapagpasya na silang pagkatapos ng kanilang kasal ay sa isang isla sa Palawan
“FUCK NO!!!!” NAPABALIKWAS SI ELENA nang magising kinabukasan katabi ni Bamboo na hubot hubad, “Fuck no!” Pinangingilabutang sigaw niya habang unti-unting naalala ang namagitan sa kanila ng kanyang alalay nang nagdaang gabi. Parang siyang masusuka na di niya mawari. Paano nangyaring ibinigay niya ang kanyang sarili sa lalaking ito. “Ma’m?” Bumangon ito at tangkang lalapitan siya ngunit nandidiring tumakbo siya sa loob ng banyo at kinandado iyon, “Go away,” sigaw niya rito, “Lumayas ka na at ayokong makita pa ang pagmumukha mo.” “Ma’m mahal kita!” Dinig niyang sigaw ni Bamboo sa kanya. Tuluyan na siyang napasuka sa narinig. Iniisip pa lamang niyang makikipagrelasyon siya sa isang mababang uring gaya ni Bamboo ay pinangingilabutan na siya. Ano na lamang ang sasabihin ng mga kaibigan niya sa kanya? Tiyak na pagtatawanan siya ng mga ito kapag pumatol siya sa isang gaya ng lalaking ito? “Ma’m okay lang ho ba kayo?” Nag-aalalang tanong nit
“IKAW BA TALAGA ANG PINSAN KO NA SI MATT?” Natatawang tanong ni Dean sa lalaki habang pinapanuod itong waring gutom na gutom na nilalantakan ang dala nitong mga pagkain. Napapangiti lang si Natalia habang pinood ito. Nuon lamang niya nakitang kumain ng ganito karami si Matt. Napagod marahil ng husto sa paglilinis kaya napaparami ang kain. “And what about you? Ikaw ba talaga yan?” sagot ni Matt kay Dean, “Look at you, never ka pang nagging ganito sa ibang babae.” Napangisi si Dean, saka nagkibit ng balikat. Maya-maya ay sabay na nagkatawanan ang mga ito na waring nagkaunawaan na ang kanilang mga mata sa kung ano ang nagawa ng pag-ibig sa kanila. Kung nuon ay pareho sila ng paniniwalang isang kalokohan ang pag-ibig, ngayon ay pareho rin silang nagkakaganito ngayon nang dahil sa pag-ibig. “Pero tanggapin natin ang katotohanang ngayon lang tayo nagging ganito kasaya, hindi ba?” Sabi ni Dean. “I know,” masayang sagot naman ni
HINDI makapaniwala si Natalia habang tinititigan niya si Matt, kusang pumapatak ang kanyang mga luha sa mga naririnig mula sa lalaki. “Mahal mo rin ako? K-kailan mo pa naramdaman ‘yan?”Tanong niya rito. “I don’t know. Baka matagal na. . .hindi ko alam, pero kailangan pa bang malaman kung kelan? Ang mahalaga, mahal kita.”” Napakurap-kurap siya walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapaniwalaan na isang araw ay darating ang sandaling ito na napakatagal rin niyang hinintay. “I love you, Natalia.” “I love you too, Matt.” Punong-puno ng kaligayahang sabi niya rito. Wala na siguro siyang mahihiling pa ng mga sandaling yon. Wala talagang imposible sa taimtaim na nanalangin at nanampalataya. Ibinigay ng Diyos ang kanyang panalangin. Kailangan lang niyang maghintay ngunit worth it naman ang paghihintay niyang ito. Nang muling angkinin ni Matt ang kanyang mga labi ay buong pagmamahal niya iyong
RAMDAM NI MATT ANG matinding galit ni Natalia at hindi niya ito masisisi. Kahit naman sinong matinong babae ay magagalit sa mga ginawa niya rito and yet ramdam niya at nakikita niya sa mga mata nito na mahal pa rin siya nito kaya kahit ipinagtatabuyan siya nitong palayo ay nagpilit siyang yakapin ito. “Please get off me, ayaw na kitang makita pa!” sigaw nito sa kanya ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang yakap rito saka siniil ito ng halik sa mga labi. Sa umpisa ay nanlalaban pa ito ngunit unti-unti ay bumigay na rin ito at nagpaubaya na sa kanyang mga labi na buong pagmamahal na inaangkin ang mga labi nito. Ramdam niyang tinugon na rin nito ng mainit at buong puso ang kanyang mga halik. Damn, si Natalia lamang ang babaeng kailangan niya at ito lamang ang makakapagpapuno sa emptiness na nararamdaman niya. Dinukot niya ang engagement ring at inilabas iyon, saka humiwalay rito para lumuhod sa harapan nito, “Will you marry me, Natalia?”
