“Ano ba ‘yan, kababalik mo lang sa trabaho, dinamay-damay mo pa ‘ko sa kagagahan mo,” inis na sabi ni Amanda habang nasa lift sila ni Lara.Patungo ang dalawa sa executive floor ayon na rin sa utos ni Jace.Ikinuyom ni Lara ang kanyang mga kamay. “Humingi ako ng extension sa inyo kahapon, Ma’am. Hindi niyo ako pinagbigyan. Kahit sinong empleyado, hindi makakayang tapusin ang lahat ng pinagawa ninyo sa akin kahapon,” sagot ng dalaga, ang mga mata nasa floor counter ng lift. Umirap si Amanda, bumaling kay Lara. “Ah so ako ang may kasalanan gano’n? Sino ba ang natulog dito? ‘Di ba ikaw? Sino ba ang nag-leave nang matagal at nabuntunan ng trabaho? ‘Di ba ikaw rin? So bakit parang ako ang sinisisi mo sa incompetence mo, Ms. Maritinez? Sumusobra ka na, Lara, ha! Gusto mo, ireklamo kita sa HR for insubordination?”Lalong naghimagsik ang damdamain ng dalaga. Gusto niyang sumagot subalit alam niyang lalo lang lalala ang sitwasyon. Ni hindi pa nga niya alam kung bakit sila pinatawag ni Jace, t
Hindi na tinanggihan pa ni Lara ang alok ni Jace. Sumunod siya sa asawa at muling sumakay sa lift patungo sa penthouse. Gusto niya sanang magmatigas subalit alam niyang babagsak siya anumang oras kapag ginawa niya ‘yon. Nakakaramdam na rin siyang hilo at gutom. Noon lang din niya napagtanto na ang huling kain niya ay kahapon pa nang agahan, bago siya umalis sa bahay ni Jace. No wonder she’s shaking and weak now.Pagdating sa penthouse, agad na binuksan ni Jace ang ref. “Do you want eggs or bacon or anything else?” anang binata, nakatuon pa rin sa loob ng ref ang tingin.Umusbong ang kakaibang damdamin sa dibdib ni Lara kasabay niyon ang kalituhan sa kanyang isip. Kasasabi lang nito sa kanya noong isang araw na layuan niya ito subalit… bakit gumagawa pa rin ito ng paraang ngayon upang tila mapalapit siya rito… upang tuluyan siyang mahulog dito?‘Oh my god!’ sigaw ni Lara sa isip.Totoo ba, sa kabila ng lahat, nahuhulog na siya kay Jace kaya ganoon na lamang ang hinanakit niya nang mala
“Uy, Lara! Kumusta? Maghapon kang wala kahapon a. Anong pinagawa sa ‘yo ni Sir Jace?” tanong agad ni Erin sa kaibigan nang makitang nag-aayos ito sa table nito. Halos magkasunod lang silang dumating sa opisina nang umagang iyon.“H-ha? W-wala… ano, nag-sort lang ng files,” pagsisinungaling ni Lara.“Nag-sort lang? Bakit naman inabot ka ng maghapon?” tanong ulit ni Erin, nangalumbaba na, halatang interesado sa isasagot ng kaibigan.Tumikhim si Lara, umupo muna sa kanyang office chair bago sumagot. “M-marami kasi. Hindi kaya ng ilang oras lang.”Sandaling nag-isip si Erin, kapag kuwan ay tumango-tango. “Kung sabagay, mahirap nga naman ang mag-sort,” anito, nagkibit-balikat bago tumuwid ng upo, binuksan ang laptop nito. “Anyway, you missed all the fun yesterday.”Binukan na rin ni Lara ang kanyang laptop. “Fun? Anong fun?”Ngumiti agad si Erin, inilapit ang upuan sa kaibigan bago, “Tagilid na si Amanda,” bulong nito.Agad namang nagbuhol ang mga kilay ni Lara. “Anong tagilid? Bakit?”“Bu
