BUKAS ang ilaw pero wala pang tao sa Guildhall.
Alam niyang ilang beses man niyang sisihin ang sarili kaya siya nalagay sa ganoong klase ng sitwasyon ay wala narin naman siyang magagawa. Kaya naman isa nalang ang kailangan niyang gawin. At iyon ay ang pagbutihin ang papel na gagampanan.
Pumasok siya sa loob ng silid saka naupo sa mahabang sofa. Magbabasa nalang muna siya habang hinihintay ang iba pang kasama. Ilang sandali siyang nalibang sa ginagawa nang magbukas ang pinto ng malaking silid. Awtomatiko siyang nag-angat ng ulo at tumingin doon para lang matulala sa kaniyang nakita.
Sa pagkakakita niya kay JV ay mabilis na niragasa ng matinding kaba ang dibdib niya. Ang mga palad niya agad na nanlamig. Pero sa kabilang banda hindi naman niya magawang bawiin ang tingin dito na tila na-magnet ng magaganda nitong mata.
Kaya pala ganoon ang reaksyon ni Hara kanina!
“Hello, kanina ka pa?” anitong nakangiting naglakad palapit sa kinaroroonan niya.
Para siyang naalimpungatang nagbawi ng tingin saka ibinalik ang atensyon sa pahina ng librong binabasa.
“Ikaw siguro iyong sinasabi sa akin ni Joey na bagong member” lihim siyang napasinghap nang maupo ito sa sofa na kinauupuan niya mismo.
Parang nagbalik sa kanya ang eksena noong araw na nakasakay niya ito sa traysikel. Nang malanghap niya ang mabangong cologne nito. Hindi siya nagkomento kaya si JV ulit ang nagsalita.
“I think mas maganda kung babalik tayo sa umpisa” hindi niya napigil ang sariling salubungin ang titig ng binata sa sinabi nitong iyon.
“Huh?”
Nang ilahad ng binata ang kamay nito sa harapan niya ay noon niya nakuha ang ibig nitong sabihin. “Hi, I'm Jose Victorino De Vera III; you can call me JV for short. Ikaw, meron kabang pangalan?” anitong malapad ang pagkakangiti.
Mabilis na nanuot ang masarap na kilig sa puso niya, dahilan kaya hindi niya napigilan ang mapangiti. “Lavinia Leigh Lustre, kahit Vinnie nalang,” aniyang nagaalangang tinanggap ang pakikipagkamay ng binata.
Nagulat siya sa sumunod na nangyari dahil hindi niya iyon inasahan. Narinig pa niya ang mahinang tawang pinakawalan ng binata nang umabot sa pandinig nito ang malakas niyang singhap nang halikan nito ang kamay niya.
Para siyang nahipan ng isang napakalamig na hangin dahil literal siyang hindi nakakilos sa ginawang iyon ni JV. Sandali lang iyon pero naramdaman parin niya ang kakaibang init ng mga labi nito sa likod ng kanyang palad.
Isama mo pa ang katotohanang ito ang unang lalaking nakagawa sa kanya ng ganoon. At dahil doon ay hindi na niya napagilan ang mabilis na pag-iinit ng kaniyang buong mukha.
“Napakalamyos pala ng boses mo, ang sarap sa pandinig, parang kanta. Parang rose petals,” anitong itinaas ang ulo saka malagkit siyang tinitigan pagkatapos.
“T-Thank you” halos pabulong niyang sabi.
“I never thought na magkakaroon ako ng ganitong chance alam mo ba? Ang makasama ka,” anito sa isang thankful na tinig.
Nginitian lang niya si JV kaya nagpatuloy ito.
“Alam ko kinakabahan ka, normal lang iyon. Hayaan mo tutulungan kitang makapag-adjust. Lalo’t ako ang leading man mo” ang sinabing iyon ng binata ang muling umagaw ng atensyon niya.
“A-Anong sabi mo?”
Nagsalubong ang makakapal na kilay ng binata.
“Ako ang gaganap na Crisostomo Ibarra,” paglilinaw nito sa sinabi.
Natilihan siya sa narinig. Kung totoo ang sinasabi ni JV, ibig sabihin magnobyo ang role nilang dalawa sa play. At dahil doon ay hindi maiiwasan ang yakapan at kung sakali...
Oh please huwag naman!
“Matanong ko lang, may background ka ba sa pag-arte?” mayamaya iyon ang narinig niyang tinuran ng kasama.
Magkakasunod siyang umiling saka nahihiyang nginitian ang binata.
“Iyon nga ang problema ko eh, ang sabi ni Sir Giron patuturuan daw ako, sana lang mabait ang magturo sakin. Iyon sanang mahaba ang pasensya,” nasa tinig niya ang totoong pag-asam sa sinabi. Baka kasi mahirapan ang magturo sa kanya at hindi naman niya gusto mangyari iyon.
“Ah walang problema. Since tayo naman ang parehong bida di ako nalang ang matuturo sayo, hayaan mo sasabihin ko iyon kay Joey mamaya,” hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa narinig dahil ang totoo mas sumidhi ang kabang nararamdaman niya sa sinabing iyon ng binata.
“Naku parang nakakahiya, hindi ba pwedeng iba nalang ang gumanap sa role ko? Talagang kinakabahan ako alam mo?” amin niya pagkuwan kaya lalong lumapad ang pagkakangiti ni JV dahil sa sinabi niyang iyon.
“Naniniwala ka ba dun sa kasabihang ang lahat ng nangyayari may magandang dahilan?” ang boses ni JV parang isang napakagandang love song na kahit kailan yata hindi niya pagsasawaang pakinggan.
Nagtatanong ang mga matang tiningala niya ang katabi, at bago pa man siya nakapagbuka ng bibig para magsalita ay naunahan na siya ng binata.
“Ako naniniwala ako. Kaya ang magandang gawin natin, just go with the flow. Kasi in the end for sure, pareho natin itong ipagpapasalamat,” matamis ang ngiti nitong turan habang ang mga mata ay pirming malagkit ang pagkakatitig sa kanya..
Feeling ko tuloy ang ganda-ganda ko kung ang mga titig mo sa akin ang paniniwalaan ko!
Nag-init ang mukha niya lalo at nabakas niya sa mukha ni JV ang tila matinding paghanga nito sa kanya, Mabilis na binalot ng kilig ang puso niya doon. Pero nang kindatan siya ng binata habang kagat nito ang pang-ibaba nito labi ay lihim siyang napasinghap.
Just go with the flow...
Naisip pa niya nang manatiling nakatitig lang sila sa isa't-isa. Parang may kung anong magic spell na na-i-cast sa kanila, lalo na sa kanya kaya hindi niya magawang magbawi ng tingin mula kay JV.
“Oh nandito na pala kayo!” ang tinig ni Joey na kapapasok lang ng office ang tila nagpabalik kay Vinnie sa reyalidad.
Tumawa si JV habang siya ay nahihiyang nginitian ang bagong dating na amuse ang tinging ipinukol sa kanila ng binata.
Sana nga, sana magkaroon ng magandang dahilan ang pangyayaring ito sa akin JV.
KINABUKASAN maaga siyang pumasok, iniiwasan kasi niyang malate kahit wala naman siyang report. Nakaramdam siya ng pagkagutom matapos ang halos fifteen minutes na paghihintay.
Kumain naman siya ng almusal pero konti lang kaya siguro madali siyang ginutom lalo pa at thirty minutes ang byahe mula San Roque hanggang San Jose.
Lumabas siya ng classroom, sa canteen ay hot chocolate at muffin ang binili niya. May ilang sandali narin siyang nakaupo roon at kumakain nang may lumapit sa kanya. Ang nakangiting si JV ang bigla ay nagpahinto ng pag-ikot ng mundo niya.
