Share

KABANATA 7

Author: Jessica Adams
last update Last Updated: 2020-09-14 11:14:15

Dahil sa kabila ng hiyang nararamdaman niya, iniabot parin niya ang kamay sa binata. At nang maramdaman niya ang init ng palad nito para siyang nag-time travel. Feeling niya siya si Cinderella na isinasayaw ng waltz ng kanyang prince. Iyon nga lang talagang hindi niya nagawang tingnan ito sa mata. Kaya nanatili nalang siyang nakayuko habang nagsasayaw sila.

Naniniwala siyang gentleman si JV at iyon ang nakikita niyang dahilan kung bakit nagawa niyang sumama dito ngayon. May tiwala siya sa binata at nararamdaman niyang safe siya kapag nasa tabi niya ito.

“Ilang taon ka na ulit Miss L?” nagulat pa siya nang marinig ang tanong na iyon.

“Sixteen, mag-se-seventeen na actually” aniya saka ito sandaling sinulyapan at pagkatapos ay ibinalik ang paningin sa suot niyang bead bracelet na madalas niyang paglaruan kapag tensyonado siya.

“Kinakabahan ka ano?”

Nang lingunin niya ang binata ay nakita niyang nakangiti itong sumulyap sa bracelet niya at pagkatapos ay sa kanya. “H-Ha?”

Tumawa si JV. “Huwag kang mag-alala hindi kita re-rape-in

“A-Alam ko naman yun, saka alam ko ring hindi mo ako type” huli na para bawiin iyon.

“At sinong nagsabi sayong hindi kita type?” pagkasabi niyon ay nilingon siya nito saka hinagod ng tingin ang kanyang mukha.

Magkakasunod ang ginawa niyang paglunok. Gusto niyang magsalita at bigyang katwiran ang sarili pero minabuti niyang tumahimik nalang.

“Sa tingin mo pag-aaksayahan kita ng panahon kung hindi ka special sakin?”

“A-Ako special sayo?” hindi makapaniwala niyang naisatinig.

Ayaw niyang isiping si JV ang tipo ng lalaking mahilig magpasakay ng babae sa kabila ng pagkakaroon nito ng imaheng playboy sa SJU. Lalo at bata pa siya, gusto niyang isiping katulad ito ng inaasahan niya. Ni Lloyd na kuya niya.

“Hindi kita binobola Miss L, pero kung para sayo mahirap paniwalaan ang sinasabi ko, I understand.”

Parang gusto niyang pagalitan ang sarili nang marinig ang lungkot sa tinig ng binata. At nang sulyapan niya ito at magtama ang kanilang mga mata, nabasa niyang nagsasabi ito ng totoo. Kaya lang hindi niya alam kung dapat siyang magpadala doon, lalo na at ang isang kagaya niya, imposibleng magustuhan ng binata sa ganoon kadaling panahon.

At isa pa kapag inalagaan niya ang feelings na mayroon siya ngayon para dito, sigurado siyang mauuwi sa mas malalim na damdamin ang simpleng crush niya para sa binata. Alam niyang hindi siya ang tipo ng babaeng seseryosohin nito. Ibig sabihin, masasaktan lang siya.

“Siya nga pala, pumayag si Joey na ako nalang ang mag-train sayo” bahagya siyang nagtaka sa nahimigang katuwaan sa tinig ni JV pero sa kalaunan ay minabuti niyang huwag nalang iyong bigyan ng kulay. Kahit pa sa puso niya ay hindi niya napigilan ang panunuot ng masarap na kilig.

“T-Talaga?” ang tanging naisatinig niya

Tumango ng magkakasunod ang binata. “Yup! Sa tingin mo? Sa anong oras ka magiging komportable?”

“Para sa practice nating dalawa?” paglilinaw niya.

Tumango lang ulit ang binata.

Sandali siyang tumahimik saka nag-isip. “P-Pwede siguro after class tapos pag nag-start na ang rehearsals natin magiging after rehearsals na. Para sana diretsong uwi na ako pagkatapos ng practice natin. Okay lang ba iyon?” aniyang nilingon ang binata.

