READ THIS: This book is ON-GOING, meaning,sinusulat pa lang at wala pang ending. 2 new chapters ang labas araw-araw. Updates are between 8-10 PM. No updates on weekends.
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Lara habang binabaybay ng kanilang sasakyan ang daan patungo sa airport. Iyon na ang nakatakdang araw ng pagbabalik nila sa Pilipinas. At kahit na pinayagan niya ang pag-uwi nilang iyon, hindi pa maalis ang agam-agam sa dibdib ng dalaga sa gagawin.She knew for herself that she’s totally healed, that she has moved on with her life. Maayos na ang buhay niya ngayon at kuntento na siya sa kung anumang mayroon siya. Subalit, may mga alaala pa ring sumasagi sa kanyang isipan. Mga alaalang kung siya lang ang tatanungin ayaw na niya sanang alalahanin pa.But she knew just how human brain works, the more one resist a memory, the more it surfaces. And Lara knew when she goes back, those unwanted memories she had vowed to forget will haunt her once more.“Mommy, you’re squishing my hand,” reklamo ni Cami na noon ay nasa carseat at hawak ng ina ang kamay.Agad namang natauhan si Lara, binitiwan ang kamay ng anak. “I’m so sorry, sweet pea,” anang dalaga sa anak,
“What? Bakit hindi mo sinabi sa akin tuwing magkausap tayo? Ano, nilihim mo na lang? Sinarili mo?” kastigo ni Lara kay Erin nang malaman ang sinapit ng relasyon ng kaibigan kay Lucas.Apparently, Lucas got drunk and had a one-night stand with another woman. The woman got and pregnant. Kaya napilitan itong pakasalan ni Lucas, leaving Erin heartbroken and alone. And what’s worse? It all happened two years ago. At walang kaalam-alam si Lara sa sinapit ng kaibigan. Kaya naman manghang-mangha ang dalaga dahil ngayon lang ‘yon naikwento ng kaibigan sa kanya.Nasa lanai ng mansiyon ang magkaibigan at nag-uusap. Matapos ang pananghalian ay doon dumiretso ang dalawa. Si Cami naman ay kinuha ni Manang Lita at nagprisintang ito ang magpapakain sa bata.“Lara, tapos na ‘yon, okay? At gaya mo rin, naka-move on na ‘ko. Wala na akong pakialam kay Lucas at sa pamilya niya. Sa ngayon, I am happy with my company and my current status as single and ready mingle,” nakangiting sagot ni Erin.“Pero kahit
Marahang inilapag ni Lara ang bungkos ng mga bilaklak sa ibabaw ng puntod ni Linda. Kararating lang nila sa publice cemetery kung saan nakalibing sina Linda at ang mag-inang Melissa at Lara Veronica ayon na rin sa pakiusap ni Coco.Four years ago, nalaman nilang hindi lang pala si Melissa ang nakalibing sa puntod nito kundi pati na rin si Lara Veronica na namatay sa sakit sa puso noong taon na ma-kidnap siya. Isinulat iyon ni Linda sa naiwan nitong diary. Kung bakit nito piniling ilihim na lang ang katotohanang iyon, hindi pa rin malinaw sa dalaga hanggang ngayon. Hindi rin niya halos maalala ang mga pangyayari kung paano siya napunta kay Linda matapos ang aksidente sa bangin. That memory is still vague.She remembered she wandered in the streets for some time—hungry and no memory of herself. Hanggang sa natagpuan siya ng isang ale. She doesn’t remember the face or the name of the woman anymore. Basta ang sabi nito, dadalhin siya nito sa magiging bahay niya. That’s all she remembered
