Share

KABANATA 3

Author: Jessica Adams
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

NANLAKI ang mga mata ni Vinnie sa nakita. Hindi siya pwedeng magkamali, kahit naman sabihing madalim noon sa auditorium ay nabista niya ng husto ang mukha ng lalaking nakasayaw niya ng waltz!

Ang gwapo naman, pang-Hollywood ang karisma!

Naisip pa niya saka palihim na sinulyapan ang repleksyon ng binata sa rear view mirror na nasa loob ng traysikel kung saan niya ito katabing nakaupo. Pagkatapos ay kinikilig niyang nakagat ang pang-ibaba labi.

Maputi, matangos ang ilong ang kipot-kipot ng labi at brown ang buhok nitong mas kilala sa tawag na celebrity cut style. Kahit ayaw niya hindi parin niya napigilan ang mapangiti dahil sa tindi ng kilig na nararamdaman lalo pa't humahalimuyak ang scent ng cologne nito.

Sobrang swabe sa ilong kaya parang gusto niyang ihilig ang ulo sa malapad na balikat ng lalaki.

Pwedeng-pwede kang maging hero sa diary ko!

“Taking inventory Miss?” napahumindig siya nang amused itong lumingon sa kanya.

Naumid ang dila niyang napatitig lang sa katabi saka magkakasunod na nagbuntong hininga. Sa totoo lang hindi niya naisip minsan man na may ganito kagwapong lalaki sa SJU.

“Ay, ikaw pala iyan, sorry hindi kita masyadong namukhaan kanina. I'm happy, nagkita ulit tayo,” nakangiti nitong sabi. “Jose Victorino De Vera III, JV for short,” pakilala nito saka nakangiting inilahad ang palad sa kanyang harapan.

“T-The Third? D-De Vera?” hindi makapaniwala niyang bulalas.

Best friend at classmate niya si Hara Marie De Vera. Apo ng isa sa apat na founder ng SJU. Nang magbukas ang klase noong June niya ito nakilala. Naging seatmate sila nito sa isang subject dahil hindi naman sila alphabetically arranged. At noon nga sila naging malapit ng dalaga.

Sa loob ng ilang buwan ay naikwento narin nito ang ilang bagay tungkol sa pamilya nito. At maging ang tungkol sa The Thirds.

Ang pinakakilalang grupo sa St. Joseph University na kinabibilangan nina John David Estriber III, Raphael Dela Merced III, Lemuel Policarpio III at ng kuya nga nitong si Jose Victorino “JV” De Vera III.

Sila ang third generation ng apat na founders ng St. Joseph University, ang pinaka-prestihiyosong eskwelahan sa bayan ng Mercedes.

Gaya ng ibang kilalang unibersidad sa Maynila, kumpleto ang SJU sa lahat ng makabago at high-tech facilities.

High and quality education is offered, complete from Nursery to College and even Doctoral and Masteral degree. And one of the universities in the country granted full-autonomy by the Commission on Higher Education.

Ibig sabihin, allowed ang SJU na mag-design ng sarili nitong curricula, mag-offer ng mga bagong programa, magbukas ng mga sangay o satelite campuses without having to secure permits from CHED, at iba pa. Kaya naman kayang-kaya nitong makipagsabayan sa alinmang malalaki at sikat na unibersidad sa Pilipinas.

Anyway, sa kabila ng pagiging malapit nila ni Hara ay hindi siya nagkaroon ng chance na makilala ng personal ang kuya nito. Hindi naman kasi siya dumadalaw sa bahay ng mga De Vera.

Bukod pa sa katotohanang hindi nagku-krus ang landas nila noon bago ang Foundation Ball kaya hindi nagkaroon ng pagkakataon si Hara para maipakilala siya rito.

At kailangan rin naman niyang amining minsan man ay hindi siya na-curious sa itsura ni JV kahit pa balitang napaka-gwapo nito.

Mas okay nga iyon, naging parang fairytale ang una naming pagkikita kasi mas romantic.

Naiisip pa niya habang ang kilig nasa puso niya ay parang permenente na yata. At nakadagdag pa roon ang katotohanang isinayaw siya ni JV noong Foundation Ball kaya lalo siyang kinilig ng lihim.

HINDI niya naawat ang sariling mapangiti dahil sa lumarawang pagkamangha sa mukha ng kaharap.

Why hide those impressive brown eyes?

