"Are you in Italy right now, Mirah? Hindi ka na kasi nagagawi rito sa bahay. The last time you called I was busy so I wasn't able to talk to you over the phone, pero nagbilin ka raw kay Bonny?" It was Arthur who's on the other line. Kahapon pa ito tumatawag sa kaniya pero ngayon lang siya nagkaroon ng oras para sagutin iyon. "Ah, oo. I'm sorry kung hindi na ako nakakauwi riyan. Nasa Pilipinas lang din ako actually pero may inaasikasong importante. Dadalaw ako this week kung walang biglaang errands," ani Mirah dahil medyo guilty na rin siya na matapos siyang tanggapin sa bahay ng mga ito nang nangangailangan siya ay basta na lang siyang aalis. Arthur chuckled. "Ayos lang, ano ka ba? Unahin mo iyang mga kailangang tapusin. Alam ko naman kung gaano ka ka-busy na tao. Kaya ko pa rin namang i-handle iyong mga kailangang asikasuhin sa site. Tumatawag din naman ang Papa mo para mangamusta sa progress," he explained. Sa dami ng kaniyang iniisip, halos makalimutan na niyang mayroon silang
Bago umuwi si Almirah mula sa site ay naisip niya munang dumaan sa mall para bumili ng pasalubong niya sa kaniyang mag-ama. Dahil nalaman niyang mahilig sa sweets ang anak ay sa isang café siya dumiretso para bumili. The wind chimes echoed inside when she entered. Wala namang gaanong tao kaya naisip niya na mabilis lang siyang makakaalis. Kahit na tanghali pa lang ay gusto na kaagad niyang makauwi. "Good day, Ma'am! May I take your order?" Malapad ang ngiting tanong sa kaniya ng isang babaeng nasa counter. She looked up to see what dessert they offer. Ilang sandali rin niyang in-scan ang menu bago niya sinabi ang kaniyang order. Chocolate lava cake, white chocolate raspberry cake, tiramisu layer cake at cinnamon crumb cake ang kaniyang in-order bago siya naghanap muna ng upuan habang hinihintay ang mga iyon. Habang nakaupo sa pangdalawahang table, she took that time to send the pictures she'd taken earlier to her father. After sending the pictures, ibinaba niya sandali ang kaniy
"Manang, pakiakyat po muna si Almiah sa kaniyang silid," bilin ni Almirah sa kasambahay na nagbabantay sa kanilang anak pagkatapos niya itong lapitan at mahalikan sa noo. "Who's outside, Mommy, and why is she shouting?" inosenteng tanong ng kaniyang anak. Almirah caressed her daughter's hair before shaking her head. "Let Mommy and Daddy handle it baby, okay? Just go to your room with Manang and we'll be there in a while," bilin niya sa anak na kahit nalilito man ay tumango na lang. Nang nawala na sa paningin niya ang kaniyang anak ay saka lamang siya nagpasyang lumabas para daluhan si Lazarus na nauna na sa kaniya sa paglabas para awatin sa panggugulo si Dessa. "Why can't you just love me back, huh? Okay lang sa akin ang may kahati basta ambunan mo lang din ako ng pagmamahal mo," the girl desperately said as she was kneeling down in front of him. Iyon kaagad ang naabutan niya nang nakalabas siya sa mansion. "Dessa, how many times do I have to tell you that I don't have any feeli
Hindi na mabilang ni Lazarus kung nakailang hilamos na siya ng palad sa mukha sa araw na iyon dahil sa kunsomisyon. Katatapos niya nga lang kay Dessa kanina, pero ngayon ay ang kaniyang Ina naman at isinama pa talaga nito si Ariella. "Ako na ang makikipag-usap kay Mama, just go upstairs and look after our daughter. I'm really sorry for all of this," bulong nito kay Almirah habang nakapatong ang magkabila niyang palad sa bewang nito. His back was turned against the two uninvited visitors but he could almost feel their heavy stares at them. "Sigurado ka?" Nag-aalalang tanong ni Almirah. Hindi man siya kumportable sa presensiya ng dalawa, pakiramdam niya ay importanteng naroon siya habang nag-uusap sila. Lazarus kissed her cheek as he whispered on her ear once again. "U-huh, I can fix this, I promise."Sa huli ay napabuntonghininga na lamang si Almirah bago tumango bilang pagsuko. Dahan-dahan siyang umatras para makaakyat na sa silid kung nasaan ang kanilang anak. Habang nasa hagdan
They both slept well that night. Walang mapagsidlan ang tuwang nararamdaman ni Lazarus dahil paulit-ulit na umalingawngaw sa kaniyang isip ang lahat ng sinabi ni Almirah sa kaniya nang nakaraang gabi. "Good morning..." malapad ang ngiting bati niya kay Almirah kinabukasan. Kanina pa talaga siya gising pero hindi siya bumangon dahil wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang pagmasdan si Almirah habang mahimbing itong natutulog sa kaniyang bisig. To hear her confess her love for him is a dream come true for Lazarus dahil sa wakas ay hindi na lang siya hanggang panaginip. "Hmm..." It was the only response Almirah could give to him, mas isiniksik pa nito ang kaniyang sarili sa mga braso at dibdib ni Lazarus. Masyado siyang kumportable sa pagkakayakap dito na hindi na niya namalayang tumataas na ang sikat ng araw sa labas. Kahit pa makapal ang mga kurtinang tumatabing sa kanilang silid, alam ni Almirah na kailangan na nilang bumangon para simulan ang kanilang araw. "We need to ge
Base sa narinig ni Almirah mula kay Dessa, ang Ina ni Lazarus ang dahilan kung bakit siya nawalay nang matagal sa kaniyang anak. Ayaw niyang maniwala ngunit hindi malayo ang posibilidad na iyon lalo pa at gan'on na lamang a ng galit nito sa kaniya. Ang tanging tanong na lamang ni Almirah ngayon ay kung siya nga ay dahilan kung bakit napaniwala siyang namatay ang anak niya noon, paano nito nalaman na buntis siya gayong hindi niya naman sinabi iyon sa kahit na kanino? Maging kay Lazarus noon ay hindi niya iyon sinabi, maging sa mga magulang niya ay hindi rin kaya hindi pa rin niya tuluyang magawang paniwalaan ang sinabi sa kaniya ni Dessa. Hindi niya rin alam kung paano siya nakabawi sa gulat at iba pang emosyon matapos ng usapang iyon. Ang alam niya lang ay nakakapanghina at hindi pa rin kapani-paniwala ang lahat. Kahit hindi maganda ang relasyon nila ni Mrs. Montreal, ayaw pa ring tanggapin ng isip niya ang gan'ong posibilidad. She wants to deny the fact that she might be the mas
Palubog na ang araw nang nakauwi si Almirah. Sunod-sunod din ang tawag at text sa kaniya ni Lazarus nang sa wakas ay mabuksan niya ang kaniyang telepono. Hindi muna siya umuwi nang manggaling siya kanina sa bahay ng mga magulang ni Lazarus dahil natatakot siya na baka sa mag-ama niya maibaling ang kaniyang emosyon, she didn't want that to happen so she told her driver to driver her at a nearest shore. Nagpalipas siya ng ilang oras doon to reflect on what she said and did. Wala siyang anumang pinagsisisihan doon. Sinabi niya lang ang laman ng kaniyang puso, ang mga hinanakit na ilang taon niya ring kinimkim. Bakas din ang pag-iyak sa kaniyang mga mata ngunit wala siyang magagawa dahil kapag hinintay niya pa iyong mawala, baka pa mas hanapin siya ni Lazarus o ng anak nila. "Si Lazarus po?" iyon ang kaagad niyang tanong sa isang kasambahay nang may nakasalubong siya pagkauwi.The house help looked at her with pure worry in her eyes. Siguro ngayon ay napansin na nito na kagagaling niy
"Absent ka na nga nang absent sa opisina mo, balak mo pang mag-extend sa bakasyon?" Kinurot ni Almirah ang kaniyang tagiliran habang nasa kusina ito ng kaniyang bahay sa Isla kung saan sila nagbabakasyon ngayon. "Ano namang problema?" Depensa naman ni Lazarus. "Gusto ko na ngang mag-resign pero naaawa lang ako kay Lev at Papa. Kapag ginawa ko 'yon, siyempre mahihirapan silang mag-adjust," dagdag pa nito. Isinandal ni Almirah ang kaniyang likod sa sink, sa tabi ni Lazarus kung saan niya inihahanda ang lahat ng gagamitin sa pagluluto ng kanilang hapunan. She crossed her arms as he asked him a follow-up question. "E bakit kasi naiisip mong mag-resign?" Umarko ang isa niyang kilay habang nakatingin dito. Pansamantalang tumigil naman si Lazarus para bigyang kasagutan ang tanong niya. "Simply because I want to finally settle in life. I have enough money now to afford a married life, and since I have that already... gusto ko namang magkaroon ng sapat na oras para gampanan ang magiging pa