Share

KABANATA 14

Author: Jessica Adams
last update Huling Na-update: 2020-09-16 07:23:41

“TARA, papakilala kita sa nanay at tatay ko” aniya habang kinakalas ng binata ang suot niyang seatbelt. Dahil medyo ginabi ay napilit siya ni JV na ihatid sa kanila.

Nakangiti siyang tinitigan ng binata dahil sa sinabi niyang iyon. At dahil ilang pulgada lang ang layo ng mukha nito sa kanya ay para siyang naestatwa nang malanghap ang napakabango nitong hininga.

Sanay na siyang nalalanghap ang hininga ni JV. Pero ang masarap na pakiramdam na hatid niyon sa kanya ay hindi nagbabago. Parang laging iyon ang una.

Magkakasunod ang pinakawalan niyang buntong hininga habang nanatiling nakatitig lang sila sa isa't-isa. Parang may magnet ang mga mata nila kaya hindi niya magawang bawiin ang mga titig niya mula rito.

“Do you have any idea kung gaano ako kasaya ngayon? At alam mo rin bang isa iyan sa mga pinapangarap kong marinig mula sayo?”  halos pabulong na tanong ni JV.

Matinding kilabot ang gumapang sa katawan niya. Hindi siya nakapagsalita at sa halip ay nanatiling nakatitig lang sa binata. At nang kumilos ito ay marahas siyang napasinghap.

Para pa siyang naparalisa at awtomatikong napapikit nang maramdaman ang mainit nitong labi sa kanyang mga mata na parehong hinalikan ng binata habang ang mga kamay nito ay maingat namang hawak ang kanyang mukha.

Nang mga sandaling iyon, parang magic na nagkaroon bigla ng linaw ang totoong nararamdaman niya para sa binata. Hindi lang iyon simpleng crush, dahil sa loob ng tatlong linggo nilang pagkakaibigan ay nauwi na iyon sa isang mas malalim na damdamin.

Mahal niya si JV. Kaya siya nasasaktan kapag kinukwento nito sa kanya ang tungkol sa babaeng nililigawan nito. Kaya binibigyan niya ng mas malalim na dahilan ang lahat ng kabutihan nito. At iyon din ang dahilan kung bakit pakiramdam niya ngayon kaya niyang suwayin ang kasunduan nila ng kuya niya makasama lang niya ang binata.

Nag-init ang mga mata niya nang muling magtama ang paningin nila. May damdamin sa mga mata ni JV na hindi niya kayang ipaliwanag kaya naguguluhan siya.

“Halika na, para hindi ka masyadong gabihin pabalik,” naisip niyang sabihin sa kabila ng kakaibang atmosphere sa paligid nila.

LUNES ng hapon, kulang isang oras na siyang nakatambay sa loob ng Guildhall pero hindi parin dumarating si JV. Medyo gutom na siya dahil hindi pa siya nagmemeryenda. Dumiretsong uwi kasi si Hara nang maghiwalay sila kanina sa kagustuhang makapagpahinga agad.

Ilang sandali pa nang mapagpasiyahan niyang mauna na sa binata. Itetext nalang niya itong sa canteen na sila magkita.

Malayo pa ay namataan na niyang nakatayo si Irene sa may entrada ng canteen. Nakatingin ito sa kanya at himala, maganda ang pagkakangiti.

“Hi,” anito pa nang makalapit siya.

Takang pinakatitigan niya ang dalaga, at nang marahil mahulaan nito ang mensahe ng mga titig niya ay saka ito nagpaliwanag.

“P-Pwede ba tayong mag-usap?”

Pinagmasdan niya si Irene. “Para saan?” pormal niyang sagot.

“K-Kahit sandali lang?” paakiusap nito sa isang mababang tinig.

Noon nahati ang puso niya kung pauunlakan ba ito o hindi.“S-Sa susunod nalang Irene” iyon ang sa halip ay isinagot niya saka umakma nang papasok sa loob ng kainan pero natigilan siya nang maramdaman ang kamay ng dalaga sa braso niya.

“Please?” nagsusumamo ang tinig nitong turan.

At nang magtama ang kanilang mga mata ay naramdaman niya ang kurot sa kanyang budhi dahilan kaya pumayag narin siya.

“Okay lang ba ikaw na ang pumila? Ako nalang ang kukuha ng table natin?” anito nang makapasok sila sa loob.

Wala namang kaso sa kanya iyon kaya pumayag siya.

Hindi naman nagtagal at nakabili na siya ng pagkain at inumin para sa kanilang dalawa. Nakita niyang nasa mesang malapit sa may entrance ito nakapwesto pero hindi ito nag-iisa.

May kasama na itong tatlo pa na sa tingin niya’y mga kaibigan ng dalaga. At isa pa, wala ng bakanteng pwesto para sa kanya, sa isiping iyon ay mabilis siyang kinabahan pero minabuti niyang huwag iyong pagtuunan ng pansin.

Tumayo si Irene nang makalapit siya.

