“ATE. . .”Biglang kinabahan si Natalia, dinig niya ang boses ni Nathan habang umiiyak. “Bakit, anong nangyari?” “Tulungan mo ako, Ate. Puntahan mo ko ditto sa address na sasabihin ko. Papatayin nila ako, Ate kapag di ka nagpakita.” “Sinong papatay saiyo?” Naguguluhang tanong niya dito. “Basta puntahan mo na lang ako ditto sa pinagtataguan ko. Kailangan ko ng tulong mo, Ate Nat,” umiiyak na sabi ng kapatid niya sa kabilang linya. “Nandito ako ngayon sa bahay ni Timothy, Ate.” “Okay, pupunta na ako dyan!” Mabilis na niyang inihang ang telepono at tinawagan si Matt para ipaalam na uuwi muna siya dahil namimiss na niya ang kanyang mga kapatid. Hindi na niya sinabi ang tungkol kay Nathaniel dahil baka makialam na naman ito at mas lalo lang maging magulo ang sitwasyon. Pumayag naman si Matt na umuwi muna siya. Ipinahatid pa siya nito kay Rigor pauwi ng bahay. Pagkaalis na pagkaalis ni Rigor ay tinawagan ulit ni
“IUURONG ko na ang demanda kay Timothy,” nakayukong sabi ni Natalia sa mahinang boses. Napahinto sa pagsubo ng pagkain si Matt. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kutsara at tinidor, kunot-nuong tumingin sa kanya, “Pinaiiral mo na naman ang puso mo? Muntik ka na niyang gahasain, nakalimutan mo na ba iyon?” Tanong niya dito, maya-maya ay bilang napaismid, “Oh baka naman nagustuhan mo rin iyong ginawa nya?” May sarcasm sa tonong tanong niya dito. Parang gusto niyang magwala sa galit kapag naiisip niya ang ginawang iyon ni Timothy. Nag-angat ito ng mukha, “Bakit, ano bang pagkakaiba ng ginawa sakin ni Timothy sa ginawa mo? Hindi ba sapalitan mo kong dinala ditto?” Napalunok siya. Bumuga siya ng hangin saka matiim na tumingin sa kanya, “Kailan ba kita pinilit na makipag-sex?” Hindi ito makasagot. May pait sa mga labing napangiti siya, “Kahit kelan, hindi ko gawaing mamwersa ng mga babae para lang makipagtalik kaya
“NATALIA. . .” Nabosesan kaagad ni Natalia ang tinig ni Dela sa kabilang linya, “May kailangan ka?” Malamig ang tonong tanong niya ditto. Umiiyak ito nang muling magsalita, “S-Salamat sa pag-urong mo sa demanda kay Timothy. A-alam kong marami akong kasalanan saiyo. Napakasama kong kaibigan. P-Pero gusto kong malaman mo na wala akong ;pinagsisihan sa ginawa ko. A-at uulitin koi yon kung kinakailangan. Ganun ko siya kamahal. K-kaya sana, huwag mo ng guluhin pa ang buhay niya. Magkakaanak na kami. . .” Nagulat siya sa ipinagtapat nito. Ramdam niya ang pangingilid ng kanyang mga luha. Hindi niya alam kung bakit. Siguro ay dahil nanghihinayang siya sa friendship nila ni Dela. Hindi siya makapaniwalang nagawa siya nitong traydurin sa kabila ng kabutihan at pagmamahal na ipinakita niya ditto. Or siguro naiiyak siya dahil ngayon niya natiyak na wala na talaga siyang nararamdaman ni katiting na pagmamahal kay Timothy. At siguro, kaya a
NAPAATRAS SI NATHAN nang makita si Matt, pumihit siya patalikod, akmang tatakbo palayo ngunit dalawang tauhan nito ang nakaharang sa daraanan niya. Para siyang maiihi sa takot. Pinagpapawisang pumihit siya paharap sa direksyon ni Matt. “Akala mo ba palalampasin ko iyong kagaguhang ginawa mo sa kapatid mo?” Galit na sabi nito nang makalapit na ito sa kanya, hinawakan nito ang ulo niya. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito, “Nagawa mong ipagkanulo ang kapatid mo para lang sa pera?” “P-pasensya na,” nangangatog ang tuhod na sabi niya, nalunok niya ang kanyang laway nang makita ang mahigit isang dosenang mga body guards nito. Wala siyang kawala kapag napagtulungan siya ng mga ito. “Nagipit lang ako. M-manganganak kasi ang asawa ko at wala akong ipon k-kaya nagawa ko iyon!” Itinaas nito ang ulo niya paharap sa mukha nito, “Eh di sana nagsabi ka na lang para natulungan kita!” “Nagtry ako p-pero ayaw ni Ate h
