แชร์

Chapter 139: Pretentions

ผู้เขียน: shining_girl
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-03 22:37:35
“Hija, mukhang kanina ka pa tahimk,” untag ni Doña Carmelita kay Lara na noon ay tahimik na nakatayo sa may veranda sa kadiliman ng gabi.

Maayos na nagising si Doña Carmelita kanina nang mawala ang epekto ng gamot. Nag-aalangan man, tinawagan pa rin ni Lara si Doc Tricia upang ibalita ang kalagayan ng abuela. Nagbilin lang ang doktor at sinabing h’wag nang alalahanin ang bayad sa kanya dahil kaibigan naman daw siya ni Jace. Gusto niya sanang ipilit dito na magbabayad siya sa serbisyo nito, subalit mahigpit ang pagtanggi ng doktora. Ang sabi nito mahigpit daw na ibinilin ni Jace na ito na lang ang bahala sa professional f*e ng doktora. Something that doesn’t settle well with Lara.

Bakit ito ang magdedesisyon sa bagay na ‘yon? Ano, para masabing may utang na loob siya rito?

Napapalatak si Lara, muling pumasok sa silid ng abuela. “May iniisip lang po, Lola,” sagot ng dalaga bago umupo sa gilid ng kama ng matanda. “Buti pa po siguro, lumipat na lang ulit tayo sa Maynila, Lola. Masyadong ma
shining_girl

Please do like my page Shining Girl for daily update schedule. Thank you!

| 63
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (17)
goodnovel comment avatar
shining_girl
salamat po sa pagbabasa
goodnovel comment avatar
shining_girl
salamat po sa pagbabasa
goodnovel comment avatar
shining_girl
salamat po sa pagbabasa
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 140: Secrets

    “How’s the project going, engineer?” ani Lara kay Kiel. Nasa siyudad ulit ang dalaga at tinitignan ang progress ng renovation sa mansyon.“We are right on schedule, Ms. De Guzman. Actually, ginawa ko na ngang shifting ang trabaho ng mga tauhan ko para lalong mas mabilis ang paggawa nila. But I am confident that we will finish the project right on time,” sagot ni Kiel, bahagyang ngumiti.Tumango-tango si Lara. “Mabuti naman kung gano’n. Lola really would love to see the final output bago kami lumipad pabalik ng US.”“I assure you, matatapos ng mga tauhan ko ang project bago kayo umalis ng bansa, Ms. De Guzman. Anyway, I took some swatches for the wall painting at sa tiles na rin. Would you like to take a look at them?” ani Kiel.“Of course,” anang dalaga, sumama sa pagpasok sa make-shift office na itinayo sa likuran ng mansyon. Naroon ang iba’t-ibang gamit at tools para sa renovation ng mansyon. Naroon din ang maliit na desk kung saan inilatag ni Kiel ang swatches na sinasabi nito.L

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-04
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 141: Quest

    Ginabi na sa daan si Lara pabalik sa rest house. Oras ang binilang ng pag-uusap nila ni Erin. Nagsabihan lang sila ng problema sa bawat isa but.. nothing is resolve. Masyadong kumplikado ang kani-kanilang sitwasyon. At sa puntong iyon, wala na silang magagawa pa kundi ipasa-tadhana na lang ang lahat.‘Let’s just take one day at a time. Let’s just… go with the flow,’ ani Erin kay Lara bago sila maghiwalay.Tango lang ang isinagot ni Lara sa kaibigan. She was too confused and distraught even to speak dahil sa kanyang nalaman tungkol kay Jace. She wanted to agree with Erin. Alam niyang wala naman siyang laban kung tadhana na ang nagpasya na ilagay siya sa ganoong alanganin na sitwasyon. Kaya lang, naroon pa rin ang pag-asa sa dibdib ni Lara na kaya pa rin niyang pagplanuhan ang kanyang mga susunod na hakbang masiguro lang na hindi na muling magku-krus ang landas nila ni Jace.Their situation is already complicated. She doesn’t want to make it more complicated than it already was.Right.

