MEDYO maaga ang labas niya noon kaya nag-decide siya na huwag ng hintayin si JV at mauna na sa Guildhall. Iyon ang ikapitong araw ng kanilang rehearsal. After ng practice nila ay diretso naman siya sa training niya kay JV. Wala namang kaso sa parents niya ang tungkol doon dahil naipaalam naman niya ng maayos sa mga ito ang tungkol sa play.
Ilang araw narin mula nang una siyang isama ng binata sa bahay ng mga ito. Pero kahit minsan, sa awa ng langit ay hindi pa naman sila nagpapang-abot ng ina nito at maging si Jovic na Papa ni JV. Hindi niya maikakailang medyo ilag siya sa ina ng binata. Siguro kasi iba ang naramdaman niya nang una niya itong makita sa ospital.
Nang marating niya ang Guildhall ay walang anuman niyang pinihit ang knob saka itinulak pabukas ang pinto. Para lang mapatda sa nakita.
Sina Joey at Irene, naghahalikan! Mabilis na nag-init ang mukha niya.
“S-Sorry!” aniyang kinabig ang pintuan pasara saka nagmamadaling umalis. Para pa siyang wala sa sariling nakayukong naglakad kaya hindi niya napuna ang kasalubong na si JV.
“Miss L!”
“JV!”
“Anong nangyari, parang takot na takot ka?” anitong natawa pa ng mahina.
Magkakasunod siyang umiling.
“T-Tara sa canteen kain muna tayo” ang sa halip ay sabi niya.
“May itatanong lang ako” nang pareho na silang kumakain ng binata.
“Ano?”
“Alam mo bang sina Joey at Irene na?” hindi kasi niya maiwasang mag-alalang baka masaktan si JV kapag nalaman nito ang totoo tungkol sa dalawa.
Malapad na napangiti si JV.
“Oo naman, bakit ano bang nakita mong eksena doon sa office at putlang-putla ka?”
Napalunok siya kahit wala namang lamang pagkain ang bibig niya. “A-Ano kasi, nakita ko silang naghahalikan. Kaya kita niyaya dito kasi isip ko baka masaktan ka kapag nakita mo ang ginagawa nila” pag-amin niya.
Tumawa ito ng mahina.
“Uy, concern siya sakin” ang nanunuksong sabi ng binata bago uminom ng tubig.
Pinigil niya ang mapangiti pero nabigo siya.
“Heh! Syempre kaibigan kita no!”
“Ows?” patuloy ni JV sa ginagawang pang-aasar sa kanya.
“Tumigil ka nga, ikaw ah nagiging mapang-asar kana!” kunwari'y galit niyang sabi pero hindi parin niya mapigilan ang matawa.
Nginitian lang siya ng binata.
“Alam kong sila na, at okay lang sa akin iyon, kasi ang totoo niyan meron na akong ibang babaeng natitipuhan,” may pagmamalaki pang sabi ni JV.
Agad na napalis ang ngiti niya dahil sa narinig.
“H-Ha?” hindi niya maikakaila ang tila malaking kamay na pumiga sa puso niya.
Tumango-tango si JV.
“Kaya lang hindi ko alam kung paano ko siya didiskartehan. Sa tingin mo baka matulungan mo ako?”
Mabilis na gumana ang isip niya.
“I-Iyon naman pala, bakit hindi nalang siya ang samahan mo palagi, baka mamaya masira ang diskarte mo dahil sakin,” aniyang hindi tinitingnan ang binata kaya hindi niya nakita ang makahulugang pagngiti nito.
“Sa tingin ko hindi naman. Kasi kung may isang bagay akong gustong-gusto sa kanya, may tiwala siya sakin,” titig na titig sa kanya si JV noon.
Hindi siya sumagot at sa halip ay tinusok-tusok ng hawak niyang tinidor ang hotdog na sahog ng inorder niyang spaghetti. Sa tono ng pananalita ni JV ramdam niyang gustong-gusto nito ang babaing tinutukoy.
Hindi pa naman ganoon katagal silang magkasama pero dahil nga crush niya ito hindi niya maiwasan ang magselos. Nawalan tuloy siya ng ganang kumain.
