Hindi na tinanggihan pa ni Lara ang alok ni Jace. Sumunod siya sa asawa at muling sumakay sa lift patungo sa penthouse. Gusto niya sanang magmatigas subalit alam niyang babagsak siya anumang oras kapag ginawa niya ‘yon. Nakakaramdam na rin siyang hilo at gutom. Noon lang din niya napagtanto na ang huling kain niya ay kahapon pa nang agahan, bago siya umalis sa bahay ni Jace. No wonder she’s shaking and weak now.Pagdating sa penthouse, agad na binuksan ni Jace ang ref. “Do you want eggs or bacon or anything else?” anang binata, nakatuon pa rin sa loob ng ref ang tingin.Umusbong ang kakaibang damdamin sa dibdib ni Lara kasabay niyon ang kalituhan sa kanyang isip. Kasasabi lang nito sa kanya noong isang araw na layuan niya ito subalit… bakit gumagawa pa rin ito ng paraang ngayon upang tila mapalapit siya rito… upang tuluyan siyang mahulog dito?‘Oh my god!’ sigaw ni Lara sa isip.Totoo ba, sa kabila ng lahat, nahuhulog na siya kay Jace kaya ganoon na lamang ang hinanakit niya nang mala
“Uy, Lara! Kumusta? Maghapon kang wala kahapon a. Anong pinagawa sa ‘yo ni Sir Jace?” tanong agad ni Erin sa kaibigan nang makitang nag-aayos ito sa table nito. Halos magkasunod lang silang dumating sa opisina nang umagang iyon.“H-ha? W-wala… ano, nag-sort lang ng files,” pagsisinungaling ni Lara.“Nag-sort lang? Bakit naman inabot ka ng maghapon?” tanong ulit ni Erin, nangalumbaba na, halatang interesado sa isasagot ng kaibigan.Tumikhim si Lara, umupo muna sa kanyang office chair bago sumagot. “M-marami kasi. Hindi kaya ng ilang oras lang.”Sandaling nag-isip si Erin, kapag kuwan ay tumango-tango. “Kung sabagay, mahirap nga naman ang mag-sort,” anito, nagkibit-balikat bago tumuwid ng upo, binuksan ang laptop nito. “Anyway, you missed all the fun yesterday.”Binukan na rin ni Lara ang kanyang laptop. “Fun? Anong fun?”Ngumiti agad si Erin, inilapit ang upuan sa kaibigan bago, “Tagilid na si Amanda,” bulong nito.Agad namang nagbuhol ang mga kilay ni Lara. “Anong tagilid? Bakit?”“Bu
Kabadong nilalaro ni Lara ang laylayan ng kanyang blouse habang nakatayo siya sa harap ng mesa ni Jace, hinihintay ang feedback nito sa ginawa niyang marketing plan para sa Subic project ng LDC na kasalukuyan nitong binabasa.Pasado alas-dos na ng hapon at hindi pa nanananghalian ang dalaga. Inuna niya ang pinapatrabaho ni Jace sa kanya. Ilang sandali pa, isinara ni Jace ang folder ng marketing plan bago nag-angat ng tingin sa dalaga. His brown eyes piercing at her, as if trying to pry on her very soul.Pinigil ni Lara ang mapasinghap nang kumabog ang kanyang dibdib, pasimpleng tumikhim upang hamigin ang sarili bago, “S-so, what do you think?” lakas-loob na tanong ng dalaga.“This is… exactly how I pictured it,” anito, tumayo na. “Ngayon ako naniniwala na ikaw nga ang may gawa ng marketing plan na inangkin ni Amanda. Good job, Ms. Martinez. I will give instructions sa operations bago ako umalis bukas, including your plan.”Ngumiti na si Lara. Somehow she felt proud that the compliment
