SABRINA'S POV
NAUPO ako sa bench sa mini park sa subdivision, habang nakatanaw sa dapit hapon, ang gandang pag masdan. Tanaw ko mula dito sa kina uupuang ko ang pagpalubong ng araw.
Pag galaw ko sa kaliwang kamay ko may nasagi ako na may kumalagsing sa tabi ko at nahulog ito.
Nang tiningnan ko isang kumpol na susi, bigla akong tumayo para pulutin at tiningnan ko ang deriksyon kung saan papunta yong lalaking nakita kung umupo kanina dito sa mahabang upuan.
"Kuya teka la-lang po" sigaw na tawag ko sa lalaking may distansya na ang layo sa inupuan ko at pinulot ko ang kumpol ng susi.
'Hindi yata ako narinig nong lalaki' sabi ko sa sarili ko, dahil hindi man lang ito lumingon sa pag tawag ko.Bago pa kasi ako umupo sa bench na ito, yong lalaki na ang natanawan ko kanina na dating naka upo sa inupuan ko.
Ang tahimik nya kanina dahil mag isa din lang naman sya pero kanina sa totoo lang siya ang una kung pinag masdan, parang ninanamnam nya yong katahimikan at magandang kapaligiran.
Tumakbo ako sa deriksyon ng lalaki "kuya" pangalawang pag tawag ko sa lalaki at hindi niya pa rin ako pinansin 'bingi naman ni kuya' sabi ko sa sarili ko.
Binilisan ko pa sa pagtakbo para maabutan ko ang lalaki sa kanyang paglalakad, at yong nga't nahabol ko naman at bigla ko siyang hinawakan sa kaliwang kamay nya kaya bigla din siya napahinto sa paglalakad.
Nabigla ang lalaki sa biglaan kung paghawak sa kaliwang kamay niya, at tiningnan niya ang kamay niya na hinawakan ko.
"Are you deaf? Kuya kanina pa kita tinatawag, hindi mo naman ako naririnig" singhal ko sa lalaki.
"What?" nabigla niyang tanong sakin habang nakatingin sakin.
Nabigla din ako pagkakita ko sa mukha ng lalaki 'omg gwapo' sabi ko sa sarili ko.
Para akong nakakita ng angel sa katauhan ng lalaki na bumaba galing sa langit. Pano ba naman kasi'y napakagandang lalaki nito. Ang mga mata nya, bibig, ilong at hugis ng mukha nya ay perpekto sa paningin ko.
Palagi naman ako nakakakita ng mga lalaki na kasing gulang ko at mga kaibigan ni kuya at lalo na sa school parang ordinaryo lang sila sakin.
Pero itong isang to grabe lakas ng kabog ng dibdib ko, na love at first sight yata ako.
Ito yong sinasabi ng mga kaklase ko na nakakakilig kapag nakikita ang crush nila sa malapitan, parang ganun din ang naramdaman ko ngayon.
Sa tingin ko sa lalaki mukhang magkasing gulang sila ng kuya sandro ko mga nasa 18 na siguro ang edad ng lalaki, ako kasi ngayon ay 12 years old kakatapos lang ng elementarya, kasalukuyang bakasyon.
"Is this yours?" sabay pakita sa tatlong piraso na susi sa kaliwang kamay ko na may kasamang keychain at itinaas ko paharap sa mukha nya at tumango naman ito pagkakita sa itinaas kung mga susi.
"Yes, it's mine" konperma nya at sabay kuha ng susi sa kamay ko, at pinaharap nya sa mukha ko ang naka ukit na pangalan na 'Jake' kasama ng mga susi.
"Thank you" pasasalamat nito.
"Okey" sabay ngiti sa kaharap ko.
"By the way im Jake and you... baby?" pagpapakilala nya, feeling ko biglang uminit mukha ko sa tinuran nya na 'baby' at sabay lahad ng kanang kamay nya para makipag kamay sakin.
"Rina" pagpapakilala ko rin at sabay abot ko ng kanang kamay nya sa tipid kung sabi at nag shake hands kami.
"Rina pretty name, Thank you for this! nice meeting you Rina" turan nya sakin na naka ngiti, para akong malulusaw sa titig bya sakin kaya indi na ako naka imik pagkakita ko ng kanyang ngiti, parang natulala ako panandalian, yong pakiramdam na tumigil ang ikot ng mundo.
