Hello po! I don't know how many times I said thanks to all of you for reading this story po, but I won't ever get tired of doing so. It is overwhelming to see how fast the numbers are reaching high and I hope to know how would we rate this story po. Any ratings would be so much appreciated po. Muli, salamat po sa pagbabasa!
It was the biggest day for Almirah and Lazarus.Their wedding day has finally came, at minuto na lamang ang hinihintay ni Lazarus para legal niyang matawag si Almirah bilang kaniyang asawa. He waited for that very moment to happen. He dreamt, prayed, cried, and bled for that to happen at ngayong mangyayari na ay walang mapagsidlan ang sayang kaniyang nararamdaman. "Wala pa nga pero naiiyak ka na? Paano pa kaya kapag naglalakad na papunta sa'yo? Edi pumalahaw ka na ng iyak niyan?" It was his brother Leviticus who spoke beside him. Siya kasi ang groomsmen nito kaya ngayon ay nakukuha pang mang-asar sa kapatid. "I don't care on whatever you say, Lev. Kahit bumaha pa rito dahil sa pag-iyak ko, wala akong pakialam," aniya nang hindi inaalis ang kaniyang mga mata sa malaking pinto ng simbahan na napalilibutan ng iba't ibang makukulay na mga bulaklak. Natawa na lamang si Leviticus sa sinabi ng kaniyang kapatid. Tinapik niya rin ito sa likod bilang pagpapakita ng suporta rito. He was just
It's been a week since their wedding but for Lazarus, it felt like everything just happened yesterday. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasal na sila kahit na matagal niya namang inabangan iyon noon. They went to Singapore, Paris, Amsterdam, Greece, and New Zealand for their honeymoon. Mas maraming bansa pa sana kung hindi lang iniisip ni Almirah ang kanilang mga anak, lalo na si Migo. He's just so young to travel at gawa ng pag-aalala ay kinumbinsi ni Almirah si Lazarus na tama na muna ang mga bansang kanilang nabisita sa ngayon. Kaya naman sa araw na iyon ay nasa kanilang bahay lamang sila upang sulitin ang natitirang araw ng bakasyon ni Almiah dahil kapag may pasok na ulit ito ay halos aligaga na naman ang lahat. Nakahiga si Lazarus sa damuhan, nakatuko ang kaniyang siko para kahit paano ay makita pa rin ang mga anak na naglalaro sa kanilang malayong harap. Ang isang kamay niya ay nakapatong sa nakatuping hita ni Almirah. Habang ang huli naman ay nakaupo sa k
"Manang, nakita niyo ho ba si Almirah?" Tanong ni Lazarus nang nagising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog kinabukasan. Wala na kasi ang kaniyang asawa sa tabi nito kanina at sinubukan niya na ring hanapin sa silid ng kanilang mga anak ngunit ang mga anak lamang na mahimbing na natutulog ang kaniyang naabutan. Hinanap niya na rin sa iba't ibang sulok ng mansion ngunit hindi niya talaga ito makita. "Hindi ko naman po nakita, Sir. Wala po ba sa silid ng mga bata?" Balik tanong sa kaniya ng matandang kasambahay. "Wala," tipid niyang sagot habang iginagala ang paningin sa buong paligid. "E, sa hardin po, Sir? O kaya natawagan niyo ho ba? Baka naman po lumabas dahil may binili o ano?" Suhestiyon pa nito ngunit nagawa niya na itong tawagan pero naiwan naman nito ang kaniyang telepono.Ang kasambahay na rin ang huli niyang puwedeng mapagtatanungan sa buong bahay ngunit dahil hindi rin nito alam ang kinaroroonan ni Almirah ay wala na siyang ibang pagpipilian pa. There's no way he woul
Nakatitig lamang si Lazarus sa kawalan habang nasa kanilang silid. Ilang araw na ang lumipas simula nang umalis si Almirah at ilang araw na rin siyang parang walang buhay. Kung hindi lang dahil sa kanilang mga anak ay baka mas piliin niya na lang na magkulong sa apat na sulok ng kanilang silid. He was aware that she's up to something kaya ito umalis at hindi na muna hanapin dahil maaari lamang makaapekto ito sa kaniyang ginagawa pero hindi pa rin maiwasan ni Lazarus na hindi ito hanapin. Minsan, hindi niya alam kung masyado lang ba siyang nag-iisip ng kung ano-ano pero pakiramdam niya ay nasa paligid lang si Almirah. He just could feel her presence anywhere he goes. Dahil sa kaniyang mga narinig nang may huling tumawag sa telepono nito ay nakaramdam siya ng kaguluhan sa isip ngunit pilit niya na lang ding iniintindi iyon alang-alang kay Almirah at sa kaligtasan nito. Hindi niya rin alam kung kailan ito babalik ngunit ang hiling niya lang naman sa mga oras na iyon ay sana mas maaga
When Almirah entered the powder room, Lazarus did not waste any time to follow her inside. Walang pag-aalinlangan siyang pumasok doon habang dalawa sa mga tauhan niya ang nagbabantay sa labas. Sinenyasan niya ang nga ito na huwag magpapapasok ng kung sino habang nasa loob sila bago niya isinarado ang pinto. Sinigurado niya rin munang wala ng ibang tao sa loob, then he made sure it's locked before he breathed deep as he waited for Almirah to be out of the cubicle she was in. He waited patiently, and after a couple of minutes, she came out from third cubicle. May kung ano itong hinahanap sa kaniyang purse kaya hindi siya nito kaagad na nakita. Hinayaan siya ni Lazarus hanggang sa nag-angat ito ng tingin sa salamin. He just stood there waiting for their eyes to finally meet, and when it does... there were just to many emotions in her eyes for Lazarus to determine. Ilang sandali ring nakaawang lamang ang bibig ni Almirah habang nakatingin sa kaniya na tila ba pinoproseso pa nang mabuti
"Are you sure with this, Miss? Baka naman puwede pang pakiusapan si Mr. Montreal sa mga kondisyon niya?" Tanong ni Bonny nang nakasakay na sila sa sasakyan para makauwi na. Almirah sighed to show Bonny na nahihirapan siya sa desisyong ginawa niya kahit ang totoo ay halos magbunyi siya dahil sa tuwa. His offer means she could be with her husband and their kids kaya bakit niya iyon pagsisisihan? "Hayaan mo na, Bonny. Importante ang artifact na iyon sa kataas-taasan kaya kailangan nating magsakripisyo. Isa pa, hindi na magbabago ang isip n'on," aniya at muling bumuntonghininga. Kunot noong napalingon sa kaniya si Bonny. "Paano mo nalaman, Miss?" Takhang tanong nito. Nakagat na lamang na Almirah ang kaniyang dila nang natantong masyado siyang nakakapagsabi ng kung ano-ano at kung hindi pa titigil ay baka mahalata na. "I just know. The way he talks firmly earlier, kapansin-pansin namang pinal na ang desisyon niyang iyon," aniya upang isalba ang sarili. Nagkatinginan na lang silang da
Their first transaction was "successful". Nakailang beses nang tanong sa kaniya si Bonny kung ayos lang siya at kung ginawa bang masama sa kaniya pero panay lang din naman ang iling niya.Almirah knew that no one should know about everything that happened inside that room. Kung paano siya inangkin nang paulit-ulit ng kaniyang asawa at kung paano siya nagmakaawa na tama na dahil hindi na niya kaya. "I did not press the button on this watch, Bonny, so that means I'm okay... alright? Stop worrying about me too much," nakangiting aniya kay Bonny para matigil na ito sa katatanong sa kaniya. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Bonny bago siya nito binalingan. "You can't blame me, Miss. Siyempre kapag napahamak ka at para ko na ring pinatay ang sarili ko. Your safety is my lifeline kaya hindi puwedeng may kung anong mangyari sa'yo," he reasoned. Napatango na lamang si Almirah. Siguro ay iyon ang bilin ng kaniyang ama rito. They all know how dangerous her father could be ka
"Excuse me, Miss? Ano'ng kailangan mo?" It was Bonny who interrupted when Almirah didn't utter any word as a reply to Ariella's inquiry earlier and she was still under shock. Hindi niya pa alam kung paano ipoproseso ng kaniyang utak ang lahat ng nangyayari. "Uh, it's okay, Bonny... I know her," pigil niya kay Bonny na akmang haharang na sa harap niya. Nalilito siyang binalingan nito bago bumalik ang tingin kay Ariella na mukhang naalarma rin sa ginawa ni Bonny. Hindi na kasi siya nagsama pa ng mga bantay kanina dahil ayaw niyang makakuha pa ng atensiyon mula sa ibang tao. Ayaw pa sanang pumayag ni Bonny ngunit dahil pinakiusapan niya ito ay napapayag din naman sa huli. "Mag-uusap lang kami sandali," anito habang nakatingin kay Ariella na nangungusap ang mga matang nakatingin din sa kaniya. Bonny's jaw clenched as if he wants to disagree on what she just said. Nag-aalala lang ito para sa kaniya ngunit dahil iyon ang hiling ay isang malalim na buntonghininga na lamang ang kaniyang