“Upo ka,” sumunod naman siya kahit pa nagtataka sa ikinikilos nito. “hinihintay mo ba si JV?” tanong nito saka dinampot ang baso ng iced tea nito sa tray.

Nilingon niya ang dalagang kasalukuyang umiinom saka nginitian.

“Oo” maikli pa niyang sagot.

“Hindi ba malabo iyang mga mata mo, bakit wala ka ng suot na glasses? Ayaw ni JV?”

Hindi niya sinagot ang tanong na iyon at sa halip sinimulan ang pagkain kahit hindi siya kumportable sa mga titig sa kanya ng mga kaibigan ni Irene. Pakiramdam niya para siyang kamatis na kinikilatis ng mga ito.

“Ano na nga pala ang pag-uusapan natin?” muli niyang nilingon si Irene habang hinahalo niya ang inorder na pansit.

Tumaas ang isang kilay ng dalaga. “Pag-uusapan ba kamo?”

Tumango siya saka ibinalik ang paningin sa hinahalong pagkain.

“Eto ang sinasabi kong pag-uusapan natin,” kasabay ng sinabing iyon ni Irene ay naramdaman niya ang malamig na likido sa kanyang ulo pababa sa kanyang likuran.

Napatili siya sabay tayo, habang ang mga kasama sa mesa at maging ang dalaga ay malakas at sabay-sabay na nagtawanan.

“Vinnie!” nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon ay mabilis na nag-init ang kanyang mga mata.

At bago pa siya nakahuma ay malalaki ang mga hakbang na siyang nilapitan ni JV.

“J-JV,” basag ang tinig niyang sambit saka mahigpit na yumakap sa binata.

“Are you okay?” nang itaas ni JV ang mukha niya saka tinuyo ang luhaan niyang mukha.

Tumango siya bagaman hindi parin maampat ang pagkawala ng kanyang mga luha dahil sa tindi ng kahihiyang nararamdaman.

“Ano sa tingin mo ang ginawa mo?” galit na hinarap ni JV si Irene ilang sandali pagkatapos.

“Tara na, hayaan mo na siya,” aniyang hinawakan ang braso ng binata.

Ang mukha ni Irene nang mga sandaling iyon ay parang binuhusan ng suka sa sobrang putla.

“JV, sandali lang pare,” si Joey na kapapasok lang.

“Tumahimik ka muna sandali Joey,” ang galit paring sinabi ni JV.

“I’m sorry, hindi ko naman talaga gustong gawin iyan,” helpless na turan ng dalaga.

“Ikaw ang gumawa nito kay Vinnie?” ang hindi makapaniwalang bulalas ni Joey sa nobya nang mapagmasdan ang ayos niya.

Noon hinawakan ng mahigpit ni JV kamay niya.

“I’m very disappointed in you! Lalo mo lang pinatunayan sakin na wala akong dapat panghinayangan sayo!” pagkasabi niyon ay saka na siya hinila ng binata palayo sa lugar na iyon.

Kaugnay na kabanata

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 15

    SA mismong bookstore ng SJU niya ibinili ng pampalit sa nabasa nitong blusa si Vinnie. Ayaw kasi ng dalaga na malaman ng mga magulang nito ang nangyari dahil tiyak na mag-aalala raw ang mga ito.Sa halip na sa canteen ay sa isang restaurant malayo sa un

    Huling Na-update : 2020-09-17
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 16

    “I'M in love with you Miss L, so much,” hindi siya nakapagsalita sa narinig. At sa isang iglap ay nahilam ng luha ang kanyang mga mata nang hindi niya namamalayan.“Hindi ako nagkamali ng naramdaman when I first laid my eyes on you nung Foundation Ball. That my wait is over,” anito.

    Huling Na-update : 2020-09-18
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 17

    TATLONG magkakasunod na katok sa pinto at iniluwa niyon si JV. Maluwang siyang napangiti sa pagkakakita sa nobyong pumasok sa loob ng dressing room. “Hello, na miss kita alam mo ba?” anitong nilapitan siya saka mabilis na hinalikan sa mga labi kaya siya malakas na napasinghap. “isang linggo na kitang nahahalikan pero hanggang ngayon hindi ka parin sanay?” anitong ang tinutukoy ay an

    Huling Na-update : 2020-09-19
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 18

    BIYERNES ng gabi, pinayagan siya ng parents niya na sa bahay nina Hara siya matulog dahil maaga ang biyahe nila ni JV kinabukasan pa-Pangasinan. Sa komedor ay nakasabay niya sa hapunan ang buong pamilya ng binata.Agad din niyang napuna ang biglang pagbabago ng pakikitungo sa kanya ni Carmela. Hindi na pailalim ang mga sulyap nito sa kanya. At higit sa lahat nginingitian at inaasikaso na siya ng ginang.

    Huling Na-update : 2020-09-20
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 19

    KINAGABIHAN matapos ang hapunan ay agad siyang inihatid ni JV sa cottage niya.“Hindi ka pa ba matutulog?” nasa tapat na sila noon ng cottage niya.“Nagyaya

    Huling Na-update : 2020-09-21
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 20

    KINABUKASAN dahil parehong maaga ang labas, napagkasunduan nila ni JV na manood ng sine. Excited pa siyang lumabas sa huling klase nila dahil alam niyang nasa parking lot na ang nobyo at naghihintay sa kanya. Pero iyon nalang ang pagkadismayang naramdaman niya nang mamataang naglalakad sa mismong corridor ng building nila si Lloyd.“Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?”

    Huling Na-update : 2020-09-22
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 21

    “ANONG oras ang labas mo bakit ngayon ka lang?” sita sa kanya ni Lloyd nang pasukin siya nito sa loob ng kanyang kwarto kinagabihan.Nagulat siya sa ginawing iyon ng kapatid.“Ano ka ba kuya kumatok ka naman muna!” hindi niya napigilang hindi mainis sa ikinilos nito saka isinara ang sinusulatang diary.

    Huling Na-update : 2020-09-23
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 22

    GINAGAP ni JV ang palad ni Vinnie matapos marinig ang kwento nito. Pagkatapos ay maingat niyang kinabig ang nobya saka mahigpit na niyakap. Nasa loob sila noon ng Guildhall sa kagustuhan nilang magkaroon ng privacy.“Hindi ko niligawan si Cassandra, believe me. At hindi rin naging kami, sana maniwala ka” aniya habang masuyong hinahagod ang likuran ng umiiyak niyang nobya.

    Huling Na-update : 2020-09-23

Pinakabagong kabanata

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 25 & EPILOGUE

    NATAPOS ang kantapero nagpatuloy siya sa tahimik na pag-iyak. Ilang sandali pagkatapos ay sinimulan ni Raphael na tuyuin ang kanyang mukha. Dahil doon ay nagkaroon siya ng chance na titigan ng husto ang maiitim na mata ng binata. Sa ganda ng mga iyon, mahihiya ang buwan at mga bituin sa madilim na kalangitan.“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat” ang binata na masuyong hinaplos ang kanyang mukha. Suminghot s

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 24

    MALUGOD naman iyong tinanggap ng kanyang Daddy. “Ganoon rin ako, halika na sa loob sasamahan kita sa kwarto ni Louise” ani Ralph na nagpatiuna papasok sa loob na sinundan naman ni Arthur at maging ni Hilde.Ilang sandali lang at muli silang naiwan ni Dave. “Pagkatapos nito, wala ka ng ibang dapat gawin kundi asikasuhin ang kundisyon mo. Masaya ako para sayo” naramdaman niya sa tinig ng kaibigan ang sinabi nito.Ngumiti siya. “Salamat&rdq

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 23

    SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise. Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch. Kahit alam niyang ikatlong palapag ng CEDE Building ang silid nina Raphael

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 22

    SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise.Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 21

    BASANG-BASA ang mukha niya matapos marinig ang kwento ng binata.“Sinabi ba niya kung bakit niya kami iniwan?”Noon hinawakan ni Raphael ang baba niya saka iniharap rito. &ldqu

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 20

    NAPABUNGISNGIS doon ang binata.Tumayo ito saka inabot ang kanyang kamay, pagkatapos ay inikot siya ng parang sa sayaw na waltz. Natagpuan niya ang sariling yakap ng kanyang nobyo mula sa kanyang likuran. “Paano yan, ang sabi nila wala daw forever?” napasinghap siya nang maramdaman ang init ng hininga ng binata sa kanyang punong tainga.“M-Meron! Kas

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 19

    “R-RAPHAEL?”nang mapagsino ang bultong nakatayo sa may pintuan palabas ng veranda ay parang binihusan ng malamig na tubig si Louise kaya mabilis na nawala ang kanyang antok. “k-kararating mo l-lang?” bahagya pa siyang pinanginigan ng tinig nang mapunang humahakbang ang binata palapit sa kanya.

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 18

    “LET’S dance?” isang oras mula nang dumating sila sa party ni Maia ay noon siya niyayang magsayaw ni Raphael. “H-Ha?” kanina lang niya sinagot ang binata kaya malamang iyon ang dahilan kung bakit parang nakakaramdam parin siya ng kaba ngayon.“Come, ayokong matapos ang gabing ito

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 17

    “IBIBIGAY ko sa kanya ang pinaka-magandang debut party na kaya kong ibigay.Siyempre ako ang first dance ng aking prinsesa. Darating ang time, ma-i-in love din siya. Ang pangarap ko lang sana makakita siya ng lalakeng magmamahal sa kanya ng kagaya ng pagmamahal ko sayo” nang manatili siyang tahimik ay nagpatuloy ang binata kaya muli niya itong nilingon. Sa pagkakataong iyon ay mas ramdam na niya ang kakaibang atmosphere sa loob ng sasakyan, dahilan kaya bigla parang nagsikip ang loob ng Camaro na minamaneho ng binata.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status