HINDI AKALAIN ni Natalia na pag-iisipan ng masama ni Matt ang pagmamalasakit na nararamdaman niya para ditto. Hindi siya makapaniwalang ganuon kadumi itong mag-isip. From now on, hindi na lamang niya ito iintindihin pa. Tutal ay wala rin naman itong pakialam sa nararamdaman niya. Bakit ng aba niya sasayangin ang energy niya sa taong di naman pinapahalagahan ang damdamin niya? Ang gusto na lamang niya ay makaalis sa mansion na ito. Hanggang kailan ba siya balak maging bihag ng lalaking iyon? “Ma’m, nakahanda na ang hapunan,” anang maid mula sa labas ng kuwarto. “Hindi ako nagugutom,” matamlay na sagot niya rito saka pinikit na ang mga mata. Ngunit bandang ala-una ng madaling araw ay kumalam ang sikmura niya kaya’t lumabas siya ng kuwarto upang kumuha ng makakain sa fridge. Nagulat siya nang pagbalik sa kuwarto ay makita si Matt sa labas. Pinamulahan siya ng mukha lalo pa at nakita niyang sinisipat siya nito. Pinagbibint
NAGWAWALA SI ELENA sa harapan ng ama. “Dad, paano nyo nagawa sakin ito? Alam nyo namang ang laki na ng hirap ko para maimpress sakin ang buong pamilya ni Matt, bakit sinira nyo ang pangalan natin sa isang iglap lang?” “Anak, ano bang ipinag-aalala mo? Malakas ako sa Presidente kaya hindi nila masisira ang pangalan natin,” kalmadong sagot ng matanda sa kanya. “No, Dad. Matibay ang mga ebdensyang nagtuturo sa inyo, paano nyo ito malulusutan?” Bulyaw ni Elena. “Relax. Hindi ako pababayaan ng mahal na pangulo. Besides, kasama sa payroll ko ang mga nasa DOJ kaya wala kang dapat na ipag-aalala.” Saka lamang siya kumalma. “Pero titiyakin kong masisira ko ang pangalan ng Matt na iyon,” sabi ng kanyang ama sa kanya. “Daddy, please, tantanan nyo na si Matt,” pakiusap ni Elena sa ama, “Ipaubaya nyo na sya sa akin, please Daddy?” Hindi ito umimik. “Kapag ginulo nyo pa si Matt, kalimuta
HINDI AKALAIN NI MATT na ang Presidente mismo ang tumawag sa kanya para ibalato na rito ang atraso ni Mr. Danilo Uy sa kanya. Gaano ba ito kalakas sa Presidente? Napilitan tuloy siyang iurong na lamang ang kaso laban sa matandang Uy. Kahit makapangyarihan sya at mayaman, kailangan niyang makisama kung hindi’y maapektuhan ang mga negosyo niya. Heto nga at ginipit na siya sa isang planta niya sa Cebu. Kung kaya’t nakipagkasundo siya sa Pangulo na tanggalin ang suspension ng operation ng factory niya kapalit ng pag-urong niya sa kasong isinampa niya kay Mr. Danilo Uy. Nakipagkasundo naman sa kanya ang Pangulo. Nangako rin ito sa kanya na di na siya guguluhin pa ni Danilo Uy.` Sana lamang ay panghawakan ng mga ito ang pangako kung hindi’y hindi na rin siya mananahimik lang. Alam niya ang baho ng mga ito at isisiwalat niya ang mga iyon sa oras na guluhin pa siya ng mga ito. Pagkatapos ng pakikipag-usap sa Pangulo ay umuwi na siya sa mansion. Dumiretso siya s
WALANG MAGAWA SI NATALIA. Nababagot na siya sa bahay at pakiramdam niya ay mababaliw na sya kung kaya’t naisipan na lamang niyang tumulong sa mga katulong sa paglilinis ng bahay. “Ma’m, naku naman malalagot kami nito kay Sir. . .” sabi ni Vicky nang magpumilit siyang makialam sa mga trabaho nito. “Hindi naman niya malalaman, bakit ba natatakot ka? Saka ako naman ang may gusto nito.” Aniya. “Magswimming na lang kasi kayo. Ang lawak ng swimming pool. Gamitin nyo,” anang isang katulong sa kanya. “Oo nga ma’m. Magswimming na lang kayo. Naku, kung kasing seksi ninyo ako, araw-araw akong nakabathing suit,” sabi ni Vicky. Napasimangot ang isang maid, “Ini-imagine ko pa lang na nakasuim suit ka, masusuka na ako!” nakairap na sabi ditto ng isang katulong. “Uy ha, feeling mo naman!” Irap ni Vicky ditto. Habang nag-aasaran ang dalawang katulong ay lumayo siya sa mga ito at naupo. Pakiramdam niya ay umiikot a
