“Lara, okay na daw ba ‘yong pinapagawa ni Mr. Roman. Nanggaling kasi ako sa office niya, i-follow up ko daw sa ‘yo ‘yong pinagawa niya,” ani Jeff kay Lara nang dumaan ang binata sa mesa nito.Ngumiti si Lara sa binata subalit agad ding ibinalik ang tingin sa kanyang laptop. “Ito pa lang, tinatapos ko na. Ako na lang magdadala sa kaya kapag okay na,”anang dalaga sa katrabaho.Tumango si Jeff, muling nginitian si Lara bago bumalik sa mesa nito. Ilang sandali pa, sumilip si Erin sa kanyang cubicle. “Pst, ano yon? Nakita ko ‘yon, ha? May ngitian,” kantiyaw nito kay Lara, nakangisi.Nangingiting umiling si Lara. “Umagang-umaga, Erin nang-iintriga ka. Magtrabaho na lang muna tayo. Mamayang break na lang tayo mag-chismisan.”Nanikwas ang nguso ni Erin. “Ito naman napaka-KJ. Nae-excite lang ako na posible ka nang magkaroon ng lovelife. In fairness ha, pogi si Jeff mukha lang mysterious ‘no?”Pasimpleng sumulyap si Lara kay Jeff. Actually, Jeff is really a good catch. Masipag ito at magaling
“How is everything here, Eli? Kumusta ang kumpanya habang wala ako?” tanong ni Jace sa assistant na siyang naiwan nang mangibang bansa siya.“Maayos naman po, Sir. ‘Yong marketing plan sa Subic Project is already implemented. Actually, three days ago, nagbigay ng feedback sa akin ‘yong head ng operation natin doon. They said that the sales has increased by twenty percent. At tatlong araw pa lang na naka-float ang marketing plan,” pagbabalita ni Eli sa boss habang inlalagay sa trunk ng sasakyan ang bagahe nito.“That’s good. Ibig sabigin effective ang ginawa ni Lara,” pormal na sabi ng binata sumakay na sa sasakyan. It’s ten o’clock in the evening and he was just arriving from a successful meeting with the Aura Project managers.The managers gave him the assurance that they will award the project to LDC. They were really impressed with the idea of giving away affordable homes to lucky people who will then give organic feedback as beneficiary of the project. They said they will be hitti
Tahimik si Lara habang nakatayo siya sa harap ng mesa ni Jace. Halos ilang minuto na ring nakatayo ang dalaga roon subalit walang imik si Jace na nakatutok pa rin ang mga mata sa resignation letter na kanina pa nito binabasa.Kagabi, nang marinig niya ang galit na tinig nito, hindi siya ulit nakatulog nang matiwasay. At alam ng dalaga na pagpasok niya sa araw na ‘yon, muli siya nitong ipapatawag—uutusang bumalik sa bahay nito, iiwan at muli lamang maaalala kapag kailangan ulit nito ng serbisyo niya.Sa totoo lang, madali lang sanang gawin ang mga bagay na ‘yon. Subalit nagkamali na siya. Nagawa na niya ang isang bagay na mahigpit nitong ipinagbabawal. Nahulog na siya nang tuluyan kay Jace. At alam ni Lara na mas magiging mahirap lang sa kanya ang manatili sa bahay nito gayong hayagang ipinapakita ni Jace sa mga tao na mahal pa rin nito si Via, na ang ex pa rin nito ang gusto nitong makasama. Dapat wala lang sa kanya ang mga ‘yon. Dapat hindi siya nasasaktan nang gano’n sa nalamang iyo