Pasado alas dies na ng gabi at naghahanda na sa pagtulog si Lara nang makarinig siya ng sunod-sunod na doorbell sa pinto ng bahay ni Jace. Nagtataka man kung sino ang nasa baba nang ganoong oras, bumaba na rin ang dalaga at tinignan kung sino ang naroon.Napasinghap pa siya nang makita niyan si Eli ang naroon, bitbit ang lasing na lasing na si Jace. “Dito ko na dinala, Ms. Lara. Baka kasi kung mapano sa penthouse e,” nagmamadaling paliwanag ng assistant.Agad namang niluwangan ni Lara ang pagkakabukas sa pinto, tinulungan na rin si Eli sa pag-alalay kay Jace hanggang sa maideposito nila ito sa may sofa sa sala.“Anong nangyari?” tanong agad ni Lara kay Eli.“It’s the time of the year, Ms. Lara,” si Eli, inayos pa ang pagpwesto ng boss sa sofa.Awtomatiko ang pagbuhol ng mga kilay ng dalaga. “T-time of the year? For what?”Naguguluhang bumaling ang assistant sa asawa ng boss. “Hindi ba niya sinabi sa ‘yo kung saan siya nagpunta?” Marahang umiling si Lara. “Ngayon ang memorial event ni
“Lara, okay na daw ba ‘yong pinapagawa ni Mr. Roman. Nanggaling kasi ako sa office niya, i-follow up ko daw sa ‘yo ‘yong pinagawa niya,” ani Jeff kay Lara nang dumaan ang binata sa mesa nito.Ngumiti si Lara sa binata subalit agad ding ibinalik ang tingin sa kanyang laptop. “Ito pa lang, tinatapos ko na. Ako na lang magdadala sa kaya kapag okay na,”anang dalaga sa katrabaho.Tumango si Jeff, muling nginitian si Lara bago bumalik sa mesa nito. Ilang sandali pa, sumilip si Erin sa kanyang cubicle. “Pst, ano yon? Nakita ko ‘yon, ha? May ngitian,” kantiyaw nito kay Lara, nakangisi.Nangingiting umiling si Lara. “Umagang-umaga, Erin nang-iintriga ka. Magtrabaho na lang muna tayo. Mamayang break na lang tayo mag-chismisan.”Nanikwas ang nguso ni Erin. “Ito naman napaka-KJ. Nae-excite lang ako na posible ka nang magkaroon ng lovelife. In fairness ha, pogi si Jeff mukha lang mysterious ‘no?”Pasimpleng sumulyap si Lara kay Jeff. Actually, Jeff is really a good catch. Masipag ito at magaling
“How is everything here, Eli? Kumusta ang kumpanya habang wala ako?” tanong ni Jace sa assistant na siyang naiwan nang mangibang bansa siya.“Maayos naman po, Sir. ‘Yong marketing plan sa Subic Project is already implemented. Actually, three days ago, nagbigay ng feedback sa akin ‘yong head ng operation natin doon. They said that the sales has increased by twenty percent. At tatlong araw pa lang na naka-float ang marketing plan,” pagbabalita ni Eli sa boss habang inlalagay sa trunk ng sasakyan ang bagahe nito.“That’s good. Ibig sabigin effective ang ginawa ni Lara,” pormal na sabi ng binata sumakay na sa sasakyan. It’s ten o’clock in the evening and he was just arriving from a successful meeting with the Aura Project managers.The managers gave him the assurance that they will award the project to LDC. They were really impressed with the idea of giving away affordable homes to lucky people who will then give organic feedback as beneficiary of the project. They said they will be hitti
Tahimik si Lara habang nakatayo siya sa harap ng mesa ni Jace. Halos ilang minuto na ring nakatayo ang dalaga roon subalit walang imik si Jace na nakatutok pa rin ang mga mata sa resignation letter na kanina pa nito binabasa.Kagabi, nang marinig niya ang galit na tinig nito, hindi siya ulit nakatulog nang matiwasay. At alam ng dalaga na pagpasok niya sa araw na ‘yon, muli siya nitong ipapatawag—uutusang bumalik sa bahay nito, iiwan at muli lamang maaalala kapag kailangan ulit nito ng serbisyo niya.Sa totoo lang, madali lang sanang gawin ang mga bagay na ‘yon. Subalit nagkamali na siya. Nagawa na niya ang isang bagay na mahigpit nitong ipinagbabawal. Nahulog na siya nang tuluyan kay Jace. At alam ni Lara na mas magiging mahirap lang sa kanya ang manatili sa bahay nito gayong hayagang ipinapakita ni Jace sa mga tao na mahal pa rin nito si Via, na ang ex pa rin nito ang gusto nitong makasama. Dapat wala lang sa kanya ang mga ‘yon. Dapat hindi siya nasasaktan nang gano’n sa nalamang iyo
