“Tiyo, bakit ako?” mangiyak-ngiyak na reklamo ni Lara sa tiyuhin na si Berto nang sabihin nito sa kanya na nakapili na raw ng aasawahin ang intsik na amo nito sa grocery store. At ang malas na babae, siya.“O e alangan namang ako? Alam mo naturingan kang gradweyt pero may pagkatanga ka rin minsan. Ikaw lang naman sa atin dito sa bahay ang puwedeng ialay kay Bossing. At saka ayaw mo no’n, tiyak na yayaman tayo, Lara. Kahit hindi ka na magtrabaho, mahihiga ka sa kwarta!” anang tiyuhin, nagsalin ng gin sa baso, humithit muna ng sigariylo bago uminom ng alak. “Matagal ka nang kursunada no’n ni Boss Chino e. ‘Di ba nga palagi kang may regalo sa kanya tuwing Pasko at birthday mo. Seryoso ‘yon sa ‘yo, kaya ‘wag mo nang tanggihan. Minsan na nga lang ako mag-utos sa ‘yo, nagrereklamo ka pa. Parang wala kang utang na loob a,” patuloy pa ni Berto, muling tumungga ng alak.Nakagat ni Lara ang kanyang pang-ibabang labi, yumuko. Noon pa man ay masakit nang magsalita ang kanyang tiyuhin. Asawa ito
“S-Sir… h-hindi ko po maintindihan--”“Fine, let’s get things straight. Hindi ba nasa labas lang ang mapapangasawa mo na hindi mo gusto?” Tumango si Lara. “I am offering you an escape from your current dilemma, Miss…”“Martinez, Sir. Lara Veronica Martinez.” “Well, Miss Martinez, I am offering you an escape. Six months of marriage, no strings attached. Marry me and I’ll solve your problems. How’s that?” ani Jace sa pormal na tinig.Lalong natulala si Lara sa sinabi ng boss.Sa dalawang taon ng dalaga sa LDC ni hindi pa niya ito nakakausap ng harapan. Kaya naa-amuse siya ngayon na kinakasuap siya nito nang harapan lalo pa at inaalok siya ng kasal!Kasal.Madalas ipaalala sa kanya ng kanyang tiyahin na ang kasal ay sagrado at ginagawa lamang nga mga taong lubos na nagmamahalan. Subalit… may iba pa ba siyang pagpipilian ngayon gayong iniipit siya ng kanyang tiyuhin?“Look, it’s just six months. It’s not like your signing your life away with me. It’s just half a year,” muling untag ni
“Siya nga? Halik hija, umupo ka rito sa tabi ko,” ani Doña Cristina ang abuela ni Jace. Agad namang tumalima si Lara, umupo sa gilid ng kama ng matanda. “Nang sabihi ni Jace sa akin na nag-asawa na siya’y hindi ako agad naniwala. Subalit ngayong nandito ka na, sobra talaga akong natutuwa. You are beautiful, hija. Magaling pumili ang aking apo. Inaasahan kong mula sa ‘yo ay magpapatuloy ang lahi ng pamilya Lagdameo.”Alanganing ngumiti si Lara. “Makakaasa po kayo, L-lola,” anang dalaga mabilis na sumulyap kay Jace na nasa kabilang gilid lang ng kama ng matanda.“Mabuti kung gano’n. Si Jace ay nag-iisang apo ko. We have a curse in this family, Lara. Isang anak na lalaki lang sa bawat henerasyon ng Lagdameo ang ipinapanganak. At umaasa akong ikaw ang puputol sa sumpang ‘yon—““Alright, that’s too much information, Lola. Please, h’wag po ninyong takutin si Lara,” masuyong saway ni Jace sa abuela, mabilis na iniba ang usapan. “Nakainom ka na ng gamot mo? Nasaan nga pala si Nurse Mandy? Bak
