“Mahina na po ang pundasyon sa east wing ng mansiyon. We need to reinforce it or we can renovate the whole east wing para maging mas matibay at long-lasting ang structure. Upon inspection, nang ma-uproot ang malaking puno sa likod ng mansiyon noong nagdaang bagyo, we saw that its roots weaved it’s way through the foundation kaya nagbitak-bitak ang flooring doon,” paliwanag ni Engr. Ezekiel ‘Kiel’ Benavidez. Ito ang kinuhang engineer ni Doña Carmelita upang matignan ang parte ng mansiyon na nasira ng nagdaang bagyo, halos isang buwan na ang nakararaan. Ito rin ang kapatid ni Lucas na dating kasintahan ni Erin. “If we opt with the renovation, gaano katagal bago ninyo matatapos ang project?” si Lara na tinitignan ang renovation plan na inilatag ng inhinyero sa kanilang harapan ng abuela. Naroon sila sa lanai ng mansiyon at nag-uusap-usap.“More or less two weeks or three weeks tops kapag walang aberya. Kapag reinforecement naman, it would just be a week or 10 days tops.”Napabuga ng hin
“Papa!” ani Cami nang makita si Keith na noon ay nasa front door na ng mansiyon ng mga De Guzman. Agad na tumakbo ang bata kay Keith at yumakap.“Hello, sweet pea,” ani Keith, kinarga na ang paslit.Mula sa mga tauhan na naghahakot ng gamit sa east wing, sinundan ni Lara ang kanyang anak at nilapitan din si Keith. “Nandito ka na,”nakangiting bati ng dalaga kay Keith. “Kumusta ang Mama mo? Maayos ba siya?”Pilit na ngumiti si Keith, tumango. “Maayos naman siya. M-medyo busy lang sa… s-sa flower farm,” pagsisinungaling ng binata. Sa loob ng apat na taon, ni hindi pa nakakausap ni Lara si Divina. Not that Keith didn’t want to, he wanted to. Subalit si Divina…Ngumiti si Lara. “Natutuwa akong maayos ang lagay ng Mama mo, Keith. That’s one less thing for you to worry about,” anang dalaga.Gumawi ang mga mata ni Keith sa mga tauhan na naglilipat ng gamit mula sa east wing ng mansiyon. “These men… what are they doing, Lara?” anang binata.“Lola and I opted for a full renovation of the east w
“Wow, could you believe it? After many years, nakabalik siya sa kanila? I wonder what really happened to her?” anang isang bisita ni Ms. Ferrer na noon ay nasa powder room, sinisipat-sipar ang sarili sa salamin.“Kaya nga. I remember that news when she resurfaced four years ago. But her face looked different then, right?” anang isa pa.“Oh yeah, I remember that! Sinundo siya sa presinto and there they had a dramatic reunion. Pero hindi ko maalala ang sinasabi mong iba ang hitsura niya. Oh well, she was not properly introduced to our crowd then,” sabi pa ng isa na noon ay tumigil na sa pagli-lipstick bago bumulong. “Sabi ni Mommy sa akin kanina, the De Guzmans just left quietly four years ago to avoid a scandal.”“A-a scandal? What scandal?”Nagkibit-balikat ang bisita. “I don’t know. I’m not really sure. Pero bagay sila ni Dr. Montano ‘no? They looked great. I must say, magaling pumili si Lara. Kung saan man siyang lugar napadpad noong nawala siya, well she didn’t lose her ability to
