Agad na dumiretso si Reymond sa kanyang mini-bar nang makauwi sila ng anak na si Tim sa kanilang bahay. Aminin man niya o hindi, he is getting anxious. Maraming bayarin ang LDC at hindi niya alam kung saan kukunin ang pambayad sa mga 'yon.Sa nakalipas na apat na taon, ginatasan niya nang husto ang kumpanya ng mga Lagdameo. He had spent most of it on the only thing that has always been giving him joy and entertainment-- gambling. Walang araw na dumaan na hindi siya nagsugal. Casinos are always his haven. Kapag nagsusugal siya, he felt more alive. Lalo pa at hindi naman niya pinaghirapan ang perang kanyang ginagasta. Gambling gave him a different kind of high. It's an addiction he couldn't and will not shake off. He could spend as high as fifty million a day. But he doesn't mind. He knew that happiness has a price. Magtutuloy-tuloy pa sana ang kanyang kaligayahan sa sugal kung hindi lang talaga sunod-sunod na nabisto ang ilegal na negosyo ng panganay niyang si Troy.Nailagay sa alangan
“Manang Angie, kanino po galing ang mga tiklis ng mangga sa labas?” nagtatakang tanong ni Lara nang bumaba sila ni Cami sa may lanai upag mag-agahan.“Galing po sa kabilang hacienda, Ma’am. Anihan na po kasi ng mangga,” sagot ng katulong, inayos sa high-chair si Cami.Agad na umasim ang mukha ni Lara sa narinig. “Magkano naman daw po ang bayad ng mga mangga, Manang?” seryosong sabi ng dalaga, umupo na sa hapag.“Ay naku, Ma’am. Wala pong bayad ang mga mangga. Talagang kapag anihan, nagbibigay po sila Sir Jace dito ng mangga at—““Give them back. We don’t need those,” mabilis na putol ni Lara sa katulong. “Mula ngayon, ayokong tumatanggap kayo nang kung ano-ano mula sa kabilang hacienda. Kung anumang kailangan ninyo, sabihin ninyo sa akin. I can provide better than Jace. Isa pa, ayoko ring isipin niya na pinapabayaan namin kayo ni Lola. So please, manang sa akin kayo magsabi, h’wag sa kapitbahay natin. Nagkakaintindihan po ba tayo?”Alanganing tumango ang katulong bago pinagsilbihan an
“Sir Jace! Sir Jace!”Mula sa kwadra ay napalingon si Jace sa malakas na pagtawag sa kanya ni Sebio, ang driver at matagal nang katiwala sa farm. Tumatakbo ito patungo sa direksyon niya.Nangunot-noo ang noo ni Jace. Halos kakahiwalay pa lang nila ng matanda, naiwan ito sa bahay habang siya ay dumiretso naman sa kwadra. Kaya naman napaisip tuloy ang binata kung may problema na naman.“Bakit po, Manong Sebio? Ano pong problema?” anang binata nang tuluyag makalapit sa kanya ang tauhan.“M-may bisita p-po kayo, S-Sir… sa… sa bahay,” ani Sebio, habol ang hininga.Lalong nagsalubong ang mga kilay ng binata. He was not expcecting any visitor today. Lalo pa at wala naman siyang natatanggap na tawag na may darating siyang bisita ngayon. “Bisita? Sino pong bisita?”“S-si, M-Ma’am Lara po, Sir! Buhay siya! Buhay si Ma’am Lara!” anang tauhan, habol pa rin ang hininga.Agad na kumabog ang dibdib ng binata, wala sa sariling iniwan ang ginagawa bago bumalik sa bahay. Ilang araw na rin mula nang hul