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-05
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 142: Pagbagsak

    Agad na dumiretso si Reymond sa kanyang mini-bar nang makauwi sila ng anak na si Tim sa kanilang bahay. Aminin man niya o hindi, he is getting anxious. Maraming bayarin ang LDC at hindi niya alam kung saan kukunin ang pambayad sa mga 'yon.Sa nakalipas na apat na taon, ginatasan niya nang husto ang kumpanya ng mga Lagdameo. He had spent most of it on the only thing that has always been giving him joy and entertainment-- gambling. Walang araw na dumaan na hindi siya nagsugal. Casinos are always his haven. Kapag nagsusugal siya, he felt more alive. Lalo pa at hindi naman niya pinaghirapan ang perang kanyang ginagasta. Gambling gave him a different kind of high. It's an addiction he couldn't and will not shake off. He could spend as high as fifty million a day. But he doesn't mind. He knew that happiness has a price. Magtutuloy-tuloy pa sana ang kanyang kaligayahan sa sugal kung hindi lang talaga sunod-sunod na nabisto ang ilegal na negosyo ng panganay niyang si Troy.Nailagay sa alangan

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-07
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 143: Memories

    “Manang Angie, kanino po galing ang mga tiklis ng mangga sa labas?” nagtatakang tanong ni Lara nang bumaba sila ni Cami sa may lanai upag mag-agahan.“Galing po sa kabilang hacienda, Ma’am. Anihan na po kasi ng mangga,” sagot ng katulong, inayos sa high-chair si Cami.Agad na umasim ang mukha ni Lara sa narinig. “Magkano naman daw po ang bayad ng mga mangga, Manang?” seryosong sabi ng dalaga, umupo na sa hapag.“Ay naku, Ma’am. Wala pong bayad ang mga mangga. Talagang kapag anihan, nagbibigay po sila Sir Jace dito ng mangga at—““Give them back. We don’t need those,” mabilis na putol ni Lara sa katulong. “Mula ngayon, ayokong tumatanggap kayo nang kung ano-ano mula sa kabilang hacienda. Kung anumang kailangan ninyo, sabihin ninyo sa akin. I can provide better than Jace. Isa pa, ayoko ring isipin niya na pinapabayaan namin kayo ni Lola. So please, manang sa akin kayo magsabi, h’wag sa kapitbahay natin. Nagkakaintindihan po ba tayo?”Alanganing tumango ang katulong bago pinagsilbihan an

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-07
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 144: Hindi Na Kita Guguluhin Pa

    “Sir Jace! Sir Jace!”Mula sa kwadra ay napalingon si Jace sa malakas na pagtawag sa kanya ni Sebio, ang driver at matagal nang katiwala sa farm. Tumatakbo ito patungo sa direksyon niya.Nangunot-noo ang noo ni Jace. Halos kakahiwalay pa lang nila ng matanda, naiwan ito sa bahay habang siya ay dumiretso naman sa kwadra. Kaya naman napaisip tuloy ang binata kung may problema na naman.“Bakit po, Manong Sebio? Ano pong problema?” anang binata nang tuluyag makalapit sa kanya ang tauhan.“M-may bisita p-po kayo, S-Sir… sa… sa bahay,” ani Sebio, habol ang hininga.Lalong nagsalubong ang mga kilay ng binata. He was not expcecting any visitor today. Lalo pa at wala naman siyang natatanggap na tawag na may darating siyang bisita ngayon. “Bisita? Sino pong bisita?”“S-si, M-Ma’am Lara po, Sir! Buhay siya! Buhay si Ma’am Lara!” anang tauhan, habol pa rin ang hininga.Agad na kumabog ang dibdib ng binata, wala sa sariling iniwan ang ginagawa bago bumalik sa bahay. Ilang araw na rin mula nang hul

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-08
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 145: Way Of Life

    "Lara, saan ka ba galing?" bungad na tanong ni Doña Carmelita sa apo nang makita niya itong papasok sa front door ng resthouse.Kanina, pagbaba ng matandang donya sa kanyang silid, ang sabi ng mga katulong ay namasyal daw ang apo sa hacienda kasama ang tauhan nilang si Santi. Subalit nakabalik na ang tauhan sa rest house at lahat ay wala pa rin ang apo. Kaya naman labis na nag-alala ang matanda."M-may pinuntahan lang po ako s-sandali, Lola," sagot ng dalaga, nagdire-diretso sa hagdan. "Sandali, hija. Ang sabi ni Santi ay pinabuhat mo raw ang mga tiklis ng mangga na ibinigay ni Jace. Saan mo dinala ang mga prutas, apo?" Napatigil si Lara sa pag-akyat ng hagdan, napilitang harapin ang abuela. "Ibinalik ko ang mga ibinigay niya, Lola. Hindi natin kailangan ang mga 'yon." Nanlaki ang mga mata ng matanda. "I-ibinalik--- Oh, Lara," nanlulumong sambit ng matanda, napasapo na sa noo. "Hija, tradisyon na ng magkakalapit na hacienda dito ang magbigayan ng mga produkto tuwing anihan. At hind

