Si Sabrina ay may kakambal ito ay si Sabria. magkamukha, magkahawig at magkasing katawan. Makikita ang pagkakaiba nila ay sa kanilang mga mata kapag tinitigan mo ito ng mabuti, at isa lang ang mas nakakakilala sa kanilang dalawa ay walang iba kundi ang kanilang ina, parehong maganda, mabait, pero mas matalino si Sabrina kumpara sa kanyang kambal. Kilalang mayaman ang kanilang pamilya sa kanilang lugar dahil sa negosyante ang kanyang ama at dating beauty queen naman ang kanyang ina nong kabataan nito. Nagkaroon ng ultimate crush si Sabrina at sa katagalan na realize nya na first love nya na ito, dahil never sya nagka boyfriend, meron man nagtangka manligaw sa kanya pero di nya ito pinagtutuunan pansin. Hanggang sa nagkaproblema ang kumpanya ng kanilang pamilya at ang tanging solusyon ay arranged marriage. kailangan pakasalan ng kanyang twin sister ang anak ng kumpare ng kanyang ama. Pero nagkaroon ng problema dahil sa nabuntis ang kambal nya, naki usap ito sa kanya na makipagpalitan sa araw ng kasal dahil hindi naman raw sila mapapansin dahil magkahawig sila. Sa araw ng kasal nakipagpalit nga si sabrina sakanya kambal at doon nya lang nakita na ang lalaki sa kanyang harapan at pakakasalan ay ang kanyang first love.
view moreSABRINA'S POV Kasalukoyang umuulan nakatingin ako sa malayo at parang may nakatingin sa akin kaya naman tumingin ako sa paligid kung may ibang tao na narito ngayon. Naipit ako ng malakas na ulan dito ngayon sa isang waiting shed habang naghihintay ng aking sundo. May tumigil na sasakyan sa tapat ng kinatatayuan ko bumukas ang pinto ng driver's seat at naglabas ito ng payong at naglakad papalapit saakin. Nagtaka ako kung bakit ang mukha ni Jake ang nakikita ko ngayon na papalapit sakin habang naka ngiti. "Kilala niya ba ako?" tanong ko sa sarili ko. "J-Jake" tawag ko rito sa mahinang boses. Unti-unti ko ng binuksan ang aking mga mata at ang bumungad sa akin ay isang puting kisame na hindi pamilyar sa akin. Bumangon ako sa pagkakahiga at tumingin ako sa paligid at na komperma ko na ito ang kwarto na nasa japan kami ng aking asawa na si Tyrone Jake. Panaginip lang pala iyon pero sabi ng kalahati ng utak ko ay parang totoong nangyari. Hindi ko alam kung bahagi ba iyon ng alaala ko
SABRINA'S POV Ala siete na ng gabi ng maisipan kung kumain na ng hapunan dahil nakaramdam na ako ng gutom. Nakapagluto na rin ako hindi ako nakapag meryenda sa opisina kanina dahil wala ako gana lumuwas dahil sa dami din na problemang dumating sa araw na ito. Habang kumakain ako ay naalala ko ang best friend ko si Sarah kaya kinuha ko phone ko at nag video call ako ipinatong ko ang phone patayo habang nag riring ito. "Hi besh kumusta?" sagot nito sa kabilang linya. "Hi I'm eating my dinner" at itinaas ko phone para makita ang kinakain kung adobong manok with rice. "See" "Sarap naman, sa bahay nalang ako kakain with mom, nandito pa ako sa shop ngayon." itinutok nito sa shop ang camera at nakita ko may mga customer pa nga doon. "Napatawag ka? may problema ba?" "Medyo, wala nga ako ganang kumain pinipilit ko lang for my baby on my tommy." pinalakihan ako nito ng mata. "Oh really magiging ninang na ako, buntis ka?" tanong nito na naka ngiti at tina nguan ko lamang ito. "Hulaan ko
SABRINA'S POV "Wala kang oras sakin! Tapos ito makikita kitang kasama mo itong babaing ito hatid sundo mo pa talaga!" sigaw at galit na galit na babae na nakaupo at nakikipagtalo sa katabing driver dito sa loob ng sasakyan habang nakatingin ako sa kanilang sagutan at pagtatalo. "Stop this non sense! she's my cousin! wag mo siyang pagselosan ibinilin siya ng kuya niya sakin " paglilinaw ng lalaki sa babae na nobya nito. Nakita ko ang pagtapik at pagsuntok ng babae sa braso ng lalaki habang nagmamaniho ng sasakyan. Inaangat nito ang brasong pinapananggalang sa pagsampal ng babae kundi niya ito ginawa tatama ito sa mukha ng lalaki. "Wag na po kayo mag away ate mag pinsan talaga kami ni kuya Santy" sabat ko sa nag aaway na dalawa sa unahan ko. "Stop! Hindi kita kinakausap!" tiningnan niya ako ng matalim. " Kasabwat ka sa mga kalokohan nitong lalaking ito! Ako hindi niya mahatid sundo tapos ikaw!" pasigaw at matalim na naka tingin sakin at sinusuntok ng babae ang braso ng lalaki na kasa
