SUNOD-SUNOD na napailing si JV nang mapagmasdan ang gulong ng kanyang sasakyan.
Kapag minamalas ka nga naman!
Aniya saka sinulyapan ang suot na relo. Noon niya dinukot ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Papupuntahin nalang niya doon ang kanilang family driver.
“Manong Jun,” tawag niya sa matandang janitor na nakita niyang nagwawalis malapit sa may gate ng malaking simbahan.
Ngumiti ito nang makita siya. “Oh JV hijo, mukha yatang problemado ka?” nang makalapit ito.
Natawa siya, dati siyang sakristan noong bata pa siya kaya kilala siya ng mga tao sa simbahan. “Oo nga po eh, teka Manong may ipapakiusap po sana ako sa inyo?” aniya sa nahihiyang tinig.
Tumango ang matanda. “Oo naman, ikaw talagang bata ka. Ano ba iyon?”
“Ipapakisuyo ko ho sana itong kotse ko sa inyo,” aniyang iniabot sa matanda ang susi. “parating na po si Manong Manny, siya na po ang magdadala nito sa casa. Hindi ko na po siya mahihintay kasi malelate na ako sa klase ko.”
“Sige ako na ang bahala. Ang mabuti pa sumakay kana ng traysikel at baka mahuli ka pa.”
“Oo nga pala,” aniyang dinukot ang pitaka. “heto po, pambili ninyo ng gamot. Pasensiya na po nahuli ako nga bigay ngayon,” paumanhin pa niya.
Sandaling pinagmasdan ng matanda ang bills na iniabot niya. “Ang laki naman nito hijo?” anito. “nakakahiya na, hindi mo naman obligasyong sagutin ang gamot ko.”
Kinindatan niya ang matanda. “Dinagdagan ni Papa ang allowance ko, kaya dapat lang na i-share ko ang blessing sa inyo.”
“Napakaswerte ng babaeng pakakasalan mo hijo, napakabait mo. Kung tutuusin wala naman akong nagawang malaki sayo maliban nalang sa pagiging malapit natin noon pa mang bata ka, pero mula nang magkasakit ako ikaw na ang sumasagot sa gamot ko,” nangingilid ang luhang sinabi ng matanda.
“Pamilya ang turing ko sa inyo Manong Jun, iyon nalang ang iisipin ninyo,” aniyang nakangiti pa itong tinapik sa balikat. “mauna na po ako,” paalam pa niya bago tinalikuran ang tumango lang na matanda.
Matandang binata si Manong Jun. Nang mamatay sa aksidente ang katipan nito ay hindi ito nag-asawa. Wala narin itong kamag-anak kaya mag-isa nalang ito sa buhay. Ang kinikita nito sa simbahan bilang janitor ang tanging kabuhayan ng matanda.
Kaya naman nang mapag-alaman niya ang tungkol sa sakit nitong diabetes ay siya na ang nagkusang bigyan ito ng pambili ng gamot monthly.
Sa laki kasi ng allowance niya ay hindi naman kabawasan ang perang ibinibigay niya sa matanda. Naniniwala rin kasi siyang kahit sinong tao deserving para tulungan nagawan ka man nito ng pabor o hindi. At isa pa masarap sa pakiramdam ang nakakagawa siya ng mabuti kahit pa sa SJU ang tingin sa kanya ay playboy.
Well, sino ba naman sa mga naging nobya niya ang totoong nakakakilala sa kanya? Wala pa yata? Iyong tipong kahit hindi siya magsalita ay nagagawang basahin ang iniisip niya. At higit sa lahat alam kung ano ang totoong nararamdaman ng puso niya. Napabuntong hininga pa siya nang maalala ang naging ending nila ni Irene kagabi nang maihatid niya ang dalaga.
“OH hayan dinelete ko na ang number ng lalaking pinagseselosan mo,” ang inis na sabi ni Irene bago ibinalik sa loob ng bag nito ang hawak na cellphone.
“Ako magseselos? Bakit naman? Marami kang pwedeng lokohin pero hindi ako. Sige na bumaba kana, I'm breaking up with you,” aniya.
Noon niya naramdaman ang kamay nito sa kaniyang hita. “JV, please. I love you,” anito.
Kulang ang mga daliri niya sa kamay at paa para mabilang ang lahat ng babaeng nagdaan na sa kanya. Pero ang isang ito lang ang parang walang contentment. Committed sa kanya and yet nagagawa pang makipag-flirt sa iba? At iyon ang pinaka-ayaw niya sa lahat. Kahit sinong lalaki din naman siguro.
Hindi si Irene ang unang spoiled brat na nakarelasyon niya. Pero sa lahat ito ang pinaka-eskandalosa.