“Uy, Lara, tawag ka ni boss,” bulong ni Erin kay Lara na mula pa nang dumating sa opisina ay tila hulog sa malalim na pag-iisip.Agad namang napakurap si Lara, mabilis na hinamig ang sarili. “H-ha? Ano ‘yon?”“Ms. Martinez, tinatanong kita kung ano nang progress sa pinagawa ko sa ‘yo noong isang araw?” mataas ang boses na sabi ni Amanda, ang marketing manager nila sa LDC at immediate boss ni Lara. “May progress na ba o tinambak mo na naman sa desk mo?”Sandaling napangiwi si Lara, hindi pa niya tapos ang pinapagawa nitong marketing plan dahil sa marami siyang iniisip. But that doesn’t mean she’s not efficient. Isang linggo ang ibinigay ni Amanda na palugit sa kanya She still has four days to finish it. “I’m half way through it, Ma’am. Pwede po akong mag-overtime mamaya para matapos ko,” pormal na sagot ng dalaga.Umirap si Amanda, noon pa ma’y mainit na ang dugo nito kay Lara dahil mabilis talaga magtrabaho ang dalaga kumpara sa ibang empleyado. Subalit, nangangahulugan din ‘yon na i
Sandaling napatanga si Lara sa sinabi ng babae. Tila sanay na sanay itong mag-utos, gaya rin Jace. At sigurado si Lara na galing din ito sa maalwang pamilya gaya ni Jace.Biglang nanliit si Lara. Hindi niya napigilan sarili na ikumpara sa babae. While Via was a star, she was but juts a speck of dust.“Hey, did you hear me? Bakit nakatanga ka pa riyan? Ang sabi ko, kape. Pronto!” untag ni Via kay Lara, iritado. Nagkumahog naman si Lara na sundin ang utos ng babae at dali-daling nagtungo sa panty.Si Via naman ay umupo sa swivel chair ni Jace, bumusangot. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang pinaghihintay siya lalo na ng mga utusan. She is a prima ballerina. Her time is precious and must not be wasted. Sa totoo lang, she shouldn’t be there yet because her plane from Milan just landed. Kaya lang, may nais siyang malaman agad kay Jace. Nangako ito sa kanya na hihintayin siya nito. That he will always wait for her to achieve her dreams before they get married. Noong umalis siya two years a
“Sir, ito na po ‘yong pinahanda ninyong document na kailangang pag-aralann ni Ms. Martinez. Ako po ba ang magbibigay sa kanya o kayo na?” ani Eli habang nakasunod sa amo na noo’y patungo na sa lift.“Umuwi na ba siya? Did you check?” tanong ni Jace kay Eli habang papasakay sila sa lift. Pasado alas-otso na ng gabi but he just got off from work dahil may inasikaso siyang mahahalagang bagay para sa isang malaking project ng LDC abroad.The project is worth billions of dollars. And he is confident that he would get the project dahil pinag-aralan niya iyon ng husto. Nagbigay siya at ang kanyang team of architects ng designs na hindi lang maganda subalit economical rin. And he cannot to see the shocked face of his Uncle Rey when that project is successfully awarded to LDC under his leadership.Sigurado ang binata na titigil itong muli sa pagkakalat ng mga kasiraan sa kanya upang mapapatalsik siya sa kanyang pwesto.Reymond Lagdameo is his father’s only cousin. Anak ito ng nag-iisang kapati
Namilog agad ang mga mata ni Lara sa sinabi ni Jace, niyakap ang sarili. “S-Sir… w-wala po sa usapan natin ito.”Sandaling nangunot ang noo ni Jace bago nagbuga ng hininga. “Hindi ko alam kung ano ang nasa isip mo ngayon, Ms. Martinez. But whatever is it, scrap it! I am not spending the night with you nor you with me. Ang sabi ko lang, dumito ka habang inaayos ko ang gulo mo. Ang alam ni lola ikaw ang asawa ko. Masyadong magiging kumplikado para sa akin kung may mangyayaring masama sa ‘yo at malaman ni Lola. Do you understand my intention now?” ani Jace, may bahagyang pagsingkit ang mga mata.Kumurap naman si Lara, wala sa sariling tumango. “Ah… okay po Sir, naiintindihan ko na. Akala ko kasi...” Hindi na itinuloy ng dalaga ang sasabihin, alanganing ngumiti, lihim na hiniling na sana lamunin na lang siya muna ng sahig sa sobrang kahihiyan.