“Hija, mukhang kanina ka pa tahimk,” untag ni Doña Carmelita kay Lara na noon ay tahimik na nakatayo sa may veranda sa kadiliman ng gabi.Maayos na nagising si Doña Carmelita kanina nang mawala ang epekto ng gamot. Nag-aalangan man, tinawagan pa rin ni Lara si Doc Tricia upang ibalita ang kalagayan ng abuela. Nagbilin lang ang doktor at sinabing h’wag nang alalahanin ang bayad sa kanya dahil kaibigan naman daw siya ni Jace. Gusto niya sanang ipilit dito na magbabayad siya sa serbisyo nito, subalit mahigpit ang pagtanggi ng doktora. Ang sabi nito mahigpit daw na ibinilin ni Jace na ito na lang ang bahala sa professional f*e ng doktora. Something that doesn’t settle well with Lara.Bakit ito ang magdedesisyon sa bagay na ‘yon? Ano, para masabing may utang na loob siya rito?Napapalatak si Lara, muling pumasok sa silid ng abuela. “May iniisip lang po, Lola,” sagot ng dalaga bago umupo sa gilid ng kama ng matanda. “Buti pa po siguro, lumipat na lang ulit tayo sa Maynila, Lola. Masyadong ma
“How’s the project going, engineer?” ani Lara kay Kiel. Nasa siyudad ulit ang dalaga at tinitignan ang progress ng renovation sa mansyon.“We are right on schedule, Ms. De Guzman. Actually, ginawa ko na ngang shifting ang trabaho ng mga tauhan ko para lalong mas mabilis ang paggawa nila. But I am confident that we will finish the project right on time,” sagot ni Kiel, bahagyang ngumiti.Tumango-tango si Lara. “Mabuti naman kung gano’n. Lola really would love to see the final output bago kami lumipad pabalik ng US.”“I assure you, matatapos ng mga tauhan ko ang project bago kayo umalis ng bansa, Ms. De Guzman. Anyway, I took some swatches for the wall painting at sa tiles na rin. Would you like to take a look at them?” ani Kiel.“Of course,” anang dalaga, sumama sa pagpasok sa make-shift office na itinayo sa likuran ng mansyon. Naroon ang iba’t-ibang gamit at tools para sa renovation ng mansyon. Naroon din ang maliit na desk kung saan inilatag ni Kiel ang swatches na sinasabi nito.L
Ginabi na sa daan si Lara pabalik sa rest house. Oras ang binilang ng pag-uusap nila ni Erin. Nagsabihan lang sila ng problema sa bawat isa but.. nothing is resolve. Masyadong kumplikado ang kani-kanilang sitwasyon. At sa puntong iyon, wala na silang magagawa pa kundi ipasa-tadhana na lang ang lahat.‘Let’s just take one day at a time. Let’s just… go with the flow,’ ani Erin kay Lara bago sila maghiwalay.Tango lang ang isinagot ni Lara sa kaibigan. She was too confused and distraught even to speak dahil sa kanyang nalaman tungkol kay Jace. She wanted to agree with Erin. Alam niyang wala naman siyang laban kung tadhana na ang nagpasya na ilagay siya sa ganoong alanganin na sitwasyon. Kaya lang, naroon pa rin ang pag-asa sa dibdib ni Lara na kaya pa rin niyang pagplanuhan ang kanyang mga susunod na hakbang masiguro lang na hindi na muling magku-krus ang landas nila ni Jace.Their situation is already complicated. She doesn’t want to make it more complicated than it already was.Right.