"Lara, saan ka ba galing?" bungad na tanong ni Doña Carmelita sa apo nang makita niya itong papasok sa front door ng resthouse.Kanina, pagbaba ng matandang donya sa kanyang silid, ang sabi ng mga katulong ay namasyal daw ang apo sa hacienda kasama ang tauhan nilang si Santi. Subalit nakabalik na ang tauhan sa rest house at lahat ay wala pa rin ang apo. Kaya naman labis na nag-alala ang matanda."M-may pinuntahan lang po ako s-sandali, Lola," sagot ng dalaga, nagdire-diretso sa hagdan. "Sandali, hija. Ang sabi ni Santi ay pinabuhat mo raw ang mga tiklis ng mangga na ibinigay ni Jace. Saan mo dinala ang mga prutas, apo?" Napatigil si Lara sa pag-akyat ng hagdan, napilitang harapin ang abuela. "Ibinalik ko ang mga ibinigay niya, Lola. Hindi natin kailangan ang mga 'yon." Nanlaki ang mga mata ng matanda. "I-ibinalik--- Oh, Lara," nanlulumong sambit ng matanda, napasapo na sa noo. "Hija, tradisyon na ng magkakalapit na hacienda dito ang magbigayan ng mga produkto tuwing anihan. At hind
Natulala si Lara, hindi agad nakahuma. Hindi na niya malaman kung bakit palaging nagkukrus ang landas nila ni Jace. And this time, kasama pa nito si Doc Tricia—the woman who is obviously in a relationship with him.Mabuti na lamang at bago pa siya mapansin ng dalawa ay mabilis niyang nailiko ang cart na tulak-tulak niya patungo sa kabilang aisle. Sandali siyang naghabol ng hininga doon, nagpakalma kahit na muling napupuno ng mga katanungan ang kanyang isip at iba’t-ibang emosyon ang kanyang dibdib.She needs to leave. She cannot deal with those emotions at the moment. She's trying her best to keep them at bay subalit dahil sa palagi silang nagkikita ni Jace, lalo lamang siyang nahihirapang balewalain ang mga ‘yon. Tama ang kanyang abuela, maliit ang mundo. But she cannot bring herself to forgive Jace just yet… or even talk to him for one last time just like her grandmother had suggested.Kaya naman buo na ang pasya ni Lara, lilipat siya ng grocery. Kahit na makarating siya sa kabilang
“W-where are we g-going, Jace?” kabadong tanong ni Lara nang mapansin na malayo na ang nilalakbay nla ni Jace. Lumabas na sila ng San Ignacio. Kaya naman napilitang nang magsalita ang dalaga kahit pa sana ayaw niya.“Why are you asking? Natatakot ka ba sa ‘kin?” ani Jace, maigting ang panga, humigpit din ang hawak sa manibela.Natahimik si Lara, lumunok. Jace looked so pissed at that moment na kahit siya ay natatakot magsalita. She suddenly had a glimpse of the old Jace—the high and mighty, the ruthless, the unforgiving,-- the man she loved.Nang hindi mahintay ang sagot ni Lara, nagbuga ng marahas na hininga si Jace. “Malapit na tayo. H’wag kang mag-alala, hindi ako gagawa ng hindi mo gusto,” malamig na sabi ng binata, minaniobra ang sasakyan patungo sa isang makitid na daan.Hindi naglaon, tumambad ang malawak na solar na nakaharap sa dalampasigan. Sa gitna niyon ay isang beach house na gawa sa kahoy at semento. Sa gilid niyon itinigil ni Jace ang sasakyan.Sandaling namayani ang ka
Tulala si Lara habang nakatingin sa kawalan ng gabi. Naroon siya sa azotea ng kanyang silid at nagpapalipas ng oras. Malalim na ang gabi at tulog na rin si Cami. Subalit hindi pa rin makatulog ang dalaga.Paulit-ulit na nagre-replay sa kanyang isip ang mga nangyari sa araw na ‘yon. Sa kakaiwas niya, ilang ulit silang nagkaharap ni Jace sa araw na ‘yon. At kahit na nasabi na niya ang mga nais niyang sabihin dito, pakiramdam ni Lara, mas dumoble ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib.The memories of the past seemed too heavy for her to carry in her heart. Bagay na akala niya, matagal na niyang naiwaglit subalit… hindi pa rin pala. At ang ilang beses nilang pagkikita ni Jace ay nagpapabalik ng maraming alaala, kasama na ang malulungkot na bahagi ng nakaraan nilang dalawa.Isa pa, ang reyalisasyon na hindi pa pala talaga siya maayos, na hindi pa siya tuluyang nakakalimot, ay sadyang nagpapapabagabag sa dalaga.”Nagkamali ako. At buong buhay kong pagsisisihan ang nagawa ko sa ‘
