KINAGABIHAN ay dinatnan na ni JV ang kotse niyang nakagarahe na sa parking space ng kanilang bahay. Mula SJU ay nag-commute nalang siya pauwi kahit inalok naman siya ng ride ng mga kaibigan niya. May gusto kasi siyang makita na hindi naman niya nakita.
“Ma,” bungad niyang hinalikan ang ina sa pisngi.
“Anong nangyari sa inyo ni Irene, hijo?” kahit mababa ang tono ng pananalita ay naramdaman parin ni JV ang disappointment sa tinig ng ina.
“Break na kami Ma,” maikli niyang sagot.
“Makipag-ayos ka sa kanya JV,” anito sa tono na parang wala siyang kakayahang tumanggi.
Nakaramdam siya ng inis. “Nakikipag-flirt siya sa ibang lalaki at ayoko ng ganoon,” pagbibigay katwiran niya sa sarili.
“Sa Sunday magho-host ako ng family dinner at iimbitahan ko sila. Kailangan ninyong magkaayos, you know wala akong ibang babaeng gusto para sa iyo maliban kay Irene,” anitong binigyang diin ang huling tinuran.
Naiiling siyang hindi na nagkomento saka na umakyat sa kanyang kwarto. Wala siyang planong makipagbalikan kay Irene.
Nagbihis lang siya saka na lumabas ng kanyang silid. Nang madaanan ang bukas na silid ni Hara ay awtomatiko siyang napangiti.
Biglang nabuhay sa isip niya ang isang imahe na mula kaninang umaga ay totoong nagpapangiti sa kanya tuwing naaalala niya.
“Brat!” tawag niya sa kapatid na abala sa binabasang libro.
“Oh kuya! May kailangan ka?”
Naupo siya sa gilid ng kama nito.
“Tell me, gaano katagal mo ng kaibigan si Miss L?” hindi niya napigil ang sariling itanong iyon sa kapatid dahil talagang interesado siya kay Vinnie.
Naghihinala ang tinging ipinukol sa kanya ni Hara.
“Nitong June lang kami nagkakilala. Paano mo siya nakilala? Saka pano napunta sayo yung panyo niya?” magkakasunod nitong tanong na ibinaba pa sa ibabaw ng kama ang binabasa nitong libro.
Napangiti siya. “Secret iyan, bakit hindi ba niya sinabi sayo?”
Umiling si Hara ng magkakasunod.
“Mahiyain kasi iyong si Vinnie, saka napaka-private na tao nun. Actually kabaligtaran siya ng lahat ng naging kabit mo!” anitong napabungisngis nang sabihin ang salitang kabit.
“Napansin ko ngang parang may pagka-shy type siya” aniya. Kilala niya si Hara, alam niya kung paano pasusumpungin ang kadaldalan nito.
“Oo, pero mabait iyon at matalino. Teka, bakit parang sobrang interesado ka sa kanya?” taas ang isang kilay nitong nangingiting tanong.
“W-Wala! Bakit masama bang kaibiganin ang kaibigan ng kapatid ko?”
“Ows? O baka naman gusto mo siya? Alam mo kasi ang sabi niya sakin NBSB siya,” at nagsimula na nga ang kadaldalan ni Hara.
“What?”
Tumawa ng malakas si Hara. “No Boyfriend Since Birth! Iyon ang meaning nung sinabi ko!”
“Di ibig sabihin pala kahit minsan hindi pa siya nagkakaboyfriend?”
“Oo. Ang sabi kasi niya sakin bawal daw siyang makipag-boyfriend kasi paaral siya ng kuya niya. Alam mo na bunso at nag-iisang babae. Saka nakita mo naman kahit walang make-up at kahit nakasalamin eh talaga namang napakaganda niya di ba? Kaya nga natipuhan mo siya eh. Pero ewan ko ba sa bruhang iyon, nasabi naman niya sakin na may contact lens siya pero bihira niyang gamitin. Siguro kasi hindi pa sanay.”
Tumango-tango siya kaya nagpatuloy si Hara.
“Pero kuya kung may plano kang gawing past time si Vinnie huwag mo ng ituloy. Bestfriend ko iyon eh, baka kasi masira ang pagkakaibigan namin at ayokong mangyari iyon,” bigla ay nagseryoso ang aura ng mukha ni Hara.