Kabadong nilalaro ni Lara ang laylayan ng kanyang blouse habang nakatayo siya sa harap ng mesa ni Jace, hinihintay ang feedback nito sa ginawa niyang marketing plan para sa Subic project ng LDC na kasalukuyan nitong binabasa.Pasado alas-dos na ng hapon at hindi pa nanananghalian ang dalaga. Inuna niya ang pinapatrabaho ni Jace sa kanya. Ilang sandali pa, isinara ni Jace ang folder ng marketing plan bago nag-angat ng tingin sa dalaga. His brown eyes piercing at her, as if trying to pry on her very soul.Pinigil ni Lara ang mapasinghap nang kumabog ang kanyang dibdib, pasimpleng tumikhim upang hamigin ang sarili bago, “S-so, what do you think?” lakas-loob na tanong ng dalaga.“This is… exactly how I pictured it,” anito, tumayo na. “Ngayon ako naniniwala na ikaw nga ang may gawa ng marketing plan na inangkin ni Amanda. Good job, Ms. Martinez. I will give instructions sa operations bago ako umalis bukas, including your plan.”Ngumiti na si Lara. Somehow she felt proud that the compliment
Pasado alas dies na ng gabi at naghahanda na sa pagtulog si Lara nang makarinig siya ng sunod-sunod na doorbell sa pinto ng bahay ni Jace. Nagtataka man kung sino ang nasa baba nang ganoong oras, bumaba na rin ang dalaga at tinignan kung sino ang naroon.Napasinghap pa siya nang makita niyan si Eli ang naroon, bitbit ang lasing na lasing na si Jace. “Dito ko na dinala, Ms. Lara. Baka kasi kung mapano sa penthouse e,” nagmamadaling paliwanag ng assistant.Agad namang niluwangan ni Lara ang pagkakabukas sa pinto, tinulungan na rin si Eli sa pag-alalay kay Jace hanggang sa maideposito nila ito sa may sofa sa sala.“Anong nangyari?” tanong agad ni Lara kay Eli.“It’s the time of the year, Ms. Lara,” si Eli, inayos pa ang pagpwesto ng boss sa sofa.Awtomatiko ang pagbuhol ng mga kilay ng dalaga. “T-time of the year? For what?”Naguguluhang bumaling ang assistant sa asawa ng boss. “Hindi ba niya sinabi sa ‘yo kung saan siya nagpunta?” Marahang umiling si Lara. “Ngayon ang memorial event ni
“Lara, okay na daw ba ‘yong pinapagawa ni Mr. Roman. Nanggaling kasi ako sa office niya, i-follow up ko daw sa ‘yo ‘yong pinagawa niya,” ani Jeff kay Lara nang dumaan ang binata sa mesa nito.Ngumiti si Lara sa binata subalit agad ding ibinalik ang tingin sa kanyang laptop. “Ito pa lang, tinatapos ko na. Ako na lang magdadala sa kaya kapag okay na,”anang dalaga sa katrabaho.Tumango si Jeff, muling nginitian si Lara bago bumalik sa mesa nito. Ilang sandali pa, sumilip si Erin sa kanyang cubicle. “Pst, ano yon? Nakita ko ‘yon, ha? May ngitian,” kantiyaw nito kay Lara, nakangisi.Nangingiting umiling si Lara. “Umagang-umaga, Erin nang-iintriga ka. Magtrabaho na lang muna tayo. Mamayang break na lang tayo mag-chismisan.”Nanikwas ang nguso ni Erin. “Ito naman napaka-KJ. Nae-excite lang ako na posible ka nang magkaroon ng lovelife. In fairness ha, pogi si Jeff mukha lang mysterious ‘no?”Pasimpleng sumulyap si Lara kay Jeff. Actually, Jeff is really a good catch. Masipag ito at magaling
“How is everything here, Eli? Kumusta ang kumpanya habang wala ako?” tanong ni Jace sa assistant na siyang naiwan nang mangibang bansa siya.“Maayos naman po, Sir. ‘Yong marketing plan sa Subic Project is already implemented. Actually, three days ago, nagbigay ng feedback sa akin ‘yong head ng operation natin doon. They said that the sales has increased by twenty percent. At tatlong araw pa lang na naka-float ang marketing plan,” pagbabalita ni Eli sa boss habang inlalagay sa trunk ng sasakyan ang bagahe nito.“That’s good. Ibig sabigin effective ang ginawa ni Lara,” pormal na sabi ng binata sumakay na sa sasakyan. It’s ten o’clock in the evening and he was just arriving from a successful meeting with the Aura Project managers.The managers gave him the assurance that they will award the project to LDC. They were really impressed with the idea of giving away affordable homes to lucky people who will then give organic feedback as beneficiary of the project. They said they will be hitti