Bakit naman kasi hindi ako naging kasing ganda ni Kristine Hermosa para naman pwede kong isiping pwede mo akong magustuhan.
“O bakit hindi ka kumakain?” nang makalipas ang ilang sandali ay nanatili siyang tahimik.
Magkakasunod siyang napailing at tila naalimpungatan sa tanong na iyon.
“W-Wala!”
Magandang ngiti ang pumunit sa mga labi ng binata. Sa totoo lang kapag ngumingiti ito pakiramdam niya nakakakita siya ng rainbow. Pirming bumibilis ang tahip ng dibdib niya at higit sa lahat, ang lahat ng hinanakit at lungkot na nararamdaman niya nahuhugasang bigla.
“Sige na kumain ka na, tuturuan mo pa akong manligaw di ba?” anito pagkuwan.
Tahimik siyang napilitang tumango.
“Wala naman akong alam sa ganyan JV eh.”
Noon itinuwid ng binata ang upo nito.
“Ganito nalang, let's pretend na ikaw ang nililigawan ko. Okay ba iyon?”
Napaangat siya ng tingin sa narinig.
“Ano? Okay ka lang, at ako pa talaga ang pagpa-practice-an mo ah!”
Nangalatak si JV. “Sige na. Saka di ba ang magkaibigan nagtutulungan?” anito sa nangungusensiyang tinig.
Naiinis niyang inamin sa sariling tinablan siya sa pangungunsensiyang iyon sa kanya ng binata.
“O sige na nga! Basta no hitting below the belt ah!”
“SABI ko na nga ba hindi mo ako matitiis eh!” malakas niyang naisatinig sa labis na katuwaan.
“Shhh!” ang nangingiting saway sa kanya ni Vinnie nang magtinginan sa gawi nila ang ibang kumakain sa loob ng canteen.
Malapad ang pagkakangiti niyang ginagap ang kamay ni Vinnie, hindi na niya alintana ang kahit sinong nakatingin sa kanila. Masyado siyang masaya para bigyan ng atensyon ang mga iyon.
“Hindi mo alam kung gaano mo akong napasaya Miss L, promise magiging gentleman ako, igagalang kita at aalagaan. Hindi ko hahayaang may manakit sayo na kahit sino.”
Paano ko ba sasabihin sayong ikaw ang babaing iyon? At style ko lang ito para maligawan at mapaibig ka?
Nakita niyang binalot ng kalituhan ang mukha ni Vinnie. Pero gaya ng dati tikom parin ang bibig nito at hindi nagtanong. Nginitian niya ang dalaga nang muli nitong salubungin ang mga titig niya.
Ngayon lang ako nakaramdam ng possessiveness sa isang babae. So, bakit pa kita pakakawalan eh alam kong pag ginawa ko iyon pagsisisihan ko lang. Hindi ka pwedeng mapunta sa iba dahil akin ka lang.
Aware siyang habang tumatagal, lalong lumalalim ang nararamdaman niya para kay Vinnie. Dahil kung noong una niya itong makita ay attracted siya rito. Ngayon ay sobrang special na nito sa kanya.
At paano niya ipaliliwanag ang kagustuhan niyang ipagsigawan sa buong mundo na kanya ito kahit kung tutuusin ay hindi naman niya ito nobya? Strange, pero hindi pa niya naramdaman ang ganito kanino man.
Sa kabilang banda, gusto niya ang pakiramdam at masasabi niyang si Vinnie ang pinakamagandang highlight ng buhay niya. Kaya ayaw niyang mawala ang dalaga sa kanya, dahil alam niyang may magandang dahilan kung bakit niya ito nakilala.
“So now tell me, paano ang way ng panliligaw na gusto mo?” ngiting-ngiti niyang tanong.
“Huh?”
“Di ba nga kunwari tayong dalawa ang nagliligawan? Anong gusto mong gawin kong style para makuha ko ang puso mo?”
Alanganing napangiti doon ang dalaga saka sandaling tila nag-isip bago sumagot.