“Hayun at hinusgahan nanaman ako ng kapatid ko,” natatawa niyang sabi.
“Hindi naman, worried lang ako sa kanya kasi alam ko naman kung ano sayo ang mga babae,” paliwanag ni Hara.
Hindi siya nakapagsalita. Kahit sarili niyang kapatid hindi siya talagang kilala. Walang imik niyang tinungo ang pinto. At nang lingunin niya si Hara ay nakita niyang nakasunod ito ng tingin sa kanya.
“Sa totoo lang brat, parang hindi ko kayang gawing past time si Miss L,” hindi iyon biro.
Hindi siya naniniwala sa love at first sight dahil hindi pa naman talaga siya naiinlove pero ang nararamdaman niya kay Vinnie ay hindi niya kayang ipaliwanag.
Para itong si Maria Clara, mahinhin, mahiyain pero kayang akitin ang lahat dahil sa natatangi nitong katangian. At kahit gaano man ito kasimple ay mas nangingibabaw parin ang tunay nitong kagandahan.
Gusto niya ito. Hindi niya alam pero talagang gustong-gusto niya si Vinnie. Kaiba sa lahat ng babaing nagdaan na sa buhay niya. At masasabi niyang ito ang tipo niyang babae.
DALAWANG araw ang lumipas at muli silang nagkita ni Mr. Giron. Nakahinga siya ng maluwag nang ibalita nito sa kanyang nakaisip na ito ng paraan kung paano niya babawiin ang naiwala niyang grade.
“Kung sasang-ayunan mo mas mabuti,” anito pang hinubad ang suot na salamin.
Napangiti siya saka nilingon si Hara na nakaupo sa silya nito di kalayuan sa loob ng silid.
“Naku sir kahit ano po basta kaya ko gagawin ko, mabawi ko lang iyong grade na naiwala ko.”
Ngumiti narin ang matanda na tila ba nahawa sa kasiglahan ng tinig niya.
“Mabuti, hindi naman mahirap. At sa totoo lang bagay na bagay sayo ang papel na gagampanan mo.”
Literal siyang napanganga sa narinig saka napaupo sa silyang nasa harapan ng desk ng guro.
“A-Ano p-pong papel na gagampanan?”
“Ikaw ang gaganap na Maria Clara sa dula na gaganapin sa susunod na buwan. Ako ang talagang nag-suhestiyon sa iyo para ganapan ang papel na iyon,” paliwanag pa ng matanda.
Natilihan siya sa narinig. “P-Pero sir, hindi naman po ako member ng SJU Theater Arts Guild. Saka isa pa po, wala rin akong background sa pag-arte,” paliwanag pa niya.
Tumango ang matanda. “Kinulang sila ng tauhan para sa dula, at iyong tungkol sa pag-arte huwag kang mag-alala nasabi ko narin iyan kay Joey na posibleng wala ka pang background sa acting at willing silang turuan ka,” maikli nitong sabi na nakuha naman niya ang ibig sabihin.
Ilang sandali siyang hindi nakapagsalita. Parang nagkamali yata ng pisil si Mr. Giron dahil malabong maging effective siyang actress. Napaka-mahiyain niya at hindi niya kayang umarte sa harap ng maraming tao.
“Ano sa tingin mo Miss Lustre? Kailangan ko na ang sagot mo ngayon, may klase pa ako in fifteen minutes. Para masabi ko narin kay Joey ang tungkol rito.”
Wala ka ng choice Vinnie, ano ka ba naman face your fear. Ang kaniyang isipan.
“S-Sige po sir” lakas-loob niyang sagot saka pa nagbuntong hininga pagkatapos.
Wala naman na siyang ibang option, kung hindi niya tatanggapin iyon malaki ang mawawala sa kanya. “Good, ipaaalam ko na sa kanya ang tungkol rito at ikaw bilang pinaka-bago nilang myembro.”
Matagal nang wala sa harapan niya si Mr. Giron ay nakatitig parin siya sa binakante nitong mesa.
“Hoy Lavinia!” untag sa kanya ni Hara na kaniyang ikinagulat.