SABRINA'S POV Lumipas ang mga araw hanggang linggo. Naka luto na ako ng dinner namin ni Tyrone at nakapaghain na sa hapag kainan pero wala pa ang aking asawa. Kaya tinawagan ko ito pero hindi sinasagot ang mga tawag ko mula pa kanina. Kaya napagpasyahan kung mag iwan ng mensahe dito. To Tyrone: Where are you? our dinner are ready. Paglipas ng sandali tiningnan ko ang oras sa wall clock pasado alas nuebe na ng gabi pero wala pa ang asawa ko at tiningnan ko ang phone ko kung may text or chat na siya pero ni isa wala man lang. Nakaramdam na ako ng gutom kaya nauna na akong kumain at pagkatapos kung kumain tinakpan ko na lang muna mga ito sa mesa ang mga niluto ko kung adobong manok at iinitin ko na lang ang tinola mamayang pagdating ni Tyrone. Hinugasan ko ang pinagkainan ko at mga ginamit ko sa kusina kanina. Umakyat na ako sa kwarto at naligo para mapreskuhan bago matulog. Natapos ko na ang aking night routine pero wala pa rin ang asawa ko. Tumambay na lang ako sa sala at doon k
SABRINA POV Nagising ako na madilim pa ang paligid at naramdaman ko na may mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko. Kinapa ko ito at isa itong braso ng tatanggalin ko na gumalaw ito kaya hindi ko na muna itinuloy na alisin. Pakiramdam ko parang uminit ang mukha ko. Ngayon lang ako nagising na may nakayakap sakin. Kaya pinilit kung ipikit ang mga mata ko para matulog ulit. Naramdaman ko na lang na bumigat na ang talukap ng mga mata ko at nakatulog. Nagising na lang akong maliwanag na. Kaya bigla akong napabalikwas ng bangon. Parang ang haba ng tulog ko ngayon. Hinanap ng mga mata ko ang phone ko at napansin ko mag-isa na lang ako sa kwarto. Kinuha ko ang phone sa may side table ko. Tiningnan ko ang oras at ala syete na ng umaga kaya nagmadali akong pumasok sa banyo para maligo at mag ayos ng sarili. Wala naman kami trabaho ngayon kaya hindi ako nag alarm ng phone ko. Nang sa paningin ko ay ok na amg sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto. Pababa na ako ng hagdan ng makita kong
SABRINA POVNang pumatak ang alas tres ng hapon tiningnan ko ang phone ko kung may chat o email sakin ang aking asawa. Dapat nakabalik na siya dito sa opisina sa oras na ito pero wala pa rin. Wala naman ito naka schedule ngayong hapon.Kaya pinaalala ko na may dinner kami sa bahay at tinanong kung makakasama sakin o magsasabay ba kami sa pagpunta pero walang tugon sa mga chat ko dito.Ala sais ng hapon nakauwi na ako saming bahay sa Bria subdivision. Nakaligo bihis na ako't lahat wala pa si Tyrone. Pagpatak ng ala syete e medya nag desisyon na akong umalis at mauna sa pagpunta sa bahay ng parents ko.Hindi ko alam kung uuwi ba siya dito sa bahay o ano. Nakakainis ang wala man lang reply sa mga chat ko sa taong yon. Kahit mga tawag ko hindi sinasagot.Pagdating ko sa bahay ng parents ko ay nakahain na ang mesa para sa hapunan. Nasa kusina si mama Ng madatnan ko. Kinausap ko si mama na wag sasabihin saking asawa na si Tyrone na hindi ako si Sabria na dapat na pinakasalan nito.Nakausa