NANG MAGMULAT ng mga mata si Matt ay nasa loob siya ng ospital. Si Natalia kaagad ang kanyang hinanap. Nang di niya ito makita ay nagmamadali siyang tumayo. “Matt, saan ka pupunta?” Nag-aalalang tanong ni Elena sa kanya ngunit parang walang naririnig na tinawagan niya si Rigor para ipaalam ditto na pupuntahan nila si Natalia. “Natalia? Hindi mo na ba talaga makakalimutan ang babaeng iyon?” Yamot na sigaw ni Elena sa kanya ngunit di na lamang niya ito pinansin. Natatandaan na niya ang lahat. Mahal niya si Natalia. Hindi lamang katawan nito ang kailangan niya kundi ang kabuuan nito at ang lahat-lahat ditto. Naalala na niyang bago maganap ang aksidente ay nakapagdesisyon na siyang ibenta ang lahat ng kanyang mga negosyo. Nasabi na rin niya sa ama na hindi niya tatanggapin ang alok nitong pamahalaan ang kanilang negosyo at ipagkatiwala na lamang nito iyon sa iba. He was about to propose at nakapagplano na siyang pakasalang muli si Nata
“WHAT IS WITH HER, RIGOR?” Halos paanas lamang na tanong niya sa lalaki nang tanggapin niya mula rito ang iniabot nitong whisky sa kanya, “Bakit hindi sya mawala sa isipan ko?” “Sir, nang gabing mangyari ang aksidente, nanggaling ka sa bahay nila. Actually masayang-masaya ka ng araw na iyon. Nakapagpasya ka ng ibenta ang lahat ninyong mga negosyo at magretire sa isa sa mga isla na nabili ninyo. Hula ko, kung hindi nagkaroon ng emergency, nakatakda ka ng magpropose k-kay Natalia. May binili na kayong engagement ring para sa kanya, Sir.” Natigilan siya. “Sabi nyo pa nga, gusto ninyo siyang pakasalang muli sa simbahan.” Napakunot nuo siya. Wala siyang matandaan ni isa sa mga sinasabi nito. Siya, magreretire? Wala sa bukabularyo niya ang magretire lalo na ng ganito kaaga. Napangisi siya, “I guess masyado kang nagpapanood ng mga pelikula kaya kung anu-anong naiisip mo,” natatawang sabi niya kay Rigor. “May ambush interview
“MINSAN MAHIRAP basahin kung anong tumatakbo sa utak ng pinsan kong iyon kaya nga napakagaling nya pagdating sa pagnenegosyo,” sagot ni Dean kay Girlie, “Kaya di natin alam kung nagpapanggap na lang syang wala syang naalala ngayon.” “Kung anuman nasa utak nya, bahala sya basta sana tupdin ni Ate iyong pangako nya sa kanyang sarili na talagang kakalimutan na nya ang lalaking iyon,” sabi ni Girlie. “Madaling sabihin, mahirap gawin. Ilang beses kong sinubukang kalimutan ka pero di ko nagawa.” Napairap si Girlie kay Dean, “Iba naman iyong satin dahil pareho nating love ang isa’t-isa. But in Ate’s case, sya lang ang nagmamahal.” “I don’t think so. Palagay ko, nuong nagdesisyon si Matt na iwanan na ang lahat, gusto nan yang lumagay sa tahimik. And then the accident happened. At may palagay akong mahal nya si Natalia kaya gusto na nya ng tahimik ma buhay.” Natawa si Girlie, “Iyong lalaking iyon, magmamahal? Ewan ko lang pero kah