“MA’M pinagbabakasyon po muna kayo ni Sir kasama ng mga pamilya nyo. Naghihintay na po sa isang resort sa Batangas ang pamilya nyo.” Sabi ni Vicky nang pumasok ito sa kuwarto, “Gumayak na raw po kayo para maihatid kayo dun.” Nagulat si Natalia sa sinabing iyon ng katulong. “Naghihintay na po ang chopper na sasakyan ninyo.” Dagdag pa nito nang hindi siya gumagalaw. “Kasama si Matt?” Ngumiti ang babae, “Nasa Cebu po si Sir.” Umangat ang isang kilay niya, “Kasama si Regine?” “Hindi ko po alam, Sige na po Ma’m, gumayak na kayo para makasama nyo na ang pamilya nyo sa Batangas.” pagkasabi niyon ay lumabas na ng kuwarto ang babae.” Napatingin siya sa kanyang cellphone. Nagngingitngit siya sa inis habang iniisip na kasama ni Matt si Regine papunta sa Cebu. Natutukso na siyang kumpirmahin ang kanyang hinala. Ngunit ano namang ikakatwiran niya ditto kapag tinawagan niya ito? Naiiling na nagbihis
“ANO BANG MERON SI MATT at ayaw mo pa siyang lubayan?” Tanong ng ama ni Elena nang humingi siya dito ng tulong para kay Matt, “Ang dami namang ibang lalaki, bakit ipinagpipilitan moa ng sarili mo sa kanya? Bakit hindi mo na lang siya kalimutan?” “Kung kaya kong kalimutan si Matt, palagay nyo hindi ko gagawin? Nahihirapan na rin ako, Dad. Pero mahal ko talaga siya kaya lumalapit ako sa inyo. Minsan lang akong humiling saiyo, Dad. Eversince hindi kita nilapitan kahit gano pa kabigat ang problema ko. Pero hindi ko na alam kung anong gagawin ko,” umiiyak na sabi ni Elena sa ama. Hirap na hirap na ang kalooban niya. Palagay niya ay ginawa na niya ang lahat. Sinubukan na niya ang lahat ng pwedeng gawin para makuha si Matt and yet wala pa ring nangyayari. Napaisip ang matanda, saka napahinga ng malalim. Awang-awa ito habang nakatingin sa kanya. Nuon lang siya nito nakitang umiiyak. Kahit na kailan ay di siya nagpakita ng kahinaan sa kanyang pamilya but th
“KASAMA MO ko pero parang iba naman ang gusto mong kasama,” nakasimangot na sabi ni Regine habang kumakain sila ng hapunan ni Matt, “Pwede ka bang maging honest sakin?” Bahagya lang siya nitong tiningnan, “Tungkol saan?” “Tungkol kay Natalia,” aniya ditto. “Anong tungkol sa kanya?” Walang emosyon na tanong nito sa kanya. May pait sa mga labing napangiti siya, “Magaling ka ring magtago ng emotions mo eh, ano? Halata namang sinisikil mo lang yang nararamdaman mo sa kanya. Akala mo ba di ko napapansin na simula nang dalhin mo sa mansion ang babaeng iyon, palagi ka nang balisa kapag di mo siya kasama.” “I don’t owe you any explanations,” tipid na sagot nito sa kanya. “Talaga lang ha? Kasama mo ako ditto. . .” “Bayad ang bawat oras mo!” Maikling sabi nito sa kanya saka tumayo na. “Matt!!!” Tawag niya ditto ngunit ni hindi na siya nito nilingon pa. Tuloy tuloy lang ito sa paglalakad. Pikon na