Lara felt as if time stood still as soon as Jace’s presence surrounded her. Ni sa hinagap ay hindi niya akalaing sa muli nilang pagkikita ni Jace ay agad siya nitong yayakapin na parang walang nangyari sa kanilang pagitan apat na taon na ang nakararaan.. Has he gone mad? Mabilis lang ba itong mgakalimot sa mga kasalanan nito? Or did he think that she is still the same loser whom he just led on four years ago?Sa isang iglap ay bumalik lahat kay Lara ang mapapait na alaala ng nakaraan. Ang ilang beses nitong pagtataboy sa kanya. Ang pagpaparatang nito sa kanya na pakikipagrelasyon sa iba gayong ito naman ang may ibang ginawa. Ang ilang beses niyang pagmamakaawa… para sa kanilang anak na kanya ring naiwala.Agad na napuno ng galit ang dibdib ni Lara, mabilis na inipon ang lakas bago pilit na kumawala sa yakap ni Jace. And without warning, she slapped him so hard that he was rendered speechless for a while.“How dare you touch me, Mr. Lagdameo?!” umpisa ng dalaga. “Wala ka nang karapatan
“Lara? Are you okay, hija?” untag ni Doña Carmelita sa apo na noon ay kasamang nakaharap ng matanda sa hapag. Kasalukuyang naghahapunan ang mag-lola. Kasama rin nila sa hapag si Cami na sinusubuan naman ng pagkain ni Lita.It was their typical family dinner subalit hindi nakaligtas sa matandang donya ang inaasal ng apo. Napansin niyang kanina pa ito tipid magsalita mula nang manggaling ito sa sementeryo kasama si Coco. At hindi mapigilan ng matandang babae ang mag-alala para sa apo.Kumurap-kurap si Lara, tumuwid ng upo at pilit na hinamig ang sarili. "Y-yes, Lola. Okay lang naman po ako,” alanganing sagot ni Lara.“You don’t seem fine to me, hija. You are too silent,” ani Carmelita bago sumubo ng pagkain.“A-ano… bago pagod din po, Lola. Medyo mahaba ang byahe namin ni Coco kanina,” pagdadahilan ng dalaga, uminom ng juice na nakasilbi sa kanyang harapan.Tumango-tango ang matanda. “Kung sabagay, hindi ka na sanay sa ganitong klaseng init ng panahon. Siguro ay nanibago ka lang. Siya n
Ang malakas at sunod-sunod na ring ng kanyang cellphone ang nagpamulat ng mga mata ni Keith. Sinilip ng binata ang wall clock sa dingding ng kanyang condo at lalo lang nalukot ang mukha nang matantong halos alas otso pa lamanng ng umaga.Yesterday, he drove for six hours back and forth para lang bisitahin ang ina. But Divina was as cold as she had ever been. Wala ring napala ang binata. And so last night, pag-uwi niya sa siyudad, he went drinking, something that he had not done in a long time. He was too busy studying for the last four years. He was the guy tagged as all work and no play. And last night, he decided to give himself a little break. Kaya naman ngayon, he’s having a damn headache!Sandaling tumigil ang pagri-ring ng cellphone ng binata. Muli sanang pipikit si Keith subalit, bumalik sa pagri-ring ang kanyang cellphone. He muttered a curse before reaching out for his phone on the bedside table.“Hello?” anang binata sa paos na tinig, nakapikit, iniinda pa rin ang pumipintig
“Mahina na po ang pundasyon sa east wing ng mansiyon. We need to reinforce it or we can renovate the whole east wing para maging mas matibay at long-lasting ang structure. Upon inspection, nang ma-uproot ang malaking puno sa likod ng mansiyon noong nagdaang bagyo, we saw that its roots weaved it’s way through the foundation kaya nagbitak-bitak ang flooring doon,” paliwanag ni Engr. Ezekiel ‘Kiel’ Benavidez. Ito ang kinuhang engineer ni Doña Carmelita upang matignan ang parte ng mansiyon na nasira ng nagdaang bagyo, halos isang buwan na ang nakararaan. Ito rin ang kapatid ni Lucas na dating kasintahan ni Erin. “If we opt with the renovation, gaano katagal bago ninyo matatapos ang project?” si Lara na tinitignan ang renovation plan na inilatag ng inhinyero sa kanilang harapan ng abuela. Naroon sila sa lanai ng mansiyon at nag-uusap-usap.“More or less two weeks or three weeks tops kapag walang aberya. Kapag reinforecement naman, it would just be a week or 10 days tops.”Napabuga ng hin