Galing ng Maynila ang pamilya nito na matagal na nanirahan doon. At ang ina nitong si Mayen ay bestfriend ng Mama niya. Ang Mama niya ang nag-utos sa kaniyang kaibiganin si Irene. Last summer lang niya ito nakilala at dahil nga laking siyudad, madali niyang nagustuhan ang tipo nito pagdating sa pakikipagrelasyon at well, sa huling naisip ay malisyoso siyang napangiti.
First year ito sa SJU at kumukuha ng Hotel and Restaurant Management. Girlfriend na niya ang dalaga for almost two months. At aminado siyang kahit napakaganda nito at gusto ng Mama niya ay wala siyang nararamdamang ano mang espesyal na damdamin para rito. Siguro dahil wala namang kakaiba kay Irene at sa ibang babaeng nagdaan na sa buhay niya.
“Kahit maghubad ka pa ngayon sa harapan ko hindi mo na mababago ang desisyon ko, so please get out of my car at uuwi na ako,” mababa ang tinig niyang sinabi.
“No! Pagkatapos ng lahat ganito pa ang makukuha ko sayo? How dare you!” ang galit na turan ni Irene.
“Ano bang sinasabi mo? Sa pagkakaalam ko lahat ng ginagawa natin gusto mo, hindi kita pinilit kahit minsan. And besides patas lang naman tayo di ba? Mas lamang ka pa nga kung tutuusin dahil nagagawa mong maging unfaithful ng hindi ko alam.”
“Napaka walanghiya mo talaga! Sumosobra kana!” anitong galit siyang pinagsusuntok sa dibdib.
“Hey! Please huwag kang mag-eskandalo? Baka marinig ng parents mo nakakahiya,” aniyang hinawakan ang dalawang kamay ng dalaga nang mapunang nakatawag ang ginawang iyon ni Irene sa ilang naglalakad sa labas ng malaking bahay ng dalaga.
“Hindi ako papayag na basta mo nalang akong iiwan! At isa pa ako ang gusto ng Mama mo para sayo!” giit nito saka padaskol na bumaba ng kotse.
Halos magiba ang gate sa lakas ng pagkakatulak doon ng dalaga. Napailing siya sa nakita saka mabilis na pinatakbo palayo ang sasakyan.
Totoo naman ang sinabing iyon ni Irene kung tutuusin, kadalasan kasi ang Mama nilang si Carmela ang kumokontrol sa buhay nilang magkakapatid. Panganay siya at may dalawa pang kapatid na babae. Ang sumunod sa kanya ay si Hara na nasa unang taon nito sa SJU sa kursong BS Psychology habang si Savana ay graduating naman sa elementary.
Sa parehong angkan ng mga magulang nila, siya ang unang apo kaya siya rin ang pinakamatanda sa kanilang magpi-pinsan. At sa totoo lang, ngayon palang ay ramdam na niya ang pressure sa lahat ng obligasyong naka-atang na sa balikat niya bilang pinakamatanda sa ikatlong henerasyon ng mga De Vera, particularly.
Paggawa ng furnitures na yari sa rattan ang negosyong pinasok ng mga magulang nilang sina Jovic at Carmela. Mga produktong ine-export nila hindi lang sa mga bansa sa Asya kundi maging sa Amerika at kamakailan lang ay napasok na nito ang Europa.
Sa dalawa, ay mas tutok rito ang Mama nila dahil mas maraming oras ang ginugugol ni Jovic sa pagpapatakbo ng SJU kung saan ito kasalukuyang nakaupo bilang isa sa mga direktor ng unibersidad.
Kasalukuyan parin siyang nag-aabang ng traysikel na masasakyan nang marinig na tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon saka binasa ang mensaheng galing kay Joey. Ang head ng SJU Theater Arts Guild kung saan siya active member.
Elementary days nang magkaroon siya ng interes sa pag-arte. Pero nagsimula iyon hindi sa eskwela kundi sa simbahan. Nang mga panahong iyon kasi ay kasalukuyan pa siyang sakristan sa St. Joseph Cathedral. At maraming event sa simbahan na kadalasan ay mga dulang galing mismo sa Bibliya na kinatatampukan ng mga tao ng simbahan kung saan siya kabilang.
Gaya ng iba, he started from small to heavy roles. At ipinagpatuloy niya ang paggiging active sa acting nang mag-high school siya. Hindi niya pinlanong maging artista at wala siyang balak na i-pursue ang pag-arte after college. Pero dahil nga interes niya, hindi siya nagdalawang isip na ipagpatuloy ang pagsali sa mga acting workshops ng SJU tuwing summer.