“Lara, hija, bakit hindi ka pa natutulog?” ani Carmelita sa apo matapos niya itong matanawan sa may veranda ng mansiyon. Malalalim na ang gabi at kauuwi lang nila mula sa party mag-iisang oras na ang nakakaraan.Nakabihis na ang dalaga ng pantulog. She was ready to sleep subalit pinasya niyang magpahangin muna sa may veranda. Gaya ng nauna nilang pagkikita ni Jace, she was shaken again tonight. Something that doesn’t settle well with her. She knew she has moved on with her life. Patunay sina Keith at Cami sa bagay na iyon. Subalit bakit gano’n, may isa pa ring parte ng kanyang puso ang nasasaktan? Kung para saan at kanino, hindi niya maintindihan.She’s all grown up now. Dapat naiintindihan na niya ang lahat. Kaya lang, tuwing nagkikita sila ni Jace pakiramdam ni Lara, ginugulo nito ang isip niya. Jace is still her confusion. Tila naiwawala niya ang kanyang sarili, kapag nakakaharap niya ito. Tila bumabalik siya sa Lara na matagal na niyang naiwala. Ang Lara na mahirap. Ang Lara na u
Kanina pa pinagmamasdan ni Lara ang anak na natutulog sa kama. Naroon na sa kanilang silid sa resthouse ang mag-ina. At marahil, dahil sapagod sa biyahe, pagkatapos ng pananghalian ay nakatulog agad si Cami.Marahang hinaplos ng dalaga ang pisngi ng anak bago pilit na ngumiti. Naaalala pa niya nang dumating sa kanyang buhay si Cami. She was at the darkest season of her life. But she endured… because she has to. Because of Cami.Cami has always been her direction, her purpose. She knew she will do everything and anything for her daughter’s sake. At ngayong nagugulong muli ang payapa niyang mundo dahil sa pagbabalik nilang mag-ina sa Pilipinas, alam ng dalaga na sa malao’t madali’y magagawa ulit niyang magdesisyon ng tama para sa anak.Nasa ganoong pag-iisip si Lara nang makarinig siya ng katok mula sa pinto. Ilang sandali pa, umingit iyon pabukas at iniluwa ang bulto ni Carmelita.“Hija, gising ka pa pala. Akala ko’y natutulog ka na at nagpapahinga,” anang matandang donya, maingat na h
Latag na ang dilim nang nagpasyang bumalik sa farm si Jace. Mananatili pa sana sa siyudad ng isa pang araw dahil may dokumentong gustong ipakita si Eli sa kanya, subalit tumawag sa kanya si Mang Gener at sinabing hindi raw maibibiyahe ang kanilang mga ani dahil hindi pa tapos sa pagkukumpuni ang nasirang tulay.Sinabihan na niya ang mga tauhan umaga pa lang tumulong na sa pag-aayos ng tulay dahil hindi maaring ma-delay ang biyahe ng mga palay. May nakausap na siyang buyer kaya hindi siya maaring pumaltos sa transaksiyong iyon. Now he’s going home to check kung natapos din ba ang tulay o hindi. Makipot ang daan sa alternate route na siyang tinutumbok ng binata ngayon. Hindi kaya ang kahit na isang 10-wheeler truck na siyang gagamitin ng mga buyer sa pag-pick-up sa mga palay. If one truck cannot fit on that narrow road, paano pa kaya ang tatlong truck na siyang kailangan upang mahakot lahat ng kanilang ani sa farm?The small bridge needs to be reinforced and fixed temporarily. Iyon lang
“Coco, saan ka galing?” tanong ni Lara sa pinsan nang makita ng dalaga na kararating lang nito mula sa kung saan.“Diyan lang, A-Ate, nagpahangin,” anang binata bago dire-diretsong pumasok sa resthouse.Napabuntong-hininga si Lara. “Hindi ka na naman ba sasabay sa agahan, Coco?”“Busog pa ‘ko, Ate. M-mamaya na lang. A-akyat muna ako sa kwarto,” anang binata bago nagtuloy-tuloy sa pag-akyat ng hagdan.Naiwan si Lara sa lanai na nanlulumo. Dalawang araw na sila sa resthouse subalit wala pa ring pagbabago kay Coco. She was hoping that the change in environment would make Coco feel better. Kaya lang, parang mas lalo itong naging balisa.Ang sabi ng mga katiwala ay hindi pa raw pumuputok ang araw ay lumalabas na ito at nagpupunta sa kung saan. Hindi naman nagagawang sundan ng mga katiwala si Coco dahil kapwa abala ang mga ito sa kanilang ginagawa sa bawat araw. Kaya naman muling bumalik ang pag-aalala ni Lara para sa pinsan.Bukas sa pagbabalik niya sa siyudad, isasama na niya ito sa ospit
