Share

Chapter 143: Memories

Author: shining_girl
last update Huling Na-update: 2025-02-07 21:18:27
“Manang Angie, kanino po galing ang mga tiklis ng mangga sa labas?” nagtatakang tanong ni Lara nang bumaba sila ni Cami sa may lanai upag mag-agahan.

“Galing po sa kabilang hacienda, Ma’am. Anihan na po kasi ng mangga,” sagot ng katulong, inayos sa high-chair si Cami.

Agad na umasim ang mukha ni Lara sa narinig. “Magkano naman daw po ang bayad ng mga mangga, Manang?” seryosong sabi ng dalaga, umupo na sa hapag.

“Ay naku, Ma’am. Wala pong bayad ang mga mangga. Talagang kapag anihan, nagbibigay po sila Sir Jace dito ng mangga at—“

“Give them back. We don’t need those,” mabilis na putol ni Lara sa katulong. “Mula ngayon, ayokong tumatanggap kayo nang kung ano-ano mula sa kabilang hacienda. Kung anumang kailangan ninyo, sabihin ninyo sa akin. I can provide better than Jace. Isa pa, ayoko ring isipin niya na pinapabayaan namin kayo ni Lola. So please, manang sa akin kayo magsabi, h’wag sa kapitbahay natin. Nagkakaintindihan po ba tayo?”

Alanganing tumango ang katulong bago pinagsilbihan an
shining_girl

Dearest readers, ayokong sanang mag-note but I am sick, I cannot move my right arm freely for days. Alam ito ng followers ko sa aking page. Pinipilit ko lang magsulat sa mga nakalipas na araw and I know my shortcomings. To my true and patient readers, I can never thank you enough. Salamat sa malawak na pang-unawa ninyo sa akin.

| 49
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (15)
goodnovel comment avatar
Lady Ruth Cabanilla
salamat sa update miss A and get well soon ...
goodnovel comment avatar
shining_girl
salamat po sa pagbabasa
goodnovel comment avatar
shining_girl
salamat po sa pagbabasa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 144: Hindi Na Kita Guguluhin Pa

    “Sir Jace! Sir Jace!”Mula sa kwadra ay napalingon si Jace sa malakas na pagtawag sa kanya ni Sebio, ang driver at matagal nang katiwala sa farm. Tumatakbo ito patungo sa direksyon niya.Nangunot-noo ang noo ni Jace. Halos kakahiwalay pa lang nila ng matanda, naiwan ito sa bahay habang siya ay dumiretso naman sa kwadra. Kaya naman napaisip tuloy ang binata kung may problema na naman.“Bakit po, Manong Sebio? Ano pong problema?” anang binata nang tuluyag makalapit sa kanya ang tauhan.“M-may bisita p-po kayo, S-Sir… sa… sa bahay,” ani Sebio, habol ang hininga.Lalong nagsalubong ang mga kilay ng binata. He was not expcecting any visitor today. Lalo pa at wala naman siyang natatanggap na tawag na may darating siyang bisita ngayon. “Bisita? Sino pong bisita?”“S-si, M-Ma’am Lara po, Sir! Buhay siya! Buhay si Ma’am Lara!” anang tauhan, habol pa rin ang hininga.Agad na kumabog ang dibdib ng binata, wala sa sariling iniwan ang ginagawa bago bumalik sa bahay. Ilang araw na rin mula nang hul

    Huling Na-update : 2025-02-08
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 145: Way Of Life

    "Lara, saan ka ba galing?" bungad na tanong ni Doña Carmelita sa apo nang makita niya itong papasok sa front door ng resthouse.Kanina, pagbaba ng matandang donya sa kanyang silid, ang sabi ng mga katulong ay namasyal daw ang apo sa hacienda kasama ang tauhan nilang si Santi. Subalit nakabalik na ang tauhan sa rest house at lahat ay wala pa rin ang apo. Kaya naman labis na nag-alala ang matanda."M-may pinuntahan lang po ako s-sandali, Lola," sagot ng dalaga, nagdire-diretso sa hagdan. "Sandali, hija. Ang sabi ni Santi ay pinabuhat mo raw ang mga tiklis ng mangga na ibinigay ni Jace. Saan mo dinala ang mga prutas, apo?" Napatigil si Lara sa pag-akyat ng hagdan, napilitang harapin ang abuela. "Ibinalik ko ang mga ibinigay niya, Lola. Hindi natin kailangan ang mga 'yon." Nanlaki ang mga mata ng matanda. "I-ibinalik--- Oh, Lara," nanlulumong sambit ng matanda, napasapo na sa noo. "Hija, tradisyon na ng magkakalapit na hacienda dito ang magbigayan ng mga produkto tuwing anihan. At hind

