Share

KABANATA 11

Author: Jessica Adams
last update Last Updated: 2020-09-14 13:49:06

NAKAHINGA siya ng maluwag nang itigil ni JV ang ginagawa. Pero siya, nanatili paring nakatitig sa binata. May ilang sandali rin silang nanatili sa ganoong ayos. Ang dibdib niya abnormal parin ang tibok.

At lalong sumidhi iyon nang makita niyang umangat ang isang kamay ni JV saka masuyong humaplos sa kanyang pisngi.

Napapikit siya. Mayamaya pa ay naramdaman naman niya ang hinlalaki nitong dumama sa kanyang pang-ibabang labi. Doon napigil niya ang sariling paghinga.

Nakita niyang kumilos ito, yumuko. Pakiramdam niya, alam na niya ang susunod na mangyayari.

Hahalikan siya ni JV. Nalito siya, tatanggi ba siya o papayag? Magkapanabay pa silang tila natauhan nang makarinig ng tikhim sa kanilang likuran. Noon siya mabilis na binitiwan ng binata.

“Ma!” anito kay Carmela nang marahil makabawi sa pagkabigla.

Gaya noong una sa ospital ay sa kanya na naman napako ang paningin ng ginang.

Tumango lang ito saka muling ibinalik ang titig sa kanya.

“May bisita ka pala” malamig nitong turan na malamang ay dahil sa eksenang inabutan nito na mukhang hindi nito nagustuhan.

“K-Kumusta po?” nahihiya niyang bati.

“Mabuti naman, magbibihis lang ako” tila napilitan nitong sagot saka mabilis na tumalikod.

“M-Miss L?” mayamaya ay narinig niyang untag sa kanya ng binata. Nakita niyang nagtaas-baba ang dibdib ni JV nang tingalain niya ito. “I-I'm sorry, hindi ko dapat ginawa iyon. I know nangako ako sayong igagalang kita at magiging gentleman ako sayo. Sana mapatawad mo ako” ramdam niya ang sincerity sa tinig nito.

Napangiti siya. “H-Hayaan mo na iyon. Lika na, hatid mo na ako sa sakayan” totoong hindi naman siya nakaramdam ng kahit anong kabastusan o pananamantala sa ginawing iyon ng binata.

Ang totoo pa niyan ay parang nanghihinayang siyang hindi iyon natuloy, bagay na ayaw din naman niyang aminin sa sarili niya.

“T-Thank you, promise hindi na talaga mauulit. Maliban nalang kung tayo na,"si JV ulit na nang mga sandaling iyon ay malapad na ang pagkakangiti.

Noon niya kinurot ang tagiliran ng binata. “Puro ka talaga kalokohan ano?” natatawa pa niyang saad.

Hindi na nagsalita pa ang binata pagkatapos. Pero sa nakikita niyang ganda ng kislap ng mga mata nito, parang bigla ay nakaramdam siya ng nag-uumapaw na kaligayahan sa puso niya.

Hindi naman tayo magkapatid kaya hindi isa ang pusod natin. Pero bakit ganun, kung ano ang nararamdaman mo, parang nararamdaman ko rin? Ang isang bahagi ng isip niya.

Hindi nga isa ang pusod ninyo pero isa naman ang itinitibok ng puso ninyo! Ganoon din iyon! Ang kabilang bahagi naman.

Wala sa loob siyang napangiti dahil doon. Kaya naman nang pareho na silang nasa loob ng kotse ni JV at maramdaman ang kamay nito sa kamay niya ay hindi siya tumanggi.  Sa halip gaya ng dati ay in-enjoy nalang niya ang masarap na damdaming hatid ng init ng palad ng binata.

“BAKA sa isang buwan umuwi ako, nag-file ako ng leave para mapasimulan ko na ang pagpapaayos ng bahay natin” si Lloyd iyon nang isang gabing kausap niya sa web.

Nakaramdam siya ng tuwa saka itinigil ang ginawang pagsusulat sa kanyang diary. “T-Talaga? Wow siguro ang dami mo ng pera ano kuya? Mag-asawa ka na kaya, para magkaroon nako ng pamangkin!”

Natawa doon si Lloyd. “Ano kaba twenty five palang ako, teka ano ba yang sinusulat mo? Mamaya na iyan magkwentuhan muna tayo” anito nang ipagpatuloy niya ang pagsusulat sa kanyang talaarawan.

“Diary ko ito kuya” aniyang tinapos na ng tuluyan ang sinusulat. “hayan tapos na.”

“Para kang high school, baka naman may boyfriend kana at diyan mo sinusulat sa diary mo ang tungkol sa kanya kasi ayaw kitang payagan?” naghihinalang turan ng kapatid.

