KINAHAPUNAN gaya ng napag-usapan nila ni Vinnie ay hinintay niya ang dalaga sa parking lot. Sa Friday pa naman ang simula ng rehearsal nila para sa dulang Noli Me Tangere kaya pwede pa nilang dalawin si Hara ng magkasama.
Napangiti pa siya nang maalala ang naging usapan nilang apat nang ikuwento niya sa mga ito sa unang pagkakataon si Vinnie. Ang nag-iisang babaeng nagpaligalig ng puso niya.
“Sinabi niya iyon? Na hindi siya kumportable sayo?” parang hindi makapaniwalang bulalas ni Dave.
“Mukha ka sigurong manyak sa paningin niya pare!” ani Lemuel saka tumawa ng mahina. Nasa loob sila noon ng kanilang classroom at kasalukuyang hinihintay ang kanilang guro.
“Anong manyak? Mahiyain lang talaga siya, saka hindi ko alam baka kung anu-anong pinagsasabi sa kanya ng madaldal kong kapatid” hindi niya maiwasan ang ma-amused ng husto kay Vinnie lalo at sa kabila ng pagiging mahiyain ng dalaga ay nagawa nitong amining hindi ito kumportable sa kanya.
“Sa tingin ko nararamdaman niyang gusto mo siya,” ani Raphael.
Natahimik siya doon. Totoo naman ang sinabi ng kaibigan niya, gusto niya si Vinnie. Pero hindi niya alam kung paano ito didiskartehan.
“Isa pa, huwag ka kasing obvious, alam mo ng mahiyain baka mamaya panay ang banat mo ng cheesy lines sa kanya. Lalong maiilang 'yun and worst baka hindi ka na lapitan” paalala pa ni Raphael.
Nasa ganoong ayos siya nang marinig ang isang pamilyar na tinig kaya nag-angat siya ng tingin.
“Tinawagan ako ni Tita Carmela, ang sabi niya gusto mo raw akong makausap?” si Irene na nang makalapit ay awtomatikong pumulupot sa kanya na tila sawa.
Nagsalubong ang mga kilay niya saka naiiling na inalis ang kamay ng dalaga na nakayakap sa katawan niya. “Stop, hindi ko gusto ang ginagawa mo,” aniyang ang tinutukoy ay ang paghalik-halik nito sa kaniyang mukha.
Tumawa ito ng mahina. “Bakit, hindi mo ba kayang sabihin ng harapan na gusto mong makipagbalikan sa 'kin?” puno ng kumpiyansa ang tinig nito.
“Irene, please?” nagtitimpi niyang sabi. At totoong nakadagdag sa inis niya ay ang ginawang pakekealam ng kaniyang ina.
“Ano ka ba naman JV ginagawa ko na nga ang lahat ikaw pa itong matigas!” inis nang sabi sa kanya ng dalaga pagkuwan sa may kataasang tinig.
Napapikit siya nang mapunang nakatawag ng pansin sa ibang naroroon ang pagtataas ng tinig ni Irene. “Hinaan mo naman ang boses mo please?”
Noon ngumiti si Irene saka siya muling niyakap. “Can't we give it a try?” anito sa nagsusumamong tinig.
Isang malalim na buntong hininga ang hinugot at pinakawalan niya.
“We can be friends,” ang sa halip ay sinabi niya.
Dahil doon ay nanlilisik ang mga siyang tiningala ng dating nobya. Sa totoo lang parang ibig niyang matawa sa pagbabago ng moods nito.
“No! Alam mong mahal kita di ba?”
“Tama na Irene, this is going nowhere. At isa pa, tigilan mo na ang pag-e-eskandalo nakakahiya,” pakiusap pa niya sa mababang tinig.
“Akala mo ba mapapasuko mo ako? Makakarating ito sa Tita,” humihingal sa galit nitong sabi.
Napailing siya saka namataan si Vinnie sa di kalayuan.
Kunot ang noo namang nilingon ni Irene ang tinitingnan niya. “So, ipinagpalit mo ako sa isang cheap-nerd?” anitong nakakaloko pang tumawa.
Mabilis na nilamon pagkapikon ang dibdib niya dahil doon.
“Ano bang sinasabi mo? Bestfriend siya ni Hara, huwag mo siyang insultuhin okay? Dahil hindi mo siya kilala!” galit niyang sabi.
Tumaas ang kilay ni Irene. “Really? Siguraduhin mo lang, dahil baka hindi kayanin ng babaeng iyan ang pwede kong gawin sa kanya!” nagbabanta pang sabi ng dalaga.
Sa narinig ay hindi na niya nagawang pigilin ang galit na naramdaman.
“Listen, insultuhin mo na ako at hiyain sa harap ng maraming tao. Pero huwag na huwag kang magkakamali na gawan ng masama si Vinnie. Ibang usapan na kapag siya ang kinanti mo.”
“Hindi ako natatakot sayo! Kaya mas maganda huwag mong iwawala sa paningin mo ang babaeng iyan” pagkasabi niyon ay nanlilisik ang mga mata siya nitong tinalikuran.
Noon naman malalaki ang mga hakbang niyang nilapitan si Vinnie.