“Papa!” ani Cami nang makita si Keith na noon ay nasa front door na ng mansiyon ng mga De Guzman. Agad na tumakbo ang bata kay Keith at yumakap.“Hello, sweet pea,” ani Keith, kinarga na ang paslit.Mula sa mga tauhan na naghahakot ng gamit sa east wing, sinundan ni Lara ang kanyang anak at nilapitan din si Keith. “Nandito ka na,”nakangiting bati ng dalaga kay Keith. “Kumusta ang Mama mo? Maayos ba siya?”Pilit na ngumiti si Keith, tumango. “Maayos naman siya. M-medyo busy lang sa… s-sa flower farm,” pagsisinungaling ng binata. Sa loob ng apat na taon, ni hindi pa nakakausap ni Lara si Divina. Not that Keith didn’t want to, he wanted to. Subalit si Divina…Ngumiti si Lara. “Natutuwa akong maayos ang lagay ng Mama mo, Keith. That’s one less thing for you to worry about,” anang dalaga.Gumawi ang mga mata ni Keith sa mga tauhan na naglilipat ng gamit mula sa east wing ng mansiyon. “These men… what are they doing, Lara?” anang binata.“Lola and I opted for a full renovation of the east w
Sa bench sa labas ng mall nagtungo ang dalawa. Unang inaya ni Kiel si Erin sa isang coffee shop. Subalit may naamoy na kakaiba si Erin sa loob niyon kaya mabilis na humindi nag dalaga. Si Erin na ang nag-suggest na sa labas na lang sila ng mall mag-usap. Mayroong bakanteng bench sa di-kalayuan kaya doon nila napiling umupo at mag-usap.“I’m sorry,” umpisa ni Kiel. “I was a bloody jerk when we talked. I shouldn’t have said those things to you.”Erin scoffed. “What you did was inexcusable, Kiel. Nakipagkita ako sa ‘yo dahil sa trabahong tinanggap ko mula sa fiancée mo. Your personal questions were out of the line.”“I know, that’s why I want to apologize. Alam kong mali ako, Erin,” anang binata nagbuga ng hininga.The past two days had been tough for him. He was struggling to divide his time with work and with the things Michelle left him in-charge of. Idagdag pa na lagi niyang naiisip na puntahan na lamang si Erin sa condo nito upang personal na humingi ng paumanhin. Dahil ayaw pansin
Latag na nag dilim subalit hindi pa rin malaman ni Erin kung ano ba ang gusto niyang kainin para sa dinner. Kaninang lunch pa siya nagke-crave ng mga kakanin, hindi lang niya alam kung saan siya kukuha. Mula nang lumabas siya ng ospital four days ago, bumalik na ang kanyang appetite. Hindi na rin siya gaanong nahihilo. The supplements she had been taking were of a great help. Kung hindi nga lang ba siya pinilit ni Lily na ituloy-tuloy na lang ang kanyang leave hanggang sa susunod na linggo upang makapahinga siya nang husto, baka pumasok na siya sa opisina.But after that meeting with Kiel, hindi na siya ulit pumasok pa sa opisina. She needs rest. Her body craves for it, she can feel it. Or maybe her growing baby is demanding it. But whatever the real reason is, determinado si Paige na gawin ang lahat ng kanyang magagawa upang protektahan ang kanyang ipinagbubuntis. Kaya naman mas marami nang naka-delagate na trabaho kay Lily ngayon. Mabuti na lang at talagang masipag at maaasahan sa t