"Are you okey? napagod ka yata sa pagtakbo sa paghabol sakin" tanong nya
"I'm ok" sagot ko bigla habang hinihingal na nakatitig sa mukha nya.
"And again thank you, I have to go" sabay taas ng kanan kamay niya sakin at hinawakan niya ang baba ko sabay sabing "your pretty baby" nagka tinginan kami uli sa mga mata at parang tumigil uli ang pag ikot ng mundo habang naka tingin ako sa mga mata nya.. subrang kaba ko Hindi ko maintindihan.
Binaba na nito ang kamay niya at nagpaalam na"Bye baby" pagpapaalam nito kaya hindi na ako naka imik at napansin ko nalang naglakad na ito qpatalikod sakin kaya pinanood ko nalang likod nya habang papalayo sakin. 'bye ingat ka rin' sabi ko nalang sa isip ko.
Why do I love you
Don't even want to
Why do I love you like i do
Like I always do
Biglang bumalik ako kasalukuyan ng makarinig ako ng ringtone mula sa phone ko. Napapangiti na lang ako "crush ko?" bulong ko sa sarili ko, feeling ko hanggang tinga yong ngiti ko at ang gaan sa pakiramdam. Pero nawala ito bigla ng makita ko ang nasa screen ng phone ko kung sino yong tumatawag.
"H-hello" sagot ko sa tawag ni mama.
"Where are you? tagal mo sagutin ang tawag ko!" singhal ni mama "alam mo ba kung nasan si Ria magkapareho na kayong dalawa na mahirap hagilapin, hindi ko ma kontak ang kambal mo" galit na turan ni mama.
"Ma, nandito po ako ngayon sa kumpanya sa office ni daddy-" sagot ko sa tanong ni mama.
"What?.. and what are doing there?" tanong pa nito sakin sa mataas na tono ng boses.
"Ma, it's my first day today, Pinapasok po ako ni daddy ngayon-" paliwanag ko.
"Where's Ria? nandyan ba siya sa opisina nya?" tanong ulit ni mama kung nasaan daw ang kambal ko."Yes ma, nasa opisina níya " sagot ko
"Okey Wait for me... pupunta ako ngayon dyan" pagpapaalam ni mama sabay end call, isang malalim na buntong hininga nalang ako.
'hay ano na naman problema ni mama' tanong ko sa sarili.
Tiniklop at itinabi ko muna ang mga folder na binabasa ko kanina saka ko inayos ang upuan at nagpasya ako puntahan si Sabria sa kanyang opisina dahil hindi matawagan ni mama at kahit ako sinubukan kung tawagan pero mukhang nakapatay ang phone nito kaya puntahan ko muna sa opisina nito.
Pag pasok ko sa elevator inalala ko ang mukha ng crush ko pero hindi ko matandaan ang mukha nito. Biglang sumakit ang ulo ko.
Thanks for reading ♥️
SABRINA POVNandito ako ngayon sa opisina ni daddy dahil ako muna ang temporary personal assistant at the same time secretary ni daddy as CEO President sa aming kumpanya at inaalalayan ako ng sekretarya ni daddy na si Mara ng mga dapat kung gawin bilang dito.Nalaman ko at basi sa mga kwento mula kay Mara na isa saamin ng kambal ko ay ang pwedeng pumalit sa posisyon ni daddy bilang CEO President ng kumpanya namin, kaya naman ako dito nilagay ni daddy para malaman ko ang mga pasikot-sikot kung paano patakbuhin ang kumpanya.Naitanong ko rin kung may alam ba o kilala ba ni Mara ang kumpare ni daddy na may ari ng Carter Corporation.Ang kwento nya lang sakin kilala nya lang daw ang senior CEO at may ari nito na si Mr. Theodoro Carter at personal na namamahala ng kumpanya nito pero never pa nya raw ito nakita ang batang CEO ngayon na si Mr. Tyrone Jake Smith Carter, ayon sa mga bali-balita wala pang may asawa sa carter siblings at ito ang kina kilig ni ma
SABRINA POVPagdating ko sa bahay dahil kakagaling ko lang kay kuya sandro sa hospital nagmamadali akong pumanhik sa kwarto ko at naligo muna ako kahit subrang pagod at antok ko na, sasaglit tulog lang ako nito dahil maaga ako babalik sa hospital kina umagahan.Pagkatapos kung maligo nagbihis na ako ng ternung pajama na pang tulog at tinuyo ko muna ang buhok ko bago nahiga at di ko na namalayan na nakatulog na ako.Pag daan ko sa park natanaw ko may naka upong lalaki sa mahabang bench, biglang kumabog ang dibdib ko dahil parang kilala ko yong lalaking naka upo 'parang si jake' sabi ko sa sarili ko at tumakbo ako para lumapit dito pero naka ilang hakbang pa ako bigla akong matalisod sa maliit na bato, kaya huminto muna ako sa paghakbang at pagtingin ko sa deriksyon ng bench wala ng taong naka upo doon, kaya nilibot ko ang paningin ko sa paligid pero walang ka tao tao, kaya nalungkot ako dahil sa katahimikan ng paligid "na malik mata lang pala ako" sabi ko s