    Huling Na-update : 2025-02-08
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 146: Wrong Assumption

    Natulala si Lara, hindi agad nakahuma. Hindi na niya malaman kung bakit palaging nagkukrus ang landas nila ni Jace. And this time, kasama pa nito si Doc Tricia—the woman who is obviously in a relationship with him.Mabuti na lamang at bago pa siya mapansin ng dalawa ay mabilis niyang nailiko ang cart na tulak-tulak niya patungo sa kabilang aisle. Sandali siyang naghabol ng hininga doon, nagpakalma kahit na muling napupuno ng mga katanungan ang kanyang isip at iba’t-ibang emosyon ang kanyang dibdib.She needs to leave. She cannot deal with those emotions at the moment. She's trying her best to keep them at bay subalit dahil sa palagi silang nagkikita ni Jace, lalo lamang siyang nahihirapang balewalain ang mga ‘yon. Tama ang kanyang abuela, maliit ang mundo. But she cannot bring herself to forgive Jace just yet… or even talk to him for one last time just like her grandmother had suggested.Kaya naman buo na ang pasya ni Lara, lilipat siya ng grocery. Kahit na makarating siya sa kabilang

    Huling Na-update : 2025-02-09
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 147: Hindi Na Mababago

    “W-where are we g-going, Jace?” kabadong tanong ni Lara nang mapansin na malayo na ang nilalakbay nla ni Jace. Lumabas na sila ng San Ignacio. Kaya naman napilitang nang magsalita ang dalaga kahit pa sana ayaw niya.“Why are you asking? Natatakot ka ba sa ‘kin?” ani Jace, maigting ang panga, humigpit din ang hawak sa manibela.Natahimik si Lara, lumunok. Jace looked so pissed at that moment na kahit siya ay natatakot magsalita. She suddenly had a glimpse of the old Jace—the high and mighty, the ruthless, the unforgiving,-- the man she loved.Nang hindi mahintay ang sagot ni Lara, nagbuga ng marahas na hininga si Jace. “Malapit na tayo. H’wag kang mag-alala, hindi ako gagawa ng hindi mo gusto,” malamig na sabi ng binata, minaniobra ang sasakyan patungo sa isang makitid na daan.Hindi naglaon, tumambad ang malawak na solar na nakaharap sa dalampasigan. Sa gitna niyon ay isang beach house na gawa sa kahoy at semento. Sa gilid niyon itinigil ni Jace ang sasakyan.Sandaling namayani ang ka

    Huling Na-update : 2025-02-09
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 148: Liar At Their Midst

    Tulala si Lara habang nakatingin sa kawalan ng gabi. Naroon siya sa azotea ng kanyang silid at nagpapalipas ng oras. Malalim na ang gabi at tulog na rin si Cami. Subalit hindi pa rin makatulog ang dalaga.Paulit-ulit na nagre-replay sa kanyang isip ang mga nangyari sa araw na ‘yon. Sa kakaiwas niya, ilang ulit silang nagkaharap ni Jace sa araw na ‘yon. At kahit na nasabi na niya ang mga nais niyang sabihin dito, pakiramdam ni Lara, mas dumoble ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib.The memories of the past seemed too heavy for her to carry in her heart. Bagay na akala niya, matagal na niyang naiwaglit subalit… hindi pa rin pala. At ang ilang beses nilang pagkikita ni Jace ay nagpapabalik ng maraming alaala, kasama na ang malulungkot na bahagi ng nakaraan nilang dalawa.Isa pa, ang reyalisasyon na hindi pa pala talaga siya maayos, na hindi pa siya tuluyang nakakalimot, ay sadyang nagpapapabagabag sa dalaga.”Nagkamali ako. At buong buhay kong pagsisisihan ang nagawa ko sa ‘

    Huling Na-update : 2025-02-10
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 149: Connection

    Kanina pa nakarating sa LDC si Jace subalit ayaw bumaba ng binata sa kanyang sasakyan. Halos wala siyang itinulog nang nagdaang gabi sa kaiisip kung tama ba ang naging desisyon niyang dumalo sa emergency meeting ngayon ng kumpanya. It has been four years since he last set foot at LDC-- his inheritance that was taken away from him. At mula nang umalis siya, nangako siya sa sarili na hindi na muling babalik pa roon. Bakit pa, gayong masaya na siya sa farm. He may not be able to wear the suits and ties he was used with, at least he is surrounded with people with good hearts. Hindi gaya ng mga board of directors ng LDC, most of them spoke in the language of money. Na kahit ang katotohanan at maging ang kanilang prinsipyo ay handa nilang ipagpalit sa ngalan ng pera. Subalit naroon na siya, it would be too late to leave now, would it? Nasa ganoong pag-iiisp si Jace nang tumunog ang kanyang cellphone. Nang tignan ng binata, si Eli ang tumatawag sa kanya. Jace looked at the screen of hi