“WHAT IS GOING ON?” Gulat na tanong ni Matt sa mga tauhan nang mabalitaang ipinapahinto ang operation ng kanyang factory sa Cebu. Umangat ang isang kilay niya nang mabasa ang sulat mula sa munisipyo tungkol sa naging paglabag raw ng kanilang factory kaya pansamantala ang suspension ng operation duon. “Pakitingnan ang tungkol sa bagay na ito, Mrs. Domingo,” aniya sa head ng operations, “Parang sunod-sunod na ito ah.” Tumango ang matandang babae. “Gusto kong alamin moa ng bawat detalye ng naging violations natin dahil pakiramdam ko may sumasabotahe na naman sa atin.” Dagdag niya saka nagmamadali nang umalis. Kung anu-ano ang tumatakbo sa utak niya habang binabagtas ang daan patungo sa hotel. Maya-maya ay tumunog ang kanyang cellphone. Si Elena ang tumatawag sa kanya. “Bakit na naman?” Matabang na tanong niya ditto. “Palagay ko, kailangan mo ng tulong ko.” Bigla siyang napaisip saka napahinga ng malali
HABANG HINUHUBAD ni Matt ang suot niyang wedding gown ay titig na titig siya rito. Hindi pa rin niya mapaniwalaan na asawa na niya ito ngayong gabing ito. Asawang tunay hindi kagaya nang nauna nilang kasal na parehong hindi pa nila tiyak ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa. This time ay siguradong-sigurado na sila. Napapikit siya nang bumagsak ang suot niyang wedding gown sa sahig at titigan nito ng buong pagnanasa ang magandang hubog ng kanyang katawan. Saka nagmamadali nitong kinalas ang suot niyang bra at parang batang sinupsup ang kaliwang dibdib niya, habang ang isang kamay nito ay abala sa paghuhubad ng suot niyang panty. “Matt. . .” tawag niya ng buong pagmamahal sa pangalan nito, ang kanyang kamay ay malayang ginagalugad ang likuran nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya saka hinubad ang lahat nitong suot. Mas lalong nag-init ang kanyang buong katawan nang malantad ang waring hinulma na katawan ng asawa. Nangigil na napakagat labi siya ha
HABANG NAGLALAKAD patungo sa altar si Natalia ay hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang naiisip ang mga pinagdaanan niya para lamang makamit ang pag-ibig na pinakahahangad niya. Alam niyang hindi siya ganuon kadaling matatanggap ng buong pamilya ni Matt ngunit nangako sa kanya ang lalaki na kahit na anong mangyari ay ipaglalaban nito ang pag-ibig nito para sa kanya. Besides, wala naman na itong pakialam kahit itakwil pa ito ng pamilya, ang mahalaga ay magkasama silang dalawa. Kaya nga kahit si Dean lamang ang pamilya ni Matt na dumalo sa kasal nito ay itinuloy pa rin nila ang pag-iisang dibdib. This time ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan nila, harangan man sila ng sibat. Nakapagpaalam na rin si Matt sa lahat nitong mga empleyado. Ang lahat ng negosyo nito ay ibinenta na nito. Ang pamamahala sa negosyo ng pamilya ay tinanggihan na rin nito. Nakapagpasya na silang pagkatapos ng kanilang kasal ay sa isang isla sa Palawan
“FUCK NO!!!!” NAPABALIKWAS SI ELENA nang magising kinabukasan katabi ni Bamboo na hubot hubad, “Fuck no!” Pinangingilabutang sigaw niya habang unti-unting naalala ang namagitan sa kanila ng kanyang alalay nang nagdaang gabi. Parang siyang masusuka na di niya mawari. Paano nangyaring ibinigay niya ang kanyang sarili sa lalaking ito. “Ma’m?” Bumangon ito at tangkang lalapitan siya ngunit nandidiring tumakbo siya sa loob ng banyo at kinandado iyon, “Go away,” sigaw niya rito, “Lumayas ka na at ayokong makita pa ang pagmumukha mo.” “Ma’m mahal kita!” Dinig niyang sigaw ni Bamboo sa kanya. Tuluyan na siyang napasuka sa narinig. Iniisip pa lamang niyang makikipagrelasyon siya sa isang mababang uring gaya ni Bamboo ay pinangingilabutan na siya. Ano na lamang ang sasabihin ng mga kaibigan niya sa kanya? Tiyak na pagtatawanan siya ng mga ito kapag pumatol siya sa isang gaya ng lalaking ito? “Ma’m okay lang ho ba kayo?” Nag-aalalang tanong nit