HINDI ALAM NI MATT ang eksaktong nararamdaman niya habang papunta sa kanyang opisina. Dapat ba siyang magcelebrate dahil buntis si Natalia? Hindi niya tiyak. Naguguluhan siya sa bagong damdamin na lumulukob sa kanya ng mga sandaling iyon. Hindi siya handang maging ama. Hindi rin niya alam kung papaano maging ama. Napakurap-kurap siya. Maya-maya ay tinawagan niya ang kanyang sekretarya para ipare-schedule na lamang ang kanyang meeting. Inutusan niya ang driver na umuwi na lamang sila sa bahay. Si Natalia kaagad ang pinuntahan niya nang makauwi na sa bahay. Dinatnan niya itong parang malayo ang iniisip habang nakaupo sa gilid ng kama. Hindi niya alam kung masaya ba itong malaman na nagdadalantao ito. Pakiramdam niya, hindi nito gusto ang magbuntis. “Iniisip mo bang ipalaglag ang bata?” Tanong niya ditto. Kumunot ang nuo nito. Nagkibit siya ng balikat, “Kung iniisip mong ipalaglag ang bata. . .”
“MAS MABUTING duon na muna si Natalia sa kanila habang medyo busy ako. Mabuti na rin iyong makasama niya ang pamilya niya sa unang buwan ng pagbubuntis niya. Pero gusto kong matiyak ang safety niya kaya padalhan mo sya ng tatlong katulong at limang body guards,” sabi ni Matt kay Rigor, “At pakitawagan mo na rin si Regine, papuntahin mo siya sa bahay.” “Yes Sir,” sagot ni Rigor sa kanya. Nagtungo siya sa banyo at naligo. Bago umalis ay pinuntahan niya si Natalia, nakagayak na ito nang datnan niya sa kuwarto nito. “Sasamahan ka ng tatlong katulong at limang body guards sa inyo,” sabi niya rito. “Hindi ko kailangan ng body guards at ng maid. Kaya ko naman ang sarili ko. Saka walang matutulugan ang mga iyon sa. . .” “Ipinauna ko na iyong dalawang katulong dun para ayusin iyong dalawang bakanteng kuwarto dun para sa kanila.” Aniya ditto. Nag-angat ito ng isang kilay, “So pati sa bahay namin ikaw na rin ang nagde
“WOW ATE, ang sarap naman pala ng ganito, may mamahaling service na tayo, may body guards pa tayo. Mabuti na lang si Kuya Matt ang napangasawa mo,” nakangising sabi ni Junjun sa kanya. Mula sa rear view mirror ay nakita niyang napatingin sa kanya ang driver ng Mercedez Benz na sinasakyan nila. Hindi na lamang siya umimik pa. Kung alam lamang ni Junjun ang lahat ng mga hirap ng kalooban na pinagdadaanan niya at kung paano siya ituring ni Matt, baka masabi nitong napakamalas naman ng kapalaran niya. Ngunit syempre pa ay hindi na niya kailangang ipaalam pa iyon sa mga kapatid. Ayaw naman niyang mag-aalala pa ang mga ito. “Ate Nat, pwede ba tayong mag-take out ng halo-halo mamaya?” Si Marco, “Miss ko na iyong halo-halo sa Mang Inasal.” “Oo bah,” aniya ditto. “Ate, ang saya-saya ko talagang magtatagal ka sa bahay.” Sabi ni Marco na niyapos pa ang isang braso niya, “Sana wag ka na lang umalis.” “Hindi pwede iyon. Me