“Hello,” aniya sa dalaga.
Ngumiti ito. “Nag-away kayo ng girlfriend mo? Sige sundan mo na siya baka lalong magalit iyon pag pinabayaan mo.”
Magkakasunod siyang napailing. “Si Irene iyon, saka hindi ko na siya girlfriend, hindi na kasi kami magkasundo,” pagsasabi niya ng totoo.
“Ganoon ba? Maganda pa naman siya, bagay kayo,” anitong matapos sundan ng tingin si Irene ay saka siya tiningala.
“Oo maganda siya, pero di ba para kay Crisostomo Ibarra si Maria Clara lang ang pinakamaganda?” hindi niya napigilang sabihin.
Nagsalubong ang mga kilay ni Vinnie. “Huh?”
Maluwang siyang napangiti. “I mean, para sakin ikaw ang pinakamaganda.”
Mabilis na namula ang mukha ni Vinnie dahil sa sinabi niyang iyon. Naku-cute-an siya sa ugaling iyon ng dalaga.
Sa paniniwala kasi niya ang isang babae kapag tinatalaban sa compliment ng isang lalaki, nag-ba-blush. At masaya siya dahil ganoon si Vinnie.
Kahit papaano naman siguro may chance?
“Pa'no, tara na?”
Sandaling natigilan si Vinnie saka tinitigan ang kotse niya.
“Di ba nalalagyan naman ng bubong iyan? May pipindutin ka lang?” ang mga mata ng dalaga, walang muwang na tumitig sa kanya.
Natawa siya ng malakas dahil doon. “O sige ilalagay natin ang bubong. And I think kailangan ko ng i-practice iyon simula ngayon” aniyang tuwang-tuwang pinakatitigan ang magandang mukha ng kaharap.
Sa totoo lang habang tumatagal parang mas nagugustuhan na niya itong kasama. At ang pakiramdam na parang kumpleto siya sa simpleng pagtatama lang ng kanilang mga mata. Hindi niya kayang ipaliwanag.
“MAG-seatbelt ka ah?” paalala sa kanya ni JV nang pareho na silang nasa loob ng kotse nito.
Nahihiya niyang nginitian ang binata. “Ah,” sandali siyang nangapa saka kalaunan ay naisipang aminin nalang ang totoo. “h-hindi ako marunong, paano ba? Sorry wala kasi kaming kotse.”
Nakita niyang nangingislap ang mga matang napangiti sa sinabi niyang iyon ang binata. “Okay” anito. “ako nalang, huwag kang malikot,” saka nito maingat na inilagay ang seatbelt.
Ilang segundo lang iyon kung tutuusin. Pero pakiramdam niya iyon na ang pinakamatagal na five seconds ng buhay niya.
Hindi siya kumilos, ayaw niyang gumawa ng anumang pagkakamali dahil alam niyang masyadong malapit ang kamay ni JV sa kaniya habang ikinakabit nito ang seatbelt.
“T-Thanks,” nahihiya niyang sabi saka ngumiti matapos ay pinakawalan ang lahat ng hiningang pinigil niya.
Nakangiti lang itong tumango saka na binuhay ang makina ng sasakyan.
“Marami akong alam na pwedeng ituro sayo, all you have to do is ask,” pabiro nitong sabi sabay kindat.
Hindi niya alam kung paano mag-re-react sa sinabing iyon ng binata. Iyon kasi ang unang pagkakataong sumama siya sa isang lalaki maliban sa kuya at tatay niya. Hindi rin naman niya maintindihan ang sarili kung paanong nagawa ni JV ang paayunin siya sa gusto nito.
Parang noong Foundation Ball, marami ang gwapong nagyaya ng sayaw sa kanya na tinanggihan niya. Pero nang si JV na ang lumapit sa kanya, bakit parang nawalan siya nang lakas na magsabi nang hindi?
Dahil sa kabila ng hiyang nararamdaman niya, iniabot parin niya ang kamay sa binata. At nang maramdaman niya ang init ng palad nito para siyang nag-time travel. Feeling niya siya si Cinderella na isinasayaw ng waltz ng kanyang prince. Iyon nga lang talagang hindi niya nagawang tingnan ito sa mata. Kaya nanatili nalang siyang nakayuko habang nagsasayaw sila. Naniniwala siyang gentleman si JV at iyon ang nakikita niyang dahilan kung bakit nagawa niyang sumama dito ngayon. May tiwala siya sa binata at nararamdaman niyang safe siya kapa
PAGLABAS nila ng private room ni Hara ay noon niya natanawang parating sina Carmela at Jovic. Nakita niyang kay Vinnie agad napako ang paningin ng dalawa lalo na ang Mama niya na sinuyod pa ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa. Mabilis niyang naramdaman ang inis para sa ina. Lalo na nang mapuna niyang nahihiyang nagyuko ng ulo si Vinnie na bahagya pang sumiksik sa tabi niya. Sa huling ginawing iyon n
MEDYO maaga ang labas niya noon kaya nag-decide siya na huwag ng hintayin si JV at mauna na sa Guildhall. Iyon ang ikapitong araw ng kanilang rehearsal. After ng practice nila ay diretso naman siya sa training niya kay JV. Wala namang kaso sa parents niya ang tungkol doon dahil naipaalam naman niya ng maayos sa mga ito ang tungkol sa play.Ilang araw narin mula nang una siyang isama ng binata sa bahay ng
“SIGE action.” Ang eksenang pina-practice nila nang araw na iyon ay ang Suyuan sa Asotea. “Crisostomo,” aniyang tumayo sa kinauupuang silya
NAKAHINGA siya ng maluwag nang itigil ni JV ang ginagawa. Pero siya, nanatili paring nakatitig sa binata. May ilang sandali rin silang nanatili sa ganoong ayos. Ang dibdib niya abnormal parin ang tibok. At lalong sumidhi iyon nang makita niyang umangat ang isang kamay ni JV saka masuyong humaplos sa kanyang pisngi.