“Syempre gusto kong makatanggap ng flowers saka chocolate galing sayo, tapos kakantahan mo ako, dadalhin mo'ko sa isang romantic na lugar at higit sa lahat treat me like how you treat your Mom.”
Tumango-tango siya. “Flowers and chocolate ba kamo? Teka sandali,” pagkasabi niyon ay mabilis niyang tinungo ang counter.
Hindi niya alintana ang mga matang nakasunod sa kanya nang magbalik siyang dala ang isang tangkay ng kulay pulang rosas.
“Flower and chocolate,” nakangiti niyang pinakatitigan ang namumulang mukha ni Vinnie nang iabot niya dito ang binili niyang chocolate maging ang hiningi niyang fresh red rose na nakadisplay malapit sa kaha ng kahera.
“Hay nakakahiya tingnan mo lahat sila nakatingin dito,” anitong habang nangingislap ang mga matang tinanggap ang bigay niya. “binawasan mo pa iyong bulaklak sa vase ni ate,” dugtong pa nito.
“Kahit ano basta magpapasaya sayo,” aniya. “so tatlo nalang, siguro kailangan ko ng magpaturo ng kanta kay Raphael. Tapos sasagutin mo na ako?” huli na para bawiin iyon.
“Anong sasagutin?”
Tinawanan niya ito kunwari. “W-Wala, di kana mabiro,” alibi pa niya.
“Matanong ko lang, bakit Miss L ang tawag mo sa'kin?” ang curious na tanong sa kanya ni Vinnie nang ipagpatuloy nitong muli ang pagkain.
Noon niya nakangiting hinawi ang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ng dalaga. “Dahil bukod sa tatlong L ang initials mo, you're the loveliest girl na nakilala ko,” pagsasabi niya ng totoo.
“Bola,” anitong nakangiti pa siyang inirapan.
“Pairap-irap ka pa, halikan kita diyan makita mo ang hinahanap mo,” pabulong niyang sabi.
Sa totoo lang tukso sa kanya ang mapupulang labi ng dalaga.
Nanlaki ang mga mata ni Vinnie na tumitig sa kanya.
“A-Anong sinabi mo?”
“Wala, sige na kumain kana baka nag-start na ang rehearsal” aniyang nagkamot ng ulo pagkuwan.
“SIGE action.” Ang eksenang pina-practice nila nang araw na iyon ay ang Suyuan sa Asotea. “Crisostomo,” aniyang tumayo sa kinauupuang silya
NAKAHINGA siya ng maluwag nang itigil ni JV ang ginagawa. Pero siya, nanatili paring nakatitig sa binata. May ilang sandali rin silang nanatili sa ganoong ayos. Ang dibdib niya abnormal parin ang tibok. At lalong sumidhi iyon nang makita niyang umangat ang isang kamay ni JV saka masuyong humaplos sa kanyang pisngi.
NATAWA ng mahina doon si JV. “Effortless talaga ang mga paglalambing mo ano?” aniyang hinaplos -haplos ang pisngi ng dalaga.“Naglalambing ba? Hindi naman
“OH kumain ka ng marami ah, alam ko di kapa naghahapunan,” si JV na hindi magkandaugaga sa pagaasikaso sa kanya nang kumakain na sila.Naging busy na kasi noon si Hara sa mga bisita nito kaya si JV at ang tatlo pa nitong mga kaibigan at pati narin si Louise na nobya ni Raphael ang kasama niya.
“TARA, papakilala kita sa nanay at tatay ko” aniya habang kinakalas ng binata ang suot niyang seatbelt. Dahil medyo ginabi ay napilit siya ni JV na ihatid sa kanila.Nakangiti siyang tinitigan ng binata dahil sa sinabi niyang iyon. At dahil ilang pulgada lang ang layo ng mukha nito sa kanya ay para siyang naestatwa nang malanghap ang napakabang
SA mismong bookstore ng SJU niya ibinili ng pampalit sa nabasa nitong blusa si Vinnie. Ayaw kasi ng dalaga na malaman ng mga magulang nito ang nangyari dahil tiyak na mag-aalala raw ang mga ito.Sa halip na sa canteen ay sa isang restaurant malayo sa un
“I'M in love with you Miss L, so much,” hindi siya nakapagsalita sa narinig. At sa isang iglap ay nahilam ng luha ang kanyang mga mata nang hindi niya namamalayan.“Hindi ako nagkamali ng naramdaman when I first laid my eyes on you nung Foundation Ball. That my wait is over,” anito.
