Share

KABANATA 13

Author: Jessica Adams
last update Last Updated: 2020-09-15 00:17:45

“OH kumain ka ng marami ah, alam ko di kapa naghahapunan,” si JV na hindi magkandaugaga sa pagaasikaso sa kanya nang kumakain na sila.

Naging busy na kasi noon si Hara sa mga bisita nito kaya si JV at ang tatlo pa nitong mga kaibigan at pati narin si Louise na nobya ni Raphael ang kasama niya.

“Ang dami naman nito, hindi ko 'to mauubos,” mahina niyang reklamo saka sinulyapan ng pailalim si JV.

Narinig niyang nangalatak ang binata. “Anong marami, eh ang konti-konti lang niyan. Saka isa pa hindi mo naman kailangang mag-worry sa figure mo dahil kahit tumaba ka maganda ka parin sa paningin ko,” anitong ilang beses na itinaas-baba ang makakapal nitong kilay kaya hindi niya napigilan ang matawa.

Nang mga sandaling iyon pakiramdam niya parang walang ibang tao sa mesang iyon maliban sa kanilang dalawa. “Corny mo ah,” aniya pa.

“Sige kakainin ko nalang ang tira mo,” pagkuwan ay sabi ng binata.

Nagulat siyang binalingan ito sa narinig. “Ano?” hindi makapaniwalang sabi niya.

“O bakit? Sabi ko kakainin ko nalang ang tira mo pag di mo naubos, kung nahihiya kang makita ng ibang may tirang pagkain sa plato mo. Sige sasaluhin ko ang pride mo,” buska nito.

Binalot ng matinding kilig ang puso niya sa sinabing iyon ng binata. Ang alam niya mag-asawa at magboyfriend lang ang gumagawa ng ganoon. Kaya iba ang naging dating sa kanya ng sinabing iyon ng binata.

Sana pwede kong ilagay sa frame ang moment na ito para pwede kong i-display sa side table sa kwarto ko at titigan anytime.

Masayang-masaya siya, kaya nawala na nang tuluyan sa isip niya si Irene na panay ang pukol ng matatalim na sulyap sa kanya nang hindi niya nalalaman. Nasa kalagitnaan na nang programa nang i-request ni Hara na kumanta si Raphael, nagpaunlak naman ang binata.

Bilang lead vocalist ng SJU Rock Band ay hindi na siya nagtaka doon. Pero ang totoong ikinagulat niya ay ang ginawa ni JV. Dahil ilang sandali pa nang makababa si Raphael, kasama ng ibang band members ay naiwan na sa stage ang binata.

“Ehem!” ani Dave saka siya makahulugang nginitian nang sulyapan niya ito.

Ngumiti lang si Lemuel at saka nasisiyahang pinagmasdan si JV. Nang simulan nang tugtugin ng banda ang introduction ng kantang Basta't Kasama Kita na version ni Josh Santana ay noon tumahip ng matinding ang kaba sa dibdib niya.

Paborito niya ang kantang iyon at sa totoo lang iyon ang theme song niya sa lihim niyang nararamdaman para kay JV. Nakakatawang isipin pero wala siyang pinagsabihan na kahit sino tungkol sa kantang iyon.

Pareho lang ba tayo ng nararamdaman ha JV?

“Alam mo bang dalawang araw niyang inaral ang kantang iyan para sayo?” nakangiting pagbibigay alam ni Raphael sa kanya.

Napalunok siya sa narinig. Sinulyapan niya si Raphael pero mabilis din niyang ibinalik ang paningin kay JV nang simulan nitong awitin ang kanta. Nag-init ng husto ang mga mata niya.

Hindi man kasing ganda ng boses ni Raphael ang boses ni JV, para sa kanya walang sinabi ang sinumang singer sa tinig ng binata. At dahil nasa harapan lang ng stage ang mesa nila ay hindi nalingid sa kanya na nanatili itong nakatitig sa kanya habang seryosong umaawit.

Basta't kasama kita, lahat magagawa, lahat ay maiaalay sayo. Basta't kasama kita walang kailangan pa, wala ng hahanapin pa, basta't kasama kita.

Hindi niya maintindihan pero nararamdaman niyang ang bawat mensahe ng kantang iyon ay ang totoong gustong iparating sa kanya ng binata. Ang totoong nararamdaman nito sa kanya. Isama pang inamin sa kanya ni Raphael na dalawang araw na inaral ni JV ang kantang iyon para sa kanya.

siguro kailangan ko ng magpaturo ng kanta kay Raphael, naalala pa niyang sinabi ng binata.

Pinigil niya ang maiyak at nagtagumpay naman siya doon. Masigabong palakpakan ang sumunod niyang narinig. At nang lapitan siya ni JV, napuna niya ang kakaibang lagkit ng mga titig nito sa kanya.

“Two down, and two to go,” anito nang maupo ulit sa tabi niya na nakuha naman niya ang ibig sabihin.

Noon niya inabot ang baso ng tubig saka ibinigay sa binata. “Maganda, ang galing mo,” mula sa rim ng baso ay nakita niyang kumislap ang mga mata ni JV sa sinabi niyang iyon. “favorite ko ang kantang iyon alam mo ba?” pagsasabi niya ng totoo nang hindi siya makatiis.

Tumaas ang sulok ng labi ni JV. “Ows, hindi nga?”

Magkakasunod siyang tumango. “Oo nga, kaya nga ang saya-saya ko kasi kinanta mo ang favorite song ko,” pabulong niyang sabi.

Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na aminin iyon pero wala siyang pinagsisisihan lalo at nakita niyang ang kakaibang kasiyahan sa mga mata ng binata.

Ngayon naniniwala na siya sa sinabi noon ni JV sa kanya na ang mga palad, parang labi rin kapag naglapat, kahit hindi parin naman niya naranasan ang mahalikan. Dahil nang hawakan ni JV ang kamay niyang nasa ilalim ng mesa ay mabilis niyang naramdaman ang masarap na kuryenteng nanulay doon.

Hindi iyon ang unang pagkakataong naglapat ang mga palad nila. Pero parang may kakaiba. Mas sumidhi ang nararamdaman niyang kaba. At nang pisilin iyon ng binata habang matamang nakatitig sa kanya ay nag-iinit ang mukhang nagyuko siya ng ulo.

Hindi niya kayang tagalan ang mga titig nito kahit gusto niyang pagmasdan ang kakaibang kislap ng mga mata nito. Pero gaano man ka-weird ang lahat ng nararamdaman niya, isa lang ang tiyak niya. At iyon ay ang kakaibang tuwang nasa puso niya nang mga sandaling iyon.

Sana pwedeng ganito tayo forever!

“SAAN tayo pupunta?” naguguluhan niyang tanong nang hilahin siya ni JV palayo sa lugar kung saan ginaganap ang party.

“Shhh... Huwag kang maingay, mamaya masundan tayo ng mga asungot dito,” anang binata.

“Sinong asungot?” salubong ang mga kilay niyang tanong.

“Sino pa edi yung mga totoy dun na gusto kang isayaw,” anitong binigyang diin pa ang salitang totoy kaya siya natawa.

“Hoy malayo na ang party dito ah!” aniya nang mapunang nasa may land scaped garden na sila.

  “Kaya nga dito kita dinala eh, kasi walang ekstra,” anitong naupo sa naroong swing. “lika dito” anitong tinapik pa ang bakanteng side ng swing.

Noon parang nag-unahan ang dagang nagtakbuhan sa dibdib niya.

“Ano? Lika na dito, bihira kana ngalang masolo ng tao eh,” paangal pa nitong sabi.

Bihirang masolo eh kung tutuusin araw-araw tayong dalawa ang magkasama.

Pinigil niya ang mapabungisngis sa tindi ng kilig na nangibabaw sa puso niya dahil sa simpleng sinabing iyon ni JV. Saka nanlalamig ang mga kamay niyang tinabihan ang binata.

“Anong cologne ang gamit mo?” tanong ng binata na sinimulang i-swing ang duyan.

“Naku baby cologne lang, bakit?” nahihiya niyang sagot saka ito nilingon at pagkatapos ay ibinalik ang paningin sa full moon.

“Wala, gusto ko ang scent, parang ikaw,” sagot ng binata.

Ano? Gusto mo ako? O ang cologne ko? Gusto sana niyang itanong kasi naguluhan siya sa sinabi nito pero pinili niyang tumahimik nalang.

Timing na timing ang ganda ng buwan, tapos kaming dalawa lang dito. What if halikan niya ako? Papayag ba ako o tatanggi? Matuloy na kaya this time? Ano kayang feeling na mahalikan ni JV?

“Alam mo ba, lahat ng naging girlfriends ko isa lang ang unang sinasabi sakin?” mayamaya ay tinuran nito.

Taka niya itong tiningala. “Ano?”

Noon umangat ang sulok ng labi ng binata. “Good kisser daw ako” nanunukso nitong sabi.

Ramdam niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi sa sinabing iyon ni JV. Alam ba nitong iyon ang iniisip niya o nagkataon lang na naikwento iyon sa kanya ng binata?

“Bastos!” kunwari'y inis niyang sabi.

Natawa ang binata. “Ano kaba nagkukwento lang ako sayo. Sige sorry na, nakalimutan ko NBSB ka nga pala” anito pa.

“Nang-iinis ka ba? Dinala mo ko dito para ipamukha saking pangit ako kaya walang nagkakagusto sakin ganoon?” mataray niyang tanong.

Lalong lumapad ang pagkakangiti ni JV sa sinabi niyang iyon.

“Anong pangit? Hindi ka pangit, di ba nga sinabi ko na sayo for me ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo,” pagkasabi niyon ay maingat nitong hinaplos ang buhok niyang noon ay nahihipan ng mabining hangin.

Napalabi siya at pagkuwan ay napangiti narin, kaya naman nang akbayan siya ni JV ay hindi na siya tumanggi at sa halip ay inihilig pa niya ang ulo sa balikat nito.

Gosh ang sarap naman ng ganito, iyong lahat ng pinapangarap mo eh unti-unti natutupad.

“Ang ganda ng buwan ano?” naisatinig niya saka pinagsikapang huwag mahaluan ng kilig ang tinig niya.

“Sinabi mo pa, ginawa niyang mas magical ang gabing ito,” makahulugang sabi nito saka siya niyuko.

Napapikit siya ng maramdaman ang mainit nitong labi sa kanyang noo.

“Pero mas maganda ka kaysa buwan, and your eyes. Mas gusto ko silang pagmasdan kaysa mga stars,” anito pa.

Hindi na siya umimik at sa halip ay isiniksik nalang ang ilong sa leeg nito. Nanuot ang napakabagong scent ng cologne nito sa bawat buhay na ugat sa kanyang katawan. Hindi niya alintana ang ilang libong alon ng kaba na tila gustong magpawala sa kanyang huwisyo.

Ayaw niyang masira ang gabing iyon nang dahil lang sa kaba at hiyang nararamdaman niya. Dahil paniguradong kapag pinalampas niya ang pagkakataong iyon, baka wala ng second chance.

Related chapters

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 14

    “TARA, papakilala kita sa nanay at tatay ko” aniya habang kinakalas ng binata ang suot niyang seatbelt. Dahil medyo ginabi ay napilit siya ni JV na ihatid sa kanila.Nakangiti siyang tinitigan ng binata dahil sa sinabi niyang iyon. At dahil ilang pulgada lang ang layo ng mukha nito sa kanya ay para siyang naestatwa nang malanghap ang napakabang

    Last Updated : 2020-09-16
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 15

    SA mismong bookstore ng SJU niya ibinili ng pampalit sa nabasa nitong blusa si Vinnie. Ayaw kasi ng dalaga na malaman ng mga magulang nito ang nangyari dahil tiyak na mag-aalala raw ang mga ito.Sa halip na sa canteen ay sa isang restaurant malayo sa un

    Last Updated : 2020-09-17
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 16

    “I'M in love with you Miss L, so much,” hindi siya nakapagsalita sa narinig. At sa isang iglap ay nahilam ng luha ang kanyang mga mata nang hindi niya namamalayan.“Hindi ako nagkamali ng naramdaman when I first laid my eyes on you nung Foundation Ball. That my wait is over,” anito.

    Last Updated : 2020-09-18
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 17

    TATLONG magkakasunod na katok sa pinto at iniluwa niyon si JV. Maluwang siyang napangiti sa pagkakakita sa nobyong pumasok sa loob ng dressing room. “Hello, na miss kita alam mo ba?” anitong nilapitan siya saka mabilis na hinalikan sa mga labi kaya siya malakas na napasinghap. “isang linggo na kitang nahahalikan pero hanggang ngayon hindi ka parin sanay?” anitong ang tinutukoy ay an

    Last Updated : 2020-09-19
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 18

    BIYERNES ng gabi, pinayagan siya ng parents niya na sa bahay nina Hara siya matulog dahil maaga ang biyahe nila ni JV kinabukasan pa-Pangasinan. Sa komedor ay nakasabay niya sa hapunan ang buong pamilya ng binata.Agad din niyang napuna ang biglang pagbabago ng pakikitungo sa kanya ni Carmela. Hindi na pailalim ang mga sulyap nito sa kanya. At higit sa lahat nginingitian at inaasikaso na siya ng ginang.

    Last Updated : 2020-09-20
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 19

    KINAGABIHAN matapos ang hapunan ay agad siyang inihatid ni JV sa cottage niya.“Hindi ka pa ba matutulog?” nasa tapat na sila noon ng cottage niya.“Nagyaya

    Last Updated : 2020-09-21
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 20

    KINABUKASAN dahil parehong maaga ang labas, napagkasunduan nila ni JV na manood ng sine. Excited pa siyang lumabas sa huling klase nila dahil alam niyang nasa parking lot na ang nobyo at naghihintay sa kanya. Pero iyon nalang ang pagkadismayang naramdaman niya nang mamataang naglalakad sa mismong corridor ng building nila si Lloyd.“Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?”

    Last Updated : 2020-09-22
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 21

    “ANONG oras ang labas mo bakit ngayon ka lang?” sita sa kanya ni Lloyd nang pasukin siya nito sa loob ng kanyang kwarto kinagabihan.Nagulat siya sa ginawing iyon ng kapatid.“Ano ka ba kuya kumatok ka naman muna!” hindi niya napigilang hindi mainis sa ikinilos nito saka isinara ang sinusulatang diary.

    Last Updated : 2020-09-23

Latest chapter

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 25 & EPILOGUE

    NATAPOS ang kantapero nagpatuloy siya sa tahimik na pag-iyak. Ilang sandali pagkatapos ay sinimulan ni Raphael na tuyuin ang kanyang mukha. Dahil doon ay nagkaroon siya ng chance na titigan ng husto ang maiitim na mata ng binata. Sa ganda ng mga iyon, mahihiya ang buwan at mga bituin sa madilim na kalangitan.“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat” ang binata na masuyong hinaplos ang kanyang mukha. Suminghot s

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 24

    MALUGOD naman iyong tinanggap ng kanyang Daddy. “Ganoon rin ako, halika na sa loob sasamahan kita sa kwarto ni Louise” ani Ralph na nagpatiuna papasok sa loob na sinundan naman ni Arthur at maging ni Hilde.Ilang sandali lang at muli silang naiwan ni Dave. “Pagkatapos nito, wala ka ng ibang dapat gawin kundi asikasuhin ang kundisyon mo. Masaya ako para sayo” naramdaman niya sa tinig ng kaibigan ang sinabi nito.Ngumiti siya. “Salamat&rdq

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 23

    SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise. Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch. Kahit alam niyang ikatlong palapag ng CEDE Building ang silid nina Raphael

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 22

    SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise.Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 21

    BASANG-BASA ang mukha niya matapos marinig ang kwento ng binata.“Sinabi ba niya kung bakit niya kami iniwan?”Noon hinawakan ni Raphael ang baba niya saka iniharap rito. &ldqu

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 20

    NAPABUNGISNGIS doon ang binata.Tumayo ito saka inabot ang kanyang kamay, pagkatapos ay inikot siya ng parang sa sayaw na waltz. Natagpuan niya ang sariling yakap ng kanyang nobyo mula sa kanyang likuran. “Paano yan, ang sabi nila wala daw forever?” napasinghap siya nang maramdaman ang init ng hininga ng binata sa kanyang punong tainga.“M-Meron! Kas

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 19

    “R-RAPHAEL?”nang mapagsino ang bultong nakatayo sa may pintuan palabas ng veranda ay parang binihusan ng malamig na tubig si Louise kaya mabilis na nawala ang kanyang antok. “k-kararating mo l-lang?” bahagya pa siyang pinanginigan ng tinig nang mapunang humahakbang ang binata palapit sa kanya.

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 18

    “LET’S dance?” isang oras mula nang dumating sila sa party ni Maia ay noon siya niyayang magsayaw ni Raphael. “H-Ha?” kanina lang niya sinagot ang binata kaya malamang iyon ang dahilan kung bakit parang nakakaramdam parin siya ng kaba ngayon.“Come, ayokong matapos ang gabing ito

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 17

    “IBIBIGAY ko sa kanya ang pinaka-magandang debut party na kaya kong ibigay.Siyempre ako ang first dance ng aking prinsesa. Darating ang time, ma-i-in love din siya. Ang pangarap ko lang sana makakita siya ng lalakeng magmamahal sa kanya ng kagaya ng pagmamahal ko sayo” nang manatili siyang tahimik ay nagpatuloy ang binata kaya muli niya itong nilingon. Sa pagkakataong iyon ay mas ramdam na niya ang kakaibang atmosphere sa loob ng sasakyan, dahilan kaya bigla parang nagsikip ang loob ng Camaro na minamaneho ng binata.

DMCA.com Protection Status