“Wow, could you believe it? After many years, nakabalik siya sa kanila? I wonder what really happened to her?” anang isang bisita ni Ms. Ferrer na noon ay nasa powder room, sinisipat-sipar ang sarili sa salamin.“Kaya nga. I remember that news when she resurfaced four years ago. But her face looked different then, right?” anang isa pa.“Oh yeah, I remember that! Sinundo siya sa presinto and there they had a dramatic reunion. Pero hindi ko maalala ang sinasabi mong iba ang hitsura niya. Oh well, she was not properly introduced to our crowd then,” sabi pa ng isa na noon ay tumigil na sa pagli-lipstick bago bumulong. “Sabi ni Mommy sa akin kanina, the De Guzmans just left quietly four years ago to avoid a scandal.”“A-a scandal? What scandal?”Nagkibit-balikat ang bisita. “I don’t know. I’m not really sure. Pero bagay sila ni Dr. Montano ‘no? They looked great. I must say, magaling pumili si Lara. Kung saan man siyang lugar napadpad noong nawala siya, well she didn’t lose her ability to
“Lara, hija, bakit hindi ka pa natutulog?” ani Carmelita sa apo matapos niya itong matanawan sa may veranda ng mansiyon. Malalalim na ang gabi at kauuwi lang nila mula sa party mag-iisang oras na ang nakakaraan.Nakabihis na ang dalaga ng pantulog. She was ready to sleep subalit pinasya niyang magpahangin muna sa may veranda. Gaya ng nauna nilang pagkikita ni Jace, she was shaken again tonight. Something that doesn’t settle well with her. She knew she has moved on with her life. Patunay sina Keith at Cami sa bagay na iyon. Subalit bakit gano’n, may isa pa ring parte ng kanyang puso ang nasasaktan? Kung para saan at kanino, hindi niya maintindihan.She’s all grown up now. Dapat naiintindihan na niya ang lahat. Kaya lang, tuwing nagkikita sila ni Jace pakiramdam ni Lara, ginugulo nito ang isip niya. Jace is still her confusion. Tila naiwawala niya ang kanyang sarili, kapag nakakaharap niya ito. Tila bumabalik siya sa Lara na matagal na niyang naiwala. Ang Lara na mahirap. Ang Lara na u
Kanina pa pinagmamasdan ni Lara ang anak na natutulog sa kama. Naroon na sa kanilang silid sa resthouse ang mag-ina. At marahil, dahil sapagod sa biyahe, pagkatapos ng pananghalian ay nakatulog agad si Cami.Marahang hinaplos ng dalaga ang pisngi ng anak bago pilit na ngumiti. Naaalala pa niya nang dumating sa kanyang buhay si Cami. She was at the darkest season of her life. But she endured… because she has to. Because of Cami.Cami has always been her direction, her purpose. She knew she will do everything and anything for her daughter’s sake. At ngayong nagugulong muli ang payapa niyang mundo dahil sa pagbabalik nilang mag-ina sa Pilipinas, alam ng dalaga na sa malao’t madali’y magagawa ulit niyang magdesisyon ng tama para sa anak.Nasa ganoong pag-iisip si Lara nang makarinig siya ng katok mula sa pinto. Ilang sandali pa, umingit iyon pabukas at iniluwa ang bulto ni Carmelita.“Hija, gising ka pa pala. Akala ko’y natutulog ka na at nagpapahinga,” anang matandang donya, maingat na h
Latag na ang dilim nang nagpasyang bumalik sa farm si Jace. Mananatili pa sana sa siyudad ng isa pang araw dahil may dokumentong gustong ipakita si Eli sa kanya, subalit tumawag sa kanya si Mang Gener at sinabing hindi raw maibibiyahe ang kanilang mga ani dahil hindi pa tapos sa pagkukumpuni ang nasirang tulay.Sinabihan na niya ang mga tauhan umaga pa lang tumulong na sa pag-aayos ng tulay dahil hindi maaring ma-delay ang biyahe ng mga palay. May nakausap na siyang buyer kaya hindi siya maaring pumaltos sa transaksiyong iyon. Now he’s going home to check kung natapos din ba ang tulay o hindi. Makipot ang daan sa alternate route na siyang tinutumbok ng binata ngayon. Hindi kaya ang kahit na isang 10-wheeler truck na siyang gagamitin ng mga buyer sa pag-pick-up sa mga palay. If one truck cannot fit on that narrow road, paano pa kaya ang tatlong truck na siyang kailangan upang mahakot lahat ng kanilang ani sa farm?The small bridge needs to be reinforced and fixed temporarily. Iyon lang
“Coco, saan ka galing?” tanong ni Lara sa pinsan nang makita ng dalaga na kararating lang nito mula sa kung saan.“Diyan lang, A-Ate, nagpahangin,” anang binata bago dire-diretsong pumasok sa resthouse.Napabuntong-hininga si Lara. “Hindi ka na naman ba sasabay sa agahan, Coco?”“Busog pa ‘ko, Ate. M-mamaya na lang. A-akyat muna ako sa kwarto,” anang binata bago nagtuloy-tuloy sa pag-akyat ng hagdan.Naiwan si Lara sa lanai na nanlulumo. Dalawang araw na sila sa resthouse subalit wala pa ring pagbabago kay Coco. She was hoping that the change in environment would make Coco feel better. Kaya lang, parang mas lalo itong naging balisa.Ang sabi ng mga katiwala ay hindi pa raw pumuputok ang araw ay lumalabas na ito at nagpupunta sa kung saan. Hindi naman nagagawang sundan ng mga katiwala si Coco dahil kapwa abala ang mga ito sa kanilang ginagawa sa bawat araw. Kaya naman muling bumalik ang pag-aalala ni Lara para sa pinsan.Bukas sa pagbabalik niya sa siyudad, isasama na niya ito sa ospit
Hindi agad nakahuma si Lara sa sinabi ni Jace. Her mind was spinning in confusion. Hindi niya lubos akalain na sa ikatlong pagkakataon, muli silang magkikita ni Jace. And out of all places doon pa sa probinsiya and during ang emergency at that!“Lara, are you okay?” pukaw ni Jace sa dalaga maya-maya. She seemed… shocked for lack of better word. Well, gano’n din naman siya. Ang plano niya sana’y sadyain ang resthouse ng mga De Guzman bukas. He wanted to greet Doña Carmelita for old time’s sake. Subalit gaya nang dalawang naunang hindi sinasadyang pagkikita nila ni Lara, mukhang may ibang plano ang tadhana kaysa sa kanya. “Kailangan mo ba ng tulong sa sasakyan mo? Nakita kong bigla kang huminto,” dugtong ni Jace nang manatiling tahimik si Lara, nakatitig lang sa kanya.Pilit na hinamig Lara ang kanyang sarili. Sigurado na siya ngayon, na talagang pinaglalaruan siya ng tadhana. Why does she keep meeting Jace in the most unexpected of places?And why does he look ruggedly handsome now in
The ride back to Hacienda De Guzman was silent but full of tension. Well, at least for Lara, dahil hindi malaman ng dalaga kung paano at saan kakapit habang naka-angkas siya sa motor ni Jace. Idagdag pa na panay ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa muli nilang pagpapalapit ng dating asawa.She’s overwhelmed! Subalit si Jace, parang wala lang dito ang mga nangyayari. Kinakausap pa siya nito nang kaswal tungkol sa kung anu-anong mga bagay. Like she damn cares!“Noong bagyo, natumba ang lumang puno ng acacia at bumalandra sa daan. Halos wala kaming malabasan dito pero nagtulong-tulong ang mga tauhan sa farm at sa hacienda ninyo para matanggal ang puno. That’s what you call working for the common good,” ani Jace, habang pinapaspasan ang pagmamaneho ng motor. Ilang kilometer na lang din ang layo ng gate ng Hacienda De Guzman. Gusto ring magmadali ng binata upang matignan ang kalagayan ni Doña Carmelita. “Mababait ang mga tao dito, sa probinsiya. They have pure heats too. Hindi gaya sa Mayn
“Hija, mukhang kanina ka pa tahimk,” untag ni Doña Carmelita kay Lara na noon ay tahimik na nakatayo sa may veranda sa kadiliman ng gabi.Maayos na nagising si Doña Carmelita kanina nang mawala ang epekto ng gamot. Nag-aalangan man, tinawagan pa rin ni Lara si Doc Tricia upang ibalita ang kalagayan ng abuela. Nagbilin lang ang doktor at sinabing h’wag nang alalahanin ang bayad sa kanya dahil kaibigan naman daw siya ni Jace. Gusto niya sanang ipilit dito na magbabayad siya sa serbisyo nito, subalit mahigpit ang pagtanggi ng doktora. Ang sabi nito mahigpit daw na ibinilin ni Jace na ito na lang ang bahala sa professional f*e ng doktora. Something that doesn’t settle well with Lara.Bakit ito ang magdedesisyon sa bagay na ‘yon? Ano, para masabing may utang na loob siya rito?Napapalatak si Lara, muling pumasok sa silid ng abuela. “May iniisip lang po, Lola,” sagot ng dalaga bago umupo sa gilid ng kama ng matanda. “Buti pa po siguro, lumipat na lang ulit tayo sa Maynila, Lola. Masyadong ma
Napaungol si Erin Jade Villegas or Erin nang tumama ang malakas na buhos ng liwanag sa kanyang mukha nang tangkain niyang magmulat ng mga mata. Hindi niya alam kung anong nangyayari; kung bakit tila may bumabarena sa ulo niya nang magising siya nang umagang iyon. Ang tanging alam ng dalaga ay umaga na at kailangan niyang bumangon. Muling napapikit ng mga maga si Erin, mariing hinawakan na ang nananakit na ulo.That's when she remembered last night.Last night.Well, last night, bumaha ang inumin dahil um-attend siya at ang kanyang mga kasamang empleyado sa launching ng isang brand ng alak. It was a genius move from the owners dahil talagang tinaon nila sa ad congress ang launching ng bagong produkto. She's sure, there's already more than a dozen of free ads for the product circulating now in various platforms. Baka nga pati mga empleyado niya may kanya-kanya na ring‘post’ tungkol sa alak na ‘yon. Which, she must stop.At AdSpark Media, her ad agency, they don’t do free advertising. No
TEASERErin Jade Villegas was done with love. Matapos siyang saktan ng kanyang huling nobyo na si Lucas, nangako siya sa sariling hindi na iibig pang muli. Itinuon niya ang kanyang buong atensyon sa kanyang sarili at sa advertising agency na kanyang naipundar sa tulong ng kanyang mayamang tiyahin na si Aunt Ingrid, ang pinsan ng kanyang namayapang ina.Minsan, binigyan siya ng tiyahin ng isang malaking kliyente, ang mga Dela Fuente. Malapit ang pamilya sa tiyahin ni Erin. Kaya naman ang sabi nito’y kapag maayos niyang naitawid ang transaksiyon sa mga Dela Fuente, bayad na siya sa lahat ng utang niya rito. Handang gawin ni Erin ang lahat, maging maayos lang ang kanyang trabaho. Subalit paano kung tila pinaglalaruan siya ng tadhana dahil ang direkta niyang makakatrabaho ay ang fiancé ng nag-iisang dalaga ng mga Dela Fuente, si Engr. Ezekiel ‘Kiel’ Benavidez, ang half-brother ni Lucas at ang lalaking nakasama niya sa isang gabi ng pagkakamali?Magawa pa kaya ni Erin ang kanyang trabaho
