Share

Kabanata 18

Their life was back to normal when they got back to the Philippines.

Naiiwan siya sa bahay samantalang si Lazarus naman ay pumapasok sa opisina lalo pa at maraming mga gawaing naghihintay sa kaniya roon kahit pa dalawang araw lang naman siyang nawala.

"Manang, ano po bang paboritong ulam ni Lazarus?" Tanong niya sa kasambahay nang maisip niyang sorpresahin ito. Nagbilin kasi ito na late siyang makakauwi mamaya dahil sa workload sa opisina na kailangang habulin bago ang deadline.

Napangiti muna ang matanda bago ito sumagot sa tanong ni Almirah. "Wala naman talagang paborito iyong si Senyorito, Mirah. Kahit anong ulam naman ang ihain mo sa lamesa ay kakainin ng batang iyon," nakangiti nitong sinabi.

Lihim siyang napangiti. "Magugustuhan niya po kaya kapag sinigang at kare-kare?"

"Ay oo naman, hija. Matutuwa iyon kapag nalaman niyang nilutuan mo siya ng pagkain!" Anang mayordoma sa tonong nasasabik. Wala pa man pero tila ba nakikita na nito ang magiging reaksyon ni Lazarus kapag naka
imishee

Maraming salamat po sa mga patuloy na nagbabasa sa istoryang ito! Malapit na po tayo sa exciting part! 🫶

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status