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-08
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 146: Wrong Assumption

    Natulala si Lara, hindi agad nakahuma. Hindi na niya malaman kung bakit palaging nagkukrus ang landas nila ni Jace. And this time, kasama pa nito si Doc Tricia—the woman who is obviously in a relationship with him.Mabuti na lamang at bago pa siya mapansin ng dalawa ay mabilis niyang nailiko ang cart na tulak-tulak niya patungo sa kabilang aisle. Sandali siyang naghabol ng hininga doon, nagpakalma kahit na muling napupuno ng mga katanungan ang kanyang isip at iba’t-ibang emosyon ang kanyang dibdib.She needs to leave. She cannot deal with those emotions at the moment. She's trying her best to keep them at bay subalit dahil sa palagi silang nagkikita ni Jace, lalo lamang siyang nahihirapang balewalain ang mga ‘yon. Tama ang kanyang abuela, maliit ang mundo. But she cannot bring herself to forgive Jace just yet… or even talk to him for one last time just like her grandmother had suggested.Kaya naman buo na ang pasya ni Lara, lilipat siya ng grocery. Kahit na makarating siya sa kabilang

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-09
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 147: Hindi Na Mababago

    “W-where are we g-going, Jace?” kabadong tanong ni Lara nang mapansin na malayo na ang nilalakbay nla ni Jace. Lumabas na sila ng San Ignacio. Kaya naman napilitang nang magsalita ang dalaga kahit pa sana ayaw niya.“Why are you asking? Natatakot ka ba sa ‘kin?” ani Jace, maigting ang panga, humigpit din ang hawak sa manibela.Natahimik si Lara, lumunok. Jace looked so pissed at that moment na kahit siya ay natatakot magsalita. She suddenly had a glimpse of the old Jace—the high and mighty, the ruthless, the unforgiving,-- the man she loved.Nang hindi mahintay ang sagot ni Lara, nagbuga ng marahas na hininga si Jace. “Malapit na tayo. H’wag kang mag-alala, hindi ako gagawa ng hindi mo gusto,” malamig na sabi ng binata, minaniobra ang sasakyan patungo sa isang makitid na daan.Hindi naglaon, tumambad ang malawak na solar na nakaharap sa dalampasigan. Sa gitna niyon ay isang beach house na gawa sa kahoy at semento. Sa gilid niyon itinigil ni Jace ang sasakyan.Sandaling namayani ang ka

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-09

บทล่าสุด

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 2: Chapter 8- Fate Working 2

    “Ma’am masyadong mahal po kasi dito. Atrasado po ang budget natin kapag dito natin ginawa sa may pool side ang shoot. Kaya ang sabi po ni Direk, mas okay daw po siguro na glimpse na lang ng infinity pool ang ipapakita tapos doon na lang sa shaded area gagawin ang mismong shoot,” paliwanag ni Akira kay Erin, ang creative assistant na kasama ngayon ng dalaga sa Bataan. She was doing an ocular inspection para sa isa sa mga campaign na hawak nila sa kasalukuyan—ang project na initially ay si Suzanne ang may hawak.Dumating si Erin sa resort na iyon kaninang madaling araw. Hinabol talaga ng dalaga ang sunrise para lang makita ang effect niyon sa photoshoot at TVC na gagawin nila para sa ads ng alak na gagawin nila. The venue is really promising. And Erin is more than convinced na iyon na talaga ang location para sa project nilang iyon. But…“How much were they asking again if we’re going to book the infinity pool and beach area for half a day?” ani Erin kay Akira.“Thirthy thousand per hou

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 2: Chapter 7- Fate Working

    Nanirik ang lohika ni Erin sa tanong ni Kiel. She didn’t mean to. It’s just her natural reaction whenever he’s near. With Kiel around, lagi siyang nawawala sa huwisyo. Something she has yet to discover why. “Are you sick? Your cheeks are flushed?” pukaw na tanong ni Kiel nang hindi sumagot si Erin makalipas ang ilang sandali. He didn’t mean to be straightforward but… he cannot think of any other way to deal with that awkwardness between them.Lihim na ipinilig ni Erin ang ulo, pilit inayos ang huwisyo. “N-no.”“No, you are not sick or no to both questions?” si Kiel ulit, humakbang na palapit sa mesa ng dalaga.Tumikhim si Erin, inayos ang sarili. “No to both questions.”“Then why do I feel like you are avoiding me?”“O-of course not. Busy lang ako buong araw, Engr. Benavidez—““It’s Kiel. Call me Kiel, Erin. I’m not my Dad,” maagap na pagtatama ng binata.Tumango si Erin. “I’m sorry. I was caught up with work, K-Kiel. Please know na hindi lang ang project sa mga Dela Fuente ang tin