Hindi agad nakahuma si Lara sa sinabi ni Jace. Her mind was spinning in confusion. Hindi niya lubos akalain na sa ikatlong pagkakataon, muli silang magkikita ni Jace. And out of all places doon pa sa probinsiya and during ang emergency at that!“Lara, are you okay?” pukaw ni Jace sa dalaga maya-maya. She seemed… shocked for lack of better word. Well, gano’n din naman siya. Ang plano niya sana’y sadyain ang resthouse ng mga De Guzman bukas. He wanted to greet Doña Carmelita for old time’s sake. Subalit gaya nang dalawang naunang hindi sinasadyang pagkikita nila ni Lara, mukhang may ibang plano ang tadhana kaysa sa kanya. “Kailangan mo ba ng tulong sa sasakyan mo? Nakita kong bigla kang huminto,” dugtong ni Jace nang manatiling tahimik si Lara, nakatitig lang sa kanya.Pilit na hinamig Lara ang kanyang sarili. Sigurado na siya ngayon, na talagang pinaglalaruan siya ng tadhana. Why does she keep meeting Jace in the most unexpected of places?And why does he look ruggedly handsome now in
“Are you awake, Jace?” bulong ni Lara habang nakahiga silang mag-anak sa kama. Kanina pa tulog si Cami na nakapagitna sa kanila. Subalit ayaw pa ring dalawin ng antok ang dalaga.“I’m awake. Why?” si Jace, nakatingin sa kisame ng kanyang silid. Kagaya ni Lara ay hindi rin ito makatulog. Hindi alam ng binata kung ano ang dapat maramdaman gayong matapos ang apat na taon, matutulog siyang muli sa higaan na ‘yon kasama hindi lang si Lara kundi pati ang kanilang anak.For four years he has avoided sleeping in that room. She and Lara shared so many memories there. At sa tuwing nagagawi siya roon, nadudurog ang puso niya dahil akala niya noon, wala na si Lara. And now, hindi lang si Lara ang naroon sa kanyang tabi, pati na rin si Cami.Hindi tuloy maalis sa isip ng binata kung nagsisimula na bang bumait ang langit sa kanya.’“I-I… Can we talk about the Subsidium Fund?” alanganing sabi ni Lara, pigil ang hininga.“What about it?”“Lola and I agreed that the fund will be released in staggered
“Yes, Lola we’re still here,” ani Lara nang tawagan ng dalaga ang abuela upang sabihin na nasa kabilang hacienda pa rin sila ni Cami at hinihintay ang pagtila ng ulan.“At kumusta naman si Cami, hindi ba naman siya natatakot sa kulog?” tanong ni Carmelita sa kabilang linya.“So far, hind pa naman po siya natatakot. She’s playing with Jace right now, Lola. Hinihintay lang namin matapos sa pagluluto ng dinner si Manang Lagring.”Napangiti sa kabilang linya si Carmelita. Mukhang pinaglalapit muli ng tadhana ang apo at si Jace. “You know what, why don’t you and Cami sleep there para makapag-bonding nang husto ang mag-ama?”Napasinghap si Lara, nanlaki ang mga mata. “Lola!”“What? Wala namang masama sa sinabi ko a. Besides, this is for Cami, hija. We have less than two weeks before we go back home. Give Jace a chance to enjoy his kid.”Lara bit her lower lip. Her grandmother has a point but… Iyong ilang oras na nga lang na pananatili niya roon, nate-tensiyon na siya. Paano pa kaya kung do
