Share

KABANATA 12

Author: Jessica Adams
last update Huling Na-update: 2020-09-14 14:05:50

NATAWA ng mahina doon si JV.

“Effortless talaga ang mga paglalambing mo ano?” aniyang hinaplos -haplos ang pisngi ng dalaga.

“Naglalambing ba? Hindi naman ah!” nakatawang sagot naman ni Vinnie.

Sandali niyang pinakatitigan ang maganda nitong mukha. “Glad to hear that, ibig sabihin natural sayo iyan. Lalo tuloy akong nai-inspire manligaw” masaya niyang turan.

Nakita niya ang lungkot na lumarawan sa mga mata ni Vinnie saka ito lumayo sa kanya at muling binuklat-buklat ang folder kung saan naka-file ang script nito. “O-Oo nga pala, kumusta na ang panliligaw mo?”

“Okay naman, salamat sayo ah” aniyang makahulugan pang nginitian ito nang sulyapan siya sandali.

Tumango lang si Vinnie saka nagbuntong hininga. Sa lalim niyon ay lalong tumibay ang paniniwala niyang nagseselos ito.

“K-Kelan mo ba ako ipapakilala sa kanya?”

“Saka na, makikilala mo rin siya. At paniguradong magugulat ka” aniya pa ulit.

Salubong ang mga kilay siya nitong nilingon. “Magugulat?”

Tumango lang siya bilang tugon. “Tara sa canteen, libre ko” aniya sa kagustuhang ibahin ang usapan.

“Lagi mo namang sagot ang pagkain ko eh, alam mo malapit ko ng mapuno iyong alkansya ko?” anitong tumawa pa ng mahina.

Amused niya itong tinitigan. “Ganyan ang gusto ko sa babae, magaling humawak ng pera. Mabuti nalang talaga at ganyan ka” palipad hangin nanaman niya.

Nagkibit ng balikat si Vinnie. “Tara na, nagugutom nako” anitong nauna ng tumayo.

Nang hawakan niya ang kamay ni Vinnie ay naramdaman niya ang kakaibang init sa damdamin niya na nararamdaman lang niya kapag kasama niya ito.

Nakakatuwang isiping parang ginawa ang mga kamay ng dalaga para sa kanya. At may feeling pa siyang hindi na niya gugustuhing humawak ng ibang kamay maliban sa mga kamay ni Vinnie.

MAGKAHALONG excitement at kaba ang nararamdaman ni Vinnie nang mga sandaling iyon. Ilang beses niyang sinipat sa harap ng malaking salamin ang sarili niya para lang matiyak na magandang- maganda siya. At kinikilig siya kapag naiisip kung ano ang pwedeng sabihin ni JV oras na makita siya nito sa kauna-unahang pagkakataon na walang suot na glasses.

“Ang ganda naman ng anak ko!” sa may pinto ay nakita niya ang tatay niyang si Melchor na nakatayo doon.

Iyon ang gabi ng birthday party ni Hara. At dahil bestfriend siya nito ay invited siya sa malaking salu-salong gaganapin sa mismong malaking bahay ng mga ito.

“Talaga Tay?” nakangiti niyang nilapitan ang ama.

Kabubukas lang ng klase niya sa kolehiyo nang magpasukat siya ng contact lens. Pero dahil hindi siya sanay, bihira kung gamitin niya ang mga iyon. At madalas kapag may dinadaluhan lang siyang pagtitipon katulad nalang ngayon.

“Oo naman, at bagay na bagay sayo iyang bestida mo” ang tinutukoy nito ay ang kulay lumot niyang bestida.

Natawa siya. “Kanino pa nga ba ako magmamana kundi sa inyo ni Nanay” naglalambing niya bulalas saka na dinampot ang purse na nasa ibabaw ng kanyang tokador.

“Magtext ka nalang kung magpapasundo ka ha?” ang nanay niyang Selma na inihatid siya sa may labasan kasama ang tatay niya.

  Tumango siya. “Hindi naman po ako magpapagabi ng husto” paniniyak niya bago sumakay sa traysikel na naghihintay sa kanya.

HINDI maipaliwanag ni JV ang uri ng damdaming dumamba sa dibdib niya nang matanawan ang isang pamilyar na bultong naglalakad sa malawak na parking space ng malaking simbahan ng San Jose.

Miss L!