Naisip pa niya nang mapagmasdan ng husto ang mga mata ng dalaga na bagaman may suot na glasses ay napakaganda naman talaga. Ang mga labi nito natural na mapupula, walang bahid ng anumang cosmetic. Mamula-mula ang kutis dahil sa likas ang kulay nitong mestisahin.

Maitim ang hanggang balikat nitong buhok na para bang napakalambot. At dahil nga hinahangin ng bahagya ay malaya niyang nasasamyo ang bango niyon.

Her beauty is so pure like the petals of roses that are red. At lalo pa itong gumaganda habang pinagmamasdan niya.

“Yeah, bakit?” aniya.

Magkakasunod itong umiling.

“W-Wala po” anitong ibinalik ang tingin sa binabasang libro saka minabuting huwag tanggapin ang pakikipag-kamay niya.

Introduction to Psychology, small world huh! Kapatid ko si Hara Marie De Vera, classmate mo siya?” tanong niya sa isang tinig na nakikipagkaibigan nang mabasa ang cover ng librong nakapatong sa lap nito.

Noon pa mang gabi ng Foundation Ball ay napuna na niyang may pagkamahiyain ang dalaga. At hindi karaniwan sa kaniya ang ganoon dahil madalas ang mga babae ang unang nagpapakita ng motibo sa kanya. Hindi naman kalabisan pero ngayon lang siya naka-encounter ng shy type na gaya nito.

Hindi ito sumagot at sa halip ay isinaksak lang sa tainga nito ang earphone saka itinuon ang atensyon sa binabasa. Natawa siya ng mahina saka naiiling na binasa ang mga labi. Narating nila ang SJU nang hindi na nag-usap minsan man.

“Ako na,” aniya nang makitang nagbabayad ang dalaga.

“Thanks,” halos pabulong nitong sabi saka na muling isinuot ang earphone at nagmamadaling naglakad palayo.

At dahil nga nagmamadali at naka-earphone pa ay hindi na nito narinig ang magkakasunod niyang pagtawag dito.

Naihulog kasi ng dalaga ang green nitong panyo. Nakangiti niya iyong pinagmasdan saka napuna ang nakaburda sa gilid noon.

Lavinia Leigh Lustre

Nang mabuo ang isang ideya sa isip niya ay hindi na niya inabala ang sariling habulin ang dalaga.

“SIR please naman po isang chance pa?” pakiusap niya. Patapos na ang klase nila sa Filipino nang dumating siya sa classroom.

“Pasensiya ka na Miss Lustre, hindi valid ang reason mo kaya hindi ko pwedeng gawin iyan,” tanggi naman ni Mr. Giron sa gusto niyang mangyari.

Alam naman niya iyon. Nagbabakasali lang siya na baka mapagbigyan siya nito. “Ibang option sir, o special project nalang kaya?” fourty percent kasi ng grade nila ang nanggagaling sa recitation at sakop niyon ang reporting.

Noon siya nito hinarap. “Okay, I'll see what I can do pero hindi ako nangangako okay?”

Napapalakpak siya sa narinig. “Salamat po.”

“Ano ba naman kasing nangyari sayo? Bakit ka na-late?” ang naitanong sa kanya ni Hara nang maupo siya sa tabi nito.

Nagkibit siya nang balikat. At sa pagkakatitig niya sa magandang mukha ng kaibigan ay biglang nanumbalik sa isipan niya ang napakagwapong kuya nito, si JV.

Noon siya napaisip. Sasabihin ba niya kay Hara na dalawang beses na niyang nameet ang kuya nito? Walang anuman siyang napalabi. Huwag na siguro, baka mabuking pa siya sa sikretong siya lang ang dapat na makaalam. And soon, her diary.

Well, bulag nalang ang hindi hahanga sa napakagwapong binata. No wonder marami ang naghahabol rito, dahil sabi nga niya kanina. Pang-Hollywood ang karisma.

“Parang nagugutom ako, kain tayo?” para siyang naalimpungatan nang marinig ang sinabi ng kasama.

“H-Ha? Sure! Tara na...”

Noon siya tinawanan ni Hara. “Alam mo mula kanina parang wala ka sa sarili mo?”

Nangingiti niyang inirapan ang kaibigan. “Ikaw ang dami mong napapansin!”

Umikot ang mga mata ni Hara. “Look who's talking! Kaya nga magkasundo tayo di ba?”