“Wala! Crush lang iyon, at alam mo ba kuya ang gwapo-gwapo niya!” aniyang kinilig pa nang maalala si JV saka wala sa loob niyang niyakap ang hawak na diary.

“Crush lang ba talaga?” hindi kumbinsidong tanong ni Lloyd na halatang naaliw sa naging reaksyon niya.

“Ano kaba kuya, oo naman no!”

“Anong pangalan, baka kilala ko?”

Mabilis siyang nag-isip kung sasabihin ba sa kapatid ang pangalan ng binatang nagpapangiti sa kanya at nagbigay ng dahilan para pumasok sa school araw-araw.

“Secret! Akin nalang iyon! Saka isa pa hindi naman ako magugustuhan nun, kasi pang-Hollywood ang karisma niya!”

Tumaas ang mga kilay ni Lloyd. “Ows? Sinong mas gwapo sa aming dalawa?"

Naiiling siyang natawa ng mahina. “Pareho, kasi kung ako ang tatanungin kasing gwapo mo si Justin Timberlake!” totoo iyon. Talagang gwapo ang kuya niya, kaya nga hindi siya makapaniwalang iniwan ito ni Cassandra at ipinagpalit lang sa iba.

“Sige basta crush lang okay? Anyway aalis na ko, matulog kana gabi na.”

“I love you kuya!” pagkasabi niyon ay nakangiti niyang hinalikan ang screen ng kanyang laptop.

“HOY!” mula sa binabasang script ay napataas ng tingin si Vinnie.

Si Irene ang nakita niyang madilim ang mukhang nakatayo sa kanyang harapan. Nasa Guildhall siya noon at hinihintay ang iba pa niyang kasamahan.

Pagkatapos nilang kumain ng meryenda kanina ni Hara, na kababalik lang ng eskwela ay minabuti niyang doon na magtuloy habang ang kaibigan naman niya ay umuwi na.

Busy rin kasi ito sa gaganaping party para sa seventeenth birthday nito sa isang linggo.

“A-Ah, wala pa si Joey eh. Upo ka muna,"sinubukan niyang maging palakaibigan dahil wala naman siyang alam na atraso sa dalaga para titigan siya ng masama.

Kulang nalang kasi kumuha ito ng kutsilyo at saksakin siya.

Ngumisi ito. “Ikaw ang sinadya ko dito at hindi ang kung sino, huwag kang tanga!”

Malutong pa yata sa Magic Flakes ang pagkakabigkas ni Irene sa salitang tanga! Dahil doon ay mabilis na uminit ang ulo niya. Pero sinikap niyang magtimpi. Sa lahat ng pagkakatoon kasi ay ganoon siya.

“Ano bang kailangan mo?” mahinahon parin siyang nagsalita sa kabila ng tila panlilisik ng mga mata ng kaharap.

“You know what nakakapikon na ang pagbabait-baitan mo? Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit ayaw ng makipagbalikan ni JV sakin? Dahil ang akala niya totoong mahinhin at mabait ka?” galit na galit nitong sabi.

“A-Ano bang sinasabi mo?”

Noon hinablot ni Irene ang braso niya kaya siya napatayo. “Tumayo ka nga diyan punyeta ka! Listen, layuan mo si JV kung ayaw mong makatikim sakin.”

Sa narinig ay umabot na sa sukdulan ang pasensiya niya. “Teka, huwag mo nga akong mamura-mura diyan, pinagpapasensiyahan kita pero sumosobra kana ah! Hindi porke tumatahimik lang ako pwede mo ng sabihin ang lahat ng gusto mo!”

“Kasi nga plastic ka! Nagkukunwari ka lang na mabait pero deep inside itinatago mo lang ang kati mo! May pa-virgin effect ka pa kunwari eh baka nga mamaya hindi lang sampung lalake ang nakatikim na sa___” hindi na nagawang tapusin ni Irene ang gustong sabihin nang padapuin niya sa pisngi nito ang isang nakatutulig na sampal.

“Sinabi ko naman sayo di ba, tumigil ka dahil pinagpapasensiyahan kita. Wala kang karapatang insultuhin ako. Alam ko mayaman ka, pero sa inaasal mo mas masahol ka pa sa taong walang pinag-aaralan” aniya sa isang mababa ngunit mabalasik na titig.

“You'll pay for this!” nangingilid ang luhang tinuran ni Irene saka nagmamadaling lumabas ng silid.

Nanghihina siyang muling naupo. Sa buong buhay niya ay noon lang siya napagsalitaan ng ganoon kaya sobrang nasaktan siya. Nag-iinit ang mga mata niyang pinulot ang script na nahulog sa sahig. At dahil nga nakayuko ay hindi na niya napansin ang pagpasok ni JV.

“Nakasalubong ko si Irene, Miss L” anitong naupo sa tabi niya.