    Huling Na-update : 2025-02-11
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 150: Connection 2

    “Ms. De Guzman, my name si Mr. Lazaro,” umpisa ng matandang lalaki na nakaupo sa tabi ni Lara. He hasn’t changed a bit, he still has that idiotic look on his face. Alam niyang tuta ito ni Reymond noon pa man. “I have seen you at Mrs. Ferrer's party. I-I really don’t want to pry but I just want to clear my head. Weren’t you Jace’s wife—““Ex-wife,” walang emosyon na putol ni Lara sa mga sana’y sasabihin pa ng matandang lalaki. “Now that we’ve settled that. I think we can proceed with the matter at hand. Gaya ng sinabi ko kanina, my time is precious. I don’t want to waste it talking about my past and your former CEO's. Please, let’s be more professional moving forward,” pahayag ng dalaga, may pinalidad ang tinig.Napakurap-kurap si Mr. Lazaro. “I-I’m sorry,” anito bago bumaling sa katabi nitong si Mr. Abesamis.Bumaling si Lara kay Mrs. Ferrer. “Please tell me what this emergency meeting is all about, Ma’am. I have been managing my grandmother’s investments and finances for the past fou

    Huling Na-update : 2025-02-11
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 151: Encounter

    Hindi agad nakahuma si Lara sa tanong ni Jace. Pakiramdam ng dalaga ay lumiit ang sala ng resthouse at hindi siya makahinga. She was not expecting Jace tonight. She was not expecting Jace at all. "Mommy, who's he?" inosenteng tanong ni Cami tiningala pa ang ina. "H-he is... H-he..." halos hindi matuloy ni Lara ang nais sabihin. Her mind was racing. She was confused and at a loss of words. Why, during the time she needs to keep a level-head she just cannot even think straight! Bumaling na si Jace sa bata nang hindi sumagot si Lara. The little girl looked like Lara, lalo na noong bata pa ito. "Hi! My name's Jace. I'm your neighbor. What's your name?" "I'm Cami," nakangiting sagot ng paslit. Tumango-tango si Jace. "Cami that's a nice name," anang binata. Lalong nagningning ang mga mata ng bata, lumawak din ang ngiti. Muling tiningala ang ina. "Mommy he said I have a nice name," anang paslit, bahagya pang hinila ang kamay ng ina upang kunin ang atensyon nito. Pilit na ngumiti si L

    Huling Na-update : 2025-02-12

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 2: Chapter 3: Fateful Meeting 2

    Palinga-linga si Erin sa loob ng restaurant na kanyang kinaroronan habang hinihintay ang mga kakausapin tungkol sa ad campaign project na inirekomenda ng kanyang tiyahin.Ang sabi ng tiyahin niya bago siya nito pinapunta roon, ang unica hija daw ng mga Dela Fuente ang kakausapin niya—ang interim CEO ng DF Steels who is expanding the business now to appliances production. Kaya nila kailangan ng isang solid ad campaign to promote their new products.She had never tried working for a whole line of product before. This would be the first. Kaya naman excited siya na kinakabahan para sa project na iyon.“Ms. Erin, ano kayang trip ng bago nating kliyente? Wine ba o hard drink?” tanong ni Chantal, ang isa mga creatives niya sa firm.“Baka ma-wine. Parang matanda na kasi ang pangalan e, Michelle Dela Fuente. Parang sosyal na hindi, di ba?” hirit ni Paul, ang isa pang tauhan ni Erin. Isinama ng dalaga ang dalawa para marinig nila mismo mula sa kliyente ang tungkol sa project na gagawin nila.Us

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 2: Chapter 2- Fateful Meeting