Kahit yata sa malayo ay kayang-kaya niyang tukuyin ang dalaga. Siguro dahil kabisado niya kahit ang dulo ng buhok nito.

“Hello, kanina ka pa?” masarap ang kilabot na naramdaman niya sa pagkakarinig palang sa malamyos na tinig ng dalaga. Isama mo pa ang sandaling pagkakatulala niya nang makita ito ng malapitan.

“My god, you're gorgeous!” puno ng paghangang hindi niya napigilang sabihin matapos itong suyurin ng tingin mula ulo hanggang paa.

Simple lang ang suot nitong bestida na algae green ang kulay. Hindi iyon sleeveless, V-neckline at ang haba ay lampas ng kaunti sa tuhod ni Vinnie.

Pero gaano man iyon kasimple, siguro dahil sa likas ang pang-akit na mayroon ang nagdadala ay lumabas na sophisticated ang suot ng dalaga.

Manipis na make-up at lipstick ang nakapahid sa mukha ni Vinnie. At ang maganda at itiman nitong buhok ay nakalugay lang at malayang nahihipan ng panggabing hangin. Dinadala ng hangin na iyon sa ilong niya ang sweet scent ng gamit nitong cologne na parang gustong magpawala ng katinuan niya.

At sa kauna-unahang pagkakataon, wala itong suot na salamin. Kaya naman nang makalapit ito ng husto sa kanya. Gaano man kalamlam ang ilaw ay malaya niyang napagmasdan ang kakaibang kislap ng mga mata nito.

“Ang ganda mo, ang ganda-ganda mo” ulit niya sa tinig na puno ng paghanga nang makalipas ang ilang sandali ay tila siya natauhan.

“S-Salamat” nahihiyang sagot naman ni Vinnie.

“Parang ayoko ng dalhin ka sa party alam mo ba?” nang pareho na silang nasa loob ng kotse niya at kasalukuyan niyang ikinakabit ang seatbelt ng dalaga.

Simula kasi noong unang beses itong sumakay sa kotse niya at amining hindi ito marunong magkabit ng seatbelt ay siya na ang gumagawa niyon. Sa totoo lang simpleng bagay lang iyon kung tutuusin pero nakakatuwang isiping inaabangan niya iyon, every day.

“H-Ha?”

Hindi nalingid sa kanya ang takot na kalakip ng sinabing iyon ng dalaga.

“Okay lang ba buong gabi tayo nalang ang sumayaw? Para hindi ka maisayaw ng iba?” totoo iyon sa loob niya.

Ayaw niyang may ibang makalapit kay Vinnie dahil ang totoo pa gusto niya itong ipagdamot sa iba. Kung pwede lang lalagyan niya ito ng helmet maitago lang ang mukha nito. O kaya tatatakan niya ito sa noo na taken na? Pwede ring iposas nalang niya ang kamay nito sa kanya para hindi na ito maagaw sa kanya.

NAPANGITI siya sa narinig.

“O, ba't ka nangingiti?” narinig niyang tanong ni JV.

Magkakasunod siyang umiling.

“Ah kinikilig ka kaya ka napapa-smile ano?” ngiting-ngiting ginulo pa ni JV ang buhok niya.

Marahas siyang napahugot ng hininga.

Paano niya nalaman na kinikilig ako? Ganoon ba ako ka-obvious?

“Oi hindi ah! Para napangiti lang ako kinikilig na agad?” pagsisinungaling niya.

Noon binuhay ni JV ang makina ng sasakyan.

“Okay lang na kiligin ka basta ako ang dahilan, okay?” anitong kinurot pa siya ng bahagya sa pisngi ng may panggigigil.

Inirapan niya ito pero nakangiti.

Itatanong ko sana kung darating ba iyong nililigawan mo pero di bale nalang, ayokong masira ang gabi ko nang dahil sa kanya.

NAGTITILI si Hara nang lapitan niya ito para iabot ang regalo niya.

“Ikaw ba talaga iyan? Ang bongga ng beauty mo, sabi sayo mas maganda ka kapag walang suot na glasses eh” anitong nakangiting sinulyapan ang kapatid na si JV na nakamata lang sa kanila.

“Ikaw naman exaggerated kang masyado!” nahihiyang turan niya saka nginitian si JV na nakatayo sa tabi niya.

“Lika, ipapakilala kita sa Mama at Papa at pati narin kay Savana. Sayang nasa States kasi ang lolo Jose, but some other time makikilala mo rin siya. Hindi rin kasi siya dito sa amin nakatira eh” si Hara na hinawakan siya sa braso. Nilingon niya si JV na tinanguan lang siya.

“Kumusta ka hija? Napakaganda mo” compliment sa kanya ni Jovic.

“Of course Papa, bestfriend ko yata si Vinnie” may pagmamalaking patutsada pa ni Hara.

Nanatiling nakamata lang si Carmela kaya nakaramdam siya ng bahagyang pagkailang. “O hayan na pala ang mga Tita Mayen mo.”

Parang isang tao nilang nilingon ang tinitingnan nito. At sa pagkakakita niya kay Irene ay madali niyang naramdaman ang galit para rito. Bakit nga hindi gayong ito ang kauna-unahang taong nagmura sa kanya.

“Hello Tita” ang bati nito sa nakangiting si Carmela na hinalikan pa nito sa pisngi.

Nakita niya ang matalim na sulyap na ipinukol sa kanya ni Irene pero minabuti niyang huwag na itong patulan. Iniwasan nalang niya itong tingnan kahit nang ipakilala siya ni Hara sa ina nitong si Mayen na sa kalaunan ay napag-alaman niyang matalik na kaibigan pala ni Carmela.

Kaya naman pala malakas ang loob niyang ipaglaban si JV, kasi may backer. Malungkot niyang naisip. Ang hirap naman ng ganito JV, bukod sa alam kong malabo mo akong magustuhan kasi nga may iba ka ng nililigawan. Sigurado pa akong hindi ako magugustuhan ng Mama mo para sayo. Kasi kung sa gandang pisikal at katayuan sa buhay, si Irene na ang panalo.

Kaugnay na kabanata

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 13

    “OH kumain ka ng marami ah, alam ko di kapa naghahapunan,” si JV na hindi magkandaugaga sa pagaasikaso sa kanya nang kumakain na sila.Naging busy na kasi noon si Hara sa mga bisita nito kaya si JV at ang tatlo pa nitong mga kaibigan at pati narin si Louise na nobya ni Raphael ang kasama niya.

    Huling Na-update : 2020-09-15
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 14

    “TARA, papakilala kita sa nanay at tatay ko” aniya habang kinakalas ng binata ang suot niyang seatbelt. Dahil medyo ginabi ay napilit siya ni JV na ihatid sa kanila.Nakangiti siyang tinitigan ng binata dahil sa sinabi niyang iyon. At dahil ilang pulgada lang ang layo ng mukha nito sa kanya ay para siyang naestatwa nang malanghap ang napakabang

    Huling Na-update : 2020-09-16
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 15

    SA mismong bookstore ng SJU niya ibinili ng pampalit sa nabasa nitong blusa si Vinnie. Ayaw kasi ng dalaga na malaman ng mga magulang nito ang nangyari dahil tiyak na mag-aalala raw ang mga ito.Sa halip na sa canteen ay sa isang restaurant malayo sa un

    Huling Na-update : 2020-09-17
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 16

    “I'M in love with you Miss L, so much,” hindi siya nakapagsalita sa narinig. At sa isang iglap ay nahilam ng luha ang kanyang mga mata nang hindi niya namamalayan.“Hindi ako nagkamali ng naramdaman when I first laid my eyes on you nung Foundation Ball. That my wait is over,” anito.

    Huling Na-update : 2020-09-18
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 17

    TATLONG magkakasunod na katok sa pinto at iniluwa niyon si JV. Maluwang siyang napangiti sa pagkakakita sa nobyong pumasok sa loob ng dressing room. “Hello, na miss kita alam mo ba?” anitong nilapitan siya saka mabilis na hinalikan sa mga labi kaya siya malakas na napasinghap. “isang linggo na kitang nahahalikan pero hanggang ngayon hindi ka parin sanay?” anitong ang tinutukoy ay an

    Huling Na-update : 2020-09-19
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 18

    BIYERNES ng gabi, pinayagan siya ng parents niya na sa bahay nina Hara siya matulog dahil maaga ang biyahe nila ni JV kinabukasan pa-Pangasinan. Sa komedor ay nakasabay niya sa hapunan ang buong pamilya ng binata.Agad din niyang napuna ang biglang pagbabago ng pakikitungo sa kanya ni Carmela. Hindi na pailalim ang mga sulyap nito sa kanya. At higit sa lahat nginingitian at inaasikaso na siya ng ginang.