Kanina pa nakarating sa LDC si Jace subalit ayaw bumaba ng binata sa kanyang sasakyan. Halos wala siyang itinulog nang nagdaang gabi sa kaiisip kung tama ba ang naging desisyon niyang dumalo sa emergency meeting ngayon ng kumpanya. It has been four years since he last set foot at LDC-- his inheritance that was taken away from him. At mula nang umalis siya, nangako siya sa sarili na hindi na muling babalik pa roon. Bakit pa, gayong masaya na siya sa farm. He may not be able to wear the suits and ties he was used with, at least he is surrounded with people with good hearts. Hindi gaya ng mga board of directors ng LDC, most of them spoke in the language of money. Na kahit ang katotohanan at maging ang kanilang prinsipyo ay handa nilang ipagpalit sa ngalan ng pera. Subalit naroon na siya, it would be too late to leave now, would it? Nasa ganoong pag-iiisp si Jace nang tumunog ang kanyang cellphone. Nang tignan ng binata, si Eli ang tumatawag sa kanya. Jace looked at the screen of hi
Tahimik na nakamasid sa labas ng sasakyan si Lara habang pauwi sila ni Cami sa hacienda. Kakalabas lang ng ospital ng anak. She should feel relieved but... there’s a heaviness in her heart that doesn’t go away.Marahil dahil iyon sa nangyari nang nagdaang gabi. Hindi alam ng dalaga kung saan nagpunta si Jace nang paalisin niya ito kagabi sa hospital suite ni Cami kagabi. He didn’t even show up this morning. O maging bago ma-discharge sa ospital ang anak.She had to make excuses for him for that. Kaya lang, panay pa rin ang hanap ni Cami sa ama. At isa iyon sa mga ipinag-aalala ni Lara. Paano kung hindi na ulit ito magpakita? Kung dahil lang sa mga nasabi niya kalimutan ulit sila nito na mag-ina? Kahit na h’wag na siya, para man lang sana kay Cami maisip ni Jace ang dumalaw sa hacienda.And then she remembered, ni hindi pa nga pala nila napag-usapan ang tungkol sa magiging set-up nila pagdating kay Cami. Ni hindi pa niya nasasabi rito ang mga kundisyon niya and how they will deal with
Agad na naestatwa si Lara sa ginawa ni Jace. For a brief moment she didn’t know what to do or even will her mind to think. Until… her lips quivered a little on its own accord and began to kiss him back. The kiss deepened and at that point, nothing else mattered. Not their past, not their present, not even the future. Just that kiss that she knew now, she still longs for.Nang umuwi siya sa Pilipinas upang magbakasyon, ni wala sa isip ni Lara na muli niyang kakausapin si Jace or even tell the truth about their daughter. At lalong wala sa plano niya ang muling mapalapit dito. But there she was, kissing Jace senseless— like a desert enjoying the first rain after so many for years, that’s how it felt like kissing Jace.Suddenly he gently placed his hand on her hips and pulled her closer to him. And her body just knew what to do, she leaned on him more-- filling his hot skin against hers. Now, he was too close. Too close she could feel his heart drumming wildly against his chest… just like