“You sure? Loud and clear?” ani Jace, diskumpiyado“Y-yes, Sir.”“Good. Now go make yourself comfortable in the couch,” utos ni Jace sa dalaga na a
Kanina pa pabiling-biling sa kanyang higaan si Lara. Malalim na ang gabi subalit tila ayaw siyang dalawin ng antok dahil namamahay siya.Sino ba namang hindi? Napakalaki ng silid na ibinigay sa kanya ni Jace. Pakiramdam ng dalaga ay ang buong silid lang na iyon ay kasinglaki na ng bungalow na kanyang kinalakihan. Kahit nang mag-shower siya kanina’y wala ring papantay sa gara ng banyo. Everywhere she looks inside that house, screamed elegance. Bagay na wala siya habang lumalaki. Kaya naman talagang naninibago si Lara. Idagdag pa na marami rin siyang iniisip. Isa na riyan ang balak niyang pag-uwi sa kanila kinabukasan upang muling kausapin ang kanyang T’yo Berto.Napatihaya sa malawak na higaan ang dalaga. Naghahalo ang kaba at galit sa kanyang dibdib. Alam niya, mahihirapan siyang kumbinsihin ang kanyang tiyuhin na pabayaan na lang siya sa kanyang gusto. But she needs to try. Kahit umiyak siya ng dugo, gagawin niya. Magkaintindihan lamang sila ng tiyuhin.Lumaban ka rin kasi.‘Yan an
“What? Bakit hindi mo sinabi sa akin tuwing magkausap tayo? Ano, nilihim mo na lang? Sinarili mo?” kastigo ni Lara kay Erin nang malaman ang sinapit ng relasyon ng kaibigan kay Lucas.Apparently, Lucas got drunk and had a one-night stand with another woman. The woman got and pregnant. Kaya napilitan itong pakasalan ni Lucas, leaving Erin heartbroken and alone. And what’s worse? It all happened two years ago. At walang kaalam-alam si Lara sa sinapit ng kaibigan. Kaya naman manghang-mangha ang dalaga dahil ngayon lang ‘yon naikwento ng kaibigan sa kanya.Nasa lanai ng mansiyon ang magkaibigan at nag-uusap. Matapos ang pananghalian ay doon dumiretso ang dalawa. Si Cami naman ay kinuha ni Manang Lita at nagprisintang ito ang magpapakain sa bata.“Lara, tapos na ‘yon, okay? At gaya mo rin, naka-move on na ‘ko. Wala na akong pakialam kay Lucas at sa pamilya niya. Sa ngayon, I am happy with my company and my current status as single and ready mingle,” nakangiting sagot ni Erin.“Pero kahit
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Lara habang binabaybay ng kanilang sasakyan ang daan patungo sa airport. Iyon na ang nakatakdang araw ng pagbabalik nila sa Pilipinas. At kahit na pinayagan niya ang pag-uwi nilang iyon, hindi pa maalis ang agam-agam sa dibdib ng dalaga sa gagawin.She knew for herself that she’s totally healed, that she has moved on with her life. Maayos na ang buhay niya ngayon at kuntento na siya sa kung anumang mayroon siya. Subalit, may mga alaala pa ring sumasagi sa kanyang isipan. Mga alaalang kung siya lang ang tatanungin ayaw na niya sanang alalahanin pa.But she knew just how human brain works, the more one resist a memory, the more it surfaces. And Lara knew when she goes back, those unwanted memories she had vowed to forget will haunt her once more.“Mommy, you’re squishing my hand,” reklamo ni Cami na noon ay nasa carseat at hawak ng ina ang kamay.Agad namang natauhan si Lara, binitiwan ang kamay ng anak. “I’m so sorry, sweet pea,” anang dalaga sa anak,
Sandaling natigilan si Lara, hindi inaasahan ang sasabihin ng pinsan. Sa nakalipas na mga taon, pinilit ni Lara na punan ang lahat ng pangangailangan ni Coco hindi lang sa pinansiyal na aspeto kundi na rin ang emosyonal. Kahit si Keith ay tinulungan din siyang pagaanin ang anumang bigat na nasa puso ni Coco. They even took him to a professional therapist to help him process his PTSD. Coco made a lot of progess after that. Subalit, nitong huli, nararamdaman ni Lara na tila may mabigat na pinagdaraanan ang pinsan na ayaw lang nitong sabihin sa kanya.“Coco, bakit? Ayaw mo na ba dito sa akin? May gusto ka bang puntahang ibang lugar? Or gusto mo bang mag-unwind? I know how hard it is to adjust with your college life but—““G-gusto ko nang umuwi, A-Ate,” putol ni Coco kay Lara, muling humikbi bago yumuko. “Nahihirapan ako dito, Ate. Pakiramdam ko, hindi talaga ako bagay dito,” dugtong pa nito sa mababang tinig. “Kaya please, A-Ate, payagan mo na ‘kong umuwi. H-hindi ko na—“ Humikbi Coco bag
“Ilang beses ko na bang sasabihin sa ‘yong hindi na ulit ako babalik sa LDC, Eli. Anong gagawin ‘ko ro’n? Ipapahiya ko lang ang sarili ko kapag bumalik pa ako do’n,” ani Jace sa dating assistant bago naglakad patungo sa kubo na nagsisilbing pahingahan ng kanyang mga tauhan sa bukid.Subalit hindi pa rin natinag si Eli, sinundan nito ang dating boss at muling kinausap. “S-Sir, alam ko pong hindi pa ninyo nakakalimutan ang mga nangyari. Alam ko na walang kapatawaran ang ginawa ni Reymond sa pang-aagaw niya sa inyo sa LDC. Alam ko rin po, na hindi rin lang basta-basta maiaalis sa puso mo ang galit at lungkot na idinulot ng nakaraan. Pero Sir, LDC was your birthright and it’s in the brink of closing forever kapag hindi pa rin kayo bumalik ngayon. Nakakatunog na po ang ibang investors tungkol sa mga anumalya sa kumpanya, and it’s only a matter of time before they pull out their shares. Sa dami po ng obligasyon ng LDC ngayon, the company will surely fold kapag gumawa ng hakbang ang mga inve
Four years later“Papa!” anang tatlong taong gulang na si Cami kay Keitth na noon ay kararating lamang mula sa ospital. Mula sa hagdan ay nagtatakbo ang batang babae patungo sa frontporch ng malaking bahay at sinalubong ang lalaki ng yakap.Halos dalawang araw nang hindi umuwi si Keith dahil tinatapos nito ang training para sa kanyang specialization. May duty siya ulit mamayang gabi but he missed Cami so much that he needs to go home to see his little girl.Agad namang kinaraga ni Keith si Cami at pinupog ng halik ang pisngi ng bata. Hindi naglaon, napuno ng halakhak ni Cami ang buong bahay ng mga De Guzman.“Oh Keith, nandito ka na pala, hijo,” ani Doña Carmelita na noon ay naglalakad papasok sa french door ng bahay mula sa garden. Kasunod nito ang nurse nitong si Alma.“Yes, Lola. Miss na miss ko na kasi si Cami. At saka nangako ako sa kanya na dito ako magbe-breakfast ngayon kaya pinilit ko talagang pumunta,” paliwanag ni Keith, muling pinatakan ng magaang halik ang ulo ng bata.