“Cami, careful, sweetheart,” paalala ni Jace sa panganay na noon ay naglalaro sa may pool ng private beach resort na pag-aari ng LDC. Doon ginanap ang binyag ng kanilang bunso na Lara si Gray.“I’m just going back to the water, Daddy. My pink floaties will save me,” sagot ni Cami, bago muling tumalon sa kiddie pool kung saan naroon din si Emie at ang iba pang anak at apo ng mga guests.For the past year, lalong naging malapit ang dalawang bata. And Jace is happy with the progress. Ngumiti si Jace, sandaling pinanood ang paglangoy ng anak gamit ang floaters nito patungo sa iba pang kasama nito sa pool. His little girl is starting to be independent even at just four years old. Mukhang dapat pa niyang hiritan si Lara ng isa pang prinsesa. He’s not done spoiling little princesses just yet.With that in thought, bumalik sa isa sa mga cabana si Jace at pinuntahan sina Lara at Gray. Naabutan niyang tulog si Gray sa kamay ni Lara na noon nakaupo sa rocking chair.Sandaling pinagmasdan ni Jac
“Wake up, sleepy head,” ani Jace kay Lara, masuyong hinagkan ang pisngi ng natutulog na asawa.Lara’s eyes fluttered open and the first thing she saw was Jace’s smiling face. “Goodmorning,” sagot ni Lara, bahagyang ngumuso. Jace chuckled and planted a soft kiss on Lara’s lips. Lara smiled, satisfied. “Anong oras na? I’m still sleepy.”Tumayo na si Jace mula sa kama, muling pinulot ang isang tuwalya at itinuloy ang pagpapatuyo ng buhok. “It’s almost eight, love. Our appointment at the hospital is nine.”“And you already took a bath!” ani Lara, naninikwas ulit ang nguso. “How early did you wake up?”“Before six,” sagot ni Jace, kinindatan ang asawa, bago pigil na ngumiti.Lara chuckled, her heart overdriving. “You’re too excited.”“Can you blame me? I missed everything with Cami. Kaya gusto ko ngayon, sa bawat check-up ninyong dalawa ni baby, kasama ako,” ani Jace.Bumangon na sa kama si Lara. “You’re a great father, Jace even if you missed every single important thing when I was pregna
“Paanong natabig?” nag-aalalang tanong ni Lara sa wedding planner niyang si Elaine.Iyon ang araw ng kasal nila ni Jace sa farm ng mga Lagdameo subalit… there she was, just hours away from her wedding, upang malaman lamang na natabig ng tauhan ni Elaine ang kanila ng wedding cake at bumagsak iyon sa loob ng reception venue.Even just thinking about it now was making her freak out!“Mag-sorry ka! Mag-sorry ka, Girly!” ani Elaine sa kasama nitong tauhan na nakatungo at panay ang singhot.“M-Ma’am p-pasensiya na po kayo. Pinapamadali ko po kasi sa mga kasama ko ‘yong cake table. Hindi ko naman alam na hindi maganda ang pagkaka-ayos ng mga kasama ko sa cake table. Kaya no’ng natabig ko nang kaunti 'yong table, gumalaw tapos hindi nakaya ‘yong bigat ng cake t-tapos… tapos… S-sorry po talaga, Ma’am Lara,” anang tauhan ni Elaine, panay na rin ang punas ng luha nito.Napabuga ng hininga si Lara, tinantiya ang emosyon. Gusto niyang magalit subalit hindi niya magawa. Alam niyang hindi 'yon sinas
“What are you doing here, Lara?” pukaw ni Jace sa asawa nang maabutan ito ng binata sa may veranda ng silid nila sa farm house. Nilapitan ng binata ang asawa at magaang niyakap mula sa likuran nito, musuyong hinaplos ang impis pa nitong tyan. “Hindi ka pa rin ba makatulog dito? Natatakot ka pa rin ba sa mga nangyari?” ani Jace, kinintalan ng magaang halik ang leeg ng asawa.Tatlong araw na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente na gawa ni Michaela. At iyon ang unang gabi na sa farm house ng mga Lagdemeo sila tumuloy na mag-anak imbes na sa rest house ng mga De Guzman.Lara fully rested her back on Jace’s chest, heaving a sigh after. “Medyo. Pero alam ko naman na marami nang nagbabantay sa atin dito. Alam kong wala nang maggugulo pa sa atin,” sagot ni Lara, tumingala sa langit. Napangiti ang dalaga nang makitang puno ng bituin ang langit, nagsasalitaan ang mga iyon sa pagkislap. “I kinda miss you, Jace. You’re always out for the past few days,” ani Lara.It’s true Jace has been g