Tulala si Lara habang nakapila siya sa pantry. Lunchtime na subalit hindi pa rin siya maayos. Iniisip pa rin niya kung paano niya mapapapayag si Jace sa pag-alis niya sa bahay nito.“Girl, alam mo parang masama talaga ang pakiramdam ko,” ani Erin sa kaibigan, nakalabi, kasunod ito ni Lara sa pila. “Parang wala rin akong ganang kumain. Mapait ang panlasa ko.”Sinalat ng dalaga ang noo ni Erin, totoo ngang mainit ito. “Dumiretso ka na lang kaya muna sa clinic at doon ka magpahinga. I-chat mo 'ko agad kung anong sasabihin nila.”Marahang tumango si Erin. “Mabuti pa nga,” matamlay na sagot nito, ibinalik ang tray na hawak sa lagayan bago tuluyang nagpaalam sa kaibigan.Nagpatuloy sa pila si Lara hanggang sa makakuha siya ng pagkain. Pagkain na hindi niya alam kung magagawa pa ba niyang ubusin gayong bukod sa wala na siyang kasamang mananghalian, okupado pa rin ng problema ang kanyang isip.Kasalukuyang nanananghalian si Lara nang biglang may umupo sa kanyang harapan.“Mind if I join yo
“You are in good shape, Lara. Your wound has healed perfectly well. Ituloy mo lang ‘yong vitamins na nireseta ko sa ‘yo para makatulong din sa immune system mo,” ani Keith matapos suriin si Lara sa huling check-up nito.“Maraming salamat, Doc,” nahihiyang sabi ni Lara, hindi alam kung paano iaabot ang professional fee nito para sa kanyang check-up. Si Jace ang madalas na gumagawa no’n o kaya si Eli. Subalit ngayon na hindi sila maayos ni Jace, napagpasyahan ng dalaga na magkusa na. “Doc, 'y-yong pf po ninyo, magkano?”Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Keith kapag kuwan ay biglang natawa. “Hindi ako naniningil ng PF sa mga kaibigan ko, Lara.”“P-pero si Jace naman ang kaibigan mo, Doc. Hindi ako.”Nagkibit-balikat ang doktor. “I can’t see the difference, Lara. Asawa ka ni Jace. In extension, kaibigan na rin kita. Pero sige, if the this is making you uncomfortable, do me a favor in the future.”“A favor? Anong favor, Doc?”“Hindi ko pa alam. Pag-iisipan ko,” sagot ng binata, ngumiti
Maigting ang panga ni Jace habang naghihintay sa parking lot ng apartment building kung saan naroon ang unit ng kaibigan ni Lara.Buong maghapon na siyang walang balita dito. Ni hindi rin ito pumasok sa opisina. Ang sabi ni Mr. Roman ay nag-leave ito para sa final check-up nito sa ospital. He checked at the hospital, off naman daw ni Keith. Napilitan siya tuloy ipakuha ang number ni Erin sa HR at siya mismo ang tumawag dito upang tanungin kung nasaan si Lara. Subalit maging ito ay hindi rin alam kung nasaan ang kaibigan. Nagpaalam daw ito na magpapacheck-up at may pupuntahan pagkatapos—kung saan, hindi rin alam ni Erin.And it’s been seven hours and thirty six minutes now that Lara is missing. A long time for him but not too long for the authorities to grant the search he had requested to ease his mind. And now, he sits there, waiting, hoping that Lara will soon appear so that his mind will finally be put at ease.“Sir, kung ako na lang kaya ang maiwan dito at bumalik ka na lang muna
Lumipas ang isang linggo na hindi nag-iimikan sina Lara at Jace. Magkagayon man, napilitang bumalik si Lara sa bahay ni Jace dahil alam ng dalaga na hindi siya nito titigilan hanggang hindi niya ito sinusunod. Subalit, pinanatili ng dalaga ang distansiya sa boss.Sa opisina ay iwas siya rito, maging sa loob mismo ng bahay nito ay halos hindi rin siya nagpapakita rito. Gaya ng gusto nito, bumalik sila sa dati. At kahit na masama ang loob ng dalaga na tila nasayang ang lahat ng sinumulan nila, alam ni Lara na sa set-up nilang ‘yon, si Jace pa rin ang masusunod.“Lara, anong isusuot mo mamaya sa anniversary party?” untag ni Erin sa kaibigan habang patungo sila sa pantry upang mananghalian.“Ewan ko. Hindi ko nga alam kung pupunta pa ‘ko,” walang ganag sagot ng dalaga.“Bakit naman? We always look forward sa anniversary party ng LDC taon-taon.Nagkibit-balikat si Lara. “H-hindi ko alam. Parang… mas gusto ko na lang magpahinga, Erin. Napagod ako this week, ang daming trabaho e.”She lied,