SABRINA POV Nalaman ko sa isang kaibigan ni Tyrone na sa condo ito nito natulog ng gabi iwan niya ako sa bago naming nilipatang bahay. Mula noon naging malamig ang pakikitungo sakin ng aking asawa hindi ko alam kung bakit. Kinakausap naman niya ako at okey naman kami noon lalo na nong pag dating nitong galing sa one week business trip. Na sana mga araw ng honeymoon namin. char! Pabor sa akin yon na walang honeymoon samin pero may nangyari na samin ng unang gabi pagkatapos ng kasal namin di ko inaasahan ang first experience ko na may gigil na galit siya sakin yong may halong pananabik ang bilis magbago ng emosyon nito minsan naman di ko mabasa kung ano nasa isip. Kanina naman habang ng uusap kami at may ipinapaliwanag sakin bigla siya nag utos at humingi kay mara ng black coffee. Na dapat sakin niya inutos dahil gawain ko yon. Pero nagalit ito dahil hindi raw masarap yong kape nadagdagan pang natapon ang kape sa mesa nito na may mga papeles. Kaya subrang malulutong na mura ang nari
SABRINA POV Dahil ito ang unang gabi na nasa katinuan kaming dalawa ni Tyrone hindi siya lasing o nakainom kahit ako kaya wala kaming imikan yong awkward moment. Kung baga walang lakas loob dahil sa nagkakahiyaan. Pagkatapos namin kumain ng dinner ako ng nagbunluntaryong maghugas ng pinagkainan namin. Pagkatapos kung magligpit napagpasyahan kung pumanhik na sa kwarto para magpahinga. Paglabas ko sa sala nandoon si Tyrone nakatalikod sa gawi ko. Nang naramdaman niya ang presinsya ko ay humarap ito sakin at itinaas ang isang buti ng red wine sabay sabing. "Let's just drink a little pampatulog lang" "O-okey " lumapit ako dito at kinuha nito ang baso sa mesa at sinalinan ng wine bago inabot sakin. Bago pa kami magsimulang uminom ay narinig kung tumutunog ang phone nito na nakalagay sa mesa kaya nabaling ang pansin namin doon binaba niya ang buti ng alak sa mesa at sinagot nito ang tawag sa kanyang phone. "Excuse me kausapin ko lang" tumalikod na ito sa akin at lumabas sa main door.
SABRINA POV Ito ang unang araw na mag kasama kami ni Tyrone ang aking asawa dito sa kompanya ni daddy. Ako ang personal assistant niya, Siya na ang pumalit sa pagka CEO ni daddy. Isang linggo na ang nakakalipas ng ikasal kami. Kakabalik niya lang galing business trip at sa pag alis niya ako ang itinalagang temporary CEO sa loob ng limang araw ang daming adjustment buti nalang at nagamit ko na ang pinag-aralan ko. Marahil nagtaka kayo dahil nong time na magkasama kami sa opisina niya sa Carter Corporation noong bumisita ako ay naka tanggap siya ng tawag mula states na may problema ang negosyo nila roon kaya nag pabook agad ito ng flight punta roon.Imbes na sa condo ng aking asawa ako tutuloy sa araw na iyon ay dumiretso na lang ako sa coffee shop para doon muna ako pansamantala at napakiusapan ko si Sarah na sa pad nalang nito ako pansamantala mag stay habang wala ang aking asawa. Ayaw ko naman sa bahay namin dahil panigurado magtatalo na naman kami ni mama.Naninibago lang ako Kay
SABRINA'S POV "Hi Sab" bati ng boses ng lalaki sakin kaya na palingon ako sa bumati sakin at nakilala ko naman ito si Luke sabay ngiti ko. "Oh hi Luke" balik na pagbati ko sakanya habang nilapag ko ang bitbit kung isang eco bag na pinamili sa grocery. "Kumusta? Long time no see" sabi ni luke "Okey naman" tipid kung sagot. "San punta mo? uuwi kan? Hatid na kita? tanong nya habang inaabot ang bag na nilapag ko. "No, thanks nalang, papunta ako sa coffeeshop ng cousin ko" tanggi ko kay Luke at ang totoo isa sya mga taong iniiwasan ko noon dahil dati isa sya sa mga nanligaw sakin at nabasted ko dahil sa masyadong mahangin noon lalo ng hindi ko type. "Sige mauna na ko Luke " paalam ko sakanya Naging seryoso mukha ni Luke "Hanggang ngayon ba iniiwasan mo pa rin ako Sab?" tanong ni Luke "Ano? Hindi ah grabe ka naman" kebit balikat ko sabay hawi ng buhok ko papunta sa likod."Alam ko kasi na offend kita non" malungkot na pag pahayag nya habang seryosong nakatingin sakin. tumayo ako ng ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments