Share

CHAPTER 66

DUMATING SI IRINE kasama ni Elena sa bahay ni Matt. Hindi maipinta ang mukha ng mga ito lalo na nang malaman ng mga itong natutulog si Matt kasama ni Natalia.

“Gisingin mo sila,” utos ni Irine sa mayordoma ni Matt na si Aida.

“Pero senyora. . .”

“Kinakalaban mo na ba ang utos ko?” Tanong niya sa matandang mayordoma nang mabasa ang pag-aalinlangan sa mukha nito. “Sige na,gisingin mo silang dalawa. Gusto ko silang makausap!”

Ngunit may pag-aalinlangan sa mukha ni Aida. Alam kasi nitong masamang magalit si Matt at delikado ang lagay nito kung lalabag ito sa ipinag-uutos nito. Ngunit nakakatakot ring magalit ang ina nito kaya naguguluhan ito ng mga oras na iyon.

Yamot na naglakad ang ina ni Matt. Dumiretso ito sa kuwarto ni Matt.

“Senyora. . .” Sabi ni Rigor sa matanda nang akmang bubuksan niya ang kuwarto ni Matt, “Nagpapahinga si Sir at. . .”

“I don’t care!” Ipiniksi ng matanda ang kamay ni Rigor.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status