NATAWA ng mahina doon si JV. “Effortless talaga ang mga paglalambing mo ano?” aniyang hinaplos -haplos ang pisngi ng dalaga.“Naglalambing ba? Hindi naman
“OH kumain ka ng marami ah, alam ko di kapa naghahapunan,” si JV na hindi magkandaugaga sa pagaasikaso sa kanya nang kumakain na sila.Naging busy na kasi noon si Hara sa mga bisita nito kaya si JV at ang tatlo pa nitong mga kaibigan at pati narin si Louise na nobya ni Raphael ang kasama niya.
“TARA, papakilala kita sa nanay at tatay ko” aniya habang kinakalas ng binata ang suot niyang seatbelt. Dahil medyo ginabi ay napilit siya ni JV na ihatid sa kanila.Nakangiti siyang tinitigan ng binata dahil sa sinabi niyang iyon. At dahil ilang pulgada lang ang layo ng mukha nito sa kanya ay para siyang naestatwa nang malanghap ang napakabang
NATAPOS ang kantapero nagpatuloy siya sa tahimik na pag-iyak. Ilang sandali pagkatapos ay sinimulan ni Raphael na tuyuin ang kanyang mukha. Dahil doon ay nagkaroon siya ng chance na titigan ng husto ang maiitim na mata ng binata. Sa ganda ng mga iyon, mahihiya ang buwan at mga bituin sa madilim na kalangitan.“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat” ang binata na masuyong hinaplos ang kanyang mukha. Suminghot s
MALUGOD naman iyong tinanggap ng kanyang Daddy. “Ganoon rin ako, halika na sa loob sasamahan kita sa kwarto ni Louise” ani Ralph na nagpatiuna papasok sa loob na sinundan naman ni Arthur at maging ni Hilde.Ilang sandali lang at muli silang naiwan ni Dave. “Pagkatapos nito, wala ka ng ibang dapat gawin kundi asikasuhin ang kundisyon mo. Masaya ako para sayo” naramdaman niya sa tinig ng kaibigan ang sinabi nito.Ngumiti siya. “Salamat&rdq
SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise. Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch. Kahit alam niyang ikatlong palapag ng CEDE Building ang silid nina Raphael
SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise.Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch
BASANG-BASA ang mukha niya matapos marinig ang kwento ng binata.“Sinabi ba niya kung bakit niya kami iniwan?”Noon hinawakan ni Raphael ang baba niya saka iniharap rito. &ldqu
NAPABUNGISNGIS doon ang binata.Tumayo ito saka inabot ang kanyang kamay, pagkatapos ay inikot siya ng parang sa sayaw na waltz. Natagpuan niya ang sariling yakap ng kanyang nobyo mula sa kanyang likuran. “Paano yan, ang sabi nila wala daw forever?” napasinghap siya nang maramdaman ang init ng hininga ng binata sa kanyang punong tainga.“M-Meron! Kas
“R-RAPHAEL?”nang mapagsino ang bultong nakatayo sa may pintuan palabas ng veranda ay parang binihusan ng malamig na tubig si Louise kaya mabilis na nawala ang kanyang antok. “k-kararating mo l-lang?” bahagya pa siyang pinanginigan ng tinig nang mapunang humahakbang ang binata palapit sa kanya.
“LET’S dance?” isang oras mula nang dumating sila sa party ni Maia ay noon siya niyayang magsayaw ni Raphael. “H-Ha?” kanina lang niya sinagot ang binata kaya malamang iyon ang dahilan kung bakit parang nakakaramdam parin siya ng kaba ngayon.“Come, ayokong matapos ang gabing ito
“IBIBIGAY ko sa kanya ang pinaka-magandang debut party na kaya kong ibigay.Siyempre ako ang first dance ng aking prinsesa. Darating ang time, ma-i-in love din siya. Ang pangarap ko lang sana makakita siya ng lalakeng magmamahal sa kanya ng kagaya ng pagmamahal ko sayo” nang manatili siyang tahimik ay nagpatuloy ang binata kaya muli niya itong nilingon. Sa pagkakataong iyon ay mas ramdam na niya ang kakaibang atmosphere sa loob ng sasakyan, dahilan kaya bigla parang nagsikip ang loob ng Camaro na minamaneho ng binata.