Agad na dumiretso si Reymond sa kanyang mini-bar nang makauwi sila ng anak na si Tim sa kanilang bahay. Aminin man niya o hindi, he is getting anxious. Maraming bayarin ang LDC at hindi niya alam kung saan kukunin ang pambayad sa mga 'yon.Sa nakalipas na apat na taon, ginatasan niya nang husto ang kumpanya ng mga Lagdameo. He had spent most of it on the only thing that has always been giving him joy and entertainment-- gambling. Walang araw na dumaan na hindi siya nagsugal. Casinos are always his haven. Kapag nagsusugal siya, he felt more alive. Lalo pa at hindi naman niya pinaghirapan ang perang kanyang ginagasta. Gambling gave him a different kind of high. It's an addiction he couldn't and will not shake off. He could spend as high as fifty million a day. But he doesn't mind. He knew that happiness has a price. Magtutuloy-tuloy pa sana ang kanyang kaligayahan sa sugal kung hindi lang talaga sunod-sunod na nabisto ang ilegal na negosyo ng panganay niyang si Troy.Nailagay sa alangan
“Manang Angie, kanino po galing ang mga tiklis ng mangga sa labas?” nagtatakang tanong ni Lara nang bumaba sila ni Cami sa may lanai upag mag-agahan.“Galing po sa kabilang hacienda, Ma’am. Anihan na po kasi ng mangga,” sagot ng katulong, inayos sa high-chair si Cami.Agad na umasim ang mukha ni Lara sa narinig. “Magkano naman daw po ang bayad ng mga mangga, Manang?” seryosong sabi ng dalaga, umupo na sa hapag.“Ay naku, Ma’am. Wala pong bayad ang mga mangga. Talagang kapag anihan, nagbibigay po sila Sir Jace dito ng mangga at—““Give them back. We don’t need those,” mabilis na putol ni Lara sa katulong. “Mula ngayon, ayokong tumatanggap kayo nang kung ano-ano mula sa kabilang hacienda. Kung anumang kailangan ninyo, sabihin ninyo sa akin. I can provide better than Jace. Isa pa, ayoko ring isipin niya na pinapabayaan namin kayo ni Lola. So please, manang sa akin kayo magsabi, h’wag sa kapitbahay natin. Nagkakaintindihan po ba tayo?”Alanganing tumango ang katulong bago pinagsilbihan an
“Sir Jace! Sir Jace!”Mula sa kwadra ay napalingon si Jace sa malakas na pagtawag sa kanya ni Sebio, ang driver at matagal nang katiwala sa farm. Tumatakbo ito patungo sa direksyon niya.Nangunot-noo ang noo ni Jace. Halos kakahiwalay pa lang nila ng matanda, naiwan ito sa bahay habang siya ay dumiretso naman sa kwadra. Kaya naman napaisip tuloy ang binata kung may problema na naman.“Bakit po, Manong Sebio? Ano pong problema?” anang binata nang tuluyag makalapit sa kanya ang tauhan.“M-may bisita p-po kayo, S-Sir… sa… sa bahay,” ani Sebio, habol ang hininga.Lalong nagsalubong ang mga kilay ng binata. He was not expcecting any visitor today. Lalo pa at wala naman siyang natatanggap na tawag na may darating siyang bisita ngayon. “Bisita? Sino pong bisita?”“S-si, M-Ma’am Lara po, Sir! Buhay siya! Buhay si Ma’am Lara!” anang tauhan, habol pa rin ang hininga.Agad na kumabog ang dibdib ng binata, wala sa sariling iniwan ang ginagawa bago bumalik sa bahay. Ilang araw na rin mula nang hul
"Lara, saan ka ba galing?" bungad na tanong ni Doña Carmelita sa apo nang makita niya itong papasok sa front door ng resthouse.Kanina, pagbaba ng matandang donya sa kanyang silid, ang sabi ng mga katulong ay namasyal daw ang apo sa hacienda kasama ang tauhan nilang si Santi. Subalit nakabalik na ang tauhan sa rest house at lahat ay wala pa rin ang apo. Kaya naman labis na nag-alala ang matanda."M-may pinuntahan lang po ako s-sandali, Lola," sagot ng dalaga, nagdire-diretso sa hagdan. "Sandali, hija. Ang sabi ni Santi ay pinabuhat mo raw ang mga tiklis ng mangga na ibinigay ni Jace. Saan mo dinala ang mga prutas, apo?" Napatigil si Lara sa pag-akyat ng hagdan, napilitang harapin ang abuela. "Ibinalik ko ang mga ibinigay niya, Lola. Hindi natin kailangan ang mga 'yon." Nanlaki ang mga mata ng matanda. "I-ibinalik--- Oh, Lara," nanlulumong sambit ng matanda, napasapo na sa noo. "Hija, tradisyon na ng magkakalapit na hacienda dito ang magbigayan ng mga produkto tuwing anihan. At hind