Gaya ng dati, nagbigay siya ng malaking distansya sa pagitan nilang dalawa. Habang nanatiling nakayuko at hindi tinitingnan ang binata. Pinipilit niyang itago ang mga nagbabadyang luha dito.

“Alam mo Vinnie kahit kailan kapag nilalapitan kita parang diring-diri ka sakin!” pabiro nitong sabi at saka tila nang-aasar pang umusog ulit palapit sa kanya.

Umusog siya palayo sa binata pero umusog naman ulit si JV palapit sa kanya. “P-Pwede ba, kung kaya mong layuan ako, layuan mo nalang ako? P-Para hindi ako napagsasalitaan ng kung anu-ano nung ex mo!” naiiyak niyang sabi nang hindi makatiis.

“Hey, sorry hindi ko gustong pikunin ka” natatawang turan ng binata saka nito hinawakan ang mukha niya at dahan-dahang ibinaling paharap rito.

Napasinghap siya nang maramdaman ang init ng palad ng binata sa kanyang mukha. At sa pagtatama ng kanilang mga mata, noon na nga tuluyang bumalong ang kanyang mga luha.

“Why? Tell me, anong ginawa sayo ni Irene?” sa mabilis na pagbabago ng tinig ni JV ay bigla siyang kinilabutan. Noon niya naisip na nakakatakot pala ito kung magalit.

“H-Hindi ako nagkukunwari JV, kung ano ang nakikita mo sakin ngayon ganito talaga ako” ang tanging nasabi niya saka na tuluyang napahagulhol ng iyak.

Narinig niya ang isang mabigat na buntong hiningang pinakawalan ng binata. “Halika nga rito” anitong mabilis siyang kinabig saka niyakap ng mahigpit.

Hindi siya nagprotesta, bakit nga ba niya gagawin iyon gayong sa mga bisig ni JV lang niya nararamdaman ang seguridad na hindi niya nararamdaman kanino man. Yumakap din siya dito, ng mas mahigpit.

Tama nga siya nang isipin niyang masarap itong yumakap at masarap yakapin. Dahil nang mga sandaling iyon, parang gusto nalang niyang hilingin na sana pwedeng i-freeze nalang ang oras at manatili sila sa ganoon ayos.

“Listen” ang binata nang ilayo siya nito saka tinitigan. “hindi ko alam kung maniniwala ka sa sasabihin ko pero ang totoo niyan pakiramdam ko matagal na kitang kilala. Alam kong hindi ka nagkukunwari, and by any chance sabihin na nating hindi talagang ikaw iyan. Hindi niyon mababago ang katotohanang espesyal ka sa puso ko, nararamdaman mo naman siguro iyon di ba? That I care so much for you para magkaroon ng lugar sa puso ko ang galit para sayo?”

Parang idinuyan sa ulap si Vinnie sa narinig kaya hindi niya napagilan ang mapangiti. “T-Totoo?”

Related chapters

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 12

    NATAWA ng mahina doon si JV. “Effortless talaga ang mga paglalambing mo ano?” aniyang hinaplos -haplos ang pisngi ng dalaga.“Naglalambing ba? Hindi naman

    Last Updated : 2020-09-14
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 13

    “OH kumain ka ng marami ah, alam ko di kapa naghahapunan,” si JV na hindi magkandaugaga sa pagaasikaso sa kanya nang kumakain na sila.Naging busy na kasi noon si Hara sa mga bisita nito kaya si JV at ang tatlo pa nitong mga kaibigan at pati narin si Louise na nobya ni Raphael ang kasama niya.

    Last Updated : 2020-09-15
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 14

    “TARA, papakilala kita sa nanay at tatay ko” aniya habang kinakalas ng binata ang suot niyang seatbelt. Dahil medyo ginabi ay napilit siya ni JV na ihatid sa kanila.Nakangiti siyang tinitigan ng binata dahil sa sinabi niyang iyon. At dahil ilang pulgada lang ang layo ng mukha nito sa kanya ay para siyang naestatwa nang malanghap ang napakabang

    Last Updated : 2020-09-16
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 15

    SA mismong bookstore ng SJU niya ibinili ng pampalit sa nabasa nitong blusa si Vinnie. Ayaw kasi ng dalaga na malaman ng mga magulang nito ang nangyari dahil tiyak na mag-aalala raw ang mga ito.Sa halip na sa canteen ay sa isang restaurant malayo sa un

    Last Updated : 2020-09-17
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 16

    “I'M in love with you Miss L, so much,” hindi siya nakapagsalita sa narinig. At sa isang iglap ay nahilam ng luha ang kanyang mga mata nang hindi niya namamalayan.“Hindi ako nagkamali ng naramdaman when I first laid my eyes on you nung Foundation Ball. That my wait is over,” anito.