“He is arrogant and a despicable liar! We will never do any business with that hateful man ever again!” gigil na pahayag ni Erin habang kumakain siya kasama sina Lily, Paul at Chantal. Wala si Suzanne dahil may inayos ito sa isa sa kanilang mga on-going projects.They were having lunch inside the pantry. Matapos manggaling sa EB Builders, nagpasyang bumalik sa opisina si Erin. She didn’t want to at first. Subalit dahil sa resulta ng pag-uusap nila ni Kiel, alam ng dalaga na kapag umuwi siya, mag-isa lang siyang magngingitngit sa condo niya. Bagay na ayaw niyang mangyari, she knew herself too well. The last time she threw a fit over a project, nabato niya ng vase ang 95-inch TV niya dahil sa sobrang inis. She doesn’t want that to happen again. Mabuti nang nasa opisina siya habang nanggigil. At least doon, may kasama siya, may nagtitiyagang makinig sa kanya.“Ma’am gusto po ninyo, kausapin ulit namin ni Chantal si Engr. Benavidez? Baka po magbago pa ang isip ni Sir,” suhestyon ni Paul,
Tahimik subalit puno ang kaba ang dibdib ni Erin habang naghihintay sila ni Lily sa labas ng opisina ni Kiel. Ang sabi ng sekretarya nito na nagpakalilang si Sara, may kausap daw na kliyente si Kiel na nauna kaysa sa kanila. Sara told them to just come back after an hour or so. Subalit nagpasyang maghintay si Erin. She might not have the courage to face Kiel again if she leaves."Ma'am gusto po ninyo ng bottled water? Pwede ko po kayong kunan sa--" "H'wag na, Lily," mabilis na tanggi ng dalaga sa alok ng sekretarya. "I'm okay." "Sure po kayo?" "Yes, I'm sure," pormal na sagot ni Erin, ang mga mata, nakatitig sa pinto ng opisina ni Kiel. She was training her mind not to be swayed by her emotions when she finally face Kiel. She was composing her thoughts too, determined to just say the words she needs to say and nothing else. Ayaw niyang awayin si Kiel kahit na alam ng dalaga na ito ang dahilan kung bakit siya naroon sa sitwasyon na 'yon. Kung sabagay, mabuti na rin na siya na ulit
“M-Ma’am Erin, b-bakit nandito ka na?” gulat na bungad ni Lily kay Erin pagpasok na pagpasok pa lamang niya sa kanyang opisa sa AdSpark Media. “H-Hindi po ba dapat nagpapahinga ka pa? Ang sabi ng doktor—““May importante akong gagawin, Lily. The DF Appliances proposals, get them for me,” putol ni Erin sa sekretarya bago nagtuloy-tuloy sa kanyang swivel, umupo at binuksan ang laptop.Si Lily naman ay nanatiling nakatanga sa boss. Matapos nitong ma-discharge kahapon sa ospital, hindi inaasahanng sekretarya na papasok agad si Paige nang araw na 'yon, lalo pa at ganoon kaaaga. Mahigpit ang bilin ng doktor na kailangan nito ng pahinga para sa ikabubuti ng dinadala nito. Kaya lang…“Lily, what are you looking at? I said give me the proposals for DF Appliance,” pag-uulit ni Erin.“S-sure kayo, Ma’am? Ang sabi ng doktor kahapon bawal kayong magpagod at saka—““Alam ko kung anong ibinilin ng doktor, Lily. I was there with you. Narinig ko ang lahat. But like I told you, may importante akong ga
“What are you doing here, Kiel?” pag-uulit ni Erin nang hindi sumagot agad si Kiel. This time, pinakalma ng dalaga ang nagwawalang puso at pinatatag din ang tinig.Umigting naman ang panga ni Kiel. hindi nagawang makasagot agad dahil paulit-ulit na ipinasada ng binata ang kanyang mga mat sa kabuuan ng dalaga. She looked relaxed and well-rested. Habang siya, halos mabaliw na sa kakaisip ng paraan kung paano muling makikita at makakausap ang dalaga.The past few days had been pure hell. Kahit na anong gawin niya, ni ayaw siyang kausapin ni Erin. He even tried visiting her in her office subalit ang laging sagtot ng sekretarya nito ay may sakit ito at naka-sick leave. He asked for her number and they gave him the same number he had been calling and messaging for the past few days subalit wala siyang nakukuhang sagot dito. It’s clear that his number had been blocked. All the damn new numbers he tried to use were all blocked from Erin’s phone.Malinaw sa kanya ang naging usapan nila. But…