Natulala si Lara, hindi agad nakahuma. Hindi na niya malaman kung bakit palaging nagkukrus ang landas nila ni Jace. And this time, kasama pa nito si Doc Tricia—the woman who is obviously in a relationship with him.Mabuti na lamang at bago pa siya mapansin ng dalawa ay mabilis niyang nailiko ang cart na tulak-tulak niya patungo sa kabilang aisle. Sandali siyang naghabol ng hininga doon, nagpakalma kahit na muling napupuno ng mga katanungan ang kanyang isip at iba’t-ibang emosyon ang kanyang dibdib.She needs to leave. She cannot deal with those emotions at the moment. She's trying her best to keep them at bay subalit dahil sa palagi silang nagkikita ni Jace, lalo lamang siyang nahihirapang balewalain ang mga ‘yon. Tama ang kanyang abuela, maliit ang mundo. But she cannot bring herself to forgive Jace just yet… or even talk to him for one last time just like her grandmother had suggested.Kaya naman buo na ang pasya ni Lara, lilipat siya ng grocery. Kahit na makarating siya sa kabilang
Tahimik si Lara habang kumakain sila ni Jace ng burger at fries sa isang parte ng park sa plaza ng San Ignacio. Doon sila humantong matapos nilang mag-drive thru sa isang fast food at sa park na lang pinasyang kumain.Apparently, maagang nagsara ang restaurant na tinutukoy nito sa araw na ‘yon dahil may cleaning maintenance ang establisimiyento kinabukasan. It was already past nine in the evening, karamihan ng kainan sa lugar ay sarado na. Left with no choice, nag-drive thru na lang ang dalawa.Malapit lang sa ospital ang plaza kaya doon pinili ni Lara kumain. In case they need them, madali lang nilang mapuntahan si Cami.Kumakain si Lara subalit lumilipad ang isip ng dalaga, nasa mga ipinagtapat ni Tricia sa kanya tungkol kay Jace. Pasimpleng tinignan ni Lara ang binata, ipinagala ang mga mata sa mga braso nito.She can clearly see small stitches on his skin, stitches that weren’t there before.“What’s wrong? You don’t like the food?” untag ni Jace kay Lara, nang mapansin ng binata n
“Sorry, dinala ko si Emie dito,” umpisa ni Tricia nang tabihan ng doktor si Lara sa sofa ng hospital suite. Nakamasid ang dalawang babae sa kanilang mga anak na naglalaro sa ibabaw ng hospital bed ni Cami. “Ikinuwento kasi ni Xander kay Emie na ginamot niya si Cami. Emie was really curious to meet the daughter of her Uncle Jace kaya, nandito kami ngayon. I hope you don’t mind, Lara,” dugtong pa ng doktora.Ngumiti si Lara, marahang umiling. “O-of course, I don’t mind. Bihira lang magkaroon ng kalaro si Cami na kaedaran niya. And I can see that they are getting along very well,” anang dalaga, muling napangiti nang marinig ang sabay na paghalakhak ng mga bata.“I can’t believe you’re alive,” komento ni Tricia maya-maya, pabulong.“What?” Agad na napabaling si Lara sa doktora. “Pasensiya ka na, Lara. I still cannot wrap my head around the truth that you’re still alive. You see, mula nang makilala namin si Jace, ikaw lang ang lagi niyang bukambibig. Kapag naaksidente siya tuwing lasing,