Kanina pa naroon sa investigation room si Jace at hinihintay ang pagbabalik ni Atty. Marquez. Humiling ang binata sa mga pulis na bigyan siya ng isang pribadong lugar upang muling makausap ang kaniyang abogado. At ang investigation room ang ibinigay sa kanya ng mga ito.Hindi naglaon, bumukas na ang pinto ng silid. Agad namang bumaling sa direksyon niyon si Jace at bahagyang ngumiti nang makita ang bulto roon ni Attorney Marquez.“Attorney, salamat at pinaunlakan mo ang—“ Nabitin sa ere ang sana’y mga sasabihin ni Jace nang makitang hindi nag-iisa ang abogado. Nakasunod dito ang isang taong kahuli-hulihan niyang gustong makita, si Reymond. “What is he doing here?!” sabi agad ni Jace, tinuro ang tiyuhin.He balled his fists as he rein in his emotions.“Jace, hijo, please calm down,” anang abogado sa malumanay na tinig. “Ang sabi niya ay gusto ka niya munang makausap bago mo pirmahan ang kasunduan.”Napatayo na ang binata, lalong nagtagis ang mga bagang bago bumaling sa tiyuhin. “Wha
Kuyom ang mga kamay ni Jace habang nakaupo siya sa selda na siyang pinagdalhan sa kanya ng mga pulis na humuli sa kanya kanina. He was alone in the cell yet he had never felt more suffocated in his entire life. Ang apat na sulok ng selda iyon ang nagpapatunay kung anong klaseng pagkalugmok ang inihanda ng tadhana para sa kanya.He lost his grandmother and LDC. Lara is still missing. Now, will he lose his freedom too? He used to have everything and yet…Pilit na nilunok ng binata ang bikig sa kanyang lalamunan. Just thinking about the past, the things he had lost, makes his chest felt heavy. Hanggang ngayon na naroon na siya sa piitang ‘yon, hindi pa rin makapaniwala si Jace na sunod-sunod niyang naiwala ang mga importanteng bagay at tao sa kanyang buhay. He used to think he has everything. He used to have a great life. Hence, he was arrogant and ruthless, thinking all the things he had will always be with him. At ngayon, naiwala na niyang lahat ng ‘yon.Totoo nga ang sabi nila. May h
“Hija, handa ka na ba?” ani Doña Carmelita kay Lara na noon ay nasa silid na nito sa mansiyon at nag-aayos pa rin ng mga dadalhing gamit para sa kanikang flight papuntang Washington.Bumalik sa pagtira sa mansiyon ang mag-lola dalawang araw na ang nakararaan. Dahil para kay Carmelita, ngayong nakabalik na ang apo, dapat lamang na doon sila muling tumira bilang tanda ng pag-aalala sa kanilang mga yumao sa buhay. Subalit hindi rin naman magtatagal ‘yon dahil aalis din sila. But they will take the important things with them. “Tapos na po akong mag-empake, Lola. I’m just checking kung wala na po akong nakalimutan,” anang dalaga, inilagay ang isang lumang stuff toy sa kanyang bag.“Dadalhin mo ‘yan?” tanong ng matanda, pumasok na sa silid ng apo bago pinulot ang stuff toy.“Naisip ko lang po, na matagal na walang kasama si Mr. Boogie dito sa kwarto ko, Lola. Nakakunsensiya kapag iniwan ko siya ulit ngayon,” anang dalaga, nangingiti. Ang stuff toy na ‘yon ang welcome gift ni Carmelita sa
Pinagsalikop ni Via ang kanyang nanginginig na mga kamay habang naroon siya sa loob ng investigation room. Ang sabi ng pulis na humuli sa kanya, hintayin raw niya ang pagdating ni Lt. Alejandro. Ito raw ang magtatanong sa kanya tungkol sa kanyang kaso.Kaso.Nagtagis ang mga bagangn ng dalaga nag bumaba ang kanyang mata sa mga kamay niyang nakaposas. Bakit siya ang ikukulong? Wala naman siyang kasalanan. That bitch deserved to die. Inaagaw nito si Jace sa kanya.Tumalim ang mata ni Via nang maalala si Larissa or Delia or whatever her damn name is. The girl fake! She did everyone a favor! Lalo na si Doña Carmelita.That old woman would’ve been living with a fake until now kung hindi niya idinispatsa si Delia. Everyone should be thanking her. She killed the fake Larissa. Hindi na ito makakapanloko pa. At lalong wala na ito sa landas nila ni Jace.Ngumiti ang dalaga nang maalala ang dating nobyo. Now that fake Larissa is out of the picture, wala nang hadlang sa pagbabalikan nila ni Jace