“Ma’am, sigurado po ba kayong kaya na ninyo? Kung matulog na lang po ako ngayon sa condo ninyo para may kasama pa rin kayo at—““H’wag na, Lily. Promise, kaya ko na. At saka baka hinahanap ka na rin sa inyo. Go home and rest. Halos hindi ka natulog kagabi habang binabantayan ako,” putol ni Erin sa sekretarya. Naroon sila sa lobby ng St. Anthony Hospital at hinihintay ang rented car na kinuha ni Lily na siyang maghahatid kay Erin pabalik sa condo ng dalaga. Matapos ang ilang pagsusuri at bilin ng doktor, Erin finally got discharged from the hospital. She feels a little better now. She feels more energized too. Malaking tulong ang pagpapa-confine ng dalaga sa ospital upang umayos ang kanyang pakiramdam. She even feels she can already go back to work tomorrow. Pero bawal pa. Ibinilin ng doktora na tumingin sa kanya na kailangan pa niyang magpahinga ng isang linggo upang tuluyan siyang makabawi ng lakas.“Pero Ma’am, mag-isa kayo do’n sa condo mo. Baka bigla ka na namang mahilo o magsu
Agad na napabangon sa kanyang kama si Erin nang muling makaramdam ng pagbaliktad ng kanyang sikmura. Tinakbo ng dalaga ang CR at muling nagduduwal sa sink. She stayed there for a few minutes bago siya tumigil nang pakiramdam niya wala na siyang maisusuka pa.Nanghihinang naglakad palabas ng banyo ang dalaga at nagtungo sa sala. Doon niya ibinagsak ang nanghihinang katawan sa couch at naghabol ng hininga.Ikatlong araw na iyon na sa tuwing gumigising siya sa umaga, she had the urge to throw up everything she ate from last night.She doesn’t want to worry but she is beginning to worry. Hindi pa niya nararanasan ang ganoong klaseng matagal na pagkakasakit. She’s taking supplements, everything there is! Kaya nagtataka ang dalaga dahil gano’n na lang ang epekto ng stress at fatigue sa kanya ngayon.Stress and fatigue, ‘yon ang naiisip niyang sanhi kung bakit siya nagkakagano’n ngayon. She had been resting for the past few days. Tumatawag na lang siya kay Lily for updates. Staying at home a
"Lily nasaan na 'yong papers ng Dove Realties? I believe I left it here yesterday. Bakit wala na?" ani Erin habang panay ang kanyang halughog sa tambak na mga papeles na nasa kanyang table.Pasado alas-dos na ng hapon subalit hindi pa nanananghalian ang dalaga. May hinahabol siyang meeting sa Dove Towers which is an hour away from her office. Idagdag pa na susuungin niya ang traffic sa mainit na hapon na iyon. Maisip pa lang niya ang magiging biyahe niya mamaya, natetensyon na siya. And now she is all the more panicked dahil hindi niya makita ang dokumentong kailangan niya! "Ma'am nandito po sa drawer ninyo sa kabilang cabinet, sa may outgoing box," kalmadong sagot ng sekretarya, kinuha na ang dokumento mula sa nakahiwalay na filing cabinet at inabot iyon sa amo. Lalo namang nagsalubong ang mga kilay ni Erin. "Bakit nandiyan?" "Ma'am, kayo po ang naglagay diyan kagabi bago tayo umuwi. Sabi niyo pa nga po, dapat d'yan niyo ilagay 'yan para madali ninyong mahahanap ngayon," pagpapaal