“Pasensya ka na talaga, Ate. H-hindi ko sinasadya ang nangyari kay Cami. Sinubukan ko siyang habulin kaya lang—“ nagyuko ng ulo si Coco, marahang umiling.Napabuntong-hininga naman si Lara at marahang tinapik ang balikat ng pinsan. “Coco, h’wag mo nang isipin ‘yon. Aksidente ang lahat. Ang mahalaga, ligtas si Cami. Ligtas kayong tatlo nina Beth, “ anang dalaga bago bumaling kay Beth na nasa kabilang hospital bed naman. Iisang kwarto lang ang kinuha niya para sa dalawa. At habang si Jace ang nagbabantay kay Cami sa kabilang silid, binista naman ni Lara ang pinsan at ang yaya ng anak.“Beth, h’wag ka na ri ng malungkot. Wala kang kasalanan. Naipaliwanag ko na rin kay Manang Angie ang lahat ng nangyari. Nangako siyang hindi ka niya papagalitan,” umpisna ni Lara, bahagyang ngumiti, bumaba ang mga mata sa mga galos na tinamo ng tauhan dahil prinotektahan nito ang anak. “Ang sabi ni Cami, niyakap mo raw siya kaya kayo sabay na nahulog sa hukay. Because of that you reduced her other possible
Jace has always been an eloquent speaker. He had learned how to command his employees at a very young age. Lumaki rin siyang sanay na humarap sa mga tao. During his career as CEO, he just knew the right words to say at the right time. People loved him for that. He was convincing and confident. Luck was on his side because of that.At kahit na matagal na siyang wala sa kumpanya, he still practices his eloquene sa mga kliyente nila sa farm-- both local and foreign nationals.Sa madaling sabi, hindi nawawalan ng maaring sabihin si Jace. He was trained to speak even during difficult moments.Subalit sa oras na iyon, habang nakatingin sa kanya si Cami at hinihintay ang kanyang sagot sa tanong nito, natagpuan ni Jace na wala siyang maapuhap na salita na dapat niyang isagot sa anak. Words deserted him.Suddenly, Cami’s question rendered him speechless as if it was the hardest question he had ever presented with in his whole life. It took a couple of sharp breaths before he was finally able
Naalimpungatan si Lara kinabukasan nang marinig ng dalaga ang mahinang pagtawag ng anak. Agad na napabalikwas ng bangon ang dalaga sa sofa kung saan siya natulog at nagkukumahog na dinaluhan ang anak na nasa hospital bed. “M-Mommy,” tawag ni Cami sa ina, panay ang hikbi. Masuyo namang hinaplos ni Lara ang pisngi ng anak at maingat na pinalis ang luha nito. ‘Y-yes, sweetheart, Mommy’s here." Lumabi si Cami, muling humikbi. “O-ouchie! My feet is ouchie, M-Mommy,” sumbong ng anak, tuluyan nang umiyak. Agad namang kinarga ni Lara si Cami, bahagyang hinele. “I know sweetheart. And I’m so sorry your feet is ouchie. The doctor will come soon and we will tell him your feet is ouchie,” alo ng dalaga sa anak, marahang hinagod ang likod nito. Hindi sumagot si Cami, lalo lang lumakas ang pag-iyak. Hindi naglaon bumukas ang pinto ng silid at iniluwa ang bulto ni Jace. Sandali nitong pinaglipat ang tingin sa kanyang mag-ina, bakas ang pagkataranta sa mukha. Hindi umalis ng ospital ang
"W-we had t-twins, J-Jace," umpisa ni Lara sa garalgal na tinig. Kasalukuyan silang nakaupo na dalawa sa sofa ng hospital suite ni Cami. The gap between them spoke of many things, especially the years that they had spent together a part. Maraming nagbago sa kanilang dalawa. They both have led different lives for the past four years and yet, they’re fate are still tangled together through the only one reason that still connects them, their daughter Cameron Kristine."Nang sabihin ko sa 'yo na naiwala ko ang anak natin, I-I was talking about Cami's twin, Jace." Marahang nagpunas ng luha ang dalaga, humikbi. "I-I miscarried just a few days after we arrived in Washington. I was so lonely. I was in a lot of pain. My wind was filled with so many questions. I just regained my memory. I was still reeling from the thought na… n-na si Via na ulit ang pumalit sa pwesto ko sa buhay mo. My heart was full of hurt. And then... one day, I bled and... I-I lost our b-baby." Humagulgol na si Lara tulu