“BASTA ang narinig ko, buntis siya,” sumbong ni Aida kay Elena nang tawagan niya ito para alamin ang nangyayari kina Matt at Natalia. “What, buntis ang babaeng iyon? Sigurado ka ba?” “Opo Ma’m Elena. Pero wag nyo na sanang ipaalam kay Sir Matt na sa akin nanggaling ang balita ha? Baka malagot na naman ako kay Sir. Mapag-iinitan na naman ako nun. Baka maghinala na siya na ako talaga ang nagsusumbong sa inyo.” “Don’t worry, Aida. Hanggang nasa akin ang loyalty mo, wala kang magiging problema. Basta bawat kilos nila, at lahat ng nangyayari sa boss mo, ipaalam mo sakin, maliwanag ba?” “Yes Ma’m. Alam nyo naman ako. Nasa inyo talaga ang loyalty ko, Ma’m.” Pagkatapos makipag-usap sa maid ni Matt ay tinawagan niya ang ina nito. Ngunit ayaw nitong sagutin ang tawag niya. Naiinis siya sa kanyang Daddy. Nang dahil ditto ay nasira siya sa mga magulang ni Matt. Kailangan niyang mabalik ang tiwala ng mga magulang n
HABANG HINUHUBAD ni Matt ang suot niyang wedding gown ay titig na titig siya rito. Hindi pa rin niya mapaniwalaan na asawa na niya ito ngayong gabing ito. Asawang tunay hindi kagaya nang nauna nilang kasal na parehong hindi pa nila tiyak ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa. This time ay siguradong-sigurado na sila. Napapikit siya nang bumagsak ang suot niyang wedding gown sa sahig at titigan nito ng buong pagnanasa ang magandang hubog ng kanyang katawan. Saka nagmamadali nitong kinalas ang suot niyang bra at parang batang sinupsup ang kaliwang dibdib niya, habang ang isang kamay nito ay abala sa paghuhubad ng suot niyang panty. “Matt. . .” tawag niya ng buong pagmamahal sa pangalan nito, ang kanyang kamay ay malayang ginagalugad ang likuran nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya saka hinubad ang lahat nitong suot. Mas lalong nag-init ang kanyang buong katawan nang malantad ang waring hinulma na katawan ng asawa. Nangigil na napakagat labi siya ha
HABANG NAGLALAKAD patungo sa altar si Natalia ay hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang naiisip ang mga pinagdaanan niya para lamang makamit ang pag-ibig na pinakahahangad niya. Alam niyang hindi siya ganuon kadaling matatanggap ng buong pamilya ni Matt ngunit nangako sa kanya ang lalaki na kahit na anong mangyari ay ipaglalaban nito ang pag-ibig nito para sa kanya. Besides, wala naman na itong pakialam kahit itakwil pa ito ng pamilya, ang mahalaga ay magkasama silang dalawa. Kaya nga kahit si Dean lamang ang pamilya ni Matt na dumalo sa kasal nito ay itinuloy pa rin nila ang pag-iisang dibdib. This time ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan nila, harangan man sila ng sibat. Nakapagpaalam na rin si Matt sa lahat nitong mga empleyado. Ang lahat ng negosyo nito ay ibinenta na nito. Ang pamamahala sa negosyo ng pamilya ay tinanggihan na rin nito. Nakapagpasya na silang pagkatapos ng kanilang kasal ay sa isang isla sa Palawan
“FUCK NO!!!!” NAPABALIKWAS SI ELENA nang magising kinabukasan katabi ni Bamboo na hubot hubad, “Fuck no!” Pinangingilabutang sigaw niya habang unti-unting naalala ang namagitan sa kanila ng kanyang alalay nang nagdaang gabi. Parang siyang masusuka na di niya mawari. Paano nangyaring ibinigay niya ang kanyang sarili sa lalaking ito. “Ma’m?” Bumangon ito at tangkang lalapitan siya ngunit nandidiring tumakbo siya sa loob ng banyo at kinandado iyon, “Go away,” sigaw niya rito, “Lumayas ka na at ayokong makita pa ang pagmumukha mo.” “Ma’m mahal kita!” Dinig niyang sigaw ni Bamboo sa kanya. Tuluyan na siyang napasuka sa narinig. Iniisip pa lamang niyang makikipagrelasyon siya sa isang mababang uring gaya ni Bamboo ay pinangingilabutan na siya. Ano na lamang ang sasabihin ng mga kaibigan niya sa kanya? Tiyak na pagtatawanan siya ng mga ito kapag pumatol siya sa isang gaya ng lalaking ito? “Ma’m okay lang ho ba kayo?” Nag-aalalang tanong nit