Marahang pinihit ni Lara ang seradura ng pinto ng hospital suite ni Doña Cristina at tinulak iyon pabukas. Sumilip siya sa loob ng silid at bahagyang napasinghap nang madatnan niyang gising na ito at nakikipag-usap na ito kay Keith at Eli.“Lara, hija. Halika, pumasok ka,” anyaya nito, ngumiti subalit bakas pa rin sa mata nito ang panghihina.Agad na tumalima ang dalaga at lumapit sa matanda. “Kumusta po ang pakiramdam ninyo, Lola?” ani Lara, umupo sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay nito.“I’m feeling much better now, Lara. Thanks for asking. Siya nga pala, anong ginawa mo rito? Bakit hindi mo sinamahan si Jace sa anniversary party? I’m sure your husband will be lonely without you by his side,” sabi ng matanda.Kumurap-kurap si Lara, mabilis na sumulyap sa iba pang kasama roon bago ibinalik ang tingin sa matandang babae. “W-wala po kasi kayong kasama, Lola. Si Jace po ang kailangan sa party. Pero ako… hindi naman po. Kaya dito na lang po ako pumunta,” pagdadahilan ng dalaga.Mar
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Lara habang naroon siya sa restroom sa ground floor ng ospital. Hawak niya sa isang kamay ang pregnancy test stick na agad niyang binili kanina nang bumuti ang kanyang pakiramdam. Hinihintay ng dalaga na matapos ang tatlong minuto na gaya nang nasa instruction ng kit. Tatlong minuto lang subalit pakiramdam ni Lara ay ang tatlong minutong iyon ay katumbas na ng habambuhay na paghihintay.Ilang sandali pa, tumunog ang timer niya. Maingat na sinilip ni Lara ang stick na nakalagay sa counter ng CR upang lalo lang panlamigan nang makitang nakabakas doon ang dalawang pulang linya. Kumpirmado, buntis siya.Ang kanyang madalas na pagkaliyo, ang kanyang pagiging antukin, maging ang kanyang pagiging pihikan sa pagkain, lahat ng iyon ay sintomas ng pagdadalang-tao niya. Subalit bakit ni hindi man lang niya naisip ‘yon? Halos tatlong linggo na rin siyang delayed! She could’ve known. She could’ve…A baby. She and Jace are having a baby!Napasinghap siya, natutop
“Just send those to me then. I need to read the documents before we file the counter-affidavit. Alright, I’ll wait,” ani Jace kay Eli habang kausap ng binata ang kanyang assistant sa cellphone.He is in a lot of mess right now in the office kaya hindi niya maiwan ang mga trabaho kahit na naroon na siya sa ospital at binabantayan ang kanyang abuela. He needs to make time for all those concerns too. Because that’s his job as the CEO of LDC, to keep everything afloat even if his life is crumbling into pieces.“I know. But tell Atty. Marquez that I will call him later today for further instructions. Please also make sure that the legal team is ready to answer should this news leaked to the media,” dugtong pa ni Jace, nagbuga ng hininga bago tuluyang tinapos ang tawag.Sandaling pinakatitigan ng binata ang kanyang cellphone, iniisip kung kailan ulit magri-ring iyon. He barely slept and he’s been answering calls left and right the whole night last night. The concerns relating to LDC kept