Tulala si Lara habang nakapila siya sa pantry. Lunchtime na subalit hindi pa rin siya maayos. Iniisip pa rin niya kung paano niya mapapapayag si Jace sa pag-alis niya sa bahay nito.“Girl, alam mo parang masama talaga ang pakiramdam ko,” ani Erin sa kaibigan, nakalabi, kasunod ito ni Lara sa pila. “Parang wala rin akong ganang kumain. Mapait ang panlasa ko.”Sinalat ng dalaga ang noo ni Erin, totoo ngang mainit ito. “Dumiretso ka na lang kaya muna sa clinic at doon ka magpahinga. I-chat mo 'ko agad kung anong sasabihin nila.”Marahang tumango si Erin. “Mabuti pa nga,” matamlay na sagot nito, ibinalik ang tray na hawak sa lagayan bago tuluyang nagpaalam sa kaibigan.Nagpatuloy sa pila si Lara hanggang sa makakuha siya ng pagkain. Pagkain na hindi niya alam kung magagawa pa ba niyang ubusin gayong bukod sa wala na siyang kasamang mananghalian, okupado pa rin ng problema ang kanyang isip.Kasalukuyang nanananghalian si Lara nang biglang may umupo sa kanyang harapan.“Mind if I join yo
“Cami, careful, sweetheart,” paalala ni Jace sa panganay na noon ay naglalaro sa may pool ng private beach resort na pag-aari ng LDC. Doon ginanap ang binyag ng kanilang bunso na Lara si Gray.“I’m just going back to the water, Daddy. My pink floaties will save me,” sagot ni Cami, bago muling tumalon sa kiddie pool kung saan naroon din si Emie at ang iba pang anak at apo ng mga guests.For the past year, lalong naging malapit ang dalawang bata. And Jace is happy with the progress. Ngumiti si Jace, sandaling pinanood ang paglangoy ng anak gamit ang floaters nito patungo sa iba pang kasama nito sa pool. His little girl is starting to be independent even at just four years old. Mukhang dapat pa niyang hiritan si Lara ng isa pang prinsesa. He’s not done spoiling little princesses just yet.With that in thought, bumalik sa isa sa mga cabana si Jace at pinuntahan sina Lara at Gray. Naabutan niyang tulog si Gray sa kamay ni Lara na noon nakaupo sa rocking chair.Sandaling pinagmasdan ni Jac
“Wake up, sleepy head,” ani Jace kay Lara, masuyong hinagkan ang pisngi ng natutulog na asawa.Lara’s eyes fluttered open and the first thing she saw was Jace’s smiling face. “Goodmorning,” sagot ni Lara, bahagyang ngumuso. Jace chuckled and planted a soft kiss on Lara’s lips. Lara smiled, satisfied. “Anong oras na? I’m still sleepy.”Tumayo na si Jace mula sa kama, muling pinulot ang isang tuwalya at itinuloy ang pagpapatuyo ng buhok. “It’s almost eight, love. Our appointment at the hospital is nine.”“And you already took a bath!” ani Lara, naninikwas ulit ang nguso. “How early did you wake up?”“Before six,” sagot ni Jace, kinindatan ang asawa, bago pigil na ngumiti.Lara chuckled, her heart overdriving. “You’re too excited.”“Can you blame me? I missed everything with Cami. Kaya gusto ko ngayon, sa bawat check-up ninyong dalawa ni baby, kasama ako,” ani Jace.Bumangon na sa kama si Lara. “You’re a great father, Jace even if you missed every single important thing when I was pregna