“I think we better go. Malapit nang gumabi, Jace. Baka hanapin kami ni Lola,” paalam ni Lara kaya Jace habang naroon pa rin sila sa mga kwadra. Ayaw kasing tantanan ni Cami ang ama, panay ang tanong nito na parang matagal silang hindi nagkita. Subalit nang mapansin ni Lara na malapit nang lumatag ang dilim, napilitan nang magpaalam ang dalaga.Besides, gusto rin sana niyang kausapin si Jace tungkol sa Sudsidium Fund at sa pasya nila ng kanyang abuela tungkol doon.“Cami, it’s getting late. Mommy said you’re going home,” ani Jace sa anak.“No! I wanna stay with the horses, Daddy!” reklamo ng paslit, kumapit ng husto sa leeg ng ama.“Cami, Lola and Uncle Coco will miss you if you won’t go home tonight. Do you want them sad?” si Lara, nilapitan na ang mag-ama at pilit na kinukuha ang anak kay Jace. Subalit ibinuro lang ng anak ang mukha sa leeg ng ama nito, yumakap pa lalo.“I want Daddy, Mommy. Just Daddy,” pagmamatigas ni Cami.Makahulugang nagkatingninan sina Lara at Jace. Kilala ni
Kanina pa nakabalik sa library si Lara subalit hindi mailis ng dalaga ang tingin sa bouquet na ibinigay ni Jace sa kanya. The flowers were very pretty. But that's not the reason why she's looking at the flowers. Nagre-replay kasi sa isip ng dalaga ang mga sinabi ni Jace sa kanya kanina.Mahal siya nito. Mahal pa rin siya nito. Napakadaling paniwalaan. Subalit...Ganoon na lang ba kadaling kalimutan ang lahat? Apat na taon niyang dinala ang sakit at pait na idinulot nito sa kanyang buhay. Apat na taon. Subalit isang sabi lang nito ng 'mahal kita', tila nakalimutan na niya ang lahat-- kaya na niyang patawarin ang lahat. Ganon lang ba dapat 'yon? Ganoon lamang ba talaga kadali dapat?She lost a child. That’s something that must never be taken lightly, that’s something that can never be forgiven easily. And yet her heart… wants to do otherwise. Her heart wants to forgive and forget. But her logic does not want that.That’s the source of her confusion—the battle between her heart and mi
Tahimik na nakamasid sa labas ng sasakyan si Lara habang pauwi sila ni Cami sa hacienda. Kakalabas lang ng ospital ng anak. She should feel relieved but... there’s a heaviness in her heart that doesn’t go away.Marahil dahil iyon sa nangyari nang nagdaang gabi. Hindi alam ng dalaga kung saan nagpunta si Jace nang paalisin niya ito kagabi sa hospital suite ni Cami kagabi. He didn’t even show up this morning. O maging bago ma-discharge sa ospital ang anak.She had to make excuses for him for that. Kaya lang, panay pa rin ang hanap ni Cami sa ama. At isa iyon sa mga ipinag-aalala ni Lara. Paano kung hindi na ulit ito magpakita? Kung dahil lang sa mga nasabi niya kalimutan ulit sila nito na mag-ina? Kahit na h’wag na siya, para man lang sana kay Cami maisip ni Jace ang dumalaw sa hacienda.And then she remembered, ni hindi pa nga pala nila napag-usapan ang tungkol sa magiging set-up nila pagdating kay Cami. Ni hindi pa niya nasasabi rito ang mga kundisyon niya and how they will deal with
Agad na naestatwa si Lara sa ginawa ni Jace. For a brief moment she didn’t know what to do or even will her mind to think. Until… her lips quivered a little on its own accord and began to kiss him back. The kiss deepened and at that point, nothing else mattered. Not their past, not their present, not even the future. Just that kiss that she knew now, she still longs for.Nang umuwi siya sa Pilipinas upang magbakasyon, ni wala sa isip ni Lara na muli niyang kakausapin si Jace or even tell the truth about their daughter. At lalong wala sa plano niya ang muling mapalapit dito. But there she was, kissing Jace senseless— like a desert enjoying the first rain after so many for years, that’s how it felt like kissing Jace.Suddenly he gently placed his hand on her hips and pulled her closer to him. And her body just knew what to do, she leaned on him more-- filling his hot skin against hers. Now, he was too close. Too close she could feel his heart drumming wildly against his chest… just like