Nasa quadrangle na sila nang makarinig siya nang kung sinong tila tumatawag sa pangalan niya. Hinanap niya iyon. Galing sa building ng CEDE. Hindi iyon malayo sa kinatatayuan nila kaya narinig niya ng malinaw.

“B-Bakit ka tinatawag ng kuya ko?” takang naisatinig ni Hara. “magkakilala na ba kayo? Hindi ko alam iyon ah!” anitong makahulugan siyang tinitigan.

“H-Ha?” pero bago pa man niya madugtungan ang sinabi ay mabilis ng nakababa si JV mula sa second floor ng college building nito at tumatakbong lumapit sa kanila.

“Kuya!”

“Hi!” ngiting-ngiti nitong sabi nang makalapit sa kanila. “here, naihulog mo kanina,” saka nito inilabas sa bulsa ng pantalon nito ang isang berdeng panyo.

Mabilis na nag-init ang mukha niya saka nahihiyang tinitigan ang binata. “T-Thanks.”

“Paano napunta sayo ang panyo ni Vinnie kuya?” salubong ang mga kilay na tanong ni Hara.

“Tanungin mo nalang si Vinnie, di ba Miss L?” meaningful ang titig na ipinukol sa kanya ng binata kaya lalong nag-init ang mukha niya.

“Miss L? At may nickname kana agad sa kanya?”

Nakita niyang kinindatan lang ni JV ang kapatid saka siya mabait na nginitian bago ito tumalikod.

“I'll just see you around,” anito pa.

“Ano daw? May something ba sa inyo nang kuya?” magkakasunod na tanong ni Hara na ipinagkibit balikat lang niya.

Kaugnay na kabanata

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 4

    KINAGABIHAN ay dinatnan na ni JV ang kotse niyang nakagarahe na sa parking space ng kanilang bahay. Mula SJU ay nag-commute nalang siya pauwi kahit inalok naman siya ng ride ng mga kaibigan niya. May gusto kasi siyang makita na hindi naman niya nakita.“Ma,” bungad niyang hinalikan ang ina sa pisngi.

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 5

    BUKAS ang ilaw pero wala pang tao sa Guildhall. Alam niyang ilang beses man niyang sisihin ang sarili kaya siya nalagay sa ganoong klase ng sitwasyon ay wala narin naman siyang magagawa. Kaya naman isa nalang ang kailangan niyang gawin. At iyon ay ang pagbutihin ang papel na gagampanan.

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 6

    KINAHAPUNAN gaya ng napag-usapan nila ni Vinnie ay hinintay niya ang dalaga sa parking lot. Sa Friday pa naman ang simula ng rehearsal nila para sa dulang Noli Me Tangere kaya pwede pa nilang dalawin si Hara ng magkasama. Napangiti pa siya nang maalala ang naging usapan nilang apat nang ikuwento niya sa mga ito sa unang pagkakataon si Vinnie. Ang nag-iisang babaeng nagpaligalig ng puso niya.

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 7

    Dahil sa kabila ng hiyang nararamdaman niya, iniabot parin niya ang kamay sa binata. At nang maramdaman niya ang init ng palad nito para siyang nag-time travel. Feeling niya siya si Cinderella na isinasayaw ng waltz ng kanyang prince. Iyon nga lang talagang hindi niya nagawang tingnan ito sa mata. Kaya nanatili nalang siyang nakayuko habang nagsasayaw sila. Naniniwala siyang gentleman si JV at iyon ang nakikita niyang dahilan kung bakit nagawa niyang sumama dito ngayon. May tiwala siya sa binata at nararamdaman niyang safe siya kapa

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 8

    PAGLABAS nila ng private room ni Hara ay noon niya natanawang parating sina Carmela at Jovic. Nakita niyang kay Vinnie agad napako ang paningin ng dalawa lalo na ang Mama niya na sinuyod pa ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa. Mabilis niyang naramdaman ang inis para sa ina. Lalo na nang mapuna niyang nahihiyang nagyuko ng ulo si Vinnie na bahagya pang sumiksik sa tabi niya. Sa huling ginawing iyon n