    Huling Na-update : 2020-09-20
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 19

    KINAGABIHAN matapos ang hapunan ay agad siyang inihatid ni JV sa cottage niya.“Hindi ka pa ba matutulog?” nasa tapat na sila noon ng cottage niya.“Nagyaya

    Huling Na-update : 2020-09-21
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 20

    KINABUKASAN dahil parehong maaga ang labas, napagkasunduan nila ni JV na manood ng sine. Excited pa siyang lumabas sa huling klase nila dahil alam niyang nasa parking lot na ang nobyo at naghihintay sa kanya. Pero iyon nalang ang pagkadismayang naramdaman niya nang mamataang naglalakad sa mismong corridor ng building nila si Lloyd.“Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?”

    Huling Na-update : 2020-09-22

Pinakabagong kabanata

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 25 & EPILOGUE

    NATAPOS ang kantapero nagpatuloy siya sa tahimik na pag-iyak. Ilang sandali pagkatapos ay sinimulan ni Raphael na tuyuin ang kanyang mukha. Dahil doon ay nagkaroon siya ng chance na titigan ng husto ang maiitim na mata ng binata. Sa ganda ng mga iyon, mahihiya ang buwan at mga bituin sa madilim na kalangitan.“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat” ang binata na masuyong hinaplos ang kanyang mukha. Suminghot s

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 24

    MALUGOD naman iyong tinanggap ng kanyang Daddy. “Ganoon rin ako, halika na sa loob sasamahan kita sa kwarto ni Louise” ani Ralph na nagpatiuna papasok sa loob na sinundan naman ni Arthur at maging ni Hilde.Ilang sandali lang at muli silang naiwan ni Dave. “Pagkatapos nito, wala ka ng ibang dapat gawin kundi asikasuhin ang kundisyon mo. Masaya ako para sayo” naramdaman niya sa tinig ng kaibigan ang sinabi nito.Ngumiti siya. “Salamat&rdq

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 23

    SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise. Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch. Kahit alam niyang ikatlong palapag ng CEDE Building ang silid nina Raphael

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 22

    SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise.Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 21

    BASANG-BASA ang mukha niya matapos marinig ang kwento ng binata.“Sinabi ba niya kung bakit niya kami iniwan?”Noon hinawakan ni Raphael ang baba niya saka iniharap rito. &ldqu

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 20

    NAPABUNGISNGIS doon ang binata.Tumayo ito saka inabot ang kanyang kamay, pagkatapos ay inikot siya ng parang sa sayaw na waltz. Natagpuan niya ang sariling yakap ng kanyang nobyo mula sa kanyang likuran. “Paano yan, ang sabi nila wala daw forever?” napasinghap siya nang maramdaman ang init ng hininga ng binata sa kanyang punong tainga.“M-Meron! Kas

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 19

    “R-RAPHAEL?”nang mapagsino ang bultong nakatayo sa may pintuan palabas ng veranda ay parang binihusan ng malamig na tubig si Louise kaya mabilis na nawala ang kanyang antok. “k-kararating mo l-lang?” bahagya pa siyang pinanginigan ng tinig nang mapunang humahakbang ang binata palapit sa kanya.

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 18

    “LET’S dance?” isang oras mula nang dumating sila sa party ni Maia ay noon siya niyayang magsayaw ni Raphael. “H-Ha?” kanina lang niya sinagot ang binata kaya malamang iyon ang dahilan kung bakit parang nakakaramdam parin siya ng kaba ngayon.“Come, ayokong matapos ang gabing ito

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 17

    “IBIBIGAY ko sa kanya ang pinaka-magandang debut party na kaya kong ibigay.Siyempre ako ang first dance ng aking prinsesa. Darating ang time, ma-i-in love din siya. Ang pangarap ko lang sana makakita siya ng lalakeng magmamahal sa kanya ng kagaya ng pagmamahal ko sayo” nang manatili siyang tahimik ay nagpatuloy ang binata kaya muli niya itong nilingon. Sa pagkakataong iyon ay mas ramdam na niya ang kakaibang atmosphere sa loob ng sasakyan, dahilan kaya bigla parang nagsikip ang loob ng Camaro na minamaneho ng binata.

DMCA.com Protection Status