“IKAW BA TALAGA ANG PINSAN KO NA SI MATT?” Natatawang tanong ni Dean sa lalaki habang pinapanuod itong waring gutom na gutom na nilalantakan ang dala nitong mga pagkain. Napapangiti lang si Natalia habang pinood ito. Nuon lamang niya nakitang kumain ng ganito karami si Matt. Napagod marahil ng husto sa paglilinis kaya napaparami ang kain. “And what about you? Ikaw ba talaga yan?” sagot ni Matt kay Dean, “Look at you, never ka pang nagging ganito sa ibang babae.” Napangisi si Dean, saka nagkibit ng balikat. Maya-maya ay sabay na nagkatawanan ang mga ito na waring nagkaunawaan na ang kanilang mga mata sa kung ano ang nagawa ng pag-ibig sa kanila. Kung nuon ay pareho sila ng paniniwalang isang kalokohan ang pag-ibig, ngayon ay pareho rin silang nagkakaganito ngayon nang dahil sa pag-ibig. “Pero tanggapin natin ang katotohanang ngayon lang tayo nagging ganito kasaya, hindi ba?” Sabi ni Dean. “I know,” masayang sagot naman ni
HINDI makapaniwala si Natalia habang tinititigan niya si Matt, kusang pumapatak ang kanyang mga luha sa mga naririnig mula sa lalaki. “Mahal mo rin ako? K-kailan mo pa naramdaman ‘yan?”Tanong niya rito. “I don’t know. Baka matagal na. . .hindi ko alam, pero kailangan pa bang malaman kung kelan? Ang mahalaga, mahal kita.”” Napakurap-kurap siya walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapaniwalaan na isang araw ay darating ang sandaling ito na napakatagal rin niyang hinintay. “I love you, Natalia.” “I love you too, Matt.” Punong-puno ng kaligayahang sabi niya rito. Wala na siguro siyang mahihiling pa ng mga sandaling yon. Wala talagang imposible sa taimtaim na nanalangin at nanampalataya. Ibinigay ng Diyos ang kanyang panalangin. Kailangan lang niyang maghintay ngunit worth it naman ang paghihintay niyang ito. Nang muling angkinin ni Matt ang kanyang mga labi ay buong pagmamahal niya iyong
RAMDAM NI MATT ANG matinding galit ni Natalia at hindi niya ito masisisi. Kahit naman sinong matinong babae ay magagalit sa mga ginawa niya rito and yet ramdam niya at nakikita niya sa mga mata nito na mahal pa rin siya nito kaya kahit ipinagtatabuyan siya nitong palayo ay nagpilit siyang yakapin ito. “Please get off me, ayaw na kitang makita pa!” sigaw nito sa kanya ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang yakap rito saka siniil ito ng halik sa mga labi. Sa umpisa ay nanlalaban pa ito ngunit unti-unti ay bumigay na rin ito at nagpaubaya na sa kanyang mga labi na buong pagmamahal na inaangkin ang mga labi nito. Ramdam niyang tinugon na rin nito ng mainit at buong puso ang kanyang mga halik. Damn, si Natalia lamang ang babaeng kailangan niya at ito lamang ang makakapagpapuno sa emptiness na nararamdaman niya. Dinukot niya ang engagement ring at inilabas iyon, saka humiwalay rito para lumuhod sa harapan nito, “Will you marry me, Natalia?”