“Hi, okay lang?” anitong ang tinutukoy ay ang mesa.
Tipid niya itong nginitian saka tumango.
“Nanggaling ako sa classroom ninyo, kanina pa kita hinahanap mabuti nalang hindi ako nag-agahan, dito rin pala kita makikita. Ang lahat talaga ng nangyayari, may magandang dahilan,” makahulugan nitong sabi kaya mabilis siyang muling napatitig sa mukha nito.
“H-Ha?”
Tumawa ng mahina si JV saka humigop sa tasa nitong may lamang kape. “Absent kasi si Hara, ipapakisuyo ko sana sayo itong mga excuse letters niya,” anitong iniabot sa kanya ang isang short sized brown envelope.
“A-Anong nangyari kay Hara?” nag-aalala niyang tanong saka tinanggap ang envelope.
Napakaganda ng ngiting nagflashed sa mga labi ni JV sa sinabi niyang iyon. At nang magsalita ito, noon niya nalaman kung bakit.
“Ang sarap talaga sa pandinig ng boses mo alam mo ba?”
Nagyuko siya ng ulo para itago ang mabilis na pamumula ng kanyang mukha.
“Ngayon namumula ka naman, you know what? No exaggeration pero ngayon lang ako nakatagpo ng babaeng kagaya mo,” tahasan nitong sabi saka sinimulang kainin ang sandwich nito. “may bulutong si Hara, ang sabi ng doktor mga isa hanggang dalawang linggo daw iyon.”
“Bulutong?” hindi naman siya nagtataka. Alam niyang walang pinipiling season ang bulutong, mas tumataas nga lang ito kapag summer. “pupuntahan ko siya, saang ospital siya naka-confine?”
Umangat ang dalawang kilay ng binata. “Kung gusto mo sumabay kana sakin mamaya, anong oras ba ang last subject mo?”
Sandali siyang nag-isip saka pinakatitigan ang gwapong mukha ng kaharap. Parang gustong matunaw ng puso niya sa mga titig nito.
Lalo na kapag ngumingiti ito sa kanya, pakiramdam niya siya na ang pinakamagandang babae sa buong mundo.
“F-Four.”
Tumango-tango si JV.
“Sige hihintayin nalang kita sa parking lot mamaya, three- thirty ang labas ko eh,” anito saka tuluyang inubos ang sandwich.
“Naku huwag na! Kaya ko namang pumunta sa ospital ng mag-isa. Saka nakakahiya, baka mamaya kung ano pang isipin ng mga makakakita,” pagsasabi niya ng totoong nararamdaman.
Narinig niya ang isang mahinang tawang pinakawalan ng binata.
“Ganyan ka ba lagi? Iniisip mo ang pwedeng sabihin ng iba? Kagabi kahit anong pilit ko sayo hindi ka pumayag na ihatid kita kahit gabi na.”
Napabuntong hininga siya bago tumango. “Saka hindi kasi ako kumportable---,”
“Hindi ka kumportable sakin?” amused na tanong ng binata.
Alanganin siyang tumango. “Sorry, please don't get me wrong,” crush kasi kita kaya nahihiya ako ng sobra sayo. Iyon lang wala ng ibang dahilan.
“Okay lang,” ang nakangiti paring sabi ni JV. “pero kung i-promise ko sayong magiging gentleman ako magtitiwala kana ba sa'kin?”
Nahigit ang paghinga niya sa narinig. Iba ang naging dating sa kanya ng sinabing iyon ni JV at pakiramdam niya napaka halagang tao niya sa binata kaya nasabi nito sa kanya ang ganoon.
“Sa tingin mo, pwede ba tayong maging magkaibigan?” nang manatili siyang tahimik.
“K-Kaibigan? As in friends?”
Sa sinabi niyang iyon ay nag-echo ang tawa ni JV sa buong canteen.