TATLONG magkakasunod na katok sa pinto at iniluwa niyon si JV. Maluwang siyang napangiti sa pagkakakita sa nobyong pumasok sa loob ng dressing room. “Hello, na miss kita alam mo ba?” anitong nilapitan siya saka mabilis na hinalikan sa mga labi kaya siya malakas na napasinghap. “isang linggo na kitang nahahalikan pero hanggang ngayon hindi ka parin sanay?” anitong ang tinutukoy ay an
NATAPOS ang kantapero nagpatuloy siya sa tahimik na pag-iyak. Ilang sandali pagkatapos ay sinimulan ni Raphael na tuyuin ang kanyang mukha. Dahil doon ay nagkaroon siya ng chance na titigan ng husto ang maiitim na mata ng binata. Sa ganda ng mga iyon, mahihiya ang buwan at mga bituin sa madilim na kalangitan.“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat” ang binata na masuyong hinaplos ang kanyang mukha. Suminghot s
MALUGOD naman iyong tinanggap ng kanyang Daddy. “Ganoon rin ako, halika na sa loob sasamahan kita sa kwarto ni Louise” ani Ralph na nagpatiuna papasok sa loob na sinundan naman ni Arthur at maging ni Hilde.Ilang sandali lang at muli silang naiwan ni Dave. “Pagkatapos nito, wala ka ng ibang dapat gawin kundi asikasuhin ang kundisyon mo. Masaya ako para sayo” naramdaman niya sa tinig ng kaibigan ang sinabi nito.Ngumiti siya. “Salamat&rdq
SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise. Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch. Kahit alam niyang ikatlong palapag ng CEDE Building ang silid nina Raphael
SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise.Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch
BASANG-BASA ang mukha niya matapos marinig ang kwento ng binata.“Sinabi ba niya kung bakit niya kami iniwan?”Noon hinawakan ni Raphael ang baba niya saka iniharap rito. &ldqu
NAPABUNGISNGIS doon ang binata.Tumayo ito saka inabot ang kanyang kamay, pagkatapos ay inikot siya ng parang sa sayaw na waltz. Natagpuan niya ang sariling yakap ng kanyang nobyo mula sa kanyang likuran. “Paano yan, ang sabi nila wala daw forever?” napasinghap siya nang maramdaman ang init ng hininga ng binata sa kanyang punong tainga.“M-Meron! Kas
“R-RAPHAEL?”nang mapagsino ang bultong nakatayo sa may pintuan palabas ng veranda ay parang binihusan ng malamig na tubig si Louise kaya mabilis na nawala ang kanyang antok. “k-kararating mo l-lang?” bahagya pa siyang pinanginigan ng tinig nang mapunang humahakbang ang binata palapit sa kanya.
“LET’S dance?” isang oras mula nang dumating sila sa party ni Maia ay noon siya niyayang magsayaw ni Raphael. “H-Ha?” kanina lang niya sinagot ang binata kaya malamang iyon ang dahilan kung bakit parang nakakaramdam parin siya ng kaba ngayon.“Come, ayokong matapos ang gabing ito
“IBIBIGAY ko sa kanya ang pinaka-magandang debut party na kaya kong ibigay.Siyempre ako ang first dance ng aking prinsesa. Darating ang time, ma-i-in love din siya. Ang pangarap ko lang sana makakita siya ng lalakeng magmamahal sa kanya ng kagaya ng pagmamahal ko sayo” nang manatili siyang tahimik ay nagpatuloy ang binata kaya muli niya itong nilingon. Sa pagkakataong iyon ay mas ramdam na niya ang kakaibang atmosphere sa loob ng sasakyan, dahilan kaya bigla parang nagsikip ang loob ng Camaro na minamaneho ng binata.