“Sige, walang problema. Let's start tomorrow, sa tingin mo? Saka okay lang ba sayo kung sa amin natin gawin ang training mo?” anitong kinukuha ang opinyon niya.

Muli niyang nilingon si JV. At nang magtama ang mga mata nila ay naramdaman niya ang kakaibang kapanatagan ng loob na hindi pa niya naramdaman kahit kanino.

“O-O sige” aniyang sinang-ayunan ang gusto nito. “mga ilang araw mo pala ako tuturuan?” pagkuwan ay dugtong niya.

Nagkibit ng balikat ang binata saka siya sandaling sinulyapan bago ibinalik ang tingin sa daan. “Maybe a week? Depende kung gaano ka kabilis matuto. Hayaan mo, hindi ko nakakalimutan iyong promise ko. magiging gentleman ako sayo,” anito sa isang tinig na may katiyakan.

Naniniwala ako sayo, hindi ko alam kung bakit pero lahat nalang ng sabihin mo nararamdaman kong totoo.

SAKAY na sila ng elevator ay nanatili siyang tahimik.

Silang dalawa lang noon ng binata at nasa fourth floor pa ng gusali ng ospital ang kwarto ni Hara nang biglang mamatay ang ilaw sa loob ng elevator. Napatili siya at saka mahigpit na humawak sa braso ni JV.

“B-Bakit namatay ang i-ilaw?” nanginginig ang tinig niyang tanong.

Takot siya sa dilim, iyon ang dahilan kung bakit madalas kapag natutulog siya ay bukas ang lamp shade sa kwarto niya. Pero hindi pa man siya nakakabawi sa pagkabigla nang bigla namang umalog ang elevator, mas malakas ang pinakawalan niyang tili dahil doon kasabay ng pagkawala niya ng balanse.

Dahil sa kawalan ng ibang makakapitan ay yumakap siya ng mahigpit kay JV. Nanginginig ang buong katawan niya sa takot nang mga oras na iyon.

Subalit nang maramdaman niyang humapit sa baywang niya ang kamay ni JV ay marahas siyang napasinghap, kasabay ang masarap na kilabot na nanulay sa kanyang katawan.

“Relax. Baka nagka-problema lang,” noon nagkaroon ng liwanag dahil sa iPhone na hawak ng binata. Saka palang niya nakita ang matamis na ngiti sa mga labi nito.

Ilang pulgada lang ang distansya ng mukha nito sa kanya. Napakabango ng hininga nito na parang pakpak ng ibon na humahaplos-haplos sa kanyang mukha.

Ramdam niya ang matigas nitong dibdib na tela lang ang tanging pagitan sa kanya.

Ngayon palang parang hindi na siya makakilos, paano pa kaya kung? Mabilis niyang iwinala sa isipan ang eksenang pumasok sa malikot niyang imahinasyon.

At ang kamay nito sa baywang niya, bakit parang napaka-gentle parin niyon kahit mahigpit naman kung tutuusin ang pagkakahapit doon?

Namumula ang mukha niyang minabuting ilayo ang sarili sa binata. “S-Sorry.”

“Okay lang,” noon naman saktong nagbukas ang ilaw ng elevator. “sa tingin ko kailangan na nilang ipaayos ang isang ito,” anitong tumawa pa ng mahina.

“Anong ipapaayos?” ang naisatinig niya nang palabas na sila at naglalakad na sa lobby ng ospital.

“Iyong elevator, nabuking tuloy ang secret mo,” anitong nangingiti siyang sinulyapan habang nakapamulsang naglalakad. “takot ka pala sa dilim huh! Paano nalang pag gabi? At higit sa lahat, pag nag-honeymoon pala tayo, dapat lights on?” hindi napigilan ni JV ang matawa sa sinabing iyon.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil doon. At sa halip na mainis ay kinilig pa siya ng lihim sa sinabing honeymoon ng binata.

“Tumigil ka nga! Anong honeymoon? Ikaw ah!” nangingiti narin niyang sabi.

“Bakit imposible ba iyon eh babae ka, lalake ako. Ibig sabihin pwede tayong magka-develop-an,” ngiting-ngiti nitong sabi saka umiiling na tumingin sa kisame. “Kapag ganoon, huwag kang magpapanic. May cellphone ka naman na pwede mong gawing ilaw di ba? Eh sa takot mo kanina hindi mo na nga naisip iyon. Basta ka nalang yumakap sakin,” anitong nanunukso pa siyang sinulyapan.

  Sa totoo lang ang sarap mong yakapin. And masarap kang yumakap.

“Hayaan mo tatandaan ko iyan, and by the way sa'tin lang iyon okay?” maluwang na siyang napangiti noon dahil sa pagkakahawa niya sa nakikitang katuwaan sa mukha ng binata.

“Alin iyong takot ka sa dilim o iyong yakapang nangyari?” taas ang dalawang kilay siya nitong nginitian.

Nag-init ng husto ang mukha niya. “P-Pareho!” sagot niyang pabiro pa itong inirapan pagkuwan.

Related chapters

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 8

    PAGLABAS nila ng private room ni Hara ay noon niya natanawang parating sina Carmela at Jovic. Nakita niyang kay Vinnie agad napako ang paningin ng dalawa lalo na ang Mama niya na sinuyod pa ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa. Mabilis niyang naramdaman ang inis para sa ina. Lalo na nang mapuna niyang nahihiyang nagyuko ng ulo si Vinnie na bahagya pang sumiksik sa tabi niya. Sa huling ginawing iyon n

    Last Updated : 2020-09-14
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 9

    MEDYO maaga ang labas niya noon kaya nag-decide siya na huwag ng hintayin si JV at mauna na sa Guildhall. Iyon ang ikapitong araw ng kanilang rehearsal. After ng practice nila ay diretso naman siya sa training niya kay JV. Wala namang kaso sa parents niya ang tungkol doon dahil naipaalam naman niya ng maayos sa mga ito ang tungkol sa play.Ilang araw narin mula nang una siyang isama ng binata sa bahay ng

    Last Updated : 2020-09-14
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 10

    “SIGE action.” Ang eksenang pina-practice nila nang araw na iyon ay ang Suyuan sa Asotea. “Crisostomo,” aniyang tumayo sa kinauupuang silya

    Last Updated : 2020-09-14
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 11

    NAKAHINGA siya ng maluwag nang itigil ni JV ang ginagawa. Pero siya, nanatili paring nakatitig sa binata. May ilang sandali rin silang nanatili sa ganoong ayos. Ang dibdib niya abnormal parin ang tibok. At lalong sumidhi iyon nang makita niyang umangat ang isang kamay ni JV saka masuyong humaplos sa kanyang pisngi.

    Last Updated : 2020-09-14
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 12

    NATAWA ng mahina doon si JV. “Effortless talaga ang mga paglalambing mo ano?” aniyang hinaplos -haplos ang pisngi ng dalaga.“Naglalambing ba? Hindi naman

    Last Updated : 2020-09-14
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 13

    “OH kumain ka ng marami ah, alam ko di kapa naghahapunan,” si JV na hindi magkandaugaga sa pagaasikaso sa kanya nang kumakain na sila.Naging busy na kasi noon si Hara sa mga bisita nito kaya si JV at ang tatlo pa nitong mga kaibigan at pati narin si Louise na nobya ni Raphael ang kasama niya.