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 2: Chapter 6- Working Together 2

    “Sigurado ka? In-endorse ito mismo ng Aunt Ingrid mo, Erin. Baka kapag nagkamali ako at nagkaroon ng aberya, lalong tayong malagay sa alanganin,” ani Suzanne, ang vice-president ng AdSpark Media.Kausap ito ngayon ni Erin sa loob ng opisina ng dalaga. Dalawang araw na ang nakakaraan mula nang dinner meeting nila ni Michelle. At bukas, magbibigay siya nang update kay Kiel tungkol sa project.At base sa naging reaksiyon niya nang huli silang magkita, batid ni Erin na gagawa lamang siya ng isa pang napakalaking pagkakamali kung makikipagkita pa siyang ulit kay Kiel. She is not herself whenever he is around, something that she hates to keep repeating.Hindi iyon maganda para sa napaka-importanteng project na ‘yon. Kailangan niyang siguruhin na hindi magkakaroon ng kahit na anong bad impression si Michelle sa kanya or sa kanyang kumpanya. At magagawa lang niya ‘yon kapag hindi na siya mismo ang direktang nakakausap ng dalawa. That’s why she needs Suzanne to step-up for her.“Don’t worry. I

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 2: Chapter 5- Working Together

    “Kiel, you’re here. Dito ka ba matutulog?” tanong ni Engr. Francis Benavidez, ang ama ni Kiel. Nasa lanai ng kanilang bahay ang matandang lalaki, nagpapahangin habang nakaipit ang nangangalahati nang sigarilyo sa pagitan ng dalawang daliri nito.“I’m just visiting, Dad. Idadaan ko lang din ang regalo ko kay Ivo,” anang binata, bahagyang itinaas ang box na hawak. He missed his nephew’s birthday yesterday. He was too caught up with work at nakalimutan niya. Natawagan na niya kahapon si Lucas. Humingi na rin siya ng pasensiya.“Si Ivo, tulog na ba Dad?”anang binata, nagpalinga-linga sa sala. Wala sa bahay ang kapatid, nasa conference ito sa Cebu. He flew there just this morning. Ito na kasi ang pumalii sa kanilang ama na nag-retire na sa pagtatrabaho sa gobyerno. After leaving LDC thee years ago, pumasok sa gobyerno si Lucas.“Baka pinapatulog na ni Medring. Umakyat ka na lang, hijo. Baka maabutan mo pang gising. Matutuwa ‘yon d’yan sa regalo mo,” ani Francis, humithit sa sigarilyo.Tu

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 2: Chapter 4- Fateful Meeting 3

    “Excuse me?” ani Michelle, kunot ang noong tumingin kay Erin. What Erin said didn’t settle well with her. Well, that is, if she heard it correctly kaya siya nagtatanong.Si Erin naman ay tarantang tumayo, nanirik sandali ang lohika, naguguluhang tumingin sa mga tauhan na noon ay halos laglag din ang mga pangang nakatingin sa dalaga.“W-what I mean is… w-wedding bells! Yes! That’s it! I-I hear wedding bells f-for you two dahil bagay na bagay kayo, M-Michelle and Engr. B-Benavidez,” naguguluhang paliwanag ni Erin, halos manginig na ang mga tuhod sa sobrang pagkataranta lalo na nang magtama ang mga mata nila ni Kiel.Kung mayroon lamang siyang pagpipilian, kanina pa niya siguro hiniling na bumukas ang sahig at lamunin siya pansamalanta. How can she say aloud what’s inside her head? At sa harap pa mismo nina Kiel at Michelle!How stupid can she be?Kapag nagkamali talaga siya sa project niyang ‘yon, hindi lang siya ang malilintikan sa tiyahin niya, pati na rin ang kanyang ad agency. And

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 2: Chapter 3: Fateful Meeting 2