Naging busy ang lahat sila mommy at sabria naririnig ko minsan na nagtatalo tungkol sa pag aayos ng kasal at ipapaubaya nalang nila sa event coordinator sa pamilya ng groom ang mga kakailangan sa kasal."Sis, pwedeng ikaw nalang umatend ng free taste ng food at cake mamayang 10am masama kasi pakiramdam ko eh" pakiusap sakin ng kambal ko habang nandito kami sa loob ng opisina ni Ria."S-sige, pupunta ako" alanganin pagsang-ayon ko"Salamat sis" pasasalamat nito sakin."At sya nga pala bukas naka schedule din ang fitting ng wedding gown" dugtong nito at habang abala ang mga mata nito sa pagbabasa ng inabot kung folder "magkasing katawan naman tayo di ba" pagpapatuloy ni Ria"Ha! P-pero" nabigla kung turan mag dadahilan pa sana ako pero pinutol na niya ang sasabihin ko."Please?" pakiusap ni Ria habang tumingin sakin saglit at napatango na lamang ako.Ang inaalala ko nalang ay baka nandoon si mama at pumunta rin pero wala na akong nagawa dahil mukha nahihirapan ang kambal ko sa pagbubunti
JAKE POVHabang naglalakad ako tanaw ko nang may mga tao sa mini park ng subdivision, may naka upo sa paborito kong dating inuupuan noon. Gumanda na ulit ang paligid nito dahil nong time na umalis ako napabayaan ito ng Ria Subdivision balak na nga itong tanggalin para daw mapakinabangan ng dating may ari at mapatayuan pa ng mga estraktura.Ngayon na ako na ang nakabili ng subdivision pina renovate ko ito, dinagdagan ng mga beach, medyo nilawakan ang park at ngayon may under construction na tree house at meron na din garden na may mga nakatanim na mga namumulaklak na halaman at sa bandang dulo naman may swing at playground na para sa mga bata.Naupo muna ako sa isang beach sa lilim ng isang puno ng pili, dahil yong gusto ko sanang maupuan ay may taong naka upo. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko may dalawang batang naglalaro't naghahabulan, sa kabilang dako naman may naglalaro sa kanyang tablet na isang cute na dalagita sa mga oras na yon napangiti ako ng may biglang akong naala
SABRINA POVPabalik na ako sa opisina, nasa hallway ako habang naglalakad galing sa baba kasabay kung nag snack si mara, nakasalubong namin si Ria na umiiyak, sigurado akong galing ito sa opisina ni daddy. Tinawag ko ito pero hindi ako pinansin kaya sinundan ko hanggang sa elevator. Dumiretso na si Mara sa cubicle niya at tamang tama pagbukas naman na elevator magkasunod na kaming pumasok ni Ris at wala itong imik kaya ako na ang bumasag sa katahimikan sa loob ng elevator."What happened?" tanong ko at umiling lang ito bilang sagot sa tanong ko. Kaya napabuntong hininga na lang ako at hinagod ng palad ko ang likod nito habang naka yuko. Pagbukas ng elevator may nakasalubong kaming dalawang babae na empleyado na taga ibang department binati kami na papasok sa elevator. Naglakad na kami patungo sa opisina nito."Mag re resign na ako" imporma nito"Why?" tanong ko."Aalis na ako at magpapaka layo-layo muna" sabay pag pihit ng sirad