Kanina pa nagpaparoo’t parito si Jace sa loob ng opisina ni Mrs. Ferrer sa LDC. Apparently, biglang inatake sa puso ang matanda nang nagdaang gabi. At ayon sa legal document nito na nasa abogado nito, she is giving him full temporary authority to take over her shares at LDC should something happen to her.Nakausap na niya sa cellphone ang anak ng ginang. At wala itong tutol sa habilin ng ina dahil malaki ang tiwala nila sa binata. And now, Jace doesn’t know what to do. Mrs. Ferrer is the third highest shareholder in the company. Ibig sabihin twenty-five percent na ng kumpanya ang nasa kanyang kontrol. At kahit na malayo pa iyon sa dating 65% shares na kanyang pag-aari, his stakes are higher now than those on the board who had once voted him out of his own company.Subalit, kaya ba niyang pamahalaan ang shares na iyon gayong may naiwan din siyang gawain sa farm? For the last four years, si Mrs. Ferrer ang naging mata at kamay niya sa loob ng LDC. And now that the old woman is sick, ma
“Kumusta si, Cami, hija? Hindi pa ba lalabas ng ospital ang apo ko,”bungad na tanong ni Doña Carmelita kay Lara nang pansamatalang umuwi ang dalaga mula sa ospital. Gusto kasing masiguro ni Lara na nasa maayos na kalagayan ang abuela. Gusto ring siguruhin ng dalaga na hindi nawawalan ng supplies ang mga tauhan nila na pansamatang lumikas sa aplaya at nakatira sa tents malapit sa rest house.After the fire, authorities have instructed all residents from the shore to vacate the area for a while for inspection. Protected area kasi ang kakahuyan na nasunog at sakop ng pag-aari ng mga Lagdameo. Kaya kailngan ng thorough investigation bago pabalikin ang mga nakatira roon.So far, maayos naman ang kanilang mga tauhan. Their needs are all provided and they are safe. One less thing for her to worry about.Sandaling niyakap ni Lara si Carmelita na noon ay nasa lanai at nag-aagahan. “Cami is doing good, Lola. Pero bukas pa raw siya madi-discharge sabi ni Doc Xander.’“Should we ask for another d
Tahimik si Lara habang kumakain sila ni Jace ng burger at fries sa isang parte ng park sa plaza ng San Ignacio. Doon sila humantong matapos nilang mag-drive thru sa isang fast food at sa park na lang pinasyang kumain.Apparently, maagang nagsara ang restaurant na tinutukoy nito sa araw na ‘yon dahil may cleaning maintenance ang establisimiyento kinabukasan. It was already past nine in the evening, karamihan ng kainan sa lugar ay sarado na. Left with no choice, nag-drive thru na lang ang dalawa.Malapit lang sa ospital ang plaza kaya doon pinili ni Lara kumain. In case they need them, madali lang nilang mapuntahan si Cami.Kumakain si Lara subalit lumilipad ang isip ng dalaga, nasa mga ipinagtapat ni Tricia sa kanya tungkol kay Jace. Pasimpleng tinignan ni Lara ang binata, ipinagala ang mga mata sa mga braso nito.She can clearly see small stitches on his skin, stitches that weren’t there before.“What’s wrong? You don’t like the food?” untag ni Jace kay Lara, nang mapansin ng binata n