“Paanong natabig?” nag-aalalang tanong ni Lara sa wedding planner niyang si Elaine.Iyon ang araw ng kasal nila ni Jace sa farm ng mga Lagdameo subalit… there she was, just hours away from her wedding, upang malaman lamang na natabig ng tauhan ni Elaine ang kanila ng wedding cake at bumagsak iyon sa loob ng reception venue.Even just thinking about it now was making her freak out!“Mag-sorry ka! Mag-sorry ka, Girly!” ani Elaine sa kasama nitong tauhan na nakatungo at panay ang singhot.“M-Ma’am p-pasensiya na po kayo. Pinapamadali ko po kasi sa mga kasama ko ‘yong cake table. Hindi ko naman alam na hindi maganda ang pagkaka-ayos ng mga kasama ko sa cake table. Kaya no’ng natabig ko nang kaunti 'yong table, gumalaw tapos hindi nakaya ‘yong bigat ng cake t-tapos… tapos… S-sorry po talaga, Ma’am Lara,” anang tauhan ni Elaine, panay na rin ang punas ng luha nito.Napabuga ng hininga si Lara, tinantiya ang emosyon. Gusto niyang magalit subalit hindi niya magawa. Alam niyang hindi 'yon sinas
“What are you doing here, Lara?” pukaw ni Jace sa asawa nang maabutan ito ng binata sa may veranda ng silid nila sa farm house. Nilapitan ng binata ang asawa at magaang niyakap mula sa likuran nito, musuyong hinaplos ang impis pa nitong tyan. “Hindi ka pa rin ba makatulog dito? Natatakot ka pa rin ba sa mga nangyari?” ani Jace, kinintalan ng magaang halik ang leeg ng asawa.Tatlong araw na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente na gawa ni Michaela. At iyon ang unang gabi na sa farm house ng mga Lagdemeo sila tumuloy na mag-anak imbes na sa rest house ng mga De Guzman.Lara fully rested her back on Jace’s chest, heaving a sigh after. “Medyo. Pero alam ko naman na marami nang nagbabantay sa atin dito. Alam kong wala nang maggugulo pa sa atin,” sagot ni Lara, tumingala sa langit. Napangiti ang dalaga nang makitang puno ng bituin ang langit, nagsasalitaan ang mga iyon sa pagkislap. “I kinda miss you, Jace. You’re always out for the past few days,” ani Lara.It’s true Jace has been g
“What is she doing there? Is she…” Hindi maituloy-tuloy ni Jace ang nais sabihin. He’s more than puzzled as to why Michaela was inside the interrogation room."She lost her job at the bank. Ang sabi, na-scam daw siya at nakadispalko siya nang milyon-milyon sa bangko. Ang sabi niya sa manager niya, paulit-ulit daw niyang sinasabi na mababayaran niya rin naman 'yon lahat kapag pinakasalan mo na siya." Nagsalubong na ang mga kilay ni Jace. "But I never promised her anything! Nang magtapat siya nang nararamdaman niya sa akin, tinapat ko siya na hindi ko kailanman masusuklian ang damdamin niya. I have never given her any false hopes!” Tumango-tango si Carlo. "I believe you. Kaya lang, she's been mentally unstable for weeks now. Ang sabi ng mga magulang niya, matagal na raw na hindi umuuwi sa kanila si Michaela. Kung saan ito tumutuloy, hindi nila alam. Nakausap ko ang mga tauhan ng mga De Guzman sa may aplaya. Ang sabi nila, ilang araw na raw nilang nakikita si Michaela na nagpapalakad-
Ang mahihinang pag-uusap sa kanyang paligid ang tuluyang nagpagising kay Lara. Pagbukas niya ng kanyang mga mata, ang mukha ni Jace ang una niyang nakita.“L-Lara, how are you feeling? Anong masakit sa ‘yo?” magkasunod na tanong ng binata, bakas ang labis na pag-aalala sa tinig.“Y-you’re here? P-paanong—“ Naguguluhang ipinaikot ng dalaga ang kanyang mata sa loob ng silid na kanyang kinaroronan. Everything is white. She’s more more than sure she is in a hospital.“I came as soon as I received the news. Nawalan ka raw ng malay sa bahay after… after you saw your mutilated portrait.”Napasinghap si Lara nang maalala ang mga pangyayari bago siya mawalan ng malay. “S-si Cami? N-nasaan si Cami?” tanong ng dalaga sa paos na tinig.Masuyong hinaplos ni Jace ang pisngi ng asawa. “She is with Manang Lagring. Nasa labas na rin ng ER si Coco, naghihintay ng anumang balita tungkol sa ‘yo. Kasama nila ang ibang security detail natin. You don’t need to worry about anything, love. Pinapaimbestigahan