SABRINA POV "Just thirty minutes please hurry up we're going to be late" nagmamadaling punang bungad ng baklang event organizer sa loob na inuukopa kung kwarto.Habang patapos na ang pag make up sa aking mukha ay nakatanggap ako ng chat galing kay Sarah at sinabing nasa baba na siya ng hotel .Pagkatapos kung mabasa ito naman ang pag pagpasok ni mama habang ang isang bakla naman ay nasa likod ko sa kung saan kasalukuyan akong inaayosan ng buhok.Pumikit na lang ako para ma relax ko sarili ko dahil subrang kaba ko na baka makilala ako ni mama.Hindi ako gaanong nakatulog kaya pakiramdam ko ang gaan ng ulo ko, kagabi palang kinulit na ako ng kambal ko na magpalit na kami baka raw takasan ko lang siya at magbago ang isip ko. 'yong pagdudahan pa talaga' sabi ko sa utak ko. Siniguro nito na makapagpalit kami kaya madaling araw palang hinatid na ako ng kambal ko dito sa hotel.Patayo na ako dito sa upuan dahil tapos na akong ayusan ng
SABRINA POV"Sabria, do you take Tyrone Jake for your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?""I do." mahina kong sagot."Tyrone Jake, do you take Sabria for your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?"Nagkaroon ng katahimikan sa hindi pagsagot niya. Kinabahan ako at napalingon ako sa kanya na naka tingin pala sakin. Nagtama ang aming paningin nakita ko may halo halong emosyon sa kanyang mga mata."I do." malamig na sagot niya habang nasa akin ang tingin kaya pumalakpak ang lahat."By the power vested in me, I now pronounce you... husband and wife.You may kiss the bride"Kanina pa siya tahimik simula ng siremunya ng kasal namin hanggang sa matapos ito. Sinabihan ako ng photographer na ngumiti daw ako dahil kinukuhanan kami ng picture. Kaya ngumiti na
JAKE POVKasalukuyan akong umiinom dito sa loob ng hotel room na pagmamayari ko na inuukopa namin mag asawa pagkatapos ng kasal.Nagpahatid ako ng isang bote ng hard drinks para tamaan ako kaagad pampatulog na rin.Hindi ko alam kung anong nangyayari sa sarili ko. Wala pang bente kwatro oras na magkasama kami nitong babaeng tinititigan ko ngayon habang nakahiga dito sa kama habang umiinom ako ay parang pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala.Magmula sa simbahan at hangang sa may garden na sinundan ko siya. Parang pakiramdam ko nakasama ko siya. Yong kampanti ako na nasa tabi ko siya. Nawawala ang lahat ng mga alalahanin ko.May naalala ako sa kanyang mga mata si Rina. Lalo na kapag tumatama ang aming mga mata. Yong matang yon parang kaharap ko si Rina na laging hinahanap hanap ko na gusto kung makita sa tagal ng panahon.Sampung taon na nagdaan hindi ko parin siya nakakalimutan, siya pa rin ang hinahanap hanap ng puso't m
SABRINA'S POV Kasalukoyang umuulan nakatingin ako sa malayo at parang may nakatingin sa akin kaya naman tumingin ako sa paligid kung may ibang tao na narito ngayon. Naipit ako ng malakas na ulan dito ngayon sa isang waiting shed habang naghihintay ng aking sundo. May tumigil na sasakyan sa tapat ng kinatatayuan ko bumukas ang pinto ng driver's seat at naglabas ito ng payong at naglakad papalapit saakin. Nagtaka ako kung bakit ang mukha ni Jake ang nakikita ko ngayon na papalapit sakin habang naka ngiti. "Kilala niya ba ako?" tanong ko sa sarili ko. "J-Jake" tawag ko rito sa mahinang boses. Unti-unti ko ng binuksan ang aking mga mata at ang bumungad sa akin ay isang puting kisame na hindi pamilyar sa akin. Bumangon ako sa pagkakahiga at tumingin ako sa paligid at na komperma ko na ito ang kwarto na nasa japan kami ng aking asawa na si Tyrone Jake. Panaginip lang pala iyon pero sabi ng kalahati ng utak ko ay parang totoong nangyari. Hindi ko alam kung bahagi ba iyon ng alaala ko