“H-Ha?”
“Sabi ko anong sinabi sayo ni sir at parang nawala ka sa sarili mo?” natatawang naupo pa ang dalaga sa tabi niya.
Malungkot siyang nagbuntong hininga saka nangalumbaba. “Ayun, gaganap akong Maria Clara sa play.”
Sukat sa sinabi niyang iyon ay impit na napatili si Hara. “Oh my it's meant to be!” anitong kinilig pa na kaniya namang ipinagtaka.
“Okay ka lang?” salubong ang mga kilay niyang tanong.
Makahulugan ang ngiti at tinging ipinukol nito sa kanya. “Gosh! Anyway, lika na gutom nako eh.”
Nasa corridor na sila nang marinig ang tinig na tumatawag sa pangalan niya. “Y-Yes?”
“I'm Joey” anitong inilahad ang kamay sa kanya. Tinanggap naman niya iyon. “ako ang head ng SJU Theater Arts Guild. Nasabi na sakin ni Mr. Giron ang tungkol sayo, anyway mamayang six PM may meeting tayo sa Guildhall. Sana makarating ka.”
“Darating siya,” sabad naman ni Hara na ngumiti pa sa kanya nang lingunin niya ito.
“Sige, aasahan ka namin kung gayon. Anyway, welcome to the group. I'm sure mag-e-enjoy ka,” anitong mabait muna siyang nginitian bago tinalikuran.
“Naks! Instant celebrity ang bestfriend ko! You made me so proud!” nasa tinig ni Hara ang sinabi.
“Nakakainis, ayoko naman talaga eh,” aniya “eh wala naman akong choice. Paano yung grade ko sa Filipino?”
“Kaya huwag ka ng mag-inarte diyan okay? Bahala ka fourty percent ng grade natin ang galing doon,” ani Hara na siya naman talagang totoo.
BUKAS ang ilaw pero wala pang tao sa Guildhall. Alam niyang ilang beses man niyang sisihin ang sarili kaya siya nalagay sa ganoong klase ng sitwasyon ay wala narin naman siyang magagawa. Kaya naman isa nalang ang kailangan niyang gawin. At iyon ay ang pagbutihin ang papel na gagampanan.
KINAHAPUNAN gaya ng napag-usapan nila ni Vinnie ay hinintay niya ang dalaga sa parking lot. Sa Friday pa naman ang simula ng rehearsal nila para sa dulang Noli Me Tangere kaya pwede pa nilang dalawin si Hara ng magkasama. Napangiti pa siya nang maalala ang naging usapan nilang apat nang ikuwento niya sa mga ito sa unang pagkakataon si Vinnie. Ang nag-iisang babaeng nagpaligalig ng puso niya.
Dahil sa kabila ng hiyang nararamdaman niya, iniabot parin niya ang kamay sa binata. At nang maramdaman niya ang init ng palad nito para siyang nag-time travel. Feeling niya siya si Cinderella na isinasayaw ng waltz ng kanyang prince. Iyon nga lang talagang hindi niya nagawang tingnan ito sa mata. Kaya nanatili nalang siyang nakayuko habang nagsasayaw sila. Naniniwala siyang gentleman si JV at iyon ang nakikita niyang dahilan kung bakit nagawa niyang sumama dito ngayon. May tiwala siya sa binata at nararamdaman niyang safe siya kapa
PAGLABAS nila ng private room ni Hara ay noon niya natanawang parating sina Carmela at Jovic. Nakita niyang kay Vinnie agad napako ang paningin ng dalawa lalo na ang Mama niya na sinuyod pa ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa. Mabilis niyang naramdaman ang inis para sa ina. Lalo na nang mapuna niyang nahihiyang nagyuko ng ulo si Vinnie na bahagya pang sumiksik sa tabi niya. Sa huling ginawing iyon n
MEDYO maaga ang labas niya noon kaya nag-decide siya na huwag ng hintayin si JV at mauna na sa Guildhall. Iyon ang ikapitong araw ng kanilang rehearsal. After ng practice nila ay diretso naman siya sa training niya kay JV. Wala namang kaso sa parents niya ang tungkol doon dahil naipaalam naman niya ng maayos sa mga ito ang tungkol sa play.Ilang araw narin mula nang una siyang isama ng binata sa bahay ng
“SIGE action.” Ang eksenang pina-practice nila nang araw na iyon ay ang Suyuan sa Asotea. “Crisostomo,” aniyang tumayo sa kinauupuang silya
NAKAHINGA siya ng maluwag nang itigil ni JV ang ginagawa. Pero siya, nanatili paring nakatitig sa binata. May ilang sandali rin silang nanatili sa ganoong ayos. Ang dibdib niya abnormal parin ang tibok. At lalong sumidhi iyon nang makita niyang umangat ang isang kamay ni JV saka masuyong humaplos sa kanyang pisngi.