“What is she doing there? Is she…” Hindi maituloy-tuloy ni Jace ang nais sabihin. He’s more than puzzled as to why Michaela was inside the interrogation room."She lost her job at the bank. Ang sabi, na-scam daw siya at nakadispalko siya nang milyon-milyon sa bangko. Ang sabi niya sa manager niya, paulit-ulit daw niyang sinasabi na mababayaran niya rin naman 'yon lahat kapag pinakasalan mo na siya." Nagsalubong na ang mga kilay ni Jace. "But I never promised her anything! Nang magtapat siya nang nararamdaman niya sa akin, tinapat ko siya na hindi ko kailanman masusuklian ang damdamin niya. I have never given her any false hopes!” Tumango-tango si Carlo. "I believe you. Kaya lang, she's been mentally unstable for weeks now. Ang sabi ng mga magulang niya, matagal na raw na hindi umuuwi sa kanila si Michaela. Kung saan ito tumutuloy, hindi nila alam. Nakausap ko ang mga tauhan ng mga De Guzman sa may aplaya. Ang sabi nila, ilang araw na raw nilang nakikita si Michaela na nagpapalakad-
Ang mahihinang pag-uusap sa kanyang paligid ang tuluyang nagpagising kay Lara. Pagbukas niya ng kanyang mga mata, ang mukha ni Jace ang una niyang nakita.“L-Lara, how are you feeling? Anong masakit sa ‘yo?” magkasunod na tanong ng binata, bakas ang labis na pag-aalala sa tinig.“Y-you’re here? P-paanong—“ Naguguluhang ipinaikot ng dalaga ang kanyang mata sa loob ng silid na kanyang kinaroronan. Everything is white. She’s more more than sure she is in a hospital.“I came as soon as I received the news. Nawalan ka raw ng malay sa bahay after… after you saw your mutilated portrait.”Napasinghap si Lara nang maalala ang mga pangyayari bago siya mawalan ng malay. “S-si Cami? N-nasaan si Cami?” tanong ng dalaga sa paos na tinig.Masuyong hinaplos ni Jace ang pisngi ng asawa. “She is with Manang Lagring. Nasa labas na rin ng ER si Coco, naghihintay ng anumang balita tungkol sa ‘yo. Kasama nila ang ibang security detail natin. You don’t need to worry about anything, love. Pinapaimbestigahan
Maingat na inilapag nina Coco at Lara ang bungkos ng mga bulaklak sa puntod na nasa kanilang harapan. Nasa public cemetery na sila sa San Marcelino. “Nay, tapos na po ang lahat. Nalaman na po ni Ate Lara ang lahat. Nagbabayad na rin po ang lahat ng may kasalanan sa nangyari sa kanya. Nagawa na po namin ni Ate ang nais mo. Pwede ka nang matahimik, Nay,” ani Coco sa pinatatag na tinig.“Salamat, Tiyang,” umpisa ni Lara. “Mula noon hanggang ngayon, ang kapakanan ko ang iniisip ko. H’wag ka nang mag-alala kay Coco, ako nang bahala sa kanya, Tiyang. Sisiguruhin kong matutupad niya ang lahat ng mga pangarap niya,” dugtong pa ni Lara bago bumaling sa puntod ng mag-inang Melissa at Lara Veronica. “Yaya Melissa, salamat dahil hanggang sa kahuli-hulihan, pinili mong iligtas ako. Salamat sa sakripisyo mo, nagawa ko pa ring makabalik sa tunay na pamilya ko.”Pinagmasdan ng dalaga ang pangalan ng mag-inang Melissa at Lara Veronica. Pinapalitan na niya iyon noong huling beses silang nagpunta roon