“Cami! Cami!” patuloy na sigaw ni Lara na para bang kapag ginawa niya iyon ay lalabas nang kusa ang anak sa kinaroroonan nito sa malawak na kakahuyan na iyon na kasalukuyang nasusunog.“M-Ma’am, doon po muna tayo sa gilid, nakakaabala tayo sa mga umaapula sa apoy,” pakiusap ni Gil sa amo, hawak-hawak pa rin ng matanda ang bisig nito.Subalit tila walang naririnig si Lara sa mga oras na iyon, ang isip niya ay nasa anak lamang na hindi niya sigurado kung ligtas ba o nasa kapahamakan.“H-hindi ako aalis dito hanggang wala ang a-anak ko, Manong. Kailangan kong hanapin ang anak ko. Kailangan k-kong makita ang anak ko!” muling sigaw ni Lara, tuluyan nang humagulgol.Maya-maya pa, sunod-sunod na nagsidatingan ang mga trak ng bumbero at ambulansiya. Sandaling hinawi ng mga ito ang mga tao na naroon bago sinimulang apulahin ang mga apoy.Noon namataan ni Lara ang pamilyar na pigura, ag kahuli-hulihang taong nais niyang makita subalit… sa mga oras na iyon, ay ang tangi niyang pag-asa.Mabilis n
Hindi mapakali si Lara habang hinihintay ang resulta ng labtest ng kaibigan na si Erin. Pinilit niya itong magpa-check up na upang malaman ang totoong kalagyaan nito. Noong una, panay ang tanggi nito. Erin was insisting that she would just sleep on it, that she was just probably overworked and the nausea was her body's way of telling her to slow dow. Subalit nang muli itong magsuka kahit wala ulit maisuka, si Lara na ang nagdesisyon na dalhin ito sa ospital. Lara is extremely worried for her friend. Wala na kasi itong kasama sa Pilipinas sa ng close relatives nito. Ang kakaisa-isa nitong kapatid ay naninirahan na sa Australia, naroon na rin ang ama ng kaibigan. Erin has been living alone for years. At hindi na magtataka ang dalaga na marahil, ilang beses nang nangyari iyon sa nakalipas na mga taon tuwing nagkakasakit ang kaibigan. And somehow, Lara felt bad just thinking about it. Four years ago, noong hindi pa niya alam ang tunay niyang pagkatao, Eri did everything she could in he
Sandaling natigilan si Jace sa inasal ni Michaela. Never in the years he had known her na umakto ito nang ganoon. At kahit na noon pa man ay alam na ng binata na may iba itong damdamin sa kanya, he’d always act professionally. He had clearly set the boundaries between them. Subalit tila yata hindi pa rin iyon maintindihan ng dalaga.Humikbi si Michaela, humigpit ang kayap kay Jace. Mula nang malaman niya kanina sa mga depositors sa kanilang bangko ang tungkol sa nangyari kaay Jace, wala nang laman ang isip ng dalaga kundi si Jace. Ilang taon na niya itong tinatangi. At sa puntong iyon na labis na nilulukob ng pag-aalala nag dibdib para sa lalaking minamahal, hindi na niya kayang pigilin pa ang kanyang damdamin. Kailangan niya si Jace sa kanyang buhay. At kahit na alam niyang na nasa yumao pa rin nitong asawa ang puso nito, hinding-hindi siya susuko makamit lang ang pagmamahal nito.Umiting ang panga ni Jace, hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga at pilit itong inilayo sa kany