NATAWA ng mahina doon si JV. “Effortless talaga ang mga paglalambing mo ano?” aniyang hinaplos -haplos ang pisngi ng dalaga.“Naglalambing ba? Hindi naman
NATAPOS ang kantapero nagpatuloy siya sa tahimik na pag-iyak. Ilang sandali pagkatapos ay sinimulan ni Raphael na tuyuin ang kanyang mukha. Dahil doon ay nagkaroon siya ng chance na titigan ng husto ang maiitim na mata ng binata. Sa ganda ng mga iyon, mahihiya ang buwan at mga bituin sa madilim na kalangitan.“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat” ang binata na masuyong hinaplos ang kanyang mukha. Suminghot s
MALUGOD naman iyong tinanggap ng kanyang Daddy. “Ganoon rin ako, halika na sa loob sasamahan kita sa kwarto ni Louise” ani Ralph na nagpatiuna papasok sa loob na sinundan naman ni Arthur at maging ni Hilde.Ilang sandali lang at muli silang naiwan ni Dave. “Pagkatapos nito, wala ka ng ibang dapat gawin kundi asikasuhin ang kundisyon mo. Masaya ako para sayo” naramdaman niya sa tinig ng kaibigan ang sinabi nito.Ngumiti siya. “Salamat&rdq
SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise. Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch. Kahit alam niyang ikatlong palapag ng CEDE Building ang silid nina Raphael
SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise.Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch
BASANG-BASA ang mukha niya matapos marinig ang kwento ng binata.“Sinabi ba niya kung bakit niya kami iniwan?”Noon hinawakan ni Raphael ang baba niya saka iniharap rito. &ldqu
NAPABUNGISNGIS doon ang binata.Tumayo ito saka inabot ang kanyang kamay, pagkatapos ay inikot siya ng parang sa sayaw na waltz. Natagpuan niya ang sariling yakap ng kanyang nobyo mula sa kanyang likuran. “Paano yan, ang sabi nila wala daw forever?” napasinghap siya nang maramdaman ang init ng hininga ng binata sa kanyang punong tainga.“M-Meron! Kas
“R-RAPHAEL?”nang mapagsino ang bultong nakatayo sa may pintuan palabas ng veranda ay parang binihusan ng malamig na tubig si Louise kaya mabilis na nawala ang kanyang antok. “k-kararating mo l-lang?” bahagya pa siyang pinanginigan ng tinig nang mapunang humahakbang ang binata palapit sa kanya.
“LET’S dance?” isang oras mula nang dumating sila sa party ni Maia ay noon siya niyayang magsayaw ni Raphael. “H-Ha?” kanina lang niya sinagot ang binata kaya malamang iyon ang dahilan kung bakit parang nakakaramdam parin siya ng kaba ngayon.“Come, ayokong matapos ang gabing ito
“IBIBIGAY ko sa kanya ang pinaka-magandang debut party na kaya kong ibigay.Siyempre ako ang first dance ng aking prinsesa. Darating ang time, ma-i-in love din siya. Ang pangarap ko lang sana makakita siya ng lalakeng magmamahal sa kanya ng kagaya ng pagmamahal ko sayo” nang manatili siyang tahimik ay nagpatuloy ang binata kaya muli niya itong nilingon. Sa pagkakataong iyon ay mas ramdam na niya ang kakaibang atmosphere sa loob ng sasakyan, dahilan kaya bigla parang nagsikip ang loob ng Camaro na minamaneho ng binata.