“Yup, kaibigan, as in friends,” anito nang marahil makuha ang kaniyang ibig sabihin.
“Ang ingay mo ah!” ngiting-ngiting saway niya nang mapuna ang ilang pares ng matang nagtinginan sa gawi nila.
“Ang ibig sabihin ba ng smile na iyan ay isang malaking YES?”
“S-sige,” habang sa puso niya ay ang kakaibang tuwang hindi niya maipaliwanag.
“Right, now were friend’s sasabay kana sakin mamaya? And dahil wala si Hara ako na muna ang proxy niya okay? Sabay tayong mag lunch ha? Pupuntahan kita sa classroom mo,” magkakasunod nitong sabi.
“Naku huwag mo na akong sunduin sa classroom!” maagap niyang sabi.
“Bakit? Kasi nakakahiya?” aliw na aliw siyang tinitigan ng binata.
“Baka kasi tuksuhin ako ng mga kaklase ko.”
Tumango-tango ang binata. “Ganoon din naman iyon, saka masanay kana kasi ngayong magkaibigan na tayo sa lahat ng oras makikita mo na ang mukhang ito.”
Nagbuntong hininga siya. “Okay sige, basta iyong promise mo?”
“Promise.”
KINAHAPUNAN gaya ng napag-usapan nila ni Vinnie ay hinintay niya ang dalaga sa parking lot. Sa Friday pa naman ang simula ng rehearsal nila para sa dulang Noli Me Tangere kaya pwede pa nilang dalawin si Hara ng magkasama. Napangiti pa siya nang maalala ang naging usapan nilang apat nang ikuwento niya sa mga ito sa unang pagkakataon si Vinnie. Ang nag-iisang babaeng nagpaligalig ng puso niya.
Dahil sa kabila ng hiyang nararamdaman niya, iniabot parin niya ang kamay sa binata. At nang maramdaman niya ang init ng palad nito para siyang nag-time travel. Feeling niya siya si Cinderella na isinasayaw ng waltz ng kanyang prince. Iyon nga lang talagang hindi niya nagawang tingnan ito sa mata. Kaya nanatili nalang siyang nakayuko habang nagsasayaw sila. Naniniwala siyang gentleman si JV at iyon ang nakikita niyang dahilan kung bakit nagawa niyang sumama dito ngayon. May tiwala siya sa binata at nararamdaman niyang safe siya kapa
PAGLABAS nila ng private room ni Hara ay noon niya natanawang parating sina Carmela at Jovic. Nakita niyang kay Vinnie agad napako ang paningin ng dalawa lalo na ang Mama niya na sinuyod pa ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa. Mabilis niyang naramdaman ang inis para sa ina. Lalo na nang mapuna niyang nahihiyang nagyuko ng ulo si Vinnie na bahagya pang sumiksik sa tabi niya. Sa huling ginawing iyon n
MEDYO maaga ang labas niya noon kaya nag-decide siya na huwag ng hintayin si JV at mauna na sa Guildhall. Iyon ang ikapitong araw ng kanilang rehearsal. After ng practice nila ay diretso naman siya sa training niya kay JV. Wala namang kaso sa parents niya ang tungkol doon dahil naipaalam naman niya ng maayos sa mga ito ang tungkol sa play.Ilang araw narin mula nang una siyang isama ng binata sa bahay ng
“SIGE action.” Ang eksenang pina-practice nila nang araw na iyon ay ang Suyuan sa Asotea. “Crisostomo,” aniyang tumayo sa kinauupuang silya
NAKAHINGA siya ng maluwag nang itigil ni JV ang ginagawa. Pero siya, nanatili paring nakatitig sa binata. May ilang sandali rin silang nanatili sa ganoong ayos. Ang dibdib niya abnormal parin ang tibok. At lalong sumidhi iyon nang makita niyang umangat ang isang kamay ni JV saka masuyong humaplos sa kanyang pisngi.