“IKAW BA TALAGA ANG PINSAN KO NA SI MATT?” Natatawang tanong ni Dean sa lalaki habang pinapanuod itong waring gutom na gutom na nilalantakan ang dala nitong mga pagkain. Napapangiti lang si Natalia habang pinood ito. Nuon lamang niya nakitang kumain ng ganito karami si Matt. Napagod marahil ng husto sa paglilinis kaya napaparami ang kain. “And what about you? Ikaw ba talaga yan?” sagot ni Matt kay Dean, “Look at you, never ka pang nagging ganito sa ibang babae.” Napangisi si Dean, saka nagkibit ng balikat. Maya-maya ay sabay na nagkatawanan ang mga ito na waring nagkaunawaan na ang kanilang mga mata sa kung ano ang nagawa ng pag-ibig sa kanila. Kung nuon ay pareho sila ng paniniwalang isang kalokohan ang pag-ibig, ngayon ay pareho rin silang nagkakaganito ngayon nang dahil sa pag-ibig. “Pero tanggapin natin ang katotohanang ngayon lang tayo nagging ganito kasaya, hindi ba?” Sabi ni Dean. “I know,” masayang sagot naman ni
HINDI makapaniwala si Natalia habang tinititigan niya si Matt, kusang pumapatak ang kanyang mga luha sa mga naririnig mula sa lalaki. “Mahal mo rin ako? K-kailan mo pa naramdaman ‘yan?”Tanong niya rito. “I don’t know. Baka matagal na. . .hindi ko alam, pero kailangan pa bang malaman kung kelan? Ang mahalaga, mahal kita.”” Napakurap-kurap siya walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapaniwalaan na isang araw ay darating ang sandaling ito na napakatagal rin niyang hinintay. “I love you, Natalia.” “I love you too, Matt.” Punong-puno ng kaligayahang sabi niya rito. Wala na siguro siyang mahihiling pa ng mga sandaling yon. Wala talagang imposible sa taimtaim na nanalangin at nanampalataya. Ibinigay ng Diyos ang kanyang panalangin. Kailangan lang niyang maghintay ngunit worth it naman ang paghihintay niyang ito. Nang muling angkinin ni Matt ang kanyang mga labi ay buong pagmamahal niya iyong
RAMDAM NI MATT ANG matinding galit ni Natalia at hindi niya ito masisisi. Kahit naman sinong matinong babae ay magagalit sa mga ginawa niya rito and yet ramdam niya at nakikita niya sa mga mata nito na mahal pa rin siya nito kaya kahit ipinagtatabuyan siya nitong palayo ay nagpilit siyang yakapin ito. “Please get off me, ayaw na kitang makita pa!” sigaw nito sa kanya ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang yakap rito saka siniil ito ng halik sa mga labi. Sa umpisa ay nanlalaban pa ito ngunit unti-unti ay bumigay na rin ito at nagpaubaya na sa kanyang mga labi na buong pagmamahal na inaangkin ang mga labi nito. Ramdam niyang tinugon na rin nito ng mainit at buong puso ang kanyang mga halik. Damn, si Natalia lamang ang babaeng kailangan niya at ito lamang ang makakapagpapuno sa emptiness na nararamdaman niya. Dinukot niya ang engagement ring at inilabas iyon, saka humiwalay rito para lumuhod sa harapan nito, “Will you marry me, Natalia?”