SABRINA'S POV Ala siete na ng gabi ng maisipan kung kumain na ng hapunan dahil nakaramdam na ako ng gutom. Nakapagluto na rin ako hindi ako nakapag meryenda sa opisina kanina dahil wala ako gana lumuwas dahil sa dami din na problemang dumating sa araw na ito. Habang kumakain ako ay naalala ko ang best friend ko si Sarah kaya kinuha ko phone ko at nag video call ako ipinatong ko ang phone patayo habang nag riring ito. "Hi besh kumusta?" sagot nito sa kabilang linya. "Hi I'm eating my dinner" at itinaas ko phone para makita ang kinakain kung adobong manok with rice. "See" "Sarap naman, sa bahay nalang ako kakain with mom, nandito pa ako sa shop ngayon." itinutok nito sa shop ang camera at nakita ko may mga customer pa nga doon. "Napatawag ka? may problema ba?" "Medyo, wala nga ako ganang kumain pinipilit ko lang for my baby on my tommy." pinalakihan ako nito ng mata. "Oh really magiging ninang na ako, buntis ka?" tanong nito na naka ngiti at tina nguan ko lamang ito. "Hulaan ko
SABRINA'S POV "Wala kang oras sakin! Tapos ito makikita kitang kasama mo itong babaing ito hatid sundo mo pa talaga!" sigaw at galit na galit na babae na nakaupo at nakikipagtalo sa katabing driver dito sa loob ng sasakyan habang nakatingin ako sa kanilang sagutan at pagtatalo. "Stop this non sense! she's my cousin! wag mo siyang pagselosan ibinilin siya ng kuya niya sakin " paglilinaw ng lalaki sa babae na nobya nito. Nakita ko ang pagtapik at pagsuntok ng babae sa braso ng lalaki habang nagmamaniho ng sasakyan. Inaangat nito ang brasong pinapananggalang sa pagsampal ng babae kundi niya ito ginawa tatama ito sa mukha ng lalaki. "Wag na po kayo mag away ate mag pinsan talaga kami ni kuya Santy" sabat ko sa nag aaway na dalawa sa unahan ko. "Stop! Hindi kita kinakausap!" tiningnan niya ako ng matalim. " Kasabwat ka sa mga kalokohan nitong lalaking ito! Ako hindi niya mahatid sundo tapos ikaw!" pasigaw at matalim na naka tingin sakin at sinusuntok ng babae ang braso ng lalaki na kasa
SABRINA'S POV Lumipas ang mga araw hanggang linggo. Naka luto na ako ng dinner namin ni Tyrone at nakapaghain na sa hapag kainan pero wala pa ang aking asawa. Kaya tinawagan ko ito pero hindi sinasagot ang mga tawag ko mula pa kanina. Kaya napagpasyahan kung mag iwan ng mensahe dito. To Tyrone: Where are you? our dinner are ready. Paglipas ng sandali tiningnan ko ang oras sa wall clock pasado alas nuebe na ng gabi pero wala pa ang asawa ko at tiningnan ko ang phone ko kung may text or chat na siya pero ni isa wala man lang. Nakaramdam na ako ng gutom kaya nauna na akong kumain at pagkatapos kung kumain tinakpan ko na lang muna mga ito sa mesa ang mga niluto ko kung adobong manok at iinitin ko na lang ang tinola mamayang pagdating ni Tyrone. Hinugasan ko ang pinagkainan ko at mga ginamit ko sa kusina kanina. Umakyat na ako sa kwarto at naligo para mapreskuhan bago matulog. Natapos ko na ang aking night routine pero wala pa rin ang asawa ko. Tumambay na lang ako sa sala at doon k
SABRINA POV Nagising ako na madilim pa ang paligid at naramdaman ko na may mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko. Kinapa ko ito at isa itong braso ng tatanggalin ko na gumalaw ito kaya hindi ko na muna itinuloy na alisin. Pakiramdam ko parang uminit ang mukha ko. Ngayon lang ako nagising na may nakayakap sakin. Kaya pinilit kung ipikit ang mga mata ko para matulog ulit. Naramdaman ko na lang na bumigat na ang talukap ng mga mata ko at nakatulog. Nagising na lang akong maliwanag na. Kaya bigla akong napabalikwas ng bangon. Parang ang haba ng tulog ko ngayon. Hinanap ng mga mata ko ang phone ko at napansin ko mag-isa na lang ako sa kwarto. Kinuha ko ang phone sa may side table ko. Tiningnan ko ang oras at ala syete na ng umaga kaya nagmadali akong pumasok sa banyo para maligo at mag ayos ng sarili. Wala naman kami trabaho ngayon kaya hindi ako nag alarm ng phone ko. Nang sa paningin ko ay ok na amg sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto. Pababa na ako ng hagdan ng makita kong