Maingat na inilapag nina Coco at Lara ang bungkos ng mga bulaklak sa puntod na nasa kanilang harapan. Nasa public cemetery na sila sa San Marcelino. “Nay, tapos na po ang lahat. Nalaman na po ni Ate Lara ang lahat. Nagbabayad na rin po ang lahat ng may kasalanan sa nangyari sa kanya. Nagawa na po namin ni Ate ang nais mo. Pwede ka nang matahimik, Nay,” ani Coco sa pinatatag na tinig.“Salamat, Tiyang,” umpisa ni Lara. “Mula noon hanggang ngayon, ang kapakanan ko ang iniisip ko. H’wag ka nang mag-alala kay Coco, ako nang bahala sa kanya, Tiyang. Sisiguruhin kong matutupad niya ang lahat ng mga pangarap niya,” dugtong pa ni Lara bago bumaling sa puntod ng mag-inang Melissa at Lara Veronica. “Yaya Melissa, salamat dahil hanggang sa kahuli-hulihan, pinili mong iligtas ako. Salamat sa sakripisyo mo, nagawa ko pa ring makabalik sa tunay na pamilya ko.”Pinagmasdan ng dalaga ang pangalan ng mag-inang Melissa at Lara Veronica. Pinapalitan na niya iyon noong huling beses silang nagpunta roon
Tahimik na pinagmamasdan ni Jace ang paglagak sa labi ni Keith sa mausoleum ng mga Montano. Iyon ang araw ng libing ni Keith. Despite the truths that he has discovered, hindi pa rin nagbago ang isip ni Jace at patuloy na inasikaso ang pagpapalibing sa dating kaibigan at kababata.Matapos ang isang linggong burol sa St. Anthony’s Hospital, inihatid na rin sa huling hantungan si Keith. Maraming kaakilala ang dumalo sal amay at libing ng doktor. Ang iba, mga dating pasyente na ginamot ng namayapang binata. Patunay na minsan, sa maikling buhay nito ay naging mabuti ito at nakagawa ng tama.Nakadalaw si Divina sa burol ng anak nito. Subalit, saglit lang. Hindi na rin kasi ito halos makausap nang mga panahong iyon. Lagi itong tulala at paulit-ulit na sinasabi ang mga salitang, ‘Wala akong kasalanan.’Kung sino ang sinasabihan nito ng mga salitang ‘yon, kung ibang tao ba o ang mismong sarili nito, hindi na mahalaga para kay Jace. Ang tanging importante sa binata ay nakakulong na si Divina a
Tila nabingi si Jace sa ipinagtapat ng tiyuhin. “Paanong…”“Hayop ka talaga, Reymond! Hayop ka!” singhal ni Divina kay Reymond, pilit na kumakawala mula sa mahigpit na pagkakahawak ng dalawang police escort na kasama nito.“Mas hayop ka, Divina! Hindi ba’t habang naiinggit ako sa pinsan ko dahil sa kayamanan at tagumpay na kanyang tinatamasa’y ikaw ang nagsabi sa akin na kayang-kaya mo siyang paglahuin sa mundong ibabaw? Alam kong ayaw mo sa kanya dahil ayaw niyang pahiramin ng malaking pera si Carlos para sa research lab na gusto mong ipatayo.”“Sinungaling! Sinungaling ka! Do not believe him, officer! Naghahanap lang siya ng masisisi sa mga kasalanan niya!” ani Divina, panay pa rin ang piglas. “Gusto mo bang sabihin ko sa kanila kung paano mo nilagyan ng lason ang alak ni James nang manggaling siya sa inyo bago siya umuwi sa kanila nang araw na madisgrasya siya? O gusto mong sabihin ko na kaya sa daan inabutan ng atake sa puso at aksidente si James ay dahil imbes na ang paghahanap