Tahimik si Lara habang nakatayo siya sa harap ng mesa ni Jace. Halos ilang minuto na ring nakatayo ang dalaga roon subalit walang imik si Jace na nakatutok pa rin ang mga mata sa resignation letter na kanina pa nito binabasa.Kagabi, nang marinig niya ang galit na tinig nito, hindi siya ulit nakatulog nang matiwasay. At alam ng dalaga na pagpasok niya sa araw na ‘yon, muli siya nitong ipapatawag—uutusang bumalik sa bahay nito, iiwan at muli lamang maaalala kapag kailangan ulit nito ng serbisyo niya.Sa totoo lang, madali lang sanang gawin ang mga bagay na ‘yon. Subalit nagkamali na siya. Nagawa na niya ang isang bagay na mahigpit nitong ipinagbabawal. Nahulog na siya nang tuluyan kay Jace. At alam ni Lara na mas magiging mahirap lang sa kanya ang manatili sa bahay nito gayong hayagang ipinapakita ni Jace sa mga tao na mahal pa rin nito si Via, na ang ex pa rin nito ang gusto nitong makasama. Dapat wala lang sa kanya ang mga ‘yon. Dapat hindi siya nasasaktan nang gano’n sa nalamang iyo
Kanina pa naroon sa investigation room si Jace at hinihintay ang pagbabalik ni Atty. Marquez. Humiling ang binata sa mga pulis na bigyan siya ng isang pribadong lugar upang muling makausap ang kaniyang abogado. At ang investigation room ang ibinigay sa kanya ng mga ito.Hindi naglaon, bumukas na ang pinto ng silid. Agad namang bumaling sa direksyon niyon si Jace at bahagyang ngumiti nang makita ang bulto roon ni Attorney Marquez.“Attorney, salamat at pinaunlakan mo ang—“ Nabitin sa ere ang sana’y mga sasabihin ni Jace nang makitang hindi nag-iisa ang abogado. Nakasunod dito ang isang taong kahuli-hulihan niyang gustong makita, si Reymond. “What is he doing here?!” sabi agad ni Jace, tinuro ang tiyuhin.He balled his fists as he rein in his emotions.“Jace, hijo, please calm down,” anang abogado sa malumanay na tinig. “Ang sabi niya ay gusto ka niya munang makausap bago mo pirmahan ang kasunduan.”Napatayo na ang binata, lalong nagtagis ang mga bagang bago bumaling sa tiyuhin. “Wha
Kuyom ang mga kamay ni Jace habang nakaupo siya sa selda na siyang pinagdalhan sa kanya ng mga pulis na humuli sa kanya kanina. He was alone in the cell yet he had never felt more suffocated in his entire life. Ang apat na sulok ng selda iyon ang nagpapatunay kung anong klaseng pagkalugmok ang inihanda ng tadhana para sa kanya.He lost his grandmother and LDC. Lara is still missing. Now, will he lose his freedom too? He used to have everything and yet…Pilit na nilunok ng binata ang bikig sa kanyang lalamunan. Just thinking about the past, the things he had lost, makes his chest felt heavy. Hanggang ngayon na naroon na siya sa piitang ‘yon, hindi pa rin makapaniwala si Jace na sunod-sunod niyang naiwala ang mga importanteng bagay at tao sa kanyang buhay. He used to think he has everything. He used to have a great life. Hence, he was arrogant and ruthless, thinking all the things he had will always be with him. At ngayon, naiwala na niyang lahat ng ‘yon.Totoo nga ang sabi nila. May h