Kanina pa nagpaparoo’t parito si Jace sa loob ng opisina ni Mrs. Ferrer sa LDC. Apparently, biglang inatake sa puso ang matanda nang nagdaang gabi. At ayon sa legal document nito na nasa abogado nito, she is giving him full temporary authority to take over her shares at LDC should something happen to her.Nakausap na niya sa cellphone ang anak ng ginang. At wala itong tutol sa habilin ng ina dahil malaki ang tiwala nila sa binata. And now, Jace doesn’t know what to do. Mrs. Ferrer is the third highest shareholder in the company. Ibig sabihin twenty-five percent na ng kumpanya ang nasa kanyang kontrol. At kahit na malayo pa iyon sa dating 65% shares na kanyang pag-aari, his stakes are higher now than those on the board who had once voted him out of his own company.Subalit, kaya ba niyang pamahalaan ang shares na iyon gayong may naiwan din siyang gawain sa farm? For the last four years, si Mrs. Ferrer ang naging mata at kamay niya sa loob ng LDC. And now that the old woman is sick, ma
“Kumusta si, Cami, hija? Hindi pa ba lalabas ng ospital ang apo ko,”bungad na tanong ni Doña Carmelita kay Lara nang pansamatalang umuwi ang dalaga mula sa ospital. Gusto kasing masiguro ni Lara na nasa maayos na kalagayan ang abuela. Gusto ring siguruhin ng dalaga na hindi nawawalan ng supplies ang mga tauhan nila na pansamatang lumikas sa aplaya at nakatira sa tents malapit sa rest house.After the fire, authorities have instructed all residents from the shore to vacate the area for a while for inspection. Protected area kasi ang kakahuyan na nasunog at sakop ng pag-aari ng mga Lagdameo. Kaya kailngan ng thorough investigation bago pabalikin ang mga nakatira roon.So far, maayos naman ang kanilang mga tauhan. Their needs are all provided and they are safe. One less thing for her to worry about.Sandaling niyakap ni Lara si Carmelita na noon ay nasa lanai at nag-aagahan. “Cami is doing good, Lola. Pero bukas pa raw siya madi-discharge sabi ni Doc Xander.’“Should we ask for another d
Tahimik si Lara habang kumakain sila ni Jace ng burger at fries sa isang parte ng park sa plaza ng San Ignacio. Doon sila humantong matapos nilang mag-drive thru sa isang fast food at sa park na lang pinasyang kumain.Apparently, maagang nagsara ang restaurant na tinutukoy nito sa araw na ‘yon dahil may cleaning maintenance ang establisimiyento kinabukasan. It was already past nine in the evening, karamihan ng kainan sa lugar ay sarado na. Left with no choice, nag-drive thru na lang ang dalawa.Malapit lang sa ospital ang plaza kaya doon pinili ni Lara kumain. In case they need them, madali lang nilang mapuntahan si Cami.Kumakain si Lara subalit lumilipad ang isip ng dalaga, nasa mga ipinagtapat ni Tricia sa kanya tungkol kay Jace. Pasimpleng tinignan ni Lara ang binata, ipinagala ang mga mata sa mga braso nito.She can clearly see small stitches on his skin, stitches that weren’t there before.“What’s wrong? You don’t like the food?” untag ni Jace kay Lara, nang mapansin ng binata n
“Sorry, dinala ko si Emie dito,” umpisa ni Tricia nang tabihan ng doktor si Lara sa sofa ng hospital suite. Nakamasid ang dalawang babae sa kanilang mga anak na naglalaro sa ibabaw ng hospital bed ni Cami. “Ikinuwento kasi ni Xander kay Emie na ginamot niya si Cami. Emie was really curious to meet the daughter of her Uncle Jace kaya, nandito kami ngayon. I hope you don’t mind, Lara,” dugtong pa ng doktora.Ngumiti si Lara, marahang umiling. “O-of course, I don’t mind. Bihira lang magkaroon ng kalaro si Cami na kaedaran niya. And I can see that they are getting along very well,” anang dalaga, muling napangiti nang marinig ang sabay na paghalakhak ng mga bata.“I can’t believe you’re alive,” komento ni Tricia maya-maya, pabulong.“What?” Agad na napabaling si Lara sa doktora. “Pasensiya ka na, Lara. I still cannot wrap my head around the truth that you’re still alive. You see, mula nang makilala namin si Jace, ikaw lang ang lagi niyang bukambibig. Kapag naaksidente siya tuwing lasing,