    Palinga-linga si Erin sa loob ng restaurant na kanyang kinaroronan habang hinihintay ang mga kakausapin tungkol sa ad campaign project na inirekomenda ng kanyang tiyahin.Ang sabi ng tiyahin niya bago siya nito pinapunta roon, ang unica hija daw ng mga Dela Fuente ang kakausapin niya—ang interim CEO ng DF Steels who is expanding the business now to appliances production. Kaya nila kailangan ng isang solid ad campaign to promote their new products.She had never tried working for a whole line of product before. This would be the first. Kaya naman excited siya na kinakabahan para sa project na iyon.“Ms. Erin, ano kayang trip ng bago nating kliyente? Wine ba o hard drink?” tanong ni Chantal, ang isa mga creatives niya sa firm.“Baka ma-wine. Parang matanda na kasi ang pangalan e, Michelle Dela Fuente. Parang sosyal na hindi, di ba?” hirit ni Paul, ang isa pang tauhan ni Erin. Isinama ng dalaga ang dalawa para marinig nila mismo mula sa kliyente ang tungkol sa project na gagawin nila.Us

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 2: Chapter 2- Fateful Meeting

    Kanina pa nakatunganga sa harap ng laptop niya si Erin subalit ni ayaw gumana ng kanyang isip upang magtrabaho. Pasado alas nueve pa lamang ng umaga subalit pakiramdam niya, tila pagod na pagod na siya.Well, sleep was elusive last night. After the truths she had learned yesterday, hindi na siya tumigil sa kakaisip. How did she end up sleeping with Lucas’ brother? Well, older half-brother, the one she didn’t have the opportunity of meeting noong sila pa ng dating nobyo.Alam niyang may kapatid si Lucas pero ang sabi nito nasa abroad ito at doon nagta-trabaho. Alam niyang magulo ang buhay pamilya nina Lucas kaya iniiwasan niya talagang magtanong tungkol sa pamilya nito. And when they broke up dahil nakabuntis ito at nagpakasal sa iba, mas lalo naman siyang nawalan ng interes dito. She vowed to forget everything about Lucas. Dahil para ano pa, tadhana na mismo ang nagtakda na hindi sila ang para sa isa’t-isa. And so she moved on.She focused on AdSpark Media, her very own ‘baby’. Workin

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 2: Chapter 1- A Night With A Stranger

    Napaungol si Erin Jade Villegas or Erin nang tumama ang malakas na buhos ng liwanag sa kanyang mukha nang tangkain niyang magmulat ng mga mata. Hindi niya alam kung anong nangyayari; kung bakit tila may bumabarena sa ulo niya nang magising siya nang umagang iyon. Ang tanging alam ng dalaga ay umaga na at kailangan niyang bumangon. Muling napapikit ng mga maga si Erin, mariing hinawakan na ang nananakit na ulo.That's when she remembered last night.Last night.Well, last night, bumaha ang inumin dahil um-attend siya at ang kanyang mga kasamang empleyado sa launching ng isang brand ng alak. It was a genius move from the owners dahil talagang tinaon nila sa ad congress ang launching ng bagong produkto. She's sure, there's already more than a dozen of free ads for the product circulating now in various platforms. Baka nga pati mga empleyado niya may kanya-kanya na ring‘post’ tungkol sa alak na ‘yon. Which, she must stop.At AdSpark Media, her ad agency, they don’t do free advertising. No

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 2: Teaser- A Twist Of Fate: One Night With A Stranger

    TEASERErin Jade Villegas was done with love. Matapos siyang saktan ng kanyang huling nobyo na si Lucas, nangako siya sa sariling hindi na iibig pang muli. Itinuon niya ang kanyang buong atensyon sa kanyang sarili at sa advertising agency na kanyang naipundar sa tulong ng kanyang mayamang tiyahin na si Aunt Ingrid, ang pinsan ng kanyang namayapang ina.Minsan, binigyan siya ng tiyahin ng isang malaking kliyente, ang mga Dela Fuente. Malapit ang pamilya sa tiyahin ni Erin. Kaya naman ang sabi nito’y kapag maayos niyang naitawid ang transaksiyon sa mga Dela Fuente, bayad na siya sa lahat ng utang niya rito. Handang gawin ni Erin ang lahat, maging maayos lang ang kanyang trabaho. Subalit paano kung tila pinaglalaruan siya ng tadhana dahil ang direkta niyang makakatrabaho ay ang fiancé ng nag-iisang dalaga ng mga Dela Fuente, si Engr. Ezekiel ‘Kiel’ Benavidez, ang half-brother ni Lucas at ang lalaking nakasama niya sa isang gabi ng pagkakamali?Magawa pa kaya ni Erin ang kanyang trabaho g

สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status