NANG MAGMULAT ng mga mata si Matt ay nasa loob siya ng ospital. Si Natalia kaagad ang kanyang hinanap. Nang di niya ito makita ay nagmamadali siyang tumayo. “Matt, saan ka pupunta?” Nag-aalalang tanong ni Elena sa kanya ngunit parang walang naririnig na tinawagan niya si Rigor para ipaalam ditto na pupuntahan nila si Natalia. “Natalia? Hindi mo na ba talaga makakalimutan ang babaeng iyon?” Yamot na sigaw ni Elena sa kanya ngunit di na lamang niya ito pinansin. Natatandaan na niya ang lahat. Mahal niya si Natalia. Hindi lamang katawan nito ang kailangan niya kundi ang kabuuan nito at ang lahat-lahat ditto. Naalala na niyang bago maganap ang aksidente ay nakapagdesisyon na siyang ibenta ang lahat ng kanyang mga negosyo. Nasabi na rin niya sa ama na hindi niya tatanggapin ang alok nitong pamahalaan ang kanilang negosyo at ipagkatiwala na lamang nito iyon sa iba. He was about to propose at nakapagplano na siyang pakasalang muli si Nata
“WHAT IS WITH HER, RIGOR?” Halos paanas lamang na tanong niya sa lalaki nang tanggapin niya mula rito ang iniabot nitong whisky sa kanya, “Bakit hindi sya mawala sa isipan ko?” “Sir, nang gabing mangyari ang aksidente, nanggaling ka sa bahay nila. Actually masayang-masaya ka ng araw na iyon. Nakapagpasya ka ng ibenta ang lahat ninyong mga negosyo at magretire sa isa sa mga isla na nabili ninyo. Hula ko, kung hindi nagkaroon ng emergency, nakatakda ka ng magpropose k-kay Natalia. May binili na kayong engagement ring para sa kanya, Sir.” Natigilan siya. “Sabi nyo pa nga, gusto ninyo siyang pakasalang muli sa simbahan.” Napakunot nuo siya. Wala siyang matandaan ni isa sa mga sinasabi nito. Siya, magreretire? Wala sa bukabularyo niya ang magretire lalo na ng ganito kaaga. Napangisi siya, “I guess masyado kang nagpapanood ng mga pelikula kaya kung anu-anong naiisip mo,” natatawang sabi niya kay Rigor. “May ambush interview
“MINSAN MAHIRAP basahin kung anong tumatakbo sa utak ng pinsan kong iyon kaya nga napakagaling nya pagdating sa pagnenegosyo,” sagot ni Dean kay Girlie, “Kaya di natin alam kung nagpapanggap na lang syang wala syang naalala ngayon.” “Kung anuman nasa utak nya, bahala sya basta sana tupdin ni Ate iyong pangako nya sa kanyang sarili na talagang kakalimutan na nya ang lalaking iyon,” sabi ni Girlie. “Madaling sabihin, mahirap gawin. Ilang beses kong sinubukang kalimutan ka pero di ko nagawa.” Napairap si Girlie kay Dean, “Iba naman iyong satin dahil pareho nating love ang isa’t-isa. But in Ate’s case, sya lang ang nagmamahal.” “I don’t think so. Palagay ko, nuong nagdesisyon si Matt na iwanan na ang lahat, gusto nan yang lumagay sa tahimik. And then the accident happened. At may palagay akong mahal nya si Natalia kaya gusto na nya ng tahimik ma buhay.” Natawa si Girlie, “Iyong lalaking iyon, magmamahal? Ewan ko lang pero kah