“Pasensya ka na talaga, Ate. H-hindi ko sinasadya ang nangyari kay Cami. Sinubukan ko siyang habulin kaya lang—“ nagyuko ng ulo si Coco, marahang umiling.Napabuntong-hininga naman si Lara at marahang tinapik ang balikat ng pinsan. “Coco, h’wag mo nang isipin ‘yon. Aksidente ang lahat. Ang mahalaga, ligtas si Cami. Ligtas kayong tatlo nina Beth, “ anang dalaga bago bumaling kay Beth na nasa kabilang hospital bed naman. Iisang kwarto lang ang kinuha niya para sa dalawa. At habang si Jace ang nagbabantay kay Cami sa kabilang silid, binista naman ni Lara ang pinsan at ang yaya ng anak.“Beth, h’wag ka na ri ng malungkot. Wala kang kasalanan. Naipaliwanag ko na rin kay Manang Angie ang lahat ng nangyari. Nangako siyang hindi ka niya papagalitan,” umpisna ni Lara, bahagyang ngumiti, bumaba ang mga mata sa mga galos na tinamo ng tauhan dahil prinotektahan nito ang anak. “Ang sabi ni Cami, niyakap mo raw siya kaya kayo sabay na nahulog sa hukay. Because of that you reduced her other possible
Jace has always been an eloquent speaker. He had learned how to command his employees at a very young age. Lumaki rin siyang sanay na humarap sa mga tao. During his career as CEO, he just knew the right words to say at the right time. People loved him for that. He was convincing and confident. Luck was on his side because of that.At kahit na matagal na siyang wala sa kumpanya, he still practices his eloquene sa mga kliyente nila sa farm-- both local and foreign nationals.Sa madaling sabi, hindi nawawalan ng maaring sabihin si Jace. He was trained to speak even during difficult moments.Subalit sa oras na iyon, habang nakatingin sa kanya si Cami at hinihintay ang kanyang sagot sa tanong nito, natagpuan ni Jace na wala siyang maapuhap na salita na dapat niyang isagot sa anak. Words deserted him.Suddenly, Cami’s question rendered him speechless as if it was the hardest question he had ever presented with in his whole life. It took a couple of sharp breaths before he was finally able
Naalimpungatan si Lara kinabukasan nang marinig ng dalaga ang mahinang pagtawag ng anak. Agad na napabalikwas ng bangon ang dalaga sa sofa kung saan siya natulog at nagkukumahog na dinaluhan ang anak na nasa hospital bed. “M-Mommy,” tawag ni Cami sa ina, panay ang hikbi. Masuyo namang hinaplos ni Lara ang pisngi ng anak at maingat na pinalis ang luha nito. ‘Y-yes, sweetheart, Mommy’s here." Lumabi si Cami, muling humikbi. “O-ouchie! My feet is ouchie, M-Mommy,” sumbong ng anak, tuluyan nang umiyak. Agad namang kinarga ni Lara si Cami, bahagyang hinele. “I know sweetheart. And I’m so sorry your feet is ouchie. The doctor will come soon and we will tell him your feet is ouchie,” alo ng dalaga sa anak, marahang hinagod ang likod nito. Hindi sumagot si Cami, lalo lang lumakas ang pag-iyak. Hindi naglaon bumukas ang pinto ng silid at iniluwa ang bulto ni Jace. Sandali nitong pinaglipat ang tingin sa kanyang mag-ina, bakas ang pagkataranta sa mukha. Hindi umalis ng ospital ang