    Last Updated : 2020-09-15
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 14

    “TARA, papakilala kita sa nanay at tatay ko” aniya habang kinakalas ng binata ang suot niyang seatbelt. Dahil medyo ginabi ay napilit siya ni JV na ihatid sa kanila.Nakangiti siyang tinitigan ng binata dahil sa sinabi niyang iyon. At dahil ilang pulgada lang ang layo ng mukha nito sa kanya ay para siyang naestatwa nang malanghap ang napakabang

    Last Updated : 2020-09-16
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 15

    SA mismong bookstore ng SJU niya ibinili ng pampalit sa nabasa nitong blusa si Vinnie. Ayaw kasi ng dalaga na malaman ng mga magulang nito ang nangyari dahil tiyak na mag-aalala raw ang mga ito.Sa halip na sa canteen ay sa isang restaurant malayo sa un

    Last Updated : 2020-09-17

Latest chapter

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 25 & EPILOGUE

    NATAPOS ang kantapero nagpatuloy siya sa tahimik na pag-iyak. Ilang sandali pagkatapos ay sinimulan ni Raphael na tuyuin ang kanyang mukha. Dahil doon ay nagkaroon siya ng chance na titigan ng husto ang maiitim na mata ng binata. Sa ganda ng mga iyon, mahihiya ang buwan at mga bituin sa madilim na kalangitan.“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat” ang binata na masuyong hinaplos ang kanyang mukha. Suminghot s

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 24

    MALUGOD naman iyong tinanggap ng kanyang Daddy. “Ganoon rin ako, halika na sa loob sasamahan kita sa kwarto ni Louise” ani Ralph na nagpatiuna papasok sa loob na sinundan naman ni Arthur at maging ni Hilde.Ilang sandali lang at muli silang naiwan ni Dave. “Pagkatapos nito, wala ka ng ibang dapat gawin kundi asikasuhin ang kundisyon mo. Masaya ako para sayo” naramdaman niya sa tinig ng kaibigan ang sinabi nito.Ngumiti siya. “Salamat&rdq

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 23

    SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise. Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch. Kahit alam niyang ikatlong palapag ng CEDE Building ang silid nina Raphael

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 22

    SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise.Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 21

    BASANG-BASA ang mukha niya matapos marinig ang kwento ng binata.“Sinabi ba niya kung bakit niya kami iniwan?”Noon hinawakan ni Raphael ang baba niya saka iniharap rito. &ldqu

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 20

    NAPABUNGISNGIS doon ang binata.Tumayo ito saka inabot ang kanyang kamay, pagkatapos ay inikot siya ng parang sa sayaw na waltz. Natagpuan niya ang sariling yakap ng kanyang nobyo mula sa kanyang likuran. “Paano yan, ang sabi nila wala daw forever?” napasinghap siya nang maramdaman ang init ng hininga ng binata sa kanyang punong tainga.“M-Meron! Kas

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 19

    “R-RAPHAEL?”nang mapagsino ang bultong nakatayo sa may pintuan palabas ng veranda ay parang binihusan ng malamig na tubig si Louise kaya mabilis na nawala ang kanyang antok. “k-kararating mo l-lang?” bahagya pa siyang pinanginigan ng tinig nang mapunang humahakbang ang binata palapit sa kanya.

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 18

    “LET’S dance?” isang oras mula nang dumating sila sa party ni Maia ay noon siya niyayang magsayaw ni Raphael. “H-Ha?” kanina lang niya sinagot ang binata kaya malamang iyon ang dahilan kung bakit parang nakakaramdam parin siya ng kaba ngayon.“Come, ayokong matapos ang gabing ito

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 17

    “IBIBIGAY ko sa kanya ang pinaka-magandang debut party na kaya kong ibigay.Siyempre ako ang first dance ng aking prinsesa. Darating ang time, ma-i-in love din siya. Ang pangarap ko lang sana makakita siya ng lalakeng magmamahal sa kanya ng kagaya ng pagmamahal ko sayo” nang manatili siyang tahimik ay nagpatuloy ang binata kaya muli niya itong nilingon. Sa pagkakataong iyon ay mas ramdam na niya ang kakaibang atmosphere sa loob ng sasakyan, dahilan kaya bigla parang nagsikip ang loob ng Camaro na minamaneho ng binata.

DMCA.com Protection Status