And that made him qualified as one of the best actors of the SJU Theater Arts Guild when he entered college. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit bukod sa pagiging the third niya, gaya nina Raphael, Lemuel at Dave ay nakilala siya ng husto sa SJU, partikular na sa mga babae. Doon ay napangiti siya ng wala sa loob.
BS Electronics and Communication Engineering ang course nilang apat at graduating na sa taong- aralang iyon. At dahil nga nasa second floor ng College of Environmental Design and Engineering building ang classroom nila. Madalas kapag wala pa ang prof nila ay nasa corridor sila at nagsa-sightseeing.
Mula kasi doon ay tanaw ang buong quadrangle kaya napagsasawa nila ang mga mata nila sa naggagandahang estudyante. At iyon ang masasabi niyang naging hobby narin nilang apat.
Noong hindi pa nito nakikilala at nagiging nobya si Louise. Si Raphael na siyang lead vocalist ng SJU Rock Band ang masasabi niyang pinakamabilis magpalit ng nobya sa kanila. Hindi na nakapagtataka iyon, because he sings beautifully. At kahit siya mismo ay aminadong napaka-soulful ng boses ng binata.
Bukod kay Raphael ay si Lemuel ang isa pang mahilig sa musika. Mahusay itong tumugtog ng violin at active rin bilang miyembro ng SJU Orchestra. Bukod pa roon ay may talent rin ito sa pagsusulat ng kanta. Kung minsan ito ang tinatawag nilang tatang.
Hindi niya alam kung nagkataon lang pero hindi ito mahirap ihalintulad sa paborito nitong musical instrument. Likas kasi sa binata ang pagiging seryoso at tahimik. Man of few words ika nga nila, at iyon ang nakikita niyang magnet na humihila sa mga babae palapit rito.
Kabaligtaran naman ni Lemuel si Dave dahil napaka-hyper ng binata at laging nakangiti. Iyon ay sa kabila ng pagiging notorious playboy type ng karisma nito. Nag-re-reflect naman sa mga galaw at pitik ni Dave ang totoong personalidad nito kapag sumasayaw ito. At isa iyon mga dahilan kung bakit nakilala ito bilang pinakamahusay na mananayaw ng SJU Dance Troope.
Habang siya? Sa kabila ng pagiging plaboy niya, sa kanilang apat siya lang ang masasabi niyang sa simula palang ay naniniwala na sa magic at destiny. Hindi niya alam kung bunga ba iyon ng maraming kasalan at magagandang wedding vows na narinig na niya noong sakristan pa siya, o baka naman na-inspire lang siya sa nakikitang pagsasama ng mga magulang niya?
Isang matamis na ngunit ang pumunit sa mga labi niya dahil sa isiping iyon saka walang anumang pinara ang isang traysikel saka sumakay.
NANLAKI ang mga mata ni Vinnie sa nakita. Hindi siya pwedeng magkamali, kahit naman sabihing madalim noon sa auditorium ay nabista niya ng husto ang mukha ng lalaking nakasayaw niya ng waltz!Ang gwapo naman, pang-Hollywood ang karisma!
KINAGABIHAN ay dinatnan na ni JV ang kotse niyang nakagarahe na sa parking space ng kanilang bahay. Mula SJU ay nag-commute nalang siya pauwi kahit inalok naman siya ng ride ng mga kaibigan niya. May gusto kasi siyang makita na hindi naman niya nakita.“Ma,” bungad niyang hinalikan ang ina sa pisngi.
BUKAS ang ilaw pero wala pang tao sa Guildhall. Alam niyang ilang beses man niyang sisihin ang sarili kaya siya nalagay sa ganoong klase ng sitwasyon ay wala narin naman siyang magagawa. Kaya naman isa nalang ang kailangan niyang gawin. At iyon ay ang pagbutihin ang papel na gagampanan.
KINAHAPUNAN gaya ng napag-usapan nila ni Vinnie ay hinintay niya ang dalaga sa parking lot. Sa Friday pa naman ang simula ng rehearsal nila para sa dulang Noli Me Tangere kaya pwede pa nilang dalawin si Hara ng magkasama. Napangiti pa siya nang maalala ang naging usapan nilang apat nang ikuwento niya sa mga ito sa unang pagkakataon si Vinnie. Ang nag-iisang babaeng nagpaligalig ng puso niya.