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 9

    MEDYO maaga ang labas niya noon kaya nag-decide siya na huwag ng hintayin si JV at mauna na sa Guildhall. Iyon ang ikapitong araw ng kanilang rehearsal. After ng practice nila ay diretso naman siya sa training niya kay JV. Wala namang kaso sa parents niya ang tungkol doon dahil naipaalam naman niya ng maayos sa mga ito ang tungkol sa play.Ilang araw narin mula nang una siyang isama ng binata sa bahay ng

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 10

    “SIGE action.” Ang eksenang pina-practice nila nang araw na iyon ay ang Suyuan sa Asotea. “Crisostomo,” aniyang tumayo sa kinauupuang silya

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 11

    NAKAHINGA siya ng maluwag nang itigil ni JV ang ginagawa. Pero siya, nanatili paring nakatitig sa binata. May ilang sandali rin silang nanatili sa ganoong ayos. Ang dibdib niya abnormal parin ang tibok. At lalong sumidhi iyon nang makita niyang umangat ang isang kamay ni JV saka masuyong humaplos sa kanyang pisngi.

    Huling Na-update : 2024-10-29

Pinakabagong kabanata

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 25 & EPILOGUE

    NATAPOS ang kantapero nagpatuloy siya sa tahimik na pag-iyak. Ilang sandali pagkatapos ay sinimulan ni Raphael na tuyuin ang kanyang mukha. Dahil doon ay nagkaroon siya ng chance na titigan ng husto ang maiitim na mata ng binata. Sa ganda ng mga iyon, mahihiya ang buwan at mga bituin sa madilim na kalangitan.“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat” ang binata na masuyong hinaplos ang kanyang mukha. Suminghot s

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 24

    MALUGOD naman iyong tinanggap ng kanyang Daddy. “Ganoon rin ako, halika na sa loob sasamahan kita sa kwarto ni Louise” ani Ralph na nagpatiuna papasok sa loob na sinundan naman ni Arthur at maging ni Hilde.Ilang sandali lang at muli silang naiwan ni Dave. “Pagkatapos nito, wala ka ng ibang dapat gawin kundi asikasuhin ang kundisyon mo. Masaya ako para sayo” naramdaman niya sa tinig ng kaibigan ang sinabi nito.Ngumiti siya. “Salamat&rdq

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 23

    SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise. Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch. Kahit alam niyang ikatlong palapag ng CEDE Building ang silid nina Raphael

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 22

    SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise.Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 21

    BASANG-BASA ang mukha niya matapos marinig ang kwento ng binata.“Sinabi ba niya kung bakit niya kami iniwan?”Noon hinawakan ni Raphael ang baba niya saka iniharap rito. &ldqu

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 20

    NAPABUNGISNGIS doon ang binata.Tumayo ito saka inabot ang kanyang kamay, pagkatapos ay inikot siya ng parang sa sayaw na waltz. Natagpuan niya ang sariling yakap ng kanyang nobyo mula sa kanyang likuran. “Paano yan, ang sabi nila wala daw forever?” napasinghap siya nang maramdaman ang init ng hininga ng binata sa kanyang punong tainga.“M-Meron! Kas

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 19

    “R-RAPHAEL?”nang mapagsino ang bultong nakatayo sa may pintuan palabas ng veranda ay parang binihusan ng malamig na tubig si Louise kaya mabilis na nawala ang kanyang antok. “k-kararating mo l-lang?” bahagya pa siyang pinanginigan ng tinig nang mapunang humahakbang ang binata palapit sa kanya.

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 18

    “LET’S dance?” isang oras mula nang dumating sila sa party ni Maia ay noon siya niyayang magsayaw ni Raphael. “H-Ha?” kanina lang niya sinagot ang binata kaya malamang iyon ang dahilan kung bakit parang nakakaramdam parin siya ng kaba ngayon.“Come, ayokong matapos ang gabing ito

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 17

    “IBIBIGAY ko sa kanya ang pinaka-magandang debut party na kaya kong ibigay.Siyempre ako ang first dance ng aking prinsesa. Darating ang time, ma-i-in love din siya. Ang pangarap ko lang sana makakita siya ng lalakeng magmamahal sa kanya ng kagaya ng pagmamahal ko sayo” nang manatili siyang tahimik ay nagpatuloy ang binata kaya muli niya itong nilingon. Sa pagkakataong iyon ay mas ramdam na niya ang kakaibang atmosphere sa loob ng sasakyan, dahilan kaya bigla parang nagsikip ang loob ng Camaro na minamaneho ng binata.

DMCA.com Protection Status