SABRINA POVNang pumatak ang alas tres ng hapon tiningnan ko ang phone ko kung may chat o email sakin ang aking asawa. Dapat nakabalik na siya dito sa opisina sa oras na ito pero wala pa rin. Wala naman ito naka schedule ngayong hapon.Kaya pinaalala ko na may dinner kami sa bahay at tinanong kung makakasama sakin o magsasabay ba kami sa pagpunta pero walang tugon sa mga chat ko dito.Ala sais ng hapon nakauwi na ako saming bahay sa Bria subdivision. Nakaligo bihis na ako't lahat wala pa si Tyrone. Pagpatak ng ala syete e medya nag desisyon na akong umalis at mauna sa pagpunta sa bahay ng parents ko.Hindi ko alam kung uuwi ba siya dito sa bahay o ano. Nakakainis ang wala man lang reply sa mga chat ko sa taong yon. Kahit mga tawag ko hindi sinasagot.Pagdating ko sa bahay ng parents ko ay nakahain na ang mesa para sa hapunan. Nasa kusina si mama Ng madatnan ko. Kinausap ko si mama na wag sasabihin saking asawa na si Tyrone na hindi ako si Sabria na dapat na pinakasalan nito.Nakausa
SABRINA POV Nalaman ko sa isang kaibigan ni Tyrone na sa condo ito nito natulog ng gabi iwan niya ako sa bago naming nilipatang bahay. Mula noon naging malamig ang pakikitungo sakin ng aking asawa hindi ko alam kung bakit. Kinakausap naman niya ako at okey naman kami noon lalo na nong pag dating nitong galing sa one week business trip. Na sana mga araw ng honeymoon namin. char! Pabor sa akin yon na walang honeymoon samin pero may nangyari na samin ng unang gabi pagkatapos ng kasal namin di ko inaasahan ang first experience ko na may gigil na galit siya sakin yong may halong pananabik ang bilis magbago ng emosyon nito minsan naman di ko mabasa kung ano nasa isip. Kanina naman habang ng uusap kami at may ipinapaliwanag sakin bigla siya nag utos at humingi kay mara ng black coffee. Na dapat sakin niya inutos dahil gawain ko yon. Pero nagalit ito dahil hindi raw masarap yong kape nadagdagan pang natapon ang kape sa mesa nito na may mga papeles. Kaya subrang malulutong na mura ang nari
SABRINA POV Dahil ito ang unang gabi na nasa katinuan kaming dalawa ni Tyrone hindi siya lasing o nakainom kahit ako kaya wala kaming imikan yong awkward moment. Kung baga walang lakas loob dahil sa nagkakahiyaan. Pagkatapos namin kumain ng dinner ako ng nagbunluntaryong maghugas ng pinagkainan namin. Pagkatapos kung magligpit napagpasyahan kung pumanhik na sa kwarto para magpahinga. Paglabas ko sa sala nandoon si Tyrone nakatalikod sa gawi ko. Nang naramdaman niya ang presinsya ko ay humarap ito sakin at itinaas ang isang buti ng red wine sabay sabing. "Let's just drink a little pampatulog lang" "O-okey " lumapit ako dito at kinuha nito ang baso sa mesa at sinalinan ng wine bago inabot sakin. Bago pa kami magsimulang uminom ay narinig kung tumutunog ang phone nito na nakalagay sa mesa kaya nabaling ang pansin namin doon binaba niya ang buti ng alak sa mesa at sinagot nito ang tawag sa kanyang phone. "Excuse me kausapin ko lang" tumalikod na ito sa akin at lumabas sa main door.
SABRINA POV Ito ang unang araw na mag kasama kami ni Tyrone ang aking asawa dito sa kompanya ni daddy. Ako ang personal assistant niya, Siya na ang pumalit sa pagka CEO ni daddy. Isang linggo na ang nakakalipas ng ikasal kami. Kakabalik niya lang galing business trip at sa pag alis niya ako ang itinalagang temporary CEO sa loob ng limang araw ang daming adjustment buti nalang at nagamit ko na ang pinag-aralan ko. Marahil nagtaka kayo dahil nong time na magkasama kami sa opisina niya sa Carter Corporation noong bumisita ako ay naka tanggap siya ng tawag mula states na may problema ang negosyo nila roon kaya nag pabook agad ito ng flight punta roon.Imbes na sa condo ng aking asawa ako tutuloy sa araw na iyon ay dumiretso na lang ako sa coffee shop para doon muna ako pansamantala at napakiusapan ko si Sarah na sa pad nalang nito ako pansamantala mag stay habang wala ang aking asawa. Ayaw ko naman sa bahay namin dahil panigurado magtatalo na naman kami ni mama.Naninibago lang ako Kay