Dahil sa kabila ng hiyang nararamdaman niya, iniabot parin niya ang kamay sa binata. At nang maramdaman niya ang init ng palad nito para siyang nag-time travel. Feeling niya siya si Cinderella na isinasayaw ng waltz ng kanyang prince. Iyon nga lang talagang hindi niya nagawang tingnan ito sa mata. Kaya nanatili nalang siyang nakayuko habang nagsasayaw sila. Naniniwala siyang gentleman si JV at iyon ang nakikita niyang dahilan kung bakit nagawa niyang sumama dito ngayon. May tiwala siya sa binata at nararamdaman niyang safe siya kapa
PAGLABAS nila ng private room ni Hara ay noon niya natanawang parating sina Carmela at Jovic. Nakita niyang kay Vinnie agad napako ang paningin ng dalawa lalo na ang Mama niya na sinuyod pa ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa. Mabilis niyang naramdaman ang inis para sa ina. Lalo na nang mapuna niyang nahihiyang nagyuko ng ulo si Vinnie na bahagya pang sumiksik sa tabi niya. Sa huling ginawing iyon n
MEDYO maaga ang labas niya noon kaya nag-decide siya na huwag ng hintayin si JV at mauna na sa Guildhall. Iyon ang ikapitong araw ng kanilang rehearsal. After ng practice nila ay diretso naman siya sa training niya kay JV. Wala namang kaso sa parents niya ang tungkol doon dahil naipaalam naman niya ng maayos sa mga ito ang tungkol sa play.Ilang araw narin mula nang una siyang isama ng binata sa bahay ng
“SIGE action.” Ang eksenang pina-practice nila nang araw na iyon ay ang Suyuan sa Asotea. “Crisostomo,” aniyang tumayo sa kinauupuang silya
NATAPOS ang kantapero nagpatuloy siya sa tahimik na pag-iyak. Ilang sandali pagkatapos ay sinimulan ni Raphael na tuyuin ang kanyang mukha. Dahil doon ay nagkaroon siya ng chance na titigan ng husto ang maiitim na mata ng binata. Sa ganda ng mga iyon, mahihiya ang buwan at mga bituin sa madilim na kalangitan.“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat” ang binata na masuyong hinaplos ang kanyang mukha. Suminghot s
MALUGOD naman iyong tinanggap ng kanyang Daddy. “Ganoon rin ako, halika na sa loob sasamahan kita sa kwarto ni Louise” ani Ralph na nagpatiuna papasok sa loob na sinundan naman ni Arthur at maging ni Hilde.Ilang sandali lang at muli silang naiwan ni Dave. “Pagkatapos nito, wala ka ng ibang dapat gawin kundi asikasuhin ang kundisyon mo. Masaya ako para sayo” naramdaman niya sa tinig ng kaibigan ang sinabi nito.Ngumiti siya. “Salamat&rdq
SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise. Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch. Kahit alam niyang ikatlong palapag ng CEDE Building ang silid nina Raphael
SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise.Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch
BASANG-BASA ang mukha niya matapos marinig ang kwento ng binata.“Sinabi ba niya kung bakit niya kami iniwan?”Noon hinawakan ni Raphael ang baba niya saka iniharap rito. &ldqu
NAPABUNGISNGIS doon ang binata.Tumayo ito saka inabot ang kanyang kamay, pagkatapos ay inikot siya ng parang sa sayaw na waltz. Natagpuan niya ang sariling yakap ng kanyang nobyo mula sa kanyang likuran. “Paano yan, ang sabi nila wala daw forever?” napasinghap siya nang maramdaman ang init ng hininga ng binata sa kanyang punong tainga.“M-Meron! Kas
“R-RAPHAEL?”nang mapagsino ang bultong nakatayo sa may pintuan palabas ng veranda ay parang binihusan ng malamig na tubig si Louise kaya mabilis na nawala ang kanyang antok. “k-kararating mo l-lang?” bahagya pa siyang pinanginigan ng tinig nang mapunang humahakbang ang binata palapit sa kanya.
“LET’S dance?” isang oras mula nang dumating sila sa party ni Maia ay noon siya niyayang magsayaw ni Raphael. “H-Ha?” kanina lang niya sinagot ang binata kaya malamang iyon ang dahilan kung bakit parang nakakaramdam parin siya ng kaba ngayon.“Come, ayokong matapos ang gabing ito
“IBIBIGAY ko sa kanya ang pinaka-magandang debut party na kaya kong ibigay.Siyempre ako ang first dance ng aking prinsesa. Darating ang time, ma-i-in love din siya. Ang pangarap ko lang sana makakita siya ng lalakeng magmamahal sa kanya ng kagaya ng pagmamahal ko sayo” nang manatili siyang tahimik ay nagpatuloy ang binata kaya muli niya itong nilingon. Sa pagkakataong iyon ay mas ramdam na niya ang kakaibang atmosphere sa loob ng sasakyan, dahilan kaya bigla parang nagsikip ang loob ng Camaro na minamaneho ng binata.