NANG MAGMULAT ng mga mata si Matt ay nasa loob siya ng ospital. Si Natalia kaagad ang kanyang hinanap. Nang di niya ito makita ay nagmamadali siyang tumayo. “Matt, saan ka pupunta?” Nag-aalalang tanong ni Elena sa kanya ngunit parang walang naririnig na tinawagan niya si Rigor para ipaalam ditto na pupuntahan nila si Natalia. “Natalia? Hindi mo na ba talaga makakalimutan ang babaeng iyon?” Yamot na sigaw ni Elena sa kanya ngunit di na lamang niya ito pinansin. Natatandaan na niya ang lahat. Mahal niya si Natalia. Hindi lamang katawan nito ang kailangan niya kundi ang kabuuan nito at ang lahat-lahat ditto. Naalala na niyang bago maganap ang aksidente ay nakapagdesisyon na siyang ibenta ang lahat ng kanyang mga negosyo. Nasabi na rin niya sa ama na hindi niya tatanggapin ang alok nitong pamahalaan ang kanilang negosyo at ipagkatiwala na lamang nito iyon sa iba. He was about to propose at nakapagplano na siyang pakasalang muli si Nata
“WHAT IS WITH HER, RIGOR?” Halos paanas lamang na tanong niya sa lalaki nang tanggapin niya mula rito ang iniabot nitong whisky sa kanya, “Bakit hindi sya mawala sa isipan ko?” “Sir, nang gabing mangyari ang aksidente, nanggaling ka sa bahay nila. Actually masayang-masaya ka ng araw na iyon. Nakapagpasya ka ng ibenta ang lahat ninyong mga negosyo at magretire sa isa sa mga isla na nabili ninyo. Hula ko, kung hindi nagkaroon ng emergency, nakatakda ka ng magpropose k-kay Natalia. May binili na kayong engagement ring para sa kanya, Sir.” Natigilan siya. “Sabi nyo pa nga, gusto ninyo siyang pakasalang muli sa simbahan.” Napakunot nuo siya. Wala siyang matandaan ni isa sa mga sinasabi nito. Siya, magreretire? Wala sa bukabularyo niya ang magretire lalo na ng ganito kaaga. Napangisi siya, “I guess masyado kang nagpapanood ng mga pelikula kaya kung anu-anong naiisip mo,” natatawang sabi niya kay Rigor. “May ambush interview
“MINSAN MAHIRAP basahin kung anong tumatakbo sa utak ng pinsan kong iyon kaya nga napakagaling nya pagdating sa pagnenegosyo,” sagot ni Dean kay Girlie, “Kaya di natin alam kung nagpapanggap na lang syang wala syang naalala ngayon.” “Kung anuman nasa utak nya, bahala sya basta sana tupdin ni Ate iyong pangako nya sa kanyang sarili na talagang kakalimutan na nya ang lalaking iyon,” sabi ni Girlie. “Madaling sabihin, mahirap gawin. Ilang beses kong sinubukang kalimutan ka pero di ko nagawa.” Napairap si Girlie kay Dean, “Iba naman iyong satin dahil pareho nating love ang isa’t-isa. But in Ate’s case, sya lang ang nagmamahal.” “I don’t think so. Palagay ko, nuong nagdesisyon si Matt na iwanan na ang lahat, gusto nan yang lumagay sa tahimik. And then the accident happened. At may palagay akong mahal nya si Natalia kaya gusto na nya ng tahimik ma buhay.” Natawa si Girlie, “Iyong lalaking iyon, magmamahal? Ewan ko lang pero kah