“Hija, handa ka na ba?” ani Doña Carmelita kay Lara na noon ay nasa silid na nito sa mansiyon at nag-aayos pa rin ng mga dadalhing gamit para sa kanikang flight papuntang Washington.Bumalik sa pagtira sa mansiyon ang mag-lola dalawang araw na ang nakararaan. Dahil para kay Carmelita, ngayong nakabalik na ang apo, dapat lamang na doon sila muling tumira bilang tanda ng pag-aalala sa kanilang mga yumao sa buhay. Subalit hindi rin naman magtatagal ‘yon dahil aalis din sila. But they will take the important things with them. “Tapos na po akong mag-empake, Lola. I’m just checking kung wala na po akong nakalimutan,” anang dalaga, inilagay ang isang lumang stuff toy sa kanyang bag.“Dadalhin mo ‘yan?” tanong ng matanda, pumasok na sa silid ng apo bago pinulot ang stuff toy.“Naisip ko lang po, na matagal na walang kasama si Mr. Boogie dito sa kwarto ko, Lola. Nakakunsensiya kapag iniwan ko siya ulit ngayon,” anang dalaga, nangingiti. Ang stuff toy na ‘yon ang welcome gift ni Carmelita sa
Pinagsalikop ni Via ang kanyang nanginginig na mga kamay habang naroon siya sa loob ng investigation room. Ang sabi ng pulis na humuli sa kanya, hintayin raw niya ang pagdating ni Lt. Alejandro. Ito raw ang magtatanong sa kanya tungkol sa kanyang kaso.Kaso.Nagtagis ang mga bagangn ng dalaga nag bumaba ang kanyang mata sa mga kamay niyang nakaposas. Bakit siya ang ikukulong? Wala naman siyang kasalanan. That bitch deserved to die. Inaagaw nito si Jace sa kanya.Tumalim ang mata ni Via nang maalala si Larissa or Delia or whatever her damn name is. The girl fake! She did everyone a favor! Lalo na si Doña Carmelita.That old woman would’ve been living with a fake until now kung hindi niya idinispatsa si Delia. Everyone should be thanking her. She killed the fake Larissa. Hindi na ito makakapanloko pa. At lalong wala na ito sa landas nila ni Jace.Ngumiti ang dalaga nang maalala ang dating nobyo. Now that fake Larissa is out of the picture, wala nang hadlang sa pagbabalikan nila ni Jace
Nagising si Jace na ramdam ang kirot sa kanyang buong katawan. He felt like he had been into some kind of a fight and he lost. Nang tuluyang magmulat ang binata, ang una niyang namulatan ay ang puting kisame at ang dextrose stand. Hindi naglaon, naramdaman niyang nakasuot siya ng oxygen mask.Hospital. He really was in the hospital.Marahang bumaling si Jace sa kanyang kanan at doon niya nakita si Eli na nakaupo sa sofa, pikit ang mga mata. Nang huling makita niya si Eli ay noong paalis sila sa presinto dahil hinahanap nila si Lara at…And then just like that, the memories of the incident with Jeff surfaced in his mind. It felt like a dream though. Wala sa sarili niyang kinapa ang kanyang tiyan, mayroon siyang nakapang gasa doon at bahagyang pagkirot. Noon napagtanto ng binata na totoo ang mga nangyari at hindi panaginip lang.Sinubukang bumangon ni Jace, subalit hindi niya magawa. He was in pain, in a lot of pain that all he could do was wince and groan.Noon naman nagising si Eli na
Abala si Keith sa pagche-check ng kanyang naka-admit na pasyente nang marinig niya ang page mula sa information desk. They were asking all trauma surgeons to go to the ER to assist with the victims of a small collision accident nearby. Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang binata at dali-daling tinungo ang ER.Gaya nang madalas mangyari, agad na sumalubong sa binata ang kaguluhan. Sa ER nangyayari ang unang laban ng mga pasyente sa pagitan ng buhay at kamatayan. And they, doctors, are there to help, to give their patients their best fighting chance at life.Mabilis na nagsuot ng gloves ang binata at humakbang sa bay 2 ng ER kung saan naroon ang apat na biktima ng aksidente. Naroon na rin ang iba pang miyembro ng trauma team, naghihintay sa assessment ng kanikang chief na si Dr. Pasion.“Keith,” ani Dr. Pasion, ang chief ng surgery departmet at ang kanyang immediate boss. “May stabbing victim sa cubicle 4. Doon na lang kayo ni Ronnie,” ang sabi ng doktor.Sandaling nagkatinginan ang magka