Kumurap si Lara, muling nangilid ang luha. “P-pinauwi ako ni Lola, Jace,” sagot ng dalaga alanganin. “Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, h-hindi na lang sana ako umuw,” dugtong pa niya, yumuko bago tuluyang humagulgol.Hindi naman nag-aksaya ng oras si Jace at niyakap na agad ang asawa. Alam ng binata na dapat siya ang naroon at nagbabantay sa abuela subalit wala siyang magawa. It seems like he’s needed everywhere!“I’m sorry, J-Jace,” ani Lara sa pagitan ng paghikbi.Humigpit ang yakap ni Jace sa asawa. “It’s okay. Gusto mo, ihatid na muna kita sa bahay para doon ka makapagpahinga?” bulong ng binata sa asawa.Subalit umiling si Lara. Lalong ibinuro ang sarili sa dibdib ng asawa. Sa nangyari kay Cristina’y lalo siyang hindi dapat umuwi. Mananatili siya sa ospital hanggang kaya niya.“D-dito lang ako, Jace. Dito sa tabi ni Lola,” anang dalaga sa determinadong tinig.“Okay, if that’s what you want. We will stay here… together,” ani Jace, kinintalan ng magaang halik ang buhok ng
Madilim pa nang gisingin si Lara ng malakas na ring ng kanyang cellphone. Pikit-matang inabot ng dalaga sa bedside table ang kanyang cellphone at sinagot."H-hello?" anang dalaga sa paos na tinig."Lara, nasaan ka? Kasama mo ba si Jace?" anang pamilyar na boses ni Keith sa kabilang linya.Napakurap si Lara, nangunot-noo. "K-Keith? Bakit anong kailangan mo--""It's about Lola Cristina. Tell, Jace to come to the hospital immediately."Awtomatikong tinambol ng kaba ang dibdib ng dalaga nang marinig ang pangalan ni Cristina. "B-bakit anong nangyari kay Lola?" "She's in a bad shape, Lara. She had a cardiac arrest kanina. Na-revive lang namin. She's in coma right now. We transferred her to the ICU and-- ""P-papunta na 'ko," nagmamadaling putol ni Lara sa sanay sasabihin pa ng doktor. Agad siyang dumiretso sa banyo at nag-shower. Pagkatapos maligo, nagmamadali siyang nagbihis. Panay ang patak ng luha ni Lara habang nagbibihis. Hindi maalis ang isip sa pag-aalala kay Doña Cristina.Kahapon
Masayang pinagmamasdan ni Jace si Larissa habang tumutugtog ang kaibigan ng piano. Sa pagdaan ng mga araw, mas nakikita ng binata ang pagbabago sa kaibigan. And he's positive na sa malao’t madali’y tuluyan na rin itong makaka-recover.“Jace, halika, sabayan mo ‘ko,” aya ni Larissa sa kaibigan, umusog nang bahagya sa piano seat. Agad namang pinaunlakan ni Jace si Larissa at umupo sa tabi nito, sinabayan ang pagpindot nito sa tiklado.Ilang sandali pa, they were making a beautiful happy music floating throughout the whole house. Nang matapos ang tugtog, agad na bumaling si Larissa kay Jace.“Salamat, Jace,” anang dalaga bagpoito yumakap sa kanya.Sa isang sulok ng bahay, lihim na nakamasid si Carmelita. Hiling niya na sana… sana hindi na lang matapos ang maliligayang araw na ‘yon kaya lang...---Inihinto ni Lara ang wheelchair ni Doña Carmelita sa gitna ng sunflower garden ng ospital. Hapon na at hiniling ng matanda sa lumabas sa silid nito. Kasama si Nurse Angela at ang iba pang bodyg
“Pasensiya ka na, Jace. Alam kong isang malaking kaabalahan sa ‘yo ang palaging pagpunta rito tuwing binabangungot si Larissa,” umpisa ni Doña Carmelita. Nakatayo ang dalawa sa glass wall window ng silid at nag-uusap. Iyon na ang ikatlong araw na inaabot ng umaga sa sa condo ng matanda si Jace dahil na rin sa madalas na pagdalaw ng masasamang panaginip tuwing natutulog si Larissa. “Subalit wala naman akong magawa dahil ikaw ang hinahanap niya. Maybe she longed for the presence of her old friends. Sa katunayan, pinatawag ko na rin si Keith para matignan na rin niya ang apo ko. I know what happened to Larissa is really traumatizing. I can only imagine the things she went through all throughout these years while she was held captive by those who took her. Subalit ang importante ngayon, nakabalik na siya, sa akin—sa atin. I know it will be a long way to recovery but… I will not give up on my grandchild. Ayaw man kitang obligahin, pero Jace, sana ay samahan ko ako sa pagtulong kay Larissa