NATAWA ng mahina doon si JV. “Effortless talaga ang mga paglalambing mo ano?” aniyang hinaplos -haplos ang pisngi ng dalaga.“Naglalambing ba? Hindi naman
“OH kumain ka ng marami ah, alam ko di kapa naghahapunan,” si JV na hindi magkandaugaga sa pagaasikaso sa kanya nang kumakain na sila.Naging busy na kasi noon si Hara sa mga bisita nito kaya si JV at ang tatlo pa nitong mga kaibigan at pati narin si Louise na nobya ni Raphael ang kasama niya.
NATAPOS ang kantapero nagpatuloy siya sa tahimik na pag-iyak. Ilang sandali pagkatapos ay sinimulan ni Raphael na tuyuin ang kanyang mukha. Dahil doon ay nagkaroon siya ng chance na titigan ng husto ang maiitim na mata ng binata. Sa ganda ng mga iyon, mahihiya ang buwan at mga bituin sa madilim na kalangitan.“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat” ang binata na masuyong hinaplos ang kanyang mukha. Suminghot s
MALUGOD naman iyong tinanggap ng kanyang Daddy. “Ganoon rin ako, halika na sa loob sasamahan kita sa kwarto ni Louise” ani Ralph na nagpatiuna papasok sa loob na sinundan naman ni Arthur at maging ni Hilde.Ilang sandali lang at muli silang naiwan ni Dave. “Pagkatapos nito, wala ka ng ibang dapat gawin kundi asikasuhin ang kundisyon mo. Masaya ako para sayo” naramdaman niya sa tinig ng kaibigan ang sinabi nito.Ngumiti siya. “Salamat&rdq
SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise. Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch. Kahit alam niyang ikatlong palapag ng CEDE Building ang silid nina Raphael
SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise.Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch
BASANG-BASA ang mukha niya matapos marinig ang kwento ng binata.“Sinabi ba niya kung bakit niya kami iniwan?”Noon hinawakan ni Raphael ang baba niya saka iniharap rito. &ldqu
NAPABUNGISNGIS doon ang binata.Tumayo ito saka inabot ang kanyang kamay, pagkatapos ay inikot siya ng parang sa sayaw na waltz. Natagpuan niya ang sariling yakap ng kanyang nobyo mula sa kanyang likuran. “Paano yan, ang sabi nila wala daw forever?” napasinghap siya nang maramdaman ang init ng hininga ng binata sa kanyang punong tainga.“M-Meron! Kas
“R-RAPHAEL?”nang mapagsino ang bultong nakatayo sa may pintuan palabas ng veranda ay parang binihusan ng malamig na tubig si Louise kaya mabilis na nawala ang kanyang antok. “k-kararating mo l-lang?” bahagya pa siyang pinanginigan ng tinig nang mapunang humahakbang ang binata palapit sa kanya.
“LET’S dance?” isang oras mula nang dumating sila sa party ni Maia ay noon siya niyayang magsayaw ni Raphael. “H-Ha?” kanina lang niya sinagot ang binata kaya malamang iyon ang dahilan kung bakit parang nakakaramdam parin siya ng kaba ngayon.“Come, ayokong matapos ang gabing ito
“IBIBIGAY ko sa kanya ang pinaka-magandang debut party na kaya kong ibigay.Siyempre ako ang first dance ng aking prinsesa. Darating ang time, ma-i-in love din siya. Ang pangarap ko lang sana makakita siya ng lalakeng magmamahal sa kanya ng kagaya ng pagmamahal ko sayo” nang manatili siyang tahimik ay nagpatuloy ang binata kaya muli niya itong nilingon. Sa pagkakataong iyon ay mas ramdam na niya ang kakaibang atmosphere sa loob ng sasakyan, dahilan kaya bigla parang nagsikip ang loob ng Camaro na minamaneho ng binata.