Sandaling natigilan si Carmelita, pinagmasdang maiigi ang dalaga na tinatawag siyang Lola. Pamilyar ang mukha nito. Hindi ba ito ang asawa ni Jace? Bakit…“L-Lola, a-ako po ito si L-Larissa,” muling sabi ni Lara, panay ang patak ng luha.Ngayong muling nakita ni Lara ang matanda, naiintindihan na niya kung bakit siya nakaramdam ng kung anong emosyon sa kanyang dibdib nang una niya itong makita. It was her grandmother. The grandmother she had forgotten for a long time.And seeing her now, old and frail makes her heart break. They have lost so much time. At wala nang nais pa ang dalaga kundi ang yakapin ito at sabihing hindi na ito muling mag-iisa dahil nakauwi na siya.Muling humakbang palapit ang dalaga sa abuela. Subalit muli itong nagsalita.“D’yan ka lang!” ani Carmelita sa mataas na tinig. “H’wag mo nang tangkaing lumapit. Kilala ko ang mga gaya mo, nais lamang pagkakitaan aang kalungkutan ko. Anong kailangan mo? Kwarta? Alahas? Bahay at lupa? Ano?!”Sandaling naguluhan si Lara, hi
“Maraming salamat, Agnes,” ani Doña Carmelita sa katulong nang maiupo siya nito sa kanyang kama. Si Agnes ay pamangkin ni Lita at naiwan sa mansiyon kasama ang ilan pa niyang katulong upang pangalagaan iyon. Subalit pinatawag ng matanda sa penthouse upang samahan sila roon pansamantala.Kararating lang ng matandang donya mula sa ospital. Kanina lang ay kasama niyang na-discharge mula sa ospital sina Lita at Manuel na nagtamo ng kaunting sugat sa ulo matapos ang ginawang pananakit ni Delia sa kanila kahapon.Nagpapasalamat ang matanda at walang napinsala sa kanila ng mga kasama niya sa bahay. At ngayong nasa mas maayos na silang kalagayan at nakauwi na, she can start moving on from the nightmare Delia had caused her.Three weeks. Tatlong linggo siyang nilinlang ng babaeg inakala niyang kanyang apo. Hanggang ngayon, hind pa rin lubos maisip ng matandang babae na nagpaloko siya nang ganoon katagal sa isang tao. Now that she had known the truth, looking back, there were tell-tale signs De
Nineteen Years Ago“Happy birthday, Larissa!” bati ni Keith sa anim na taong gulang na si Larissa bago ito inabutan ng isang paper bag. Nasa labasan sila ng kanilang eskwelahan.“Salamat, Keith!” magiliw na sabi ni Larissa sa kaibigan na kahit na halos dalawang taon ang tanda sa kanya’y, sadyang malapit sa loob ng bata. Ito at si Jace ang kanyang unang naging mga kaibigan mula nang dumating sila ng kanyang Daddy mula sa US. At talaga namang hindi na silang mapaghiwalay na tatlo mula noon.Masaya ang bata na kahit na bagong salta siya sa kanyang bagong eskwela’y, mayroon na siya agad na kaibigan doon.“Punta ka sa party ko mamaya ha? Sabi ni Lola we will have as much spaghetti and cake as we want,” ani Larissa, ngumiti bago binuksan ang paper bag na regalo ni Keith . “Wow, the music note pin I liked!” bulalas ni Larissa, nagningning ang mga mata bago bumaling kay Keith. “Thank you, Keith! I like it!” ani Larissa, bahagya pang yumakap sa kaibigan.Ngumiti naman si Keith, gumanti ng yaka