    Kanina pa nakatunganga sa harap ng laptop niya si Erin subalit ni ayaw gumana ng kanyang isip upang magtrabaho. Pasado alas nueve pa lamang ng umaga subalit pakiramdam niya, tila pagod na pagod na siya.Well, sleep was elusive last night. After the truths she had learned yesterday, hindi na siya tumigil sa kakaisip. How did she end up sleeping with Lucas’ brother? Well, older half-brother, the one she didn’t have the opportunity of meeting noong sila pa ng dating nobyo.Alam niyang may kapatid si Lucas pero ang sabi nito nasa abroad ito at doon nagta-trabaho. Alam niyang magulo ang buhay pamilya nina Lucas kaya iniiwasan niya talagang magtanong tungkol sa pamilya nito. And when they broke up dahil nakabuntis ito at nagpakasal sa iba, mas lalo naman siyang nawalan ng interes dito. She vowed to forget everything about Lucas. Dahil para ano pa, tadhana na mismo ang nagtakda na hindi sila ang para sa isa’t-isa. And so she moved on.She focused on AdSpark Media, her very own ‘baby’. Workin

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 2: Chapter 1- A Night With A Stranger

    Napaungol si Erin Jade Villegas or Erin nang tumama ang malakas na buhos ng liwanag sa kanyang mukha nang tangkain niyang magmulat ng mga mata. Hindi niya alam kung anong nangyayari; kung bakit tila may bumabarena sa ulo niya nang magising siya nang umagang iyon. Ang tanging alam ng dalaga ay umaga na at kailangan niyang bumangon. Muling napapikit ng mga maga si Erin, mariing hinawakan na ang nananakit na ulo.That's when she remembered last night.Last night.Well, last night, bumaha ang inumin dahil um-attend siya at ang kanyang mga kasamang empleyado sa launching ng isang brand ng alak. It was a genius move from the owners dahil talagang tinaon nila sa ad congress ang launching ng bagong produkto. She's sure, there's already more than a dozen of free ads for the product circulating now in various platforms. Baka nga pati mga empleyado niya may kanya-kanya na ring‘post’ tungkol sa alak na ‘yon. Which, she must stop.At AdSpark Media, her ad agency, they don’t do free advertising. No

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 2: Teaser- A Twist Of Fate: One Night With A Stranger

    TEASERErin Jade Villegas was done with love. Matapos siyang saktan ng kanyang huling nobyo na si Lucas, nangako siya sa sariling hindi na iibig pang muli. Itinuon niya ang kanyang buong atensyon sa kanyang sarili at sa advertising agency na kanyang naipundar sa tulong ng kanyang mayamang tiyahin na si Aunt Ingrid, ang pinsan ng kanyang namayapang ina.Minsan, binigyan siya ng tiyahin ng isang malaking kliyente, ang mga Dela Fuente. Malapit ang pamilya sa tiyahin ni Erin. Kaya naman ang sabi nito’y kapag maayos niyang naitawid ang transaksiyon sa mga Dela Fuente, bayad na siya sa lahat ng utang niya rito. Handang gawin ni Erin ang lahat, maging maayos lang ang kanyang trabaho. Subalit paano kung tila pinaglalaruan siya ng tadhana dahil ang direkta niyang makakatrabaho ay ang fiancé ng nag-iisang dalaga ng mga Dela Fuente, si Engr. Ezekiel ‘Kiel’ Benavidez, ang half-brother ni Lucas at ang lalaking nakasama niya sa isang gabi ng pagkakamali?Magawa pa kaya ni Erin ang kanyang trabaho g

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 221: Finale

    “Cami, careful, sweetheart,” paalala ni Jace sa panganay na noon ay naglalaro sa may pool ng private beach resort na pag-aari ng LDC. Doon ginanap ang binyag ng kanilang bunso na Lara si Gray.“I’m just going back to the water, Daddy. My pink floaties will save me,” sagot ni Cami, bago muling tumalon sa kiddie pool kung saan naroon din si Emie at ang iba pang anak at apo ng mga guests.For the past year, lalong naging malapit ang dalawang bata. And Jace is happy with the progress. Ngumiti si Jace, sandaling pinanood ang paglangoy ng anak gamit ang floaters nito patungo sa iba pang kasama nito sa pool. His little girl is starting to be independent even at just four years old. Mukhang dapat pa niyang hiritan si Lara ng isa pang prinsesa. He’s not done spoiling little princesses just yet.With that in thought, bumalik sa isa sa mga cabana si Jace at pinuntahan sina Lara at Gray. Naabutan niyang tulog si Gray sa kamay ni Lara na noon nakaupo sa rocking chair.Sandaling pinagmasdan ni Jac