    Last Updated : 2020-09-18
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 17

    TATLONG magkakasunod na katok sa pinto at iniluwa niyon si JV. Maluwang siyang napangiti sa pagkakakita sa nobyong pumasok sa loob ng dressing room. “Hello, na miss kita alam mo ba?” anitong nilapitan siya saka mabilis na hinalikan sa mga labi kaya siya malakas na napasinghap. “isang linggo na kitang nahahalikan pero hanggang ngayon hindi ka parin sanay?” anitong ang tinutukoy ay an

    Last Updated : 2020-09-19
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 18

    BIYERNES ng gabi, pinayagan siya ng parents niya na sa bahay nina Hara siya matulog dahil maaga ang biyahe nila ni JV kinabukasan pa-Pangasinan. Sa komedor ay nakasabay niya sa hapunan ang buong pamilya ng binata.Agad din niyang napuna ang biglang pagbabago ng pakikitungo sa kanya ni Carmela. Hindi na pailalim ang mga sulyap nito sa kanya. At higit sa lahat nginingitian at inaasikaso na siya ng ginang.

    Last Updated : 2020-09-20
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 19

    KINAGABIHAN matapos ang hapunan ay agad siyang inihatid ni JV sa cottage niya.“Hindi ka pa ba matutulog?” nasa tapat na sila noon ng cottage niya.“Nagyaya

    Last Updated : 2020-09-21

Latest chapter

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 25 & EPILOGUE

    NATAPOS ang kantapero nagpatuloy siya sa tahimik na pag-iyak. Ilang sandali pagkatapos ay sinimulan ni Raphael na tuyuin ang kanyang mukha. Dahil doon ay nagkaroon siya ng chance na titigan ng husto ang maiitim na mata ng binata. Sa ganda ng mga iyon, mahihiya ang buwan at mga bituin sa madilim na kalangitan.“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat” ang binata na masuyong hinaplos ang kanyang mukha. Suminghot s

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 24

    MALUGOD naman iyong tinanggap ng kanyang Daddy. “Ganoon rin ako, halika na sa loob sasamahan kita sa kwarto ni Louise” ani Ralph na nagpatiuna papasok sa loob na sinundan naman ni Arthur at maging ni Hilde.Ilang sandali lang at muli silang naiwan ni Dave. “Pagkatapos nito, wala ka ng ibang dapat gawin kundi asikasuhin ang kundisyon mo. Masaya ako para sayo” naramdaman niya sa tinig ng kaibigan ang sinabi nito.Ngumiti siya. “Salamat&rdq

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 23

    SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise. Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch. Kahit alam niyang ikatlong palapag ng CEDE Building ang silid nina Raphael

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 22

    SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise.Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 21

    BASANG-BASA ang mukha niya matapos marinig ang kwento ng binata.“Sinabi ba niya kung bakit niya kami iniwan?”Noon hinawakan ni Raphael ang baba niya saka iniharap rito. &ldqu

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 20

    NAPABUNGISNGIS doon ang binata.Tumayo ito saka inabot ang kanyang kamay, pagkatapos ay inikot siya ng parang sa sayaw na waltz. Natagpuan niya ang sariling yakap ng kanyang nobyo mula sa kanyang likuran. “Paano yan, ang sabi nila wala daw forever?” napasinghap siya nang maramdaman ang init ng hininga ng binata sa kanyang punong tainga.“M-Meron! Kas

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 19

    “R-RAPHAEL?”nang mapagsino ang bultong nakatayo sa may pintuan palabas ng veranda ay parang binihusan ng malamig na tubig si Louise kaya mabilis na nawala ang kanyang antok. “k-kararating mo l-lang?” bahagya pa siyang pinanginigan ng tinig nang mapunang humahakbang ang binata palapit sa kanya.

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 18

    “LET’S dance?” isang oras mula nang dumating sila sa party ni Maia ay noon siya niyayang magsayaw ni Raphael. “H-Ha?” kanina lang niya sinagot ang binata kaya malamang iyon ang dahilan kung bakit parang nakakaramdam parin siya ng kaba ngayon.“Come, ayokong matapos ang gabing ito

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 17

    “IBIBIGAY ko sa kanya ang pinaka-magandang debut party na kaya kong ibigay.Siyempre ako ang first dance ng aking prinsesa. Darating ang time, ma-i-in love din siya. Ang pangarap ko lang sana makakita siya ng lalakeng magmamahal sa kanya ng kagaya ng pagmamahal ko sayo” nang manatili siyang tahimik ay nagpatuloy ang binata kaya muli niya itong nilingon. Sa pagkakataong iyon ay mas ramdam na niya ang kakaibang atmosphere sa loob ng sasakyan, dahilan kaya bigla parang nagsikip ang loob ng Camaro na minamaneho ng binata.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status