“L-Lola, s-saan na po tayo pupunta?” ani Larissa sa abuela nang pumasok ang sasakyan sa isang matayog na condo building.“Uuwi tayo sa condo ko, hija. Doon na ako nakatira ngayon,” anang matandang babae.“W-wala na po ‘yong dating bahay natin, Lola?”“Matagal na akong hindi tumutuloy doon, apo. Mula nang mawala ka’y hindi ko na kayang mabuhay nang mag-isa sa mansiyon. Matanda na ako at hindi ko na kakayanin pa ang sobrang lungkot. Kaya minabuti kong lumipat ng tahanan. Subalit magugustuhan mo rito sa condo ko. Don’t worry, Larissa, we got everything that we need here,” anang matandang babae, inabot pa ang kamay ng apo at marahan iyong tinapik.Muling bumaling si Larissa sa labas ng sasakyan, pinagmasdan ang loob ng malawak na parking lot sa loob ng building. Bumakas ang pagkamangha sa mukha ng dalaga at hindi iyon nakaligtas kay Carmelita.Nang tuluyang huminto ang sasakyan, agad na pinagbukas ni Manuel ng pinto ang matandang babae, inalalayan ito sa pagbaba. Ipagbubukas na sana ng dr
“Ibig mong sabihin, dinala ka ng mga kidnappers mo sa isang lumang bahay at doon ikinulong ng halos dalawang dekada?” tanong ng pulis kay Larissa de Guzman. Nasa police station ang dalaga, marumi ang damit at pudpod na rin ang gamit na tsinelas.Pinagsalikop ng dalaga ang mga nanginginig na kamay bago mangiyak-ngiyak na tumango, muling bumakas ang takot sa mukha nito.“Pwede mo bang i-drawing sa amin kung anong hitsura ng bahay? O kaya naman ay alam mo ba ang address?” tanong ulit ng pulis, inabutan ng lapis at papel ang naguguluhang dalaga.Nanginig agad ang mga labi ni Larissa, tuluyan nang tumulo ang luha habang pinagmamasdan ang lapis at papel na nasa kanyang harapan. Maya-maya pa, nag-angat ito ng tingin kay Jace na ilang hakbang lang ang layo sa dalaga at tahimik na nakabantay rito.Agad namang bumigat ang dibdib ni Jace, hindi na nag-aksaya ng panahon at tuluyang humakbang palapit sa pwesto ng kababata. “Officer, baka pwede natin siyang bigyan nang kaunti pang panahon to adjus
“Imbes na pinapagod mo ang sarili mo sa pag-iisip, why don’t you do first things first, Jace? Send bereavement flowers to the Antolin family at sikasuhin mo agad ang pagre-release ng mga benepisyo ng mga naaksidenteng manggagawa. That way, maaayos natin agad ang problema,” mahinahong sabi ni Cristina sa apo na noon ay nakaupo sa gilid ng hospital bed ng matanda.“Lola, kapag naglabas ulit ako ng pondo, ibig sabihin, para ko na ring inamin na nagkamali talaga ang LDC, na sadya kong hindi inasikaso ang benepisyo ng mga manggagawa gayong hindi naman ‘yon ang totoo,” rason ng binata, hindi na napigilan ang bahagyang pagtaas ng tinig.Halos wala pa siyang itinulog nang nagdaang gabi. He was waiting for updates from Eli. And when their men confirmed na totoong mga kamag-anak ng mga tauhan nila sa LDC ang nagreklamo, Jace has been in contact to all of their men under Engr. Antolin—umaasang may maibibigay ang mga itong sagot sa kanyang mga tauhan. Twenty million is twenty million! Hindi maar