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 220: A Wish Granted 3

    “Wake up, sleepy head,” ani Jace kay Lara, masuyong hinagkan ang pisngi ng natutulog na asawa.Lara’s eyes fluttered open and the first thing she saw was Jace’s smiling face. “Goodmorning,” sagot ni Lara, bahagyang ngumuso. Jace chuckled and planted a soft kiss on Lara’s lips. Lara smiled, satisfied. “Anong oras na? I’m still sleepy.”Tumayo na si Jace mula sa kama, muling pinulot ang isang tuwalya at itinuloy ang pagpapatuyo ng buhok. “It’s almost eight, love. Our appointment at the hospital is nine.”“And you already took a bath!” ani Lara, naninikwas ulit ang nguso. “How early did you wake up?”“Before six,” sagot ni Jace, kinindatan ang asawa, bago pigil na ngumiti.Lara chuckled, her heart overdriving. “You’re too excited.”“Can you blame me? I missed everything with Cami. Kaya gusto ko ngayon, sa bawat check-up ninyong dalawa ni baby, kasama ako,” ani Jace.Bumangon na sa kama si Lara. “You’re a great father, Jace even if you missed every single important thing when I was pregna

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 219: A Wish Granted 2

    “Paanong natabig?” nag-aalalang tanong ni Lara sa wedding planner niyang si Elaine.Iyon ang araw ng kasal nila ni Jace sa farm ng mga Lagdameo subalit… there she was, just hours away from her wedding, upang malaman lamang na natabig ng tauhan ni Elaine ang kanila ng wedding cake at bumagsak iyon sa loob ng reception venue.Even just thinking about it now was making her freak out!“Mag-sorry ka! Mag-sorry ka, Girly!” ani Elaine sa kasama nitong tauhan na nakatungo at panay ang singhot.“M-Ma’am p-pasensiya na po kayo. Pinapamadali ko po kasi sa mga kasama ko ‘yong cake table. Hindi ko naman alam na hindi maganda ang pagkaka-ayos ng mga kasama ko sa cake table. Kaya no’ng natabig ko nang kaunti 'yong table, gumalaw tapos hindi nakaya ‘yong bigat ng cake t-tapos… tapos… S-sorry po talaga, Ma’am Lara,” anang tauhan ni Elaine, panay na rin ang punas ng luha nito.Napabuga ng hininga si Lara, tinantiya ang emosyon. Gusto niyang magalit subalit hindi niya magawa. Alam niyang hindi 'yon sinas

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 218: A Wish Granted

    “What are you doing here, Lara?” pukaw ni Jace sa asawa nang maabutan ito ng binata sa may veranda ng silid nila sa farm house. Nilapitan ng binata ang asawa at magaang niyakap mula sa likuran nito, musuyong hinaplos ang impis pa nitong tyan. “Hindi ka pa rin ba makatulog dito? Natatakot ka pa rin ba sa mga nangyari?” ani Jace, kinintalan ng magaang halik ang leeg ng asawa.Tatlong araw na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente na gawa ni Michaela. At iyon ang unang gabi na sa farm house ng mga Lagdemeo sila tumuloy na mag-anak imbes na sa rest house ng mga De Guzman.Lara fully rested her back on Jace’s chest, heaving a sigh after. “Medyo. Pero alam ko naman na marami nang nagbabantay sa atin dito. Alam kong wala nang maggugulo pa sa atin,” sagot ni Lara, tumingala sa langit. Napangiti ang dalaga nang makitang puno ng bituin ang langit, nagsasalitaan ang mga iyon sa pagkislap. “I kinda miss you, Jace. You’re always out for the past few days,” ani Lara.It’s true Jace has been g

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 217: Prelude To Happiness 2

    “What is she doing there? Is she…” Hindi maituloy-tuloy ni Jace ang nais sabihin. He’s more than puzzled as to why Michaela was inside the interrogation room."She lost her job at the bank. Ang sabi, na-scam daw siya at nakadispalko siya nang milyon-milyon sa bangko. Ang sabi niya sa manager niya, paulit-ulit daw niyang sinasabi na mababayaran niya rin naman 'yon lahat kapag pinakasalan mo na siya." Nagsalubong na ang mga kilay ni Jace. "But I never promised her anything! Nang magtapat siya nang nararamdaman niya sa akin, tinapat ko siya na hindi ko kailanman masusuklian ang damdamin niya. I have never given her any false hopes!” Tumango-tango si Carlo. "I believe you. Kaya lang, she's been mentally unstable for weeks now. Ang sabi ng mga magulang niya, matagal na raw na hindi umuuwi sa kanila si Michaela. Kung saan ito tumutuloy, hindi nila alam. Nakausap ko ang mga tauhan ng mga De Guzman sa may aplaya. Ang sabi nila, ilang araw na raw nilang nakikita si Michaela na nagpapalakad-

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status