Palubog na ang araw nang nakauwi si Almirah. Sunod-sunod din ang tawag at text sa kaniya ni Lazarus nang sa wakas ay mabuksan niya ang kaniyang telepono. Hindi muna siya umuwi nang manggaling siya kanina sa bahay ng mga magulang ni Lazarus dahil natatakot siya na baka sa mag-ama niya maibaling ang kaniyang emosyon, she didn't want that to happen so she told her driver to driver her at a nearest shore. Nagpalipas siya ng ilang oras doon to reflect on what she said and did. Wala siyang anumang pinagsisisihan doon. Sinabi niya lang ang laman ng kaniyang puso, ang mga hinanakit na ilang taon niya ring kinimkim. Bakas din ang pag-iyak sa kaniyang mga mata ngunit wala siyang magagawa dahil kapag hinintay niya pa iyong mawala, baka pa mas hanapin siya ni Lazarus o ng anak nila. "Si Lazarus po?" iyon ang kaagad niyang tanong sa isang kasambahay nang may nakasalubong siya pagkauwi.The house help looked at her with pure worry in her eyes. Siguro ngayon ay napansin na nito na kagagaling niy
"Absent ka na nga nang absent sa opisina mo, balak mo pang mag-extend sa bakasyon?" Kinurot ni Almirah ang kaniyang tagiliran habang nasa kusina ito ng kaniyang bahay sa Isla kung saan sila nagbabakasyon ngayon. "Ano namang problema?" Depensa naman ni Lazarus. "Gusto ko na ngang mag-resign pero naaawa lang ako kay Lev at Papa. Kapag ginawa ko 'yon, siyempre mahihirapan silang mag-adjust," dagdag pa nito. Isinandal ni Almirah ang kaniyang likod sa sink, sa tabi ni Lazarus kung saan niya inihahanda ang lahat ng gagamitin sa pagluluto ng kanilang hapunan. She crossed her arms as he asked him a follow-up question. "E bakit kasi naiisip mong mag-resign?" Umarko ang isa niyang kilay habang nakatingin dito. Pansamantalang tumigil naman si Lazarus para bigyang kasagutan ang tanong niya. "Simply because I want to finally settle in life. I have enough money now to afford a married life, and since I have that already... gusto ko namang magkaroon ng sapat na oras para gampanan ang magiging pa
"Bakit parang gumagwapo ka ngayon?" Wala sa sariling tanong ni Almirah isang araw na namamahinga sila sa gazebo na nasa hardin ng kanilang mansion. Nakaunan ang ulo ni Almirah sa tiyan ni Lazarus at hinahaplos naman ng huli ang kaniyang buhok. "Tss. Iyan ka na naman sa mga pa-ganiyan mo. Kapag pinatulan ko 'yan mamaya may masabi ka na naman, o baka maasar ka tapos sa sofa mo na naman ako patulugin," natatawang ani Lazarus. Hindi naman kasi iyon ang unang beses niya iyong sinabi sa loob ng isang linggo. Simula nang makabalik sila mula sa Isla ay palagi na lang siya nitong pinupuri, inaasar, o pinanggigigilan. "Totoo naman kasi!" Pagsusungit kaagad nito. Humaba pa ang nguso na para bang may kung anong hindi nagustuhan sa sinabi ni Lazarus. Natatawang yumuko si Lazarus para sana bigyan ng halik sa labi si Almirah ngunit iniwas nito ang kaniyang mukha. "Parang hindi pa naniniwala e nagsasabi naman ako ng totoo..." bulong nito habang hindi pa rin maipinta ang mukha."Kaya nga... bakit
"Ang sakit ng tiyan ko, Lazarus... parang manganganak na yata ako..." Bakas sa mukha ni Almirah ang sakit na kaniyang nararamdaman habang panay ang hinga nito nang malalim. She tried sitting on the bed but everytime she moves, lalo lamang niyang nararamdaman ang kirot kaya hinayaan niya ang kaniyang sarili na mahiga na lamang sa kama. Sa bawat pagpatak ng segundo ay mas bumibilis ang pintig ng kaniyang puso. Malamig sa buong silid ngunit unti-unting namumuo ang pawis sa kaniyang katawan. She clutched on the bedsheets to gather some strength and courage to fight the burning pain she's feeling. Sa nakalipas na buwan ay naging maayos naman ang lahat. Naging normal lang naman ang kaniyang pagbubuntis at walang gaanong kumplikasyon. Ang tanging payo lamang ng Doktor sa kaniya ay iwasan niya ang stress, matulog sa tamang oras at kumain ng mga masusutansiyang pagkain. "W-What?" Gulat na sambit ni Lazarus nang magising ito mula sa pagkakaidlip. Nanlalaki ang mga nito ay bakas ang pagkaka
"Sure ka na ba talaga sa desisyon mong isasama mo ako sa opisina mo? Confident ka talaga na wala akong makikita roon, huh?" Pang-aasar ni Almirah kay Lazarus nang paalis na si ang huli para sa pagpasok sa opisina nito.As much as he wants her to go with him, hindi pa puwede sa ngayon dahil gusto niyang tutukan ang pag-aalaga kay Migo gayong hindi pa nakababalik ang mga mag-aalaga rito. She wants to be hands on in gaming care of their son, especially that he's just growing so fast. Gusto niyang sulitin ang pag-aalaga rito ngayong bata pa ito. "Of course. Takot ko na lang sa'yo kapag may nahanap ka nga roon. Kaya nga rin kita gustong isama sana para matigil ka na sa kaaasar mo sa akin," nakangising ani Lazarus habang inaayos naman ni Almirah ang kaniyang necktie. "Malelate ka na kung hindi ka pa aalis ngayon. Hindi ba ay may meeting ka pa?" sa huli ay nasabi na lamang ni Almirah dahil baka makumbinsi pa siya ni Lazarus na sumama sa kaniya. "Okay, okay... take care of yourself and th
Maagang umalis ng bahay si Lazarus sa araw na iyon para personal na puntahan ang kaniyang mga magulang sa bahay ng mga ito para sa nalalapit na kasal nila ni Almirah. Tatlong araw na lang kasi ay magaganap na ang pinakahihintay niyang kasal nila. In his mind, he's overjoyed and overwhelmed thinking that they would finally tie the knot after a very long time. Ang kaniyang ama ang naabutan niya roon, pero gusto niya ring kausapin ang kaniyang Ina tungkol sa ilang mga mahahalagang bagay kaya hinintay niya itong makabalik dahil nag-shopping daw ito kasama na naman ni Ariella. Habang naghihintay ay naisip nilang mag-ama na uminom muna sa mini bar ng mansion ng kaniyang mga magulang. Doon ay napag-usapan nila ang iilang bagay tungkol sa kaniyang Ina. "Luckily, Almirah did not do anything after that call. Alam ko kung gaano kahaba ng pasensiya ng asawa ko pero kapag ipinagpatuloy nila ang ganoong gawain nila at naisip niyang kumprontahin si Ariella at Mama, wala akong gagawin para pigilan
It was the biggest day for Almirah and Lazarus.Their wedding day has finally came, at minuto na lamang ang hinihintay ni Lazarus para legal niyang matawag si Almirah bilang kaniyang asawa. He waited for that very moment to happen. He dreamt, prayed, cried, and bled for that to happen at ngayong mangyayari na ay walang mapagsidlan ang sayang kaniyang nararamdaman. "Wala pa nga pero naiiyak ka na? Paano pa kaya kapag naglalakad na papunta sa'yo? Edi pumalahaw ka na ng iyak niyan?" It was his brother Leviticus who spoke beside him. Siya kasi ang groomsmen nito kaya ngayon ay nakukuha pang mang-asar sa kapatid. "I don't care on whatever you say, Lev. Kahit bumaha pa rito dahil sa pag-iyak ko, wala akong pakialam," aniya nang hindi inaalis ang kaniyang mga mata sa malaking pinto ng simbahan na napalilibutan ng iba't ibang makukulay na mga bulaklak. Natawa na lamang si Leviticus sa sinabi ng kaniyang kapatid. Tinapik niya rin ito sa likod bilang pagpapakita ng suporta rito. He was just
It's been a week since their wedding but for Lazarus, it felt like everything just happened yesterday. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasal na sila kahit na matagal niya namang inabangan iyon noon. They went to Singapore, Paris, Amsterdam, Greece, and New Zealand for their honeymoon. Mas maraming bansa pa sana kung hindi lang iniisip ni Almirah ang kanilang mga anak, lalo na si Migo. He's just so young to travel at gawa ng pag-aalala ay kinumbinsi ni Almirah si Lazarus na tama na muna ang mga bansang kanilang nabisita sa ngayon. Kaya naman sa araw na iyon ay nasa kanilang bahay lamang sila upang sulitin ang natitirang araw ng bakasyon ni Almiah dahil kapag may pasok na ulit ito ay halos aligaga na naman ang lahat. Nakahiga si Lazarus sa damuhan, nakatuko ang kaniyang siko para kahit paano ay makita pa rin ang mga anak na naglalaro sa kanilang malayong harap. Ang isang kamay niya ay nakapatong sa nakatuping hita ni Almirah. Habang ang huli naman ay nakaupo sa k
Almirah is married to a future mafia boss. Isang katotohanang hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mapaniwalaan. Nang akalain niyang higit na nang nagpakasal siya sa isang mayaman, maimpluwensiya, at kilalang businessman, hindi pa pala dahil may mas hihigit pa roon. "At least we can relate to each other with that, right? Parehong may naghihintay na mabigat na responsibilidad," natatawang ani Almirah habang naglalakad palapit sa isang wall kung saan nakasabit ang iba't ibang klase ng baril at katana. "I won't mind having that big of a responsibility as long as I have you and the kids by my side," sagot naman ni Lazarus. "Gan'on din naman ako. Dahil hindi na rin naman natin ito matatakasan, mas mabuting gawin na lang natin ang lahat ng makakaya natin para protektahan ang mga mahal natin sa buhay," Almirah said as she extended her arm to reach for one of the pistols on the wall. "That's a pistol, Glock 19... that's what it's called," Lazarus explained to his wife. Nakatalikod ito sa
When Almirah thought she knew her husband very well, napatunayan niya lang sa mga oras na nakapasok siya sa sikretong silid na iyon sa ilalim ng mansion nito na hindi pa pala. Matapos niyang makita ang kabuuan ng isang malawak na silid na iyon ay wala na siyang ibang naging reaksyon kung hindi ang pagkagulat. "Why are there so many firearms here?" Tanong niya sa wakas nang nagkaroon siya ng lakas para magsalita pagkatapos ng matagal na katahimikan dahil sa pagmamasid sa buong silid. Ni hindi niya matapunan ng tingin ang kaniyang asawa dahil abala pa rin siya sa paninitig sa iba't ibang armas na nakikita roon. Habang naghihintay ng sagot mula kay Lazarus ay hindi niya maiwasang pasadahan ng hagod ang bawat armas na nakikita niya roon. All those firearms, the katanas, and any other tools for combat…"I have this room… because I'm just like you," ani Lazarus dahilan para makuha niya ang buong atensiyon ni Almirah. When she looked at her husband, bakas sa mukha nito na hindi niya maint
"You're extra touchy today, huh? Siguro may nagawa kang kasalanan kaya ka ganiyan?" Nahihiwagaang paratang ni Almirah kay Lazarus habang nakayakap ito sa kaniya mula sa likuran. Kanina niya pa napapansin na sa tuwing nakakakuha ito ng pagkakataon para mahawakan siya ay wala itong pinalalampas. Hindi niya lang pinupuna dahil inoobserbahan niya pa, pero ngayong nakumpirma na ay saka lang isasaboses ang kanina pa niya napapansin sa asawa. "Bawal na ba akong maglambing ngayon?" anito bago mas isiniksik pa ang kaniyang sarili sa pagitan ng leeg at balikat ni Almirah. Nasa terasa sila ngayon ng kanilang silid, tanaw ang malawak na lupain sa harap ng mansion ni Lazarus, payapa ang paligid at tanging sariwang hangin lamang ang nanunuot sa kanilang pang-amoy. "That's not what I meant," si Almirah habang sinusubukang kalasin ang kamay ng kaniyang asawa sa kaniyang bewang, ngunit sa bawat kalas na ginagawa niya ay mas humihigpit lamang ang pagyakap nito sa kaniya. "Masyado lang kita na-miss
"You've got to be kidding me, Almirah. Isn't he the one who bought the artifact? The one that you're having transaction with?" Tanong ng kaniyang boss nang nakabawi ito mula sa mahabang katahimikan. "Yes, that's him," sagot niya, ngunit tipid lamang. "Then that means that you can give me that artifact sooner, right? Because he's your husband?" There was a glimpse of joy in his voice. "We haven't talked about that yet, but if you really want that artifact to be yours, please expect that my husband will have his conditions," she said as a matter of fact. When it comes to these things, Lazarus always comes with his own terms. "Whatever term that is, as long as that artifact will be mine soon," aniya dahilan para lalo siyang magtaka kung bakit gan'on na lamang nito kagusto na mapasakamay ang bagay na iyon. "What's with that artifact that you would do everything just so you could have it? Does it have magic or something?" Hindi na niya napigilan ang sarili sa pagtatanong. Sa halip n
"Papa..." Kabadong sinambit ni Almirah ang iisang salitang iyon nang sagutin nito ang tawag ng kaniyang ama. Isang araw pa lang simula nang nakabalik siya mula sa kanilang bahay ay palagi na itong tumatawag sa kaniya. Alam niya naman ang dahilan pero mas pinili niyang bumawi muna sa kaniyang mga anak kaya ngayon niya lang mapapaunlakang kausapin. "How are you doing there, my love?" Tanong nito kahit pa alam niyang atat na atat na itong kausapin siya tungkol sa desisyon nito. Marahil ay nakarating na ito sa kaniyang ama dahil ipinarating na ito ng mga tauhan na pagmamay-ari ng organisasyon. "I'm fine, Papa..." aniya habang pinapanood ang kaniyang mga anak na nanonood ng pambatang palabas sa silid nilang mag-asawa. Her father let out a deep sigh before he continued on the reason why he called his daughter. "Are you really sure about the decision you made, hija? You know by doing that, you've gotten them involved in our world," anito kagaya lamang ng inaasahan niyang sasabihin nito
"Sigurado ka na ba talagang uuwi ka na?" Tanong ni Arthur kay Almirah habang nasa hardin ang mga ito para sa isang mahalagang pag-uusap. Bukas kasi ang napag-usapan nilang pag-alis nito sa bahay ni Arthur para makabalik ito sa kanilang bahay. She misses her kids so much so she's looking forward to it, but still can't help but feel sad as she'd have to leave the house which has been part of her life for years now. She requested for just the two of them to have a conversation about her decision kaya nasa kaniyang silid si Lazarus ngayon dahil iyon sa kaniyang hiling kahit pa gusto rin sana nitong malaman kung ano ang pag-uusapan nila. "I can't just hide like this forever, Art. He wants to get involved at ilang beses ko mang itanggi, hindi ko rin siya matatakasan," aniya dahil iyon naman ang totoo. She tried to for so many times, but her she is again, failing. Kaya buo na ang desisyon niyang pagkatiwalaan ang kaniyang asawa na kaya nitong ibigay ang kaligtasan sa kanilang mga anak la
"Mabuti naman at naisip mong lumabas kahit sandali lang sa kwarto ng asawa mo?" Nakangising tanong ni Arthur kay Lazarus nang magpang-abot ang mga ito sa kusina. He was rummaging through the fridge when Arthur saw him kaya kinailangan niya pang pumihit para maharap ito nang marinig niya itong nagsalita. "I'm gonna cook us breakfast," simple niyang sinabi habang nilalapag ang mga nakuhang pagkain sa fridge. Arthur let out a soft chuckle. "Kung makakalkal ka sa fridge ko, parang bahay mo 'to, a?" Napailing-iling pa ito habang naglalakad palapit sa isang highchair. "Forward me your bank account at babayaran ko sa'yo kung magkano 'to lahat," ani Lazarus nang hindi siya binabalingan. Nagpatuloy ito sa pag-aayos ng mga gagamitin para sa pagluluto ng kanilang agahan. Arthur shook his head more. Nagbibiro lang naman siya at masyadong seryoso ang kaniyang kausap. "Hindi na kailangan," sabi rin naman nito kalaunan. "Almirah is like a sister to me, at dahil asawa ka niya, it's fine for me
When Lazarus woke up, mahimbing pa rin ang tulog ni Almirah kaya hindi rin muna siya gumalaw. He just stared at his peacefully sleeping wife. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nitong tumatabing sa kaniyang mukha para mas malinaw niyang makita ang mukha nito. She looks so innocent, kaya lalo siyang nasasaktan kapag naiisip niyang ang dami nitong pinagdadaanang hindi niya alam. Kahit hindi naman nito sabihin sa kaniya, alam niyang marami itong iniisip at marami ring nakadagang responsibilidad sa dibdib nito. Dahan-dahan niyang hinaplos ang malambot nitong mukha at habang nakatitig siya rito ay hindi niya maiwasang maisip ang mga desisyong nagawa niya noon. "Are you sure you want this position, son?" His father asked. Pareho silang nasa opisina nito noon habang pinag-uusapan ang paglipat sa posisyon nito sa kaniya. "I trust in you, but you don't have to do this just because you're pressured. Kaya ko pa namang gampanan ang pagiging CEO ng kompanyang ito kaya ayos lang kung gagawin m
Madaling araw nang maalimpungatan si Almirah. Kumpara sa pakiramdam niya kahapon ay mas mabuti na ang ngayon. Nakakagalaw na rin siya nang mas maayos ngayon at nang nakaupo na sa kama ay namataan niya si Lazarus na nasa sofa, kaharap ng kama kung saan siya nakahiga. Gising pa rin ito habang seryosong nakatingin sa kaniyang laptop na tila ba may kung anong pinapanood o binabasa. His fist was on his chin making him look more serious on what he was doing, ngunit nang nakita ang paggalaw ni Almirah ay kaagad nitong isinantabi ang kaniyang laptop bago ito lumapit sa kaniya. "How are you feeling now?" Baka pa rin ang pag-aalala sa mukha at boses nito nang lumuhod ito sa gilid ng kama. Mabilis na dumapo ang likod ng kaniyang kamay sa noo ni Almirah para damhin kung mainit pa ba ito o mas bumuti na. He let out a sigh of relief when he felt that her body is now warm, not hot as last night. Parang may kung anong mabigat na bagay ang naalis sa kaniyang dibdib. "Hindi ka pa natutulog 'no?" S