Kanina pa pinagmamasdan ni Lara ang anak na natutulog sa kama. Naroon na sa kanilang silid sa resthouse ang mag-ina. At marahil, dahil sapagod sa biyahe, pagkatapos ng pananghalian ay nakatulog agad si Cami.Marahang hinaplos ng dalaga ang pisngi ng anak bago pilit na ngumiti. Naaalala pa niya nang dumating sa kanyang buhay si Cami. She was at the darkest season of her life. But she endured… because she has to. Because of Cami.Cami has always been her direction, her purpose. She knew she will do everything and anything for her daughter’s sake. At ngayong nagugulong muli ang payapa niyang mundo dahil sa pagbabalik nilang mag-ina sa Pilipinas, alam ng dalaga na sa malao’t madali’y magagawa ulit niyang magdesisyon ng tama para sa anak.Nasa ganoong pag-iisip si Lara nang makarinig siya ng katok mula sa pinto. Ilang sandali pa, umingit iyon pabukas at iniluwa ang bulto ni Carmelita.“Hija, gising ka pa pala. Akala ko’y natutulog ka na at nagpapahinga,” anang matandang donya, maingat na h
Latag na ang dilim nang nagpasyang bumalik sa farm si Jace. Mananatili pa sana sa siyudad ng isa pang araw dahil may dokumentong gustong ipakita si Eli sa kanya, subalit tumawag sa kanya si Mang Gener at sinabing hindi raw maibibiyahe ang kanilang mga ani dahil hindi pa tapos sa pagkukumpuni ang nasirang tulay.Sinabihan na niya ang mga tauhan umaga pa lang tumulong na sa pag-aayos ng tulay dahil hindi maaring ma-delay ang biyahe ng mga palay. May nakausap na siyang buyer kaya hindi siya maaring pumaltos sa transaksiyong iyon. Now he’s going home to check kung natapos din ba ang tulay o hindi. Makipot ang daan sa alternate route na siyang tinutumbok ng binata ngayon. Hindi kaya ang kahit na isang 10-wheeler truck na siyang gagamitin ng mga buyer sa pag-pick-up sa mga palay. If one truck cannot fit on that narrow road, paano pa kaya ang tatlong truck na siyang kailangan upang mahakot lahat ng kanilang ani sa farm?The small bridge needs to be reinforced and fixed temporarily. Iyon lang
“Coco, saan ka galing?” tanong ni Lara sa pinsan nang makita ng dalaga na kararating lang nito mula sa kung saan.“Diyan lang, A-Ate, nagpahangin,” anang binata bago dire-diretsong pumasok sa resthouse.Napabuntong-hininga si Lara. “Hindi ka na naman ba sasabay sa agahan, Coco?”“Busog pa ‘ko, Ate. M-mamaya na lang. A-akyat muna ako sa kwarto,” anang binata bago nagtuloy-tuloy sa pag-akyat ng hagdan.Naiwan si Lara sa lanai na nanlulumo. Dalawang araw na sila sa resthouse subalit wala pa ring pagbabago kay Coco. She was hoping that the change in environment would make Coco feel better. Kaya lang, parang mas lalo itong naging balisa.Ang sabi ng mga katiwala ay hindi pa raw pumuputok ang araw ay lumalabas na ito at nagpupunta sa kung saan. Hindi naman nagagawang sundan ng mga katiwala si Coco dahil kapwa abala ang mga ito sa kanilang ginagawa sa bawat araw. Kaya naman muling bumalik ang pag-aalala ni Lara para sa pinsan.Bukas sa pagbabalik niya sa siyudad, isasama na niya ito sa ospit
Hindi agad nakahuma si Lara sa sinabi ni Jace. Her mind was spinning in confusion. Hindi niya lubos akalain na sa ikatlong pagkakataon, muli silang magkikita ni Jace. And out of all places doon pa sa probinsiya and during ang emergency at that!“Lara, are you okay?” pukaw ni Jace sa dalaga maya-maya. She seemed… shocked for lack of better word. Well, gano’n din naman siya. Ang plano niya sana’y sadyain ang resthouse ng mga De Guzman bukas. He wanted to greet Doña Carmelita for old time’s sake. Subalit gaya nang dalawang naunang hindi sinasadyang pagkikita nila ni Lara, mukhang may ibang plano ang tadhana kaysa sa kanya. “Kailangan mo ba ng tulong sa sasakyan mo? Nakita kong bigla kang huminto,” dugtong ni Jace nang manatiling tahimik si Lara, nakatitig lang sa kanya.Pilit na hinamig Lara ang kanyang sarili. Sigurado na siya ngayon, na talagang pinaglalaruan siya ng tadhana. Why does she keep meeting Jace in the most unexpected of places?And why does he look ruggedly handsome now in
The ride back to Hacienda De Guzman was silent but full of tension. Well, at least for Lara, dahil hindi malaman ng dalaga kung paano at saan kakapit habang naka-angkas siya sa motor ni Jace. Idagdag pa na panay ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa muli nilang pagpapalapit ng dating asawa.She’s overwhelmed! Subalit si Jace, parang wala lang dito ang mga nangyayari. Kinakausap pa siya nito nang kaswal tungkol sa kung anu-anong mga bagay. Like she damn cares!“Noong bagyo, natumba ang lumang puno ng acacia at bumalandra sa daan. Halos wala kaming malabasan dito pero nagtulong-tulong ang mga tauhan sa farm at sa hacienda ninyo para matanggal ang puno. That’s what you call working for the common good,” ani Jace, habang pinapaspasan ang pagmamaneho ng motor. Ilang kilometer na lang din ang layo ng gate ng Hacienda De Guzman. Gusto ring magmadali ng binata upang matignan ang kalagayan ni Doña Carmelita. “Mababait ang mga tao dito, sa probinsiya. They have pure heats too. Hindi gaya sa Mayn
“Hija, mukhang kanina ka pa tahimk,” untag ni Doña Carmelita kay Lara na noon ay tahimik na nakatayo sa may veranda sa kadiliman ng gabi.Maayos na nagising si Doña Carmelita kanina nang mawala ang epekto ng gamot. Nag-aalangan man, tinawagan pa rin ni Lara si Doc Tricia upang ibalita ang kalagayan ng abuela. Nagbilin lang ang doktor at sinabing h’wag nang alalahanin ang bayad sa kanya dahil kaibigan naman daw siya ni Jace. Gusto niya sanang ipilit dito na magbabayad siya sa serbisyo nito, subalit mahigpit ang pagtanggi ng doktora. Ang sabi nito mahigpit daw na ibinilin ni Jace na ito na lang ang bahala sa professional f*e ng doktora. Something that doesn’t settle well with Lara.Bakit ito ang magdedesisyon sa bagay na ‘yon? Ano, para masabing may utang na loob siya rito?Napapalatak si Lara, muling pumasok sa silid ng abuela. “May iniisip lang po, Lola,” sagot ng dalaga bago umupo sa gilid ng kama ng matanda. “Buti pa po siguro, lumipat na lang ulit tayo sa Maynila, Lola. Masyadong ma
“How’s the project going, engineer?” ani Lara kay Kiel. Nasa siyudad ulit ang dalaga at tinitignan ang progress ng renovation sa mansyon.“We are right on schedule, Ms. De Guzman. Actually, ginawa ko na ngang shifting ang trabaho ng mga tauhan ko para lalong mas mabilis ang paggawa nila. But I am confident that we will finish the project right on time,” sagot ni Kiel, bahagyang ngumiti.Tumango-tango si Lara. “Mabuti naman kung gano’n. Lola really would love to see the final output bago kami lumipad pabalik ng US.”“I assure you, matatapos ng mga tauhan ko ang project bago kayo umalis ng bansa, Ms. De Guzman. Anyway, I took some swatches for the wall painting at sa tiles na rin. Would you like to take a look at them?” ani Kiel.“Of course,” anang dalaga, sumama sa pagpasok sa make-shift office na itinayo sa likuran ng mansyon. Naroon ang iba’t-ibang gamit at tools para sa renovation ng mansyon. Naroon din ang maliit na desk kung saan inilatag ni Kiel ang swatches na sinasabi nito.L
Ginabi na sa daan si Lara pabalik sa rest house. Oras ang binilang ng pag-uusap nila ni Erin. Nagsabihan lang sila ng problema sa bawat isa but.. nothing is resolve. Masyadong kumplikado ang kani-kanilang sitwasyon. At sa puntong iyon, wala na silang magagawa pa kundi ipasa-tadhana na lang ang lahat.‘Let’s just take one day at a time. Let’s just… go with the flow,’ ani Erin kay Lara bago sila maghiwalay.Tango lang ang isinagot ni Lara sa kaibigan. She was too confused and distraught even to speak dahil sa kanyang nalaman tungkol kay Jace. She wanted to agree with Erin. Alam niyang wala naman siyang laban kung tadhana na ang nagpasya na ilagay siya sa ganoong alanganin na sitwasyon. Kaya lang, naroon pa rin ang pag-asa sa dibdib ni Lara na kaya pa rin niyang pagplanuhan ang kanyang mga susunod na hakbang masiguro lang na hindi na muling magku-krus ang landas nila ni Jace.Their situation is already complicated. She doesn’t want to make it more complicated than it already was.Right.
Sa bench sa labas ng mall nagtungo ang dalawa. Unang inaya ni Kiel si Erin sa isang coffee shop. Subalit may naamoy na kakaiba si Erin sa loob niyon kaya mabilis na humindi nag dalaga. Si Erin na ang nag-suggest na sa labas na lang sila ng mall mag-usap. Mayroong bakanteng bench sa di-kalayuan kaya doon nila napiling umupo at mag-usap.“I’m sorry,” umpisa ni Kiel. “I was a bloody jerk when we talked. I shouldn’t have said those things to you.”Erin scoffed. “What you did was inexcusable, Kiel. Nakipagkita ako sa ‘yo dahil sa trabahong tinanggap ko mula sa fiancée mo. Your personal questions were out of the line.”“I know, that’s why I want to apologize. Alam kong mali ako, Erin,” anang binata nagbuga ng hininga.The past two days had been tough for him. He was struggling to divide his time with work and with the things Michelle left him in-charge of. Idagdag pa na lagi niyang naiisip na puntahan na lamang si Erin sa condo nito upang personal na humingi ng paumanhin. Dahil ayaw pansin
Latag na nag dilim subalit hindi pa rin malaman ni Erin kung ano ba ang gusto niyang kainin para sa dinner. Kaninang lunch pa siya nagke-crave ng mga kakanin, hindi lang niya alam kung saan siya kukuha. Mula nang lumabas siya ng ospital four days ago, bumalik na ang kanyang appetite. Hindi na rin siya gaanong nahihilo. The supplements she had been taking were of a great help. Kung hindi nga lang ba siya pinilit ni Lily na ituloy-tuloy na lang ang kanyang leave hanggang sa susunod na linggo upang makapahinga siya nang husto, baka pumasok na siya sa opisina.But after that meeting with Kiel, hindi na siya ulit pumasok pa sa opisina. She needs rest. Her body craves for it, she can feel it. Or maybe her growing baby is demanding it. But whatever the real reason is, determinado si Paige na gawin ang lahat ng kanyang magagawa upang protektahan ang kanyang ipinagbubuntis. Kaya naman mas marami nang naka-delagate na trabaho kay Lily ngayon. Mabuti na lang at talagang masipag at maaasahan sa t
“He is arrogant and a despicable liar! We will never do any business with that hateful man ever again!” gigil na pahayag ni Erin habang kumakain siya kasama sina Lily, Paul at Chantal. Wala si Suzanne dahil may inayos ito sa isa sa kanilang mga on-going projects.They were having lunch inside the pantry. Matapos manggaling sa EB Builders, nagpasyang bumalik sa opisina si Erin. She didn’t want to at first. Subalit dahil sa resulta ng pag-uusap nila ni Kiel, alam ng dalaga na kapag umuwi siya, mag-isa lang siyang magngingitngit sa condo niya. Bagay na ayaw niyang mangyari, she knew herself too well. The last time she threw a fit over a project, nabato niya ng vase ang 95-inch TV niya dahil sa sobrang inis. She doesn’t want that to happen again. Mabuti nang nasa opisina siya habang nanggigil. At least doon, may kasama siya, may nagtitiyagang makinig sa kanya.“Ma’am gusto po ninyo, kausapin ulit namin ni Chantal si Engr. Benavidez? Baka po magbago pa ang isip ni Sir,” suhestyon ni Paul,
Tahimik subalit puno ang kaba ang dibdib ni Erin habang naghihintay sila ni Lily sa labas ng opisina ni Kiel. Ang sabi ng sekretarya nito na nagpakalilang si Sara, may kausap daw na kliyente si Kiel na nauna kaysa sa kanila. Sara told them to just come back after an hour or so. Subalit nagpasyang maghintay si Erin. She might not have the courage to face Kiel again if she leaves."Ma'am gusto po ninyo ng bottled water? Pwede ko po kayong kunan sa--" "H'wag na, Lily," mabilis na tanggi ng dalaga sa alok ng sekretarya. "I'm okay." "Sure po kayo?" "Yes, I'm sure," pormal na sagot ni Erin, ang mga mata, nakatitig sa pinto ng opisina ni Kiel. She was training her mind not to be swayed by her emotions when she finally face Kiel. She was composing her thoughts too, determined to just say the words she needs to say and nothing else. Ayaw niyang awayin si Kiel kahit na alam ng dalaga na ito ang dahilan kung bakit siya naroon sa sitwasyon na 'yon. Kung sabagay, mabuti na rin na siya na ulit
“M-Ma’am Erin, b-bakit nandito ka na?” gulat na bungad ni Lily kay Erin pagpasok na pagpasok pa lamang niya sa kanyang opisa sa AdSpark Media. “H-Hindi po ba dapat nagpapahinga ka pa? Ang sabi ng doktor—““May importante akong gagawin, Lily. The DF Appliances proposals, get them for me,” putol ni Erin sa sekretarya bago nagtuloy-tuloy sa kanyang swivel, umupo at binuksan ang laptop.Si Lily naman ay nanatiling nakatanga sa boss. Matapos nitong ma-discharge kahapon sa ospital, hindi inaasahanng sekretarya na papasok agad si Paige nang araw na 'yon, lalo pa at ganoon kaaaga. Mahigpit ang bilin ng doktor na kailangan nito ng pahinga para sa ikabubuti ng dinadala nito. Kaya lang…“Lily, what are you looking at? I said give me the proposals for DF Appliance,” pag-uulit ni Erin.“S-sure kayo, Ma’am? Ang sabi ng doktor kahapon bawal kayong magpagod at saka—““Alam ko kung anong ibinilin ng doktor, Lily. I was there with you. Narinig ko ang lahat. But like I told you, may importante akong ga
“What are you doing here, Kiel?” pag-uulit ni Erin nang hindi sumagot agad si Kiel. This time, pinakalma ng dalaga ang nagwawalang puso at pinatatag din ang tinig.Umigting naman ang panga ni Kiel. hindi nagawang makasagot agad dahil paulit-ulit na ipinasada ng binata ang kanyang mga mat sa kabuuan ng dalaga. She looked relaxed and well-rested. Habang siya, halos mabaliw na sa kakaisip ng paraan kung paano muling makikita at makakausap ang dalaga.The past few days had been pure hell. Kahit na anong gawin niya, ni ayaw siyang kausapin ni Erin. He even tried visiting her in her office subalit ang laging sagtot ng sekretarya nito ay may sakit ito at naka-sick leave. He asked for her number and they gave him the same number he had been calling and messaging for the past few days subalit wala siyang nakukuhang sagot dito. It’s clear that his number had been blocked. All the damn new numbers he tried to use were all blocked from Erin’s phone.Malinaw sa kanya ang naging usapan nila. But…
“Ma’am, sigurado po ba kayong kaya na ninyo? Kung matulog na lang po ako ngayon sa condo ninyo para may kasama pa rin kayo at—““H’wag na, Lily. Promise, kaya ko na. At saka baka hinahanap ka na rin sa inyo. Go home and rest. Halos hindi ka natulog kagabi habang binabantayan ako,” putol ni Erin sa sekretarya. Naroon sila sa lobby ng St. Anthony Hospital at hinihintay ang rented car na kinuha ni Lily na siyang maghahatid kay Erin pabalik sa condo ng dalaga. Matapos ang ilang pagsusuri at bilin ng doktor, Erin finally got discharged from the hospital. She feels a little better now. She feels more energized too. Malaking tulong ang pagpapa-confine ng dalaga sa ospital upang umayos ang kanyang pakiramdam. She even feels she can already go back to work tomorrow. Pero bawal pa. Ibinilin ng doktora na tumingin sa kanya na kailangan pa niyang magpahinga ng isang linggo upang tuluyan siyang makabawi ng lakas.“Pero Ma’am, mag-isa kayo do’n sa condo mo. Baka bigla ka na namang mahilo o magsu
Agad na napabangon sa kanyang kama si Erin nang muling makaramdam ng pagbaliktad ng kanyang sikmura. Tinakbo ng dalaga ang CR at muling nagduduwal sa sink. She stayed there for a few minutes bago siya tumigil nang pakiramdam niya wala na siyang maisusuka pa.Nanghihinang naglakad palabas ng banyo ang dalaga at nagtungo sa sala. Doon niya ibinagsak ang nanghihinang katawan sa couch at naghabol ng hininga.Ikatlong araw na iyon na sa tuwing gumigising siya sa umaga, she had the urge to throw up everything she ate from last night.She doesn’t want to worry but she is beginning to worry. Hindi pa niya nararanasan ang ganoong klaseng matagal na pagkakasakit. She’s taking supplements, everything there is! Kaya nagtataka ang dalaga dahil gano’n na lang ang epekto ng stress at fatigue sa kanya ngayon.Stress and fatigue, ‘yon ang naiisip niyang sanhi kung bakit siya nagkakagano’n ngayon. She had been resting for the past few days. Tumatawag na lang siya kay Lily for updates. Staying at home a
"Lily nasaan na 'yong papers ng Dove Realties? I believe I left it here yesterday. Bakit wala na?" ani Erin habang panay ang kanyang halughog sa tambak na mga papeles na nasa kanyang table.Pasado alas-dos na ng hapon subalit hindi pa nanananghalian ang dalaga. May hinahabol siyang meeting sa Dove Towers which is an hour away from her office. Idagdag pa na susuungin niya ang traffic sa mainit na hapon na iyon. Maisip pa lang niya ang magiging biyahe niya mamaya, natetensyon na siya. And now she is all the more panicked dahil hindi niya makita ang dokumentong kailangan niya! "Ma'am nandito po sa drawer ninyo sa kabilang cabinet, sa may outgoing box," kalmadong sagot ng sekretarya, kinuha na ang dokumento mula sa nakahiwalay na filing cabinet at inabot iyon sa amo. Lalo namang nagsalubong ang mga kilay ni Erin. "Bakit nandiyan?" "Ma'am, kayo po ang naglagay diyan kagabi bago tayo umuwi. Sabi niyo pa nga po, dapat d'yan niyo ilagay 